Share

ANG MISTERYO NI SANDY SAMEDI

BOG! BOG! BOG!

Kasabay ng mga pagkalabog sa pintuan ay kumakabog din ang puso ni Shelley sa matinding nerbiyos. Dinampot niya ang cellphone na nakatulugan niya sa kanyang tabi. Pinindot iyon upang alamin ang oras.

2:00 A.M.

Lalo pang kinabahan ang babae, “Diyos ko, oras ngayon ng mga mandurugas,” ang agad pumasok sa isip niya, “baka magnanakaw ‘yung kumakalabog na ‘yon sa pinto, ah! Baka reypis, baka…” kung ano-ano mang mga masasamang uri ng tao ang pumasok sa kanyang isipan.

Kinatakutan ang sariling kaligtasang pinindot niya ang numero ng telepono ng pinakamalapit na police station sa emergency numbers na nakalista sa kanyang phone.

Mabilis ang naging tugon ng kanyang tinawagan.

“Ano po ang emergency, Ma’m?” Tanong agad sa kanya ng boses babae na sumagot sa phone, matapos niyang mag-hello.

“May tao sa harapan ng bahay ko. Kinakalabog niya ang pintuan ng bahay…natatakot ako. Papasukin niya ang bahay ko!”

“Nag-iisa lang po ba kayo, Ma’m?”

Hindi nagawang sagutin ni Shelley ang tanong na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status