Share

Kidnapped by the Billionaire (TAGALOG)
Kidnapped by the Billionaire (TAGALOG)
Author: LilacCurl

Prologue

Is love some kind of a fairytale? Where happy ending follows after conquering all the hardships that the Prince went through just to be with the Princess? Is love such a wonderful thing? 

I always keep asking myself what it really is out of curiosity before dahil na rin sa nakikita kong kislap sa mga mata ni Papa sa tuwing nababanggit si Mama, not until I encountered it myself. Nang sa kauna-unahang pagkakataon ay inakala kong abnormal ang takbo ng pagtibok ng puso ko. Naalala ko nung isang beses na nagtanong ako kay papa kung mahal niya ba si mama. Nakasandig ako sa kanyang dibdib nun habang minamasdan namin ang pamumukadkad na naman ng mga panibagong sibol na bulaklak. His heart beat fast in a horse galloping pace. Hinalikan niya ang noo ko nun at tumango. He didn't say it in word but I felt it.

Ganun na ganun ang naramdaman ko when I came back from school at naabutan ko si Papa sa may garden. It's not a surprise actually kasi doon naman talaga ang paboritong pahingahan niya. Sabi ni Papa, si Mama mismo ang nagtanim ng bawat bulaklak na naroon kaya doon pumupwesto si Papa palagi. I was about to tell him what I did in school and how my teacher complimented me for having a high mark on the test pero naagaw ng matandang nakaupo kaharap ni Papa ang atensyon ko. Although matanda na ito, hindi nakabawas iyon para masabing magandang lalaki siya. Dagdag pa ang tindig at porma nito na kahit sino siguro, maiilang pag ito ang kaharap. Sa haba ng mga biyas nito, malalaman mo talagang mataas ito pag nakatayo. 

"Anak, nakauwi ka na pala. Nga pala, siya si Don Armando," sabi ni papa nang mapansin ang pagdating ko. Malapit lang naman ang skwelahan at hindi kailangang mag-alangan sa pagtawid sa kalsada kasi bihira lang ang mga sasakyan na napaparaan kaya hindi ako nagpapasundo sa kanya sa oras ng uwian. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Nilingon ko rin ang matandang kausap niya at inabot ang kamay nito para magmano. 

"Mano po." I saw him got taken aback by what I did pero umaliwalas naman ang mukha nito at parang giliw na giliw.

"Ito na ba ang anak ninyo ni Stacey? Malaki na pala," ani nito. May sasabihin pa sana ito pero may biglang sumulpot at umupo sa katabing upuan nito. 

Mukhang matanda ito sa akin ng ilang taon. Sisipatin ko pa sana ang kabuuan nito pero parang tumigil saglit sa pagtibok ang puso ko tsaka nagwala agad sa bilis ng ritmo nang magtapat ang mata namin pareho. Sa kabila ng blangkong ekspresyon nito ay tila para kang pinapatigil dahil sa lamig niyon. 

"Akala ko ba, dun ka lang sa sasakyan? Bakit pumarito ka?" tanong ng Don rito pero hindi man lang ito sumagot.

Sa kanila pala yung magarang kotse na nakaparada sa may tapat ng bahay namin. 

"Leilani, isama mo na muna siya sa likod-bahay. Maglaro na muna kayo dun. May pag-uusapan na muna kami." Tinanguan ko si Papa at kabado man ay ginagap ko ang kamay ng lalaki. Hindi agad ito tumalima pero tumayo rin naman ito at sumama sa akin. 

Nang makarating kami sa likod-bahay. Iginiya ko siya papasok sa ginawa na bahay-bahayan ni Papa sa akin kung saan ako palaging naglalaro. Puno iyon ng mga barbie dolls at mga lutu-lutuan. Umupo naman ito roon at inilibot ang paningin sa paligid. 

"Anong pangalan mo?" Naglakas loob akong tanungin siya. Akala ko hindi niya ako sasagutin pero bumuka ang bibig nito. 

"Lysander." Tipid na sagot nito. 

Naghintay ako na magsalita itong muli pero hindi na nag-abala ito. Anlapit namin ngayon pero parang may itinayo itong harang para iparating na may nakapagitan sa aming dalawa. Kumunot ang noo nito ng mapansin ang pagtitig ko sa kanya. Parang napipilan ako. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sasabihin, maging kung paano sisimulan pero awtomatikong napigilan ng kamay ko ang akma nitong paghakbang palabas sa bahay-bahayan. Nanuot sa kalamnan ko ang klase ng titig na iginawad niya sa akin. Sa lakas ng pagtibok ng puso ko, para akong mabibingi. Sa pagkakataong yun, wala akong ibang marinig na ingay bukod roon. 

"Bitiwan mo ako. Aalis na ako." Sabi nito at ginagap ang kamay ko. Pero imbes na makinig dito, iginiya ko ang kamay nito pahawak sa may bandang puso ko. Letting him feel how fast my heartbeat is. 

