تسجيل الدخولMIKYLA POV "LIZA, lalabas lang ako ha? Ikaw na muna ang bahala dito." bilin ko kay Liza habang bitbit ko ang aking bag. "Yes, Doc. Ako na po ang bahala dito." sagot din naman niya sa akin. Tumango lang ako at tuluyan na akong lumabas ng clinic Direcho ako sa aking kotse at sumakay. At ilang saglit lang, pinasibad ko ang sasakyan sa way na hindi ko alam kung saan papunta. Ang gusto ko lang ngayun ay makahanap ng lugar kung saan pwedeng magmuni-muni. Sa loob ng walong taon, walang naging day off ang buhay ko. Umiikot ang mundo ko sa pag-aalaga sa triplets, sa pag-aaral at nang maka graduate, nagpursige ako para maging isang magaling na cosmetic surgeon. At ngayun, pagkatapos namin mag-usap ni timothy, parang may kung anong mabigat na bagay na bigla na lang dumagan sa dibdib ko Kay hirap isipin na may isa na namang Fulgencio ang gusto yatang manggulo sa mundo ko. Parang gusto ko na tuloy pagsisisihan kung bakit pa ako bumalik dito sa Pinas Tahimik ng ang mundo namin ng tri
MIKYLA POV "I know na masyado pang maaga pero... Mika, pwede ba kitang ligawan?" maya-maya ay muli niyang tanong ni Timothy. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Sa totoo lang, matagal ko nang inaasahan na darating kami sa puntong ito. Lalo na at simula noong nagkakilala kami, wala na siyang ibang ginawa kundi ang padalhan ako ng mga bulaklak sa araw-araw Pero kahit ganoon, alam kong hindi ako maaaring pumayag. Una, may mga anak na ako, Pangalawa, pinsan siya ni Arif Fulgencio…at pangatlo, ayaw ko na ng sakit ng ulo Simula noong ipinanganak ko ang triplets, nangako na ako sa sarili ko na hindi na ako iibig pang muli. Ang nalalabing oras ko dito sa mundo ay gusto kong ibuhos sa pag-aalaga sa kanila Sa dami ng pinagdaanan ko, wala na talagang lugar pa para muling pumasok sa buhay pag-ibig. Nakakadala na kasi eh. Isa pa, malabo na din na muli akong magkagusto sa ibang lalaki. "Timothy, ano ka ba? Anong ligaw ang sinasabi mo? Hindi mo ba alam na may tatlo na akong anak?" nak
ARIF FULGENCIO POV "Dinig ko, may tatlo siyang anak, at siguro, may asawa na din siya. Ayaw ng pamilya Fulgencio ng iskandalo kaya bakit ayaw mong maghanap ng ibang babae?" seryosong tanong ko sa kanya Napansin kong saglit siyang natigilan. Pagkatapos noon, tumitig siya sa akin at hilaw na tumawa "May anak siya pero dinig ko, wala siyang asawa. Tsaka, dinig ko, masarap daw magmahal ang mga single Mom kaya ayos na sa akin iyun. Aanhin ko naman ang dalaga kung hindi naman kasing ganda ni Mikyla." nakangiti niyang wika Kung hindi lang matinong tao itong si Timothy, baka nabatukan ko na ito eh. Pero hindi, maayos siyang tao. Kahit na anak sa labas, nagbigay din ito ng karangalan sa pamilya Katunayan nga, may sarili itong negosyo eh. Hindi umaasa sa pera ng mga Fulgencio para mabuhay ng maalawan Kaya wala talagang dahilan para hindi ko siya kausapin ng maayos sa tuwing nagkakaharap kami "Wala pa akong experience na manligaw ng single Mom kaya hindi ko alam kung ano ang gagawi
ARIF FULGENCIO "BULLSHIT! Huwag na h'wag mong isali ang usapan na iyan lalo na at wala kang mapapala sa akin. Naiintindihan mo ba? Wala!" madiin pero puno ng inis sa boses na wika ko kay Olga Kahit papaano, inaalala ko din ang nakaratay na si Lolo Fulgencio sa higaan ng hospital na ito. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro, baka pinarusahan ko na naman itong si Olga dahil sa ginawa niya sa akin noong nakaraang araw eh. "Arif, ano ka ba? Bakit ba ganyan ka kung magsalita kay Olga. Huwag mong kalimutan na asawa mo pa rin siya." wika naman ni Mama. HIndi ko naman mapigilan ang mapatiim bagang "Asawa? Tsk, Mom, nakalimutan niyo po siguro na kayo lang ang may gusto na maging asawa iyang si Olga." yamot kong wika. Kaagad namang napahikbi si Olga. Samantalang kaagad din naman siyang nilapitan ni MOmmy para aluin. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan sila. At pagkatapos noon, muli kong tinignan si Lolo bago ako muling nagsalita "Tulog pa po si Lolo. Babalik na lang ako
ARIF FULGENCIO POV Matapos kumain ng triplets, ako mismo ang nagligpit ng mga pinagkainan nila. Maingat kong inilagay sa isang paper bag ang mga paper box, plastic spoon, plastic fork, maging ang mga tissue na ginamit nila. Hindi iyon simpleng basura dahil para sa akin...maaaring iyon na ang susi upang tuluyan kong malaman ang katotohanan. Kung tama ang kutob ko...pagkatapos ng araw na ito, maaaring masasagot na lahat ng mga tanong sa isipan ko. At maaaring matuldukan na din ang matagal ko nang paghahanap. "Thank you ulit, Uncle." nakangiting sabi ni Oceana habang kumakaway. Tumango rin sina Blaze at Skyler. "You're welcome." bahagya akong ngumiti. "See you around?" Sabay-sabay silang tumango. At sa simpleng pagtango nilang iyon... pakiramdam ko ay nanalo na ako sa unang laban. Tumalikod na ako at dahan-dahang lumabas ng classroom. Paglabas ko pa lang ay agad kong nakita si Giovann na matiyagang naghihintay sa hallway. Hindi na ako nagsayang ng oras. Iniabot ko aga
ARIF FULGENCIO POV Uncle. Tinawag niya akong Uncle. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Hindi ko inaasahan na sa simpleng salitang iyon ay para bang may kung anong unti-unting natutunaw sa matagal nang nagyeyelong bahagi ng puso ko. Mukhang hindi nasayang ang pagpunta ko rito. Hindi rin nasayang ang maliit na effort na ginawa ko para sa kanila. Kahit papaano... unti-unti na yatang lumalambot ang loob nila sa akin. At isa pa...sa wakas ay naliwanagan na rin ako. Ang batang laging nakakunot ang noo at parang may kaaway sa buong mundo ay si Blaze. Samantalang ang palangiti, madaldal, at mas madaling pakisamahan ay si Skyler. Finally. hindi na ako mapapahiya sa pagtawag sa maling pangalan. "Okay... fine." napabuntong-hiningang sabi ni Blaze. "Thank you sa food, Uncle." Bahagya pa siyang yumuko bilang pasasalamat bago binuksan ang food box niya. Napangiti ako. Kahit sa paraan niya ng pagpapasalamat, ramdam kong hindi siya sanay magpakita ng emosyon. Parang may pader na
MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela s
MIKYLA POV “Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa kataw
MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang
MIKYLA “ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. K







