"Saan ka galing Liro?" Dali-dali akong pumunta sa gilid niya para alalayan siya sa pagtanggal ng sapatos niya.
"Pwede bang iwan mo muna ako?" Galit na sabi nito. Huminto ako saglit. Gusto kong sundin ang sinabi niya pero dahil kasal na kami, dapat ko siyang tulungan sa lahat ng bagay so iyon ang ginawa ko.
"Bingi ka ba? I said leave me alone." Sigaw niya at napapitlag ako dahil sa lakas ng boses niya.
"Please let me help you with this stuff Liro. Bakit ka ba galit na galit sa ‘kin? Wala naman akong ginawang masama," sabi ko na umaasahang tratuhin niya ‘ko ng tama.
"Umalis ka na, Cassandra. I don't want you here. I don't love you. Kapatid mo ang gusto kong pakasalan." Sabi niya bago ako iniwan na nakatanga.
Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Parang punyal na direktang tumagos sa puso ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at ngumiti ng mapait.
"Baby, sana mahalin ka ng daddy mo. Okay lang na hindi niya ako mahalin basta't mahalin ka lang niya gaya ng pagmamahal ko sa ’yo." Pinunasan ko ang luha sa mukha ko at inihanda ang pagkain para kay Liro.
We are living on the same roof for 4 months already and I'm 5 months pregnant sa. Nang nalaman nilang lahat na buntis ako, nagbago ang lahat.
Nadismaya ko sila at alam ko ‘yon. Nang sabihin ko kay Liro ang tungkol sa bata, gaya ng inaasahan ko, kitang-kita sa mga mata niya ang sakit. Malinaw sa akin na ayaw niya sa ‘kin at sa anak namin.
Kaya nang malaman ni Lianne ang katotohanan, nakiusap siya kay Liro na tanggapin ang responsibilidad para sa ‘kin at sa bata. Kinakain ako ng guilt dahil sobrang bait ng kapatid ko na handang isuko si Liro para sa kapakanan ko at sa magiging anak ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa pagitan nila, isang araw nilapitan na lang ako ni Liro para sabihing pananagutan niya ako at ang baby.
Gusto ko ng kumpletong pamilya para sa anak ko kaya sumama ako sa kaniya at tumira kami sa iisang bubong kasama siya pero araw-araw pinapakita ni Liro sa ‘kin ang pagkasuklam niya na makasama ako araw-araw.
Pinilit kong balewalain pero hindