Maaliwalas ang hapon sa parke. Banayad ang ihip ng hangin, at masayang naglalaro ang ilang bata sa paligid. Sa isang malinis na spot malapit sa slide, naroon na sina Jal at Madam Luisa, may dalang picnic blanket, juice, at spaghetti—gaya ng ipinangako ni Luisa. Katabi nila si Miguel, ang munting tatlong taong gulang na lalaki, nakasuot ng cute na dinosaur shirt at hawak ang kanyang paboritong laruan.“Anak, mamaya makikilala mo na ang mga kuya at ate mo, ha?” malumanay na sabi ni Jal habang inaayos ang buhok ni Miguel.“Opo, Daddy. Pwede po ba sila maglaro ng t-rex ko?” inosente nitong tanong.“Pwede, anak. Sigurado akong matutuwa sila sayo.”Dumating na sina Cherry kasama sina Mike, Mikee, at Mikaela. Nakasunod sina Romeo at Gemma na may baong bottled water at towels. Masaya ang mga bata, dala pa ang bagong bola na gustong-gusto nilang ipakita sa tatay nila.“Daddy!” sabay-sabay na tawag ng tatlo habang tumatakbo palapit.Napangiti si Jal. “Mga anak!”Agad niyang sinalubong ang mga b
Habang naglalakad pauwi sina Cherry, ang kanyang tatlong anak na sina Mike, Mikee, at Mikaela, kasama ang kanyang mga magulang na sina Romeo at Gemma Jones, ramdam ni Cherry ang kakaibang gaan sa paligid—parang unti-unti nang nabubura ang bigat na ilang taon niyang pasan.Tahimik ang kalsada, pero sa loob ng sasakyan, hindi mapigilan ng mga bata ang kanilang kasabikan."Mommy! Ang saya-saya ko! May daddy na kami!" masayang saad ni Mike, habang nakasandal sa balikat ni Cherry.Napangiti si Cherry kahit may bahid pa rin ng pag-aalala sa kanyang puso. "Oo, anak… totoo na, may daddy na kayo.""At may kapatid pa kami, Mommy!" sabat ni Mikee, bakas sa mukha ang tuwa. "Sabi ni Daddy, lalaki daw! Si Miguel daw pangalan.""Excited na ako makita siya," dagdag ni Mikaela. "Gusto ko makalaro 'yung kapatid namin. Tatlo na kami, tapos may isa pa? Apat na tayo!"Tumawa si Gemma mula sa harap. "Naku, mukhang may makakalaro na kayo palagi. Mas masaya 'yan, lalo na kung mabait din si Miguel.""Oo nga p
"Opo, Mike?""Bakit ka umiiyak pa rin?""Kasi ngayon lang ako tinawag na 'Daddy'," sagot ni Jal, halos pabulong.Luisa lumapit sa kanyang apo at hinawakan ito sa balikat. "Ay, Jal... anak ko. Parang batang nawawala noon. Pero ngayon, nahanap mo na ang tahanan mo.""Daddy, saan po kayo nakatira?" tanong ni Mikee."Sa Quezon dito lang malapit sa kabilang barangay, anak. Pero kahit saan ako mapunta, kahit kailan... pwede ko kayong puntahan.""May pagkain po ba doon?" tanong ni Mikaela.Napatawa si Jal, pati si Luisa."Naku, ang lola niyo, punô ang ref! Gusto n’yo ng spaghetti o chicken nuggets?""Yeeeeees!" sigaw ng tatlo."Huy, huwag n’yong i-spoil ang mga anak ko agad!" sabat ni Cherry, sabay tawa."Hindi ko kaya, anak. Apo ko ‘yan!" sagot ni Luisa."Cherry... kung pwede, gusto ko silang isama minsan... kahit sandali lang. May time ka ba this weekend? Pwede ba silang makasama kahit isang oras?"Tahimik si Cherry. Tumingin sa mga anak. Saka muling bumaling kay Jal."Isang oras. Sa isang
