Share

Chapter 2

"Stop! She's my fiance'. We're getting married."

It was Grant.

Lahat ng reporter sa unahan namin ay natahimik. Maging ako man, dahil sa sinabi niya. Nagsimulang kumalabog ang aking dibdib.

Ngunit maya-maya lang ay sunod-sunod na naman ang pag-flash ng camera. 

"Ms. Jade, totoo po ba ang sinabi niya?" 

"Bakit hindi po nababalita ang relasyon ninyo?" 

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. Iniiwas niya ako sa mga ito, upang hindi ako makuhanan ng litrato.

"Because I respect her job as an actress. Hope you do too," he answered bluntly with a streak of sarcasm. "If you don't mind, can we leave?" Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang mga ito. 

Yakap pa rin ako ay naglakad ito pabalik. May mga dumating na ring mga guard. Marahil sinabihan niya kanina. Panay pa rin ang tawag nila sa pangalan ko, habang pilit pinaaalis ng mga guard. 

"Don't look at me as if I am your knight and shining armor." Imbes na magpasalamat ay napanguso na lamang ako. Heck! He's far from being knight and shining armor. 

"Why did you do that?" His brows furrowed and looked at me. Binitawan na ako nito nang masigurong nakalayo na kami.

"Shouldn't you say thank you? Hey punk, I am saving your ass." Umangat pa ang sulok ng labi niya na akala mo'y disappointed sa akin.

"I thought you don't want to pretend as my boyfriend?" tanong ko. Hindi ko pinansin ang kayabangan niya. 

He just stood up straight and crossed his arms over his chest. 

"Just say thank you, and stop complaining," masungit na saad nito. Masusugatan na ako sa talim ng tingin niya. "Bakit ka pa kasi lumabas? Pati ako nadadamay sa' yo eh." 

Aba! Sinabi ko bang magpaka-hero siya roon. Siya naman itong kusang gumawa noon. Tapos isusumbat sa akin.

"Sabi ko intayin mo ako, hindi ba? I'm going to the grocery store," sagot ko sa kanya, ayaw magpatalo. "I can't live without food. Tapos 'yong kapitbahay ko madamot," pagpaparinig ko.

"Wow, after you ate my breakfast earlier." Muntik na akong masamid kahit wala naman akong kinakain. "I only had waffles for breafast, and then kinain pa ng isang pulubi riyan."

Asar na hinampas ko ang braso niya. Malay ko bang breakfast niya 'yon. Ilang gabi na kasi akong walang matinong kain. Hindi ako makalabas dahil sa mga reporters. Tapos hindi pa ako maalam magluto.

"Stop calling me beggar. I'll pay for it." 

"What a brat," rinig kong bulong nito, sadya naman atang pinaririnig sa akin. "Here, save your number." Abot niya sa akin ng kanyang cellphone.

"Why?" 

"Just text me what to buy. H'wag kang mag-assume. I'm doing these as your neighbor." Talagang diniinan pa 'yong neighbor huh. 

"Thank you."

"Not welcome," sagot niya bago tumalikod papunta sa kanyang kotse. 

Ilang oras palang ang nakakalipas, ngunit parang apoy sa bilis kumalat ng balita. Kung noon ang pictures namin ni Sen. Sanchez ang nasa balita, ngayon naman ay 'yong picture namin ni Grant, habang yakap niya ako.

Napapitlag ako nang biglang mag-ring ang aking phone. It's Cecille, my manager.

"Hello. I called you a hundred times, but you didn't answer," untag ko rito nang sagutin ang tawag.

"Who's that guy? Is he really your fiance'? magkasunod na tanong niya. "If it's yes, marry him as soon as possible."

Agad akong napatayo sa upuan dahil sa sinabi niya.

"What?! We're just pretending, Cecille!" 

"Then fake your marriage too."

 Naririnig ba niya ang sinasabi niya? 

"No. For sure hindi iyon papayag. Nasaan ba kasi si Landon? Siya dapat ang tumutulong sa akin rito," nagmamaktol na ani ko. Rinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"He's out of sight," mahinang sagot niya. Halata ang pagod sa boses. Nakokonsensya ako dahil ako ang may kasalanan noon. "Convince him, Jade. We have no other way. Ilang beses na bumalik dito si Mrs. Sanchez. She's looking for you."

Mrs. Sanchez? She's a legal wife of Sen. Gilbert. I have nothing to fear, but who will believe me? How many times have I been accused? Kaso ngayon ay hindi lang basta usap-usapan, meron ng litrato na involve. I repeatedly stroked my forehead. 

"I'll try to convince him." 

"Alright. Don't come out. There's a zombie out there." Kapwa kami natawa sa sinabi niya. She hanged up the call.

Sakto namang pagbukas ng aking pintuan. Niluwa noon si Grant na bitbit ang maraming paper bag.

"You punk! I texted you to pick up these," salubong ang kilay na sabi nito, itinaas pa ng bahagya ang mga dala. "Such a lazy actress." 

"Kausap ko 'yong manager ko. Let me help you."

"Wala ka nang maitutulong," pagsusungit niya. Inilapag lahat ng dala sa may dining table. "Does she already have a plan?"

"Who?"

"Your manager, dumbass." 

"Don't call me dumbass, you jerk." Sasagot pa sana ito pero agad na akong nagsalita, "Actually she has a plan. Pero hindii ko alam kung papayag ka." Kinakabahan ako, baka bigla nalang niya akong sapakin. Hindi pa naman siya mukhang gentleman.

"Why not?" taas-kilay na baling niya sa akin. Huminga muna ako nang malalim. 

"She wants us to get married," halos walang prenong sabi ko. Mariin akong pumikit, iniintay ang pag-sigaw niya. 

"When?" 

"You aren't mad?" nanglalaki ang matang tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin. Tumataas-baba ang adams apple na tanda na may gusto siyang sabihin. 

Napaatras ako nang bigla niya ulit akong lingunin, dahilan para mawalan ako ng balanse. Bago pa man ako tuluyang bumagsak, naikawit na niya ang braso sa aking bewang. Ang mga kamay ko ay nakakapit sa kanyang balikat.

I gulped when his brown eyes intently staring at me. There's no trace of emotion in it. Just a cold gaze. But what he did next made my eyes widened. 

"Aray!" sigaw ko habang hawak ang pwet na tumama sa sahig. Binitawan ako ng gago. 

"You said, you would do anything once I agreed, didn't you?" Kahit masakit pa rin ang pwet ay tumango ako. "Then let's get married."

"And what's the catch?" 

"You'll go with me in our province." 

Tila nawala ata 'yong sakit ng pwet ko dahil sa sinabi niya. Hell no! I don't want to go back there. Never!

"That won't gonna happen, Grant," naiiling na sabi ko. Naging seryoso ang tono. Kung may ayaw man akong balikan sa buhay ko, ay 'yon ang lugar na iyon. 

"Then let's not get married too," malamig na tugon niya. Naglakad na ito palabas.

Tinatakot ba ako ng lalaking ito? Kasi kung oo, effective huh. Ayoko namang ma-stress pa si Cecille.

"Fine! But I'll ask my manager first." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status