共有

Thirty Seven

作者: Allecorianna
last update 公開日: 2026-06-09 10:52:36

DENZEL

Buong biyahe pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa park. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang mukha ni Eve nang maglapat ang mga labi namin. Kahit na simpleng halik lang iyon, hindi ko maikukubling kinilig talaga ako. Lalo pa't anak namin ang may pakana. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung aksidente lang ba talaga iyon o sadyang may bahagi sa akin na ayaw umurong noong mga sandaling iyon. Ilang beses akong napailing habang nakahawak sa manibela dahil pakiramdam k
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Thirty Eight

    DENZELHindi ako nakatulog nang maayos ng gabing iyon. Matapos ang pag-uusap namin ni Celeste ay halos magdamag akong nakatitig lamang sa kisame. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang mukha niya habang nagtatanong kung mahal ko pa ba siya.Kinabukasan ay maaga akong bumaba sa kusina. Akala ko ay makakapag-almusal ako ng tahimik ngunit pagpasok ko pa lamang, agad ko nang nakita si Celeste na nakaupo sa mesa. Mukhang kanina pa siya gising. May tasa ng kape sa harapan niya ngunit halatang hindi naman niya iyon iniinom. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na sana gustong makipag-usap. Ngunit mukhang wala akong pagpipilian. Agad akong naupo sa kabilang dulo ng mesa at nagsimulang kumain.Ilang minuto kaming walang imik. Hanggang sa siya rin ang unang nagsalita."Denzel."Hindi ako agad tumingin sa kanya."Ano?""May itatanong ako."Napahinto ako sa pagkain. Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya. Parang may kung anong desperasyon do

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Thirty Seven

    DENZELBuong biyahe pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa park. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang mukha ni Eve nang maglapat ang mga labi namin. Kahit na simpleng halik lang iyon, hindi ko maikukubling kinilig talaga ako. Lalo pa't anak namin ang may pakana. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung aksidente lang ba talaga iyon o sadyang may bahagi sa akin na ayaw umurong noong mga sandaling iyon. Ilang beses akong napailing habang nakahawak sa manibela dahil pakiramdam ko, unti-unti nang nawawala ang kontrol ko sa mga bagay na dati ay kaya kong kontrolin.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, isang bagay lamang ang malinaw sa isip ko.Masaya ako.Pakiramdam ko ay may direksyon ulit ang buhay ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang saya ng simpleng paghawak sa kamay ng anak ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang pakiramdam na may batang tumatawag sa akin ng "daddy" na hindi dahil sa obligasyon kun'di dahil gusto niya.At habang naiisip ko iyon ay lalo lamang sumisikip an

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Thirty Six

    EVEPagkauwi ko sa mansion ng gabing iyon ay agad kong naramdaman ang pagod sa buong katawan ko. Mula pa kaninang umaga ay sunod-sunod na ang meetings ko sa opisina at halos hindi ako nakapagpahinga ng maayos. Ang tanging nasa isip ko habang bumababa ng sasakyan ay ang maligo, magpalit ng damit at magpalipas ng oras kasama si Andrew bago matulog. Ngunit pagpasok ko pa lamang sa loob ng bahay ay agad akong napahinto nang marinig ko ang malakas na tawanan mula sa sala.Napakunot agad ang noo ko dahil kilalang-kilala ko ang isa sa mga boses na iyon. Nang lumapit ako ay bumungad sa akin ang eksenang hindi ko inaasahang makikita.Naupo si Denzel sa carpet habang katabi si Andrew. Nakakalat sa paligid nila ang iba't ibang piraso ng dinosaur puzzle at pareho silang mukhang abalang-abala sa ginagawa. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong matagal ng magkasama ang dalawang iyon dahil sa sobrang komportable nilang tingnan."Mommy!"Agad na tumayo si Andrew nang makita ako at mabilis na tumak

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Thirty Five

    CELESTEHindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang tiningnan ang oras sa cellphone ko.. Mula alas onse ng gabi hanggang madaling-araw ay paulit-ulit kong sinusubukang tawagan si Denzel ngunit ni isang tawag ay hindi niya sinagot. Ilang beses ko ring binasa ang mga mensaheng ipinadala ko sa kanya ngunit nanatili lamang iyong naka-seen at walang kahit anong reply. “Nasaan ba ang lalaking iyon?! Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko at reply?!” inis kong sabi bago hinawakan ang ulo ko.Habang lumilipas ang bawat oras ay lalo lamang akong naiirita at kinakabahan dahil hindi naman siya dating ganoon. Kahit gaano siya kaabala sa trabaho noon ay palagi siyang nagbibigay ng update kung nasaan siya o kung anong oras siya makakauwi. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay pakiramdam ko ay unti-unti siyang nagiging ibang tao.Nakahiga ako sa kama ngunit ni hindi ako dinadalaw ng antok. Sa bawat paglingon ko sa kabilang bahagi ng higaan, lalo lamang akong naiirita dahil nananatiling bakante

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Thirty Four

    EVEHindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan matapos sabihin ni Denzel na parang wala na siyang pakialam kay Celeste. Hanggang ngayon ay parang umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga salitang iyon.Sa likuran namin ay ang kumikislap na mga ilaw ng lungsod habang malamig na humahaplos ang hangin sa balat ko. Ngunit sa kabila ng ganda ng tanawin ay wala akong ibang maisip kundi ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Dapat ba akong matuwa?Dapat ba akong magalit?O dapat ba akong mag-alala?Dahil kahit paano, fiancé pa rin niya si Celeste. At kahit gaano ko kagustong magpanggap na wala akong pakialam, alam kong hindi simpleng bagay ang sinabi niya."Denzel..." mahinang sabi ko."Huwag mo muna akong sermunan."Napairap ako."At alam mo pa talagang sisisermunan kita?""Kilala kita."Napailing ako bago tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik sa sasakyan. Ayoko ng palawakin pa ang usapan na iyon dahil pakiram

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Thirty Three

    EVEHindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapailing matapos sabihin ni Andrew na gusto niyang ipakilala si Denzel bilang boyfriend ko sa Family Day nila sa school. Sa totoo lang, parang ilang segundo ring tumigil ang takbo ng isip ko dahil sa sobrang diretso ng tanong ng anak namin. Nakaupo lamang siya sa gitna ng sala habang yakap ang paborito niyang dinosaur toy at walang kaalam-alam na muntik na niyang patigilin ang paghinga naming dalawa ni Denzel.Napatingin ako kay Denzel at agad kong nakita ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Halatang pinipigilan niyang matawa kaya lalo lamang akong nainis."Ikaw, huwag kang ngumingiti diyan," sabi ko habang pinandidilatan siya.Mas lalo tuloy siyang napangiti at parang matatawa pa nga."Ano na naman ang ginawa ko?""Huwag kang magkunwari. Natutuwa ka sa sinabi ng anak natin. Tama?”"Hindi naman…”"Sinungaling ka talaga kahit kailan!” nakanguso kong sabi.Malakas siyang natawa bago sumandal sa sofa. Samantalang si Andrew naman ay sa

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status