Paglabas ng korte, tahimik ang bawat hakbang. Ang bigat ng emosyon sa loob ay tila bitbit pa rin ng bawat isa. Sa gilid ng hagdanan ng gusali, natanaw nina Jal at Madam Luisa ang tatlong bata—sina Mike, Mikee, at Mikaela—na hawak-hawak ang kamay ng kanilang ina.Huminga nang malalim si Jal at tumango kay Luisa. Dahan-dahan silang lumapit.Nang makalapit, bahagyang lumuhod si Jal upang mapantayan ang mga bata. Ngingiti sana siya, ngunit tila natuyuan ng laway ang kanyang bibig. Ngayon lang niya nasilayan nang ganito kalapit ang mga anak niya—ang mga batang dugo’t laman niya.Bahagyang lumuhod si Jal, halos hindi makatingin ng diretso. Nanginginig ang kanyang tinig nang magsalita."Mga anak... ako si Jal. Ako ang tatay ninyo."Tahimik ang tatlong bata. Nagkatinginan sila. Maya-maya, sabay silang tumingin kay Cherry na tila naghahanap ng kumpirmasyon"Okay lang, mga anak. Sige," malumanay na sabi ni Cherry."Totoo po ba ‘yon, Mama?" tanong ni Mikee, may halong kaba.Tumango si Cherry. "O
Sa gabing iyon, habang pinapatulog ni Apple si Amara at si Lucien, sandaling huminto ang kanyang mga kamay sa paghaplos sa buhok ng anak. Tila may biglang kumurot sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang dalawang batang mahimbing na natutulog sa iisang kama. Magkayakap ang magkapatid, parang likas na likas sa kanilang dugo ang pagiging malapit sa isa’t isa. Si Amara, kahit may iniinom na antok, ay pilit pa ring pinupunasan ang laway sa pisngi ni Lucien gamit ang maliit na panyo.“Mommy,” mahina at halos pabulong na sabi ni Amara, “ang cute talaga ni baby brother.”Napangiti si Apple. Umupo siya sa gilid ng kama at tumango. “Oo, anak. Cute nga siya. Parang ikaw noong baby ka pa.”Napadilat si Amara, kahit aninag pa ang antok sa mga mata. “Mommy, kapag lumaki na po siya, sabay po kaming aakyat sa entablado. Tapos si Daddy po ang magpipitik ng picture namin. Tapos ikaw po ang kakaway sa gilid habang nakangiti.”Napahawak si Apple sa dibdib. Ang inosente at masayang larawan ng kinabukasan
Mayamaya pa’y kumalat na parang apoy ang balita—may triplets na anak si Jal kay Cherry.Sa loob ng ancestral house ng mga Pereno, halos malaglag ang hawak na tsaa ni Madam Luisa, ang matriarch ng pamilya, nang marinig ang balita mula sa kanyang kasambahay.“Ano raw? Triplets?” bulalas niya, nanlalaki ang mga mata. “Tatlo? Apat ang apo ko?!”Agad siyang tumayo mula sa antique niyang upuan at tinawag ang asawa ni Jal sa telepono. Wala na siyang pakialam sa alindog ng kanyang robe de chambre o kung kulot ang buhok niya sa rollers.Sa di kalayuang bahay sa Tagaytay, halos sabay na nagulat ang magulang ni Jal—Erica at Stephan Pereno—nang tumawag ang anak para sa isang urgent family meeting.Sa loob ng ilang minuto, andun na silang tatlo sa private veranda ng estate ni Madam Luisa.“Ako po ang ama,” mariing sabi ni Jal, hawak ang mga resulta ng DNA test na tila dokumento ng kapalaran.Tahimik si Erica. Tahimik si Stephan.Pero agad na napuno ng luha ang mga mata ni Erica habang tinatakpan a