Andrea Tahimik ako ng nasa biyahe na kami. Panay ko hikab kaya sinabihan ako ni Atlas na matulog muna kasi malayo pa kami sa bahay nila. Inayos din ni Atlas ang upuan ko at sinabihan ako matulog muna kung inaantok ako. “Kanina ka pa panay hikab. Baby, gigising kita pagdating natin sa bahay,” anang nito inabot pa ang pisngi ko hinaplos niya. Humalukipkip ako tinaasan siya ng kilay ngunit tumaas lang ang sulok ng labi nito ako pa ang pinagtatawanan ng loko. “Hmp! wag kang masyadong mabait sa ‘kin baka manibago ako kapag maghiwalay na tayo...bahala ka hindi na kita pakakawalan pa," ani ko kinangisi nito. "Paano nga ba kung ako rin hindi na kita pakawalan kasi panay mo pa cute sa 'kin," "Woi hindi ah! Ganito talaga ako cute. Kaya magtiis ka," wika ko hindi ko maiwasang tumawa kasi laglag panga ni Atlas. "Pero seryoso ako roon sa una kong sinabi. Bawasan mo pagiging mabait sa 'kin baka makasanayan ko." Hindi ko inalis ang tingin ko kung anong magiging reaksyon nito. Napairap
Andrea “G-good morning po. M-mommy po kayo ni Atlas?” nauutal kong tanong sa nakangiting ginang na nakaupo sa tabi ng kama. Nakangiti itong tumango. “Mommy mo na rin ako, kasi asawa ka ng anak ko. H'wag kang mahihiya sa ‘min ituring mo na kaming pangalawa mong magulang?” ani nito hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya. Namamangha lang ako kasi ang yaman-yaman ng pamilya nila pero ang bait nito. Bihira lang ako makaharap ng mayaman pero itong ginang walang kaarte-arte sa katawan. Watch at hikaw lang ang suot nito kasama pala wedding ring. Bukod doon wala na itong ibang suot na alahas. Kanina pa nakangiti pagpasok ng pinto ako na lang ang nahihiya na i-dedma ito kasi ang lumanay rin ng boses niya. Dahan-dahan akong bumangon umalis ito sa kinauupuan niya tinulungan akong makasandal sa headboard ng kama. “Thank you po,” nahihiya kong sabi. Hindi ko rin masabi sabi ang ‘mommy’ sa kaniya naiilang pa ako. “Kaya mo na bang bumangon, hija?” ani pa nito pagkatapos inayos ang buh
Andrea “May plano na ba kayo magkaanak ni Atlas? Kaya lang nag-aaral ka pa pala baka hindi pa ano, hija?” walang preno-preno tanong nito ako ang kanina pa mainit ang pisngi pagkabanggit nito ng apo. “Ahehe…ano po M-mommy. H-hindi ko pa po alam,” anang ko ngunit tinawanan lang ako. “Naiilang ka ba Andrea?” bumungisngis ito hinaplos ang buhok ko. “Sorry naging madaldal ako. H’wag mo na lang seryosohin ang mga sinabi ko. Halika na para makakain na tayo ng tanghalian,” aniya hinawakan ako sa kamay ko. Nang mag-umpisa kaming lumakad. Doon ko napansin t-shirt pala ni Atlas ang suot ko. Pinamulahan ako ng mukha kasi tumingin din sa akin ang ginang. Wala naman akong nakitang pinipintasan niya ako. Hindi ko lang talaga maiwasang mahiya kasi kaharap ko kaya ang mommy ni Atlas. “Oo nga pala may mga damit ka na r’yan sa closet ni Atlas. Kung gusto mong maligo muna. Aantayin na lang kitang matapos. Dito lang ako sa kuwarto n'yo,” ani nito. “Pwede po ba?” “Oo naman ikaw talaga mahiyain
Andrea “Sungit,” sabi ni Atlas. “Pinaalala ko lang na bawal kang magreklamo,” “Okay, ok. So ayos na ba tayo, Misis?” tanong nito. Napangiti ako sa pagtawag n'ya ng ‘misis’. “Hey, Andrea Keth, are you still there?” “O-oo sige na kasi lalabas kami ni mommy—” “What? Baby naman, I told you magpahinga ka muna—” “Siraulo ka! Patapusin mo muna kasi ang sinasabi ko bago ka sumagot. Lalabas ng k’warto. Ayan malinaw na po Atlas,” ani ko narinig ko bumunghalit ito ng tawa sa kabilang linya. “Bye!” “Mommy, phone mo po,” anang ko ng matapos kaming mag-usap ni Atlas. “Tapos na agad kayo mag-usap?” tanong nito't tumango ako. “Okay aantayin nalang kita rito magpalit ka na ng damit,” wika nito. “Maliligo na po ako ng deresto,” paalam ko sa kaniya. “Sige lang hija. Sabi ko naman sa ‘yo diba. Feel at home,” “Salamat po ulit mommy…” “Brenda,” dugtong nito pareho kaming natawa. Kasi nga naman hindi ko alam ang name ng mommy ni Atlas. Wala rin siyang sinabi kanina pagdating dito.
Andrea Nang makarating kami ni mommy Brenda sa baba. Naroon sa living room ang dad ni Atlas. Bumulong si mommy Brenda sa ‘kin ‘Mattheus’ raw ang name ng dad ni Atlas. Nahihiya akong lumapit ngunit naka abresete pa si Mommy kaya kasama niya ako ng lumapit dito. “Kanina ka pa rito, mister?” “Bago lang hindi mo kasi ako binalikan sa study room,” nakataas kilay na sagot ni daddy sa kaniya. “Kagigising lang kasi ng manugang natin hayaan mo na,” anang mommy nakangiti sa asawa. Tumango ang daddy ni Atlas sa 'kin ngumiti ako. “Andrea, welcome sa Martinez family,” aniya na kinagulat ko. “Salamat po Dad,” nahihiya ko pang sagot sa kaniya. Seryoso si Daddy Mattheus. Ngunit ramdam ko tanggap din ako. Seryoso lang talaga ngunit kung sa mommy Brenda, ang lambing ng mata nakangiti. Pero masaya na ako kasi na welcome naman niya ako sa family nila kaya ayos na iyon. Katulad din sa mommy Brenda. H'wag daw ako mahihiya sa kanila kasi pamilya na nila ako simula ng ikasal kami ni Atlas.
Andrea “Kumain ka na tama na ito,” bulong ko kay Atlas ng marami na siyang inilagay na pagkain sa plato ko. Ginawa ko na lang nilagyan ko na lang din siya ng pagkain sa plato. Parang wala pa yata balak magsandok ng pagkain niya. Ako ang inasikaso kahit hindi naman na kailangan. “Atlas,” tinuro ko ang pagkain niya pagkatapos kong malagyan ang plato niya. “Naks si kuya Atlas, lakas maka gentleman. Baby na baby si Ate Andrea,” anang nito napangiti na lang ako. “Mind your own business Ishmael,” sagot dito ni Atlas. Binigyan pa ng may babalang tingin si Ishmael. Subalit hindi lang din naman ito apektado sa pagbabanta ng kuya niya, kahit sinabi nito na titigil na. Patuloy pa rin mayroong sinabi. “Oo na tatahimik na ako. Baka mahalata pa ni ate Andrea nag-ba-blush ka,” pinipigilan ang paglakas ng tawa tapos may pagsiko si Ishmael at Alexaiver. Aliw ang dalawa sa kuya Atlas nila. Na-curious tuloy ako kung totoo nga nagba-blush si Atlas kaya sinilip ko. Namumula nga ang tainga. P
Andrea Sa sala kami ni mommy tumambay pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Si Atlas may pinag-uusapan ni daddy Mattheus sa office kaya ako'y naiwan sa mommy Brenda. Ang tatlong kapatid ni Atlas. Kaniya-kaniya akyat sa silid ng mga ito hindi na nakababa hanggang ngayon. Binuksan ni mommy ang television doon ako naka focus ang tingin paminsan-minsan may itatanong ito tungkol sa pag-aaral ko sasagutin ko naman ng maayos. “Hija, saan nga kayo unang nagkakilala ni Atlas?” ani nito lihim kong kinataranta kahit nga tanggap nila ako. Natigilan ako ng una mabuti hindi naman iyon napansin ng mommy Brenda. “Sa school ko po. Hindi pa namin noon kilala ang isa't isa. Tapos nasundan po sa Okada Manila. Hanggang ito po nauwi sa kasal,” Hindi ko na isinama ang nangyari sa bar at tungkol sa kamalasan sinapit ko sa pamilya ko. “Sabi ko nga sa anak ko kami'y mamanhikan ng maayos sa magulang mo,” ani nito kinalunok ko napansin pala nito ngumiti sa ‘kin. “Okay lang no pressure. Naitanong
