HERMES LAURENTE? Natigilan si Leopold sa narinig at muling nanumbalik sa kaniyang alaala ang mga naganap noon sa Maldives.Year 2015. MALDIVES.“Target on site.”“Capture the man alive, Cpt. Rodriguez. Understood?” utos kay Leopold ng commanding officer niya na siyang nag padala sa kaniyang grupo sa lugar na ito.“Roger!” tugon ng binata.Sinenyasan niya si Bart, malapit niyang kaibigan at tumatayong second in command sa kanilang Elite group.Tumango naman ito at inatasan ang ilan pa sa mga kasama nila na sumunod dito. Umikot sila Bart upang surpresahin ang mga kaaway mula sa likuran habang sina Leopold naman ang sasalakay sa harapan.Ang misyon nila para sa gabing iyon ay ang dakpin si Hermes Laurente. Isang kriminal na nagtatago sa huwad na pagkakakilanlan. Isa kasi itong underground syndicate leader.At naririto ito ngayon sa hideout nito sa Maldives upang magtago dahil maging ang Interpol at FBI ay hinahanap na rin siya para sa mga kasong pag labag sa mga karapatang pantao ng mga
INIHARANG ni Leopold ang kaniyang sarili upang protektahan si Ms. Filomeno mula sa malakas na pagsabog ng sasakyan nito.Na-disorient man si Jonas sa naganap ay mabilis nilang binunot ang kaniyang baril at itinutok ito sa unahan habang si Julie at Maxine naman ay inaalalayan sina Leopold at Ms. Filomeno na makatayo.Kaagad nilang ipinasok sa loob ng resraurant si Ms. Filomeno upang ikubli ang babae. Nananatili namang nakasunod lamang sa kanila ang personal bodyguard nito na nakalabas na rin ang baril.Karamihan sa mga tao ay nagtatakbuhan na palabas ng restaurant sa takot na madamay sa nangyayaring kaguluhan. Mabilis naman na isinarado ni Jonas at Leopold ang mga puwedeng pasukan ng kung sino man sa Golden Circle.“W-what the hell was that?” takot na tanong ni Ms. Filomeno.“This is not just a threat, Jonas.” Leopold said.“Yeah, I know. They’re finally making a move,” tugon naman ni Jonas.“Bogart!” tawag ni Ms. Filomeno sa kaniyang bodyguard na kagyat namang lumapit sa kaniya.“Call
INIISIP pa rin ni Andrea si Leopold hanggang ng mga sandaling iyon. Ilang araw na ang lumilipas subalit hindi pa rin nawawala sa kaniya ang bigat ng loob dahil sa mga hindi kagagandang bagay na nararanasan ngayon ng binata.“Andrea..” tawag sa kaniya ni Damian. Kasalukuyan kasi silang nasa tahanan ng lalaki kausap ang isang wedding planner.Napalingon lamang siya sa lalaki nang muli siya nitong tawagin. “Is there something wrong? Why are you spacing out?”“I-I’m sorry.”“May hindi ka ba nagustuhan? Sa reception? Gown? Flow ng event?” Nag-aalalang tanong ni Damian.Matipid na ngumiti lang si Andrea. Mabuting tao si Damian kaya naman hindi niya nais na mag-alala ito para sa araw na pinakahihintay ng lalaki.“No. Everything’s fine,” ani ng dalaga.Makikita naman sa mukha ng lalaki ang kapanatagan dahil sa kaniyang naging kasagutan. Kaya naman ipinagpatuloy na lamang nito ang pakikipag usap sa wedding coordinator habang si Andrea naman ay nananatili lamang na nakikinig at sumasagot lang k
MAS napadiin pa ang pagkakapikit ni Leopold nang marinig ang pag alingawngaw ng putok ng baril upang ihanda ang sarili sa napipintong kamatayan.Subalit, ilang segundo na ang nakalilipas ay gising pa rin ang kaniyang diwa. Kaya muli siyang nagmulat. Ang nag-aalalang mukha ni Jonas ang bumungad sa kaniya.“J-Jonas?” wala sa loob na tanong niya sa lalaki.“Yeah, and what the fuck were you doing? You almost let the enemy take your life, you bastard!” sermon sa kaniya ng lalaki habang tinutulungan siyang makatayo. “Nakita mo ba ang mukha ng sniper?”Mahinang tumango naman ang binata sa katanungang ito ng kaibigan. Napansin din ni Jonas ang gloomy aura na nanggagalin kay Leopold na siyang ipinagtaka naman niya.“That’s good. We can at least make a sketch and know his profile. Mula doon ay maaari na natin siyang ma-track,” wika pa ni Jonas.“There’s no need to do that.”Napakunot naman ang noo ni Jonas sa tinurang ng binata. “What do you mean?”Namagitan ang saglit na katahimikan sa pagitan
