Share

Kabanata 8

Kabanata 8: No Biggie

Sinabi ni Caio na doon na kami mananghalian sa pinakamalapit nilang resthouse. Makikita ko na nga iyon na nakatungtong sa isang maliit na burol. Moderno ang disenyo no'n. May mga puno rin ng pino na nasa paligid ng bahay, halos salamin ang pader, habang kongkreto naman ang boardwalk.

"You have quite a lot of men here...and SUVs," sabi ko nang hindi pa kami masyadong nakakalapit sa resthouse.

Kitang-kita ko na ang garaheng halos mapuno ng mga sasakyan. Hindi iyon gano'n kalaki kaya mga limang sasakyan lang ang magkakasya roon. May mga nakatayong mga matitipunong lalaki rin sa paligid na kumakalat, siguro'y suot ang uniporme nilang black suit o hindi kaya ay puting polo at itim na pants.

"I forgot to mention, kahapon ka pa pala inaasahan ni Abue."

Nilingon ko siya sa likod ko at kinuotan ng noo. Kaagad rin akong tumingin sa harapan.

"Huh?"

"Abuela...my grandma," sagot nito.

"How should I call her? Grandma Abuela? Or is she called Donya Abuela?"

Marahang napatawa si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status