Andrea Pagkatapos kong tumawag kay Vianca. Hindi ako bumalik sa labas. Kagaya sa paalam ko sa mommy Brenda. Sa halip humiga ako sa kama ng nasa sahig pa nakaapak ang mga paa ko. Tumitig ako sa kisame. Namimiss ko ang daddy ko. Kumusta na kaya ito? Inaalagan ba nito ang sarili niya. Sana 'wag nitong pabayaan ang sarili. Masasaktan lalo ako kung pababayaan niya ang sarili dahil nasa bagong pamilya niya ang isip niya. Biglang may bumara sa lalamunan ko pagkaalala sa Daddy ko. Iisa lang talaga ang lagi kong hiniling simula ng magkaroon ng harang sa pagitan namin ni dad. Sana maging maayos ulit kami ni daddy katulad sa dati, at magising na ito sa katotohanan na hindi makabubuti sa kaniya si Olivia. Naisip ko si Ate Jane. Kung tawagan ko kaya si Ate Jane. Upang kumustahin si Daddy sa kaniya. Tumingin ako sa orasan. Malapit ng mag-alas dos ng hapon baka wala na itong ginagawa. Maari ko na siyang lihim na makausap. Nag-iingat din kasi ako na makatunog si Olivia, na may contact ako sa ka
Andrea Lumapit ako sa kotse sa passenger seat iyon ang binuksan ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Kier, hindi ko lang pinansin. “Woah! Driver nga talaga ako ngayon,” parinig pa ni Kier. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako pumasok sa loob ng passenger seat. Mabilis naman siyang umikot sa kabilang pinto sa driver seat. Sa labas ako nakatingin ng bumukas ang passenger seat senyales na pumasok na si Kier sa loob ng sasakyan. Naramdaman ko lumingon ito sa akin dedma ko lang. “Mrs Martinez baka naman p'wede mo akong pansinin,” wika nito't doon lang ako lumingon sa kaniya. Hindi naman pala nakatingin sa 'kin dahil sa unahang salamin ito nakatingin. “Bakit?” humalukipkip ako. “Grabe siya. Ginawa talaga akong driver. Saklap naman,” “Dami mong alam,” tugon ko kay Kier. Nang mag-umpisang patakbuhin ni Kier ang kotse niya. Nag-vibrate ang phone ko. Doon ko lang nilabas. Alam ko si Atlas iyon ang nag-text kahit iyong kanina dahil wala naman akong ibang naisip maaring mag-text sa a
Andrea “Kier?” nagulat ako ng pabalik na ako sa condo namataan ko siya parang nakaabang sa akin. Malapit na dapat ako sa entrance ngunit hindi ako tumuloy maglakad sa pag-aalala lalo niya ako mapapansin. Iniisip ko nga kung babalik ako roon sa pinuntahan kong tindahan o mas maganda rito. Dahil hagip pa ng CCTV sa building ng condo unit namin ni Atlas ang kinaroroonan ko. Nakita kaya niya ako? O sadyang alam nito nasa labas ako. Pero paano niya naman nalaman nasa labas ako? Maliban kung palagi itong nag-aabang dito sa building ng condo namin upang ma timingan niya ako sa labas. Nagkunwari akong hindi ko pa siya nakita ng umpisa siyang maglakad palapit sa akin. Nanatili akong nakayuko sa nilalakaran ko lang ako nakatingin, ngunit tinawag na ako ni Kier. Paktay talaga lagot ako nito sa asawa ko kapag nalaman nito lumabas ako at nakita pa ako ni Kier sa labas. Pero kung wala naman gagawing masama si Kier. Siguro hindi naman magagalit ang asawa ko nito. Hindi naman gano'n kakitid n
Andrea Dalawang linggo na ang nakaraan simula ng galing dito si Maxine. Naging malapit na rin namin siyang kaibigan ni Vianca. Hindi na rin kami nagduda sa kaniya. Si ate Lucy, nasa province nila kahapon umuwi dahil fiesta sa kanila. Apat na araw ang paalam ni Ate Lucy, bago siya bumalik dito. Urong-sulong pa nga iyon noong una kasi nag-aalala sa akin mag-isa lang daw ako. Kung hindi ko pa pinagtabuyan hindi sana iyon matutuloy. Kasi alam ko kunwari lang siyang ayaw umuwi pero