"Mahal kita." Nakayuko kong sabi rito habang ang kabilang kamay ko ay pinaglalaruan ang dulo ng uniform na suot. 

Pagak itong tumawa. Tiningala ko siya pero binawi niya ang kamay at umaktong aalis sa ikalawang pagkakataon pero gaya ng ginawa ko kanina, pinigilan ko ulit ang braso nito. 

"Mahal kita. Anlakas ng tibok ng puso ko sayo." Halos mangiyak ngiyak na lahad ko dito pero inalis niya muli ang kamay ko sa pagkakahawak. 

Lumabas ito sa bahay-bahayan. Akala ko aalis na ito ng tuluyan pero nilingon niya ulit ang gawi ko. "Doll, fix your feelings. Hindi lahat ng pagbilis ng tibok ng puso, pagmamahal." 

Nasa tono nito ang panunuya pero ng ilahad nito ang kamay para palabasin ako, awtomatikong tinanggap ko iyon. Hindi na ulit ito nagsalita kaya tahimik na sumunod nalang ako rito pabalik sa garden habang hawak pa nito ang kamay ko. 

Tanaw ko na masyadong malalim ang pinag-uusapan nina Papa dahil tsaka lang kami napansin ng mga ito ng ilang hakbang nalang ang layo namin sa kanila. Sabay pa kaming nilingon ng mga ito at tiningnan ang magkahugpong pa naming mga kamay. 

Ibinaling ng Don ang atensyon pabalik sa gawi ni Papa tsaka tinapik ang balikat nito. "Tumatanda na ako. Kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan. Masyado ng matagal ang pagdadalamhati mo at alam ko na hindi rin gugustuhin ni Stacey na ganyan ka palagi. Magsabi ka lang kung kailan handa ka na."

_

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Papa sa tabi ko na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "Nahihilo ka ba? Namumutla ka ah." Patuloy nito ng hindi agad ako nakasagot. 

"Okay lang po ako, Pa," sagot ko sa kanya at binuksan ang bintana ng kotse para makita ang nadaraanang tanawin sa paligid.

Lies! You are not okay Leilani. Abnormal na naman ang tibok ng puso mo. 

Pasimple kong pinahid ang kamay kong namamawis dahil sa hindi maipaliwanag na emosyon at kaba. 

Will I see him this time? Will he recognize me? Ano na kaya ang itsura niya ngayon?

Yan ang paulit-ulit kong tanong sa mga pagkakataong gaya nito. I used to see him when we were a child pero ng nagbinata na siya, hindi ko na siya nakita ulit. Hindi ko siya natityempuhan pag pumupunta kami sa kanila. Ngayon nga ay ipinasundo na naman kami ng Don dahil kaarawan nito. Ayaw nito sa magarbong party dahil sapat na raw na ang mga mahal niya sa buhay ang makasama at makasalo niya sa karagdagang taon ng buhay niya. 

As I stepped out from the black car, I gaped at the large mansion towering over me. Like it's made to intimidate anyone who dares to speak so high on themselves. May paghanga kong inilibot ang paningin dito. The whole place shouts luxury na kahit ilang beses na akong pumarito ay hindi pa rin mawala ang paghanga ko. 

"Anak, itikom mo yang bibig mo at baka mapasukan pa yan ng langaw." Nilingon ko ang gawi ni Papa na natatawang nakatingin sa akin habang umibis mula sa kabilang bahagi ng sasakyan. He's holding a box at base sa pagkakabalot nito ay regalo iyon. If I'm not mistaken, it's a wine. 

"Eh kasi naman Pa, ang laki noh?" Sinuklian niya lang ako ng ngiti pagkatapos pisilin ang ilong ko. 

Its exterior is amazing. Bricks and mortar invade its outside look yet if you'll step inside, you'll feel the difference. A house made by an architect's perfect plan that is all set for generations to come. Thy empyreal! Extensive and superb.

Inabresyete ko ang balikat sa kanya habang tinutungo namin ang pintuan. The house is welcoming from the open door to the wide hallway. The floor was an old-fashioned parquet with a blend of deep homely browns. It gives an antique vibe. Nang makita kami ng  kasambahay, agad kami nitong nakilala at nginitian.

"Ang Don? Nandiyan ba siya ngayon?" Tanong ni Papa rito nang matapat kami sa pwesto nito. 

Hinayaan ko silang mag-usap. My eyes roamed once again in the entire place. Photographs adorns the walls, kaleidoscope of memories wherein kita sa mga mukha ng mga ito ang mga emosyon. Those sweet eternal moments. 

"Oh Rydell, nandito na pala kayo. Kanina pa ba kayo dumating?" Galak na bungad ng Don na mula yata sa likod ng bahay. Bakas sa mukha nito ang mumunting pawis. Mukhang pinagkaabalahan na naman nito ang mga halaman nito sa bakuran. Mahilig kasi ang asawa nito sa pagtatanim kaya nang yumao ang Donya, ito na ang nag asikaso rito at naging libangan na rin nito. Tinapik ng Don ang balikat ni Papa at inabot ang regalong iniabot rito. 