LABIS ang pagkagulat ni Andrea nang makita si Leopold sa event na siya mismo ang nag organisa.“Leopold?” tawag niya sa binata. Nakita niya kung paanong manlaki ang mga mata nito dahil sa pagkabigla.Napatayo si Leopold mula sa pagkakaupo upang harapin ang dalaga. Dahil na rin may kadiliman ang paligid ay mabilis lang na nawaksi ni Leopold ang bumadhang pagkagulat sa kaniyang mga mata.“A-Andrea,” usal ni Leopold.“W-what are you doing here?” Nag-aalangang tanong sa kaniya ni Andrea.Madarama ang awkwardness ng dalawa para sa isa’t-isa ng mga sandaling iyon.“Captain?”Sabay na napalingon sina Andrea at Leopold sa lalaking bagong dating. Si Damian. Napansin pa ni Leopold ang mabilis na pagpulupot ng braso nito sa beywang ni Andrea na para bang hayop na minamarkahan ang kaniyang teritoryo.“Damian,” anas ni Leopold.“What brought you here, Cap?” tanong ni Damian.Agad naman na nag isip ng dahilan si Leopold. Hindi naman niya maaaring aminin sa lalaki na narito siya sa event dahil sa is
“Stop!”Napahinto sa paglapit kay Ms. Filomeno ang mga kalalakihan nang marinig ang mababa at malamig na tinig na nag mula sa likuran ng mga ito.Natuon naman ang mga mata nina Leopold sa lalaking bagong dating. Nakasuot ito ng kulay puting coat na pinapalooban naman ng kulay itim na long sleeve. Nakangiti itong lumapit sa kanila.Hinarap naman ito ni Leopold na habang pinakikiramdaman ang paligid. Habang ang ilan ay tumatawa at nag sasaya sa bawat biro na binibitawan ng emcee sa entablado ay seryoso at delikado naman ang bawat lilipas na segundo sa likuran kung saan naroroon sila Leopold at ang iba pa.“You must be the infamous organization called Crow, right?” the man in white asked.“And you’re from the Golden Circle, aren’t you?” Leopold asked, ignoring the man’s question.Hindi rin sumagot ang lalaki sa kaniyang katanungan. Bagkus ay inilahad lamang nito ang kaniyang kamay sa harap ni Leopold. “Levi Darkson, pleased to meet you.”Nakangiti man sa kaniyang harapan ang nagpakilalan
NAPALINGON si Andrea sa kaniyang likuran. Hindi nga siya nagkamali kung sino ito nang marinig niya ang tinig ng lalaki. Si Leopold. “What?” angil niya sa lalaki. “Can we talk?” tanong ni Leopold bago tanguan si Julie na nakakaunawa namang ngumiti at tumayo mula da kinauupuan upang bigyan sila ng pribadong oras. “We have nothing to talk about. Leave me alone,” mataray niyang tugon sa lalaki. Nag pakawala ng marahas na buntong hininga si Leopold bago muling nag salita. “I’m sorry for this…” Hinaklit niya si Andrea sa kamay na napilitan namang mapatayo. Iginiya niya ang dalaga palabas ng function hall. Nang may makitang likuan sa pasilyo ay iginiya niya roon ang dalaga. Nasa ilalim sila ngayon ng emergency stairs na ginagamit ng hotel sa tuwing magkakaroon ng aberya ang mga elevator. Nakasimangot na pumiksi si Andrea mula sa pagkakahawak ni Leopold. “What the hell is wrong with you? You jerk!” “I’m sorry. But this is the only way I can talk with you in private,” ani Leopold. “At
NAALARMA sina Jonas at Julie sa ginawa ni Leopold kaya naman bago pa pumutok ang laban ay nagawa nilang lapitan at tabihan si Leopold. Hindi naman sila nagkamali nang ginawa dahil kasalukuyan nang nakatutok sa binata ang dalang baril ni Krishmar habang nasa leeg naman ni Leopold ang kukri knife na hawak naman ni Levi. Wala na rin silang nagawa ng mga sandaling iyon kung hindi itutok sa mga ito ang dala nilang mga armas. Mabuti na lamang at may kaingayan at madilim ang paligid kung saan sila naka-pwesto dahil kung hindi ay kanina pa nakita ng ibang bisita ng event ang mga nagaganap. “Don’t make any move or you will die in here,” babala ni Jonas kay Levi habang nakatutok ang baril sa lalaki. “You too, asshole,” malamig na saad din ni Julie kay Krishmar na lumabas pa ang ugat sa noo dahil sa naging tawag ng dalaga sa kaniya. “You smells good, honey. I believe you taste good as well.” Nakangising wika ni Krishmar. Maya-maya lang ay tumunog ang telepono ni Grizzly na nakatumba pa rin