gustong-gusto ni ate Lucy makasama ang pamilya niya. Matagal na rin naman siyang hindi nakauuwi sa kanila. Kaya naglalambing ang Nanay nito umuwi kahit ngayon fiesta lang nila. Gusto nga ni Atlas papuntahin dito ang isa nilang kasambahay sa mansyon. Ganun din ang mommy Brenda, gusto papuntahin dito. Tumawag kahapon bago umalis ang ate Lucy. Ihahatid daw dito ang isa nilang kasambahay pansamantala kasama ko habang nasa province ang ate Lucy. Pumayag na lamang ako kahit na kayang-kaya ko naman mag-isa ri
Andrea Nang matapos ang seminar namin ni Atlas sa simbahan. Niyaya ko siyang dalawin muna si Tita Olivia sa rehab. Dalawang linggo na rin naman ang nakaraan sa huling dalaw ko roon. Kasama pa namin ni daddy si Erica. Speaking of Erica kailangan ko pala siyang i-text na patungo ako ngayon sa mommy niya para lang alam niya at baka maisip din n'yang sumama. Bilang respeto rin dito sa dalaga kaya kapag dadalaw kami sa mama niya ipinaalam namin. Ako: pupunta ako sa mommy mo. Kailan ka ulit dadalaw kay Alvina? Inantay ko pa siya kung mag-reply ngunit wala kaya ibinalik ko na sa bag ko ang phone ko. Busy siguro kasi hindi nag-reply. Alam ko nag-apply ito ng trabaho rito sa Maynila. Nasa Boni si Erica naka bed spacer. Inalok ko nga sa bahay siya tumuloy ayaw naman. Nahihiya raw siya sa daddy ko kung doon siya tutuloy. Okay lang naman daw siya roon sa kuwarto inuupahan niya mabait ang kasama niya. Tatay rin niya ang nagbabayad pansamantala sa kuwarto, habang hindi pa siya natatanggap sa i
Andrea Sinamahan ako ni Atlas ihatid si Maxine. Uuwi na si Maxine, nauna siya kay Vianca. May lakad pa si Maxine. Trabaho raw ang pupuntahan niya kaya kahit gusto pa n'yang mag-stay sa condo kasama namin ni Vianca. Napilitan si Maxine umuwi ng maaga. “May taxi na girl,” kinuhit ko siya sa braso niya nasa unahan namin si Maxine kaya lumingon siya sa akin. Pinara ni Atlas ngunit may sakay pala hindi lang kita kaya nag-antay ulit kami ng dadaan. Wala pang limang minuto. Umatras si Maxine nagtaka ako tinanong ko siya kung bakit? Dahil tumigil siya maglakad kaya pantay na kami sa kaniya. “Bakit ka tumigil at parang balisa?” tanong ko pagkatapos napatingin ako sa magarang kotse huminto sa tabi ng kalsada. “Isa iyan sa kotse ni Paul,” bulong ni Maxine siyang kinalunok ko. Marami nga pala ito kotse dahil ito ang business ni Paul. Kaya hindi ko kilala ang gamit nito ngayon. Bigla akong humawak sa braso ni Atlas dahil nanumbalik sa alaala ko ang nangyari noon sa Soltero. Hindi ko
Andrea “Maxine naiintindihan kita. Pero wala ka bang balak hiwalayan si Paul? Matagal ka na rin naman nagtitiis sa kaniya. Kapag kusang loob naman ang binigay n'yang tulong. Hindi mo kailangang makonsensya. Basta ‘wag kang mahihiya magsabi sa ‘kin ha? Dahil sa abot ng aking makakaya. Handa kitang tulungan. Lakasan mo ang loob mo. Nasaan ang mataray Maxine mukhang bahag na ang buntot ngayon,” wika ko pa at pareho na kaming kumalas sa isa't isa. “Woi!” natawa ako ng sumibi si Maxine. Kaya naman muli ko siyang niyakap upang pakalmahin. Mas lalong lumakas ang iyak kaya hinayaan ko munang nakayakap siya sa ‘kin. Dumaan ang katahimikan. Parang nahimasmasan na si Maxine. Wala ng tunog ang hikbi nito at dahan-dahan na kumalas sa yakap ko. “Okay ka na?” tanong ko at tumango siya at nakangiti na ngayon. Ngunit kitang-kita ko ang lungkot sa mata Maxine pilit lang nitong itinatago. “Gusto ko. Gustong-gusto ko makawala na sa kaniya, Andrea. Pero paano? Hindi lang basta lang si Paul. Natatakot
Andrea Nang bumalik si Atlas sa condo unit namin umahon ang tatlo. Sabi ko nahihiya lang sila kay Atlas. Kaya ayaw magsiahon ng tatlo kong kasama. “Kain na tayo,” niyaya ko sila sa dalang meryenda ni Atlas. Pinagsaluhan namin ang dalang pizza ni Atlas. Dalawang malaking box kaya naman hindi namin naubos binigay ko sa duty guard. Si ate Lucy, nagpalipas lang ng kabusugan maya-maya rin bumalik din agad sa pool dahil gusto pa raw n'ya lumangoy. Kaming tatlo ang naiwan nagkwentuhan na lamang kaming tatlo. “Kayong dalawa kasama sa entourage sa kasal namin ni Atlas, ha? Besh, maid of honor ka at Ikaw naman Maxine bridesmaid.' Nanlaki pa ang mata ni Maxine. Para bang hindi niya inaasahan na kukunin ko siya na abay sa aming kasal ni Atlas. “S-salamat A-Andrea. Ang bait mo talaga at ang ganda pa. No wonder maraming nagkakagusto sa ‘yo,” sabi nito biglang naging malungkot ito. “Parang hindi ako naniniwala na maganda ako. Kasi kapag tumabi ka sa ‘kin lalamunin lang ang kagandahan ko
Andrea The next morning, I woke up dizzy and felt like I was going to vomit. Dali-dali akong bumangon at bumaba sa kama nagmamadaling tumakbo patungong CR sa takot naabutan ako sa kama. Naulinigan ko pa napamura si Atlas, baka raw ako madulas hindi lang ako sumagot. Narinig kong bumangon din siya at sinundan ako ni Atlas. Dahil bumukas ang pinto ng CR hindi ko lang pinagkakaabalahan lingunin dahil masakit ang sikmura ko dahil sa patuloy kong pagsusuka. Kaya rin hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman na sumunod agad siya sa akin. Eh, kung magtatagal pa ako baka sa kama ako abutan. Dahil sakto lang din pagdating ko sa bathroom sink nilabas ko ang kanina pa pinigilan ko umiikot sa tiyan ko. Naiiyak na ako at pinagpapawisan ng malamig. Nanghihina rin ako dahil sa walang katapusan na pagsusuka kahit mapait na laway lang din naman ang sinusuka ko. Kumalma lang ako ng haplusin ni Atlas ang likuran ko nag-aalala ito sa ‘kin panay tanong kung ayos lang ako. Dahil wala akong lakas na
Andrea Pagdating ng alas-singko ng hapon dumating si Atlas. “Oh, akala ko ala-sais ka pa darating kasama na sina mommy?” Lumapit siya sa ‘min ni Alvina. Mahina niyang kinurot ang pisngi ni Alvina. Hinalikan ako sa gilid ng ulo ko kasi karga ko si Alvina pinatatayo ko sa hita ko. Umupo si Atlas sa tabi ko. “Gusto mong kargahin si Alvina?” tanong ko kay Atlas kasi nakangiti siyang nakatingin sa ‘min ni Alvina. Ililipat ko si Alvina kay Atlas. Pumalahaw naman ng iyak si Alvina hindi ko itinuloy. “Ayaw niya sa mga pangit,” biro ko kay Atlas na kinasimamangot nito. Humalakhak ako umiyak lalo si Alvina. Natakot pa ang kapatid ko sa pagtawa ko. Tumayo na lang tuloy ako at sinayaw sayaw para lang tumigil ito sa pag-iyak. Nakangiti na si Atlas ngayon sa 'min nakatingin. “Baby, bagay sa ‘yo. I'm sure ngayon pa lang maswerte na ang mga anak natin sa ‘yo. Nagkaroon sila ng mommy na maganda, sexy at mabait pa," “Swerte rin sila kasi guwapo at mabait ang daddy nila,” napangiti ako kasi