"Happy birthday Don," bati ni Papa rito. 

"Sus ikaw talaga. Nag-abala ka pa. At ilang beses ko bang sasabihin sayo na Armando nalang ang itawag sa akin." Natatawang ani nito bago ibinigay sa lumapit na kasambahay at pinapalagay ang regalo sa kwarto nito. 

Nabaling ang tingin nito sa akin at ngumiti. Inabot ko ang kamay nito at nagmano.

"Si Leilani na ba ito? Ang ganda mo talagang bata ineng. Manang mana ka sa Mama mo. Ilang taon ka na?" tanong nito. 

"Sixteen na po, Don."

"Naku, naku! Call me Grandpa hija! Diyan rin naman ang punta." Natatawang ani nito bago makahulugang ibinaling ang tingin kay Papa. 

Sasagot na sana ako nang sabay nakuha ang atensyon namin ng taong pababa sa hagdan. Tiningala namin ito pero walang mababakas na ano mang ekspresyon dahil sa blangko nitong mukha. His hair is dishiveled. In a messy state yet it sort of suits him. Agaw pansin ang malalantik nitong pilik-mata, maging ang kakaibang kulay ng mata nito. Bluish green eyes. He has a sharp pointed nose na parang ilang ulit hinubog dahil sa perpektong pagkakagawa nito at ang manipis na labi nitong parang mula sa paulit-ulit na pagkagat dahil sa sobrang pula.

"Oh hijo, gising ka na pala. Remember Leilani?"

My heart skipped a bit when his stare diverted shortly at me pero ibinalik din naman nito agad ang tingin sa matanda. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Why does he still have this effect on me knowing that it's been a long time since we last met? Ang lamig ng dating ng pagsulyap nito sa akin yet it gives me chills in a good way. 

"Good morning Grandpa. I'm going to -

"No hijo. Dito ka muna. You're not going anywhere. Accompany Leilani and tour her around." His grandpa cut his words. Parang alam agad nito na iyon ang ibubungad sa kanya ng apo kaya pinangunahan nito agad iyon. Gusto ko sanang sumabat sa usapan at sabihing hindi naman kailangan pero parang buo na ang desisyon ng Don nang makita ko kung paano hindi na nag-insist ang lalaking nasa harap ko. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya at nagpatiuna na. Tiningnan ko ang gawi ni Papa at tumango naman ito. 

Kinakabahang tinalunton ko ang daan kung saan pumaroon ang lalaki. And just like the old days back when we we're a young child, I searched for him. Ang kaibahan lang ngayon, hindi na para maglaro. Yung mga panahong kahit anong gawin ko para mapalapit sa kanya, agad itong dumidistansya. I bite my lips as I reminisce those time. Lunod ako sa pag-iisip when I suddenly felt someone grabbed me by the waist at tinangay ako papasok sa pinakadulong kwarto. Tago ito at dito nakalagay ang mga dating gamit nila. Napaigtad ako when I heared a click from my back. Inilock nito ang pinto habang tangay ako nito sa dingding at ikinulong sa pagitan ng katawan niya.

My eyes widened at the familiar scenario. It's like a dejavu! 

"You want to play again, little playmate?"

Itutulak ko sana siya pero nawalang parang bula iyon nang mahigit ko ang paghinga nang sakupin nito ang labi ko. Napaawang ang labi ko dahil sa pagkatigalgal na sinamantala naman nito. His tounge quickly entered, as it wonders inside my mouth, swirling at my tounge.

"L-Lysander.."

I can't help but moan his name because of the tension starting to build in my system. Nahinto ito sa ginagawa at tiningnan ako. Back to his intimidating aura again. He smirked as he keep a distance from me at pinahid ng kamay ang basa nitong labi. 

"Time's up. We're done playing my doll. Thanks for the participation."

Nanghina ako nang buksan nito ang pintuan ng kwarto pero nilula ng kalmadong tinig nito ang sistema ko ng magsalita ito. 

"Nga pala. Ang tibok ng puso mo, ganun pa rin kabilis. Guess you haven't fixed it yet."

At kagaya ng dati, iniwan niya na naman ako rito sa loob after taking my sanity. Back then, instead of playing with me, he'll lock me here with him then kiss me. But now, it's different. It's beyond what happened before.

Mas nilula niya ako. Iba ito sa mga nagdaang halik na iginagawad niya sa akin. Ang init ng pagkakadaiti ng katawan nito ay di katulad ng dati. Mas binabaliw niya ako ngayon pero isa lang siguro ang hindi nito kayang baguhin. Ang iwan ako pagkatapos niya akong paglaruan.

I hate him, yet I love him. 

Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Jekk Tan
love this ......
goodnovel comment avatar
Guiamlod Sittie Nor
ang ganda nito
goodnovel comment avatar
LilacCurl
Enjoy reading...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status