登入Inihampas na lang ni Daniel ang dalawa niyang kamay sa manibela nang nakasakay na siya sa kaniyang kotse. Sa ngayon ay hindi niya alam kung paano niya haharapin si Agatha pagkatapos ng outburst niya sa harapan nito. Hindi niya inakalang mapangungunahan siya ng kaniyang pagseselos. "Fuck this life!" inis na sambit ni Daniel sa kaniyang sarili. "Ang akala ko ay kaya kong makipagsabayan sa manliligaw niya." Isang frustrated sigh ang kaniyang napakawalan nang wala sa oras. Ngayon ay sigurado na siyang wala na siyang mababalikan pa dahil naunahan na siya ni Luis sa puso ni Agatha. "Kung hindi lang ako nagpakatanga noon ay kasal pa sana kami ni Agatha ngayon," sabi ni Daniel sa kaniyang sarili bago pa man siya nagpasyang umalis sa Rizal Park. Literal na nagulat si Darius nang nakita niyang si Luis na ang naghatid sa kaniyang anak pabalik sa bahay. Ang buong akala niya ay si Daniel ang maghahatid sa nasabing babae dahil iyon na ang nakasanayan nitong gawin kapag sila ay nasa trabaho.
"Huwag mo nang intindihin kung ano man ang kasaltikang taglay ng dati mong asawa," sabi ni Luis sa kaniyang kaibigang si Agatha nang nakita niya ang concern sa mukha nito. "This date is already a test for him kung hanggang saan aabot ang pagseselos niya."Isang malalim na hininga pinakawalan ni Agatha nang sandaling iyon, "Madali lang sa iyo na sabihin ang bagay na iyan dahil hindi naman ikaw ang mahihirapang magpaliwanag sa kaniya kung sakaling malalaman niya na sinusubok mo lang siya."Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Luis dahil sa sinabi ni Agatha, "Sigurado ka ba na mahihirapan ka pa sa pagsasabi ng totoo sa kaniya kung ako mismo ang maglaladlad ng sarili kong identity sa kaniya?"Nangunot ang noo ni Agatha sa tanong na iyon sa kaniya ni Luis. Alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang ibig sabihin nito. Iyon nga lang, a part of her is somehow frightened with that fact dahil alam niya kung ano ang magiging reaksyon ni Daniel kung malalaman nito ang partisipasyon niya."Huwag
The picnic is perfect for Daniel kung hindi lang din nila kasamang dalawa ni Agatha si Luis na nagiging asungot na naman sa kaniyang paningin nang sandaling iyon. Every time he makes an attempt para masolo ang dating asawa ay bigla na lang sumisingit sa pagitan nilang dalawa ang nasabing lalaki na para bang nananadya na ito na hindi niya maintindihan. Gusto man niyang komprontahin si Luis ay iniisip na lang niya ang mararamdaman ni Agatha kapag nasira pa ang kanilang picnic day."Hindi ko alam pero parang may kulang sa dala ni Daniel," sabi ni Luis in an almost sweet and innocent tone. "Hindi ko lang alam kung ano iyon. May convenience store ba na malapit dito?""Mayroon naman, 7/11 Maria Orosa, malapit lang iyon," sagot ni Agatha sa kaibigang bakla. "Mga isang tumbling lang iyon mula rito."Nangunot ang noo ni Luis sa sinabi ni Agatha, "Nakalimutan mo na bang foreigner pa rin ako kahit na mayroon akong Filipino blood sa aking ugat? Hindi ko alam kung anong lugar ang sinasabi mo."Isa
"Halata sa kaniya na nagseselos siya sa akin ngayong lagi akong sumusulpot sa opisina ninyo para kulitin ka," natatawang sambit ni Luis kay Agatha. "Ang akala ko ba ay walang pakialam sa iyo ang lalaking iyon?" Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, "Sa totoo lang ay wala akong ideya sa nagiging kilos ngayon ni Daniel lalo na at malayong-malayo iyon sa mga ikinikilos niya noon. I mean, may iba siyang mahal na babae at hindi madali para sa isang lalaki na kalimutan ang kaniyang first love." Napailing si Luis, "Bakit? Naging madali rin ba para sa iyo na kalimutan siya?" tanong niya agad na sinagot naman ni Agatha ng isang iling. "See, huwag mong sabihing lalaki lang ang hindi mabilis makalimot dahil kahit sino ay hindi mabilis makalimot sa kanilang mga first love, unless, they were betrayed by their loved ones." Isang mallaim na hininga ang pinakawalan ni Agatha. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang iisipin lalo na at naguguluhan na siya. Hindi niya maintindihan k
Bakas na bakas sa mukha ni Daniel ang iritasyon nang mag-isa siyang umuwi. Hindi niya maipagkakaila na halatang-halata ang closeness ng dalawa kahit na sabihin pang ilang buwan din silang hindi nagkita at siya ang mas madalas na nakakasama ng dating asawa. "Kung ngayon pa lang ay nagseselos ka na, paano pa sa mga susunod na araw na makikita mo silang magkasama?" tanong ni Gavin sa anak. "Sa pagkakaalam ko ay wala naman na kayong direktang ugnayan sa isa't isa dahil hindi na kayo mag-asawa." Napalabi si Daniel sa sinabi ni Gavin. Alam niya sa kaniyang sarili na wala na siyang karapatang magselos dahil hindi naman na lumalampas sa pagiging magkaibigan nila nang sandaling iyon. "Alam kong hindi na kami mag-asawa, pero --" "Huwag ka nang mag-protesta pa dahil sigurado akong pinangungunahan ka ng pagseselos mo ngayon," sabi ni Gavin sa anak. "May karapatan si Agatha na piliin ang kaniyang sarili sa mga oras na ito," dagdag pa ni Gavin. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni
Hindi inaasahan ni Daniel na isang lalaki ang makikipagkita't makikipagyakapan kay Agatha sa sarili niyang opisina. Wala siyang natatandaan na may sinabi ang nasabing babae tungkol sa existence nito. Isang tikhim ang kaniyang pinakawalan upang makuha ang atensyon nito , "Wala naman sigurong masama kung ipakikilala mo ako sa kaniya," sambit niya na pilit itinatago ang himig ng pagseselos nang oras na iyon. Bago pa man makapagsalita si Agatha ay inunahan na siya ni Luis nang sandaling iyon sa pagsasalita. Of course, hindi na niya palalampasin pa ang pagkakataon na asarin ito. "My name is Luis," nakangiting sambit niya sa lalaki. "Naging manliligaw ni Agatha noong nasa America pa siya." Naningkit ang mata ni Daniel sa narinig. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan, in hopes na kakalma ang kaniyang utak sa nalaman nang sandaling iyon. Hindi niya puwedeng ipakita sa lalaki na nag-pa-panic siya sa kaniyang nalaman. "Hindi ko alam na nagkaroon pala ng manliligaw si Agat
Nakikita man ni Agatha ang kaniyang asawa ay nagpasiya siya na huwag itong labasin. Sa ngayon ay alam niyang hindi mababago ng pagpunta nito ang nararamdaman niyang sakit, lalo na sa mga akusasyong ibinato nito sa kaniya. “I already sent them away,” sabi ni Darius nang napansin nito ang pagsilip n
Bumalik si Agatha sa poder ng kaniyang mga magulang na walang ibang dala kundi ang kaniyang cellphone at sarili. Alam niya sa kaniyang sarili na puwede rin siyang palayasin ng kaniyang ama at pabalikin kay Daniel kaya inihahanda na niya ang kaniyang sasabihin upang kumbinsihin si Darius na huwag na
“This marriage has fallen nang hindi pa nag-uumpisa,” sabi ni Daniel sa isang seryosong tinig habang tinatanggal ang suot na necktie. “Do not expect me to touch you, kahit na ipagpilitan mo pa ang iyong sarili sa akin.”“Daniel –”Hindi na nagawa pang sabihin ni Agatha ang gusto niyang sabihin dahi
“Agatha, what is the f*cking meaning of this?!” galit na tanong ni Daniel Ibañez sa kaniyang mapapangasawa na si Agatha Dela Cruz. “Bakit ka pumayag na magpakasal tayo?!”Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Mga magulang natin ang nag-usap tungkol doon. Pumayag ako dahil childhood f







