LOGINSylaila POVHindi nagtagal, naganap din ang araw na pinaka-hinihintay ko. Natupad ang gusto namin ni Chusan na dito kami ikasal sa Amontala province.Hindi na para magpakasal pa ng bongga dahil nasanay na kami sa mga malalaking event, maraming tao, maingay at gumagastos ng mahal. Kaya ang sabi ko kay Chusan, tutal ay nasa probinsya naman kami, bakit hindi naming subukang gawin ang usong kasal sa probinsya.At dahil walang kapilya rito, nagpatayo kami ni Chusan ng kapilya isang linggo ang nakakalipas bago ang kasal namin. Mayroon na ring pari na nagmimisa nung agad-agad ay matapos iyon at gusto namin, ito rin ang paring magkakasal sa amin ni Chusan.Walang masyadong invited, pamilya lang at malalapit na kaibigan, iyon lang.Ang gown ko, ni-rent lang sa malapit na rentahan ng gown sa Colmenares town, ganoon din ang barong na susuotin ni Chusan.Sinabihan ko rin sina Mama Keilani, Papa Sylas, Kuya Keilys, Ate Ilaria na huwag pumorma ng bonggga dahil hindi naman kailangan. Nakakahiya nga
Sylaila POVNapangiti ako nang makita kong tumatakbo si Isla papunta sa amin.“Mommy!”Sa wakas, nakabalik na rin siya rito sa Amontala.Nakahawak pa siya sa maliit niyang bag habang halos hindi makahinga sa bilis ng pagtakbo.Pagdating niya sa harap namin ni Chusan, agad niya akong niyakap.“Mama, wow, ang ganda na ng bahay natin!”Iyon ang una niyang napansin padating dito sa farm house namin.“Talaga ba?” tanong ko pa para ma-test kung tanda pa niya ang dating bahay namin.“Opo! Hindi na po kasi siya kubo gaya nung dati!”Napatingin ako kay Chusan. Nakangiti rin siya habang pinagmamasdan ang anak namin.“Mas gusto mo na ba ngayon itong bahay dito sa farm?” tanong naman ni Chusan kay Isla.Tumango agad ang anak namin.“Opo! Ang laki na! Tapos, wait, may electric fan na ata rin?”Iyon ang agad niyang napansin. Talaga ngang matatas ang isip ng batang ito. Napakatalino.Kung titignan ay mukhang hindi na takot si Isla dito. Marahil ay wala na kasi si Nardo. Para bang unti-unti na ring n
Sylaila POVIsang buwan lang ang lumipas mula nang simulan ni Chusan ang lahat ng kailangang gawin para matupad ang isa sa pinakamalaking pangarap namin para sa Amontala, at ngayong araw, habang nakatayo ako sa gitna ng Calye Lumipak, halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. May ilaw na, hindi lang sa isang bahay, hindi lang sa farm namin, kundi sa buong Amontala Province.Iba ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga poste na nakatayo sa magkabilang gilid ng mga daan. May mga kable nang nagdurugtong sa bawat bahagi ng probinsya. Sa mga bahay na dati ay tahimik at madilim kapag sumasapit ang gabi, ngayon ay may mga bombilyang kumikislap na mula sa loob.Oo, ito na nga ang gusto namin. Na para bang naging ibang lugar na ngayon ang Amontala.“Look, Ila.” Napalingon ako kay Chusan. Nakatayo siya sa tabi ko, nakangiti habang pinagmamasdan din ang buong paligid. “Finally, we did it.”Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nagpunta sa iba’t ibang bahagi ng Amontala para tiyaking
Nardo POVSeryoso kong ginagawa ang trabaho ko ngayon. Bantayan lang si Sera, ganoong kasimple. Sobrang bait din talaga nila Ila at Chusan kasi ganito lang ang nangyari, hindi ako naparusahan ng husto kaya ang ginagawa ko ay bumabawi na lang sa kanila. Isa pa, madali lang naman ang trabaho ko. Babantayan lang naman ang baldado at halos hindi na makagalaw na si Sera.Ganoon pa rin, nasa maliit na silid ako sa tabi ng kama ni Sera. Ilang oras na rin akong nakaupo rito, tahimik na nagbabantay habang mahimbing siyang nakahiga.Hindi ko alam kung bakit, pero simula nang dalhin siya rito, parang hindi na ako mapakali. Siguro ay dahil creepy ang lumang ospital na ito.Sa ilang araw na lumipas, halos hindi na niya maigalaw ang katawan niya. Marami siyang benda, nakakabit na mga tubo at kung anu-anong medical equipment na patuloy na mino-monitor ang kondisyon niya. Tahimik akong nakatingin sa kaniya, hanggang sa may napansin ako. Hindi na kasi gumagalaw ang dibdib niya.“Hoy, Sera?” walang gan
Sylaila POV“Love.”Napatingin ako kay Chusan habang nag-aayos ng mga gamit sa kusina.“Yes?”Nagpa-cute siya bigla. Senyales na may gusto na naman siyang i-request.“Can you help me cook something?”Napakunot ang noo ko. “Anong lulutuin natin?”“Ano nga ba iyon. Nakalimutan ko ang pangalan ng ulam. Basta parang nilagang something, e.”Napangiti ako. “Nilagang baboy?” tanong ko.Tumango siya agad. “Oo, ‘yan nga. Nung isang araw kasi, pumunta kami sa Colmenares Town para sumama sa mga gumagawa ng kuryente rito, may inasikaso kasi kami. Tapos, may nakainan kami roon. Simple lang, pero ang sarap nung nilagang baboy na iyon,” kuwento niya. Kaya naman pala. Ganito siya, e. Basta may pagkain siyang nasarapan, tumatatak talaga sa isip niya.“Fine. Tuturuan kita.”“Really?”“Yes. Pero may kondisyon.”“Ano?”“Sumama ka muna sa akin sa farm.”“Bakit?”“Kukuha tayo ng ilang ingredients na need natin.”Mabilis naman siyang tumango.“Okay, let’s go.”Ilang minuto lamang, nasa farm na kami. Siyempr
Sylaila POVNoong mga panahong wala pa akong alaala, isa sa mga pangarap ko ang makabalik sa city. Tandang-tanda ko pa iyon. Nung mga panahong iyon, hindi ko pa maalala kung sino ako, kung saan ako nanggaling, pero ang puso ko, gusto ko talagang makapunta sa city. Bago ko matupad ang gusto kong makabalik sa city, may isang tao sa Amontala na malaki rint alaga ang naging tulong sa akin noon.At ito ay si Aling Doreng.Noon, madalas pumunta sa city si Aling Doreng dahil may cake business siya roon. Kapag bumabalik siya sa Amontala, kumukuha siya ng mga prutas sa farm o bumibili ng mga ani namin para gamitin sa mga ginagawa niyang cake.Hanggang ngayon, oo, hindi ko pa rin makakalimutan ang malaking tulong na ginawa niya.Kung hindi dahil sa kaniya, baka mas matagal pa akong nanatili sa kamay ni Nardo.Kaya ngayong may kakayahan na akong tumulong, panahon na para bumawi sa kaniya.“Aling Doreng?”Kumatok ako sa pinto ng bahay niya rito sa Calye Karunsil. Tandang-tanda ko pa ang bahay nil
Ilaria POVSimula nung mahuli ako ni Sir keilys na tinitignan ko ang underwear niya, aba, hindi na ito lumabas sa kuwarto niya. Hindi rin ito nag-uutos, tila natulog naman after makapag-gym.Kaya ang ginawa ko, namahinga rin muna sa kuwarto ko, tutunog naman ang cellphone o telepono kapag may utos
Sylas POVMas maaga akong nagising ngayon. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil may iniisip ako. Nagsimula ang araw ko sa tahimik na pagmamasid sa hardin habang hawak ang isang tasa ng kape.Kagabi, naisip ko ang nalugi nang Merritt wine company na kauna-unahan kong hinawakang company. Asawa ko pa s
Sylas POVSa lahat ng bagay na pinagdaanan ko, sa lahat ng trahedya’t karahasang nasaksihan ko sa mundo ng kapangyarihan at negosyo, hindi ko kailanman inakalang darating ang gabing ganito. Ang gabing napagkulo ulit sa dugo ko.Iyak nang iyak si Keilani, halos mawalan na ito ng boses sa kaiiyak. Hi
Keilani POVNang makita kong dumating na si Keilys, kasama ni Kuki, halos mapaiyak ako sa tuwa. Dali-dali ko siyang sinalubong para yakapin.“Thank you, Lord,” halos sabay na sabi nila Celestia at Fletcher na magdamagan kong nakasama.“Anak ko!” sigaw ko nang sa wakas ay mayakap ko na ulit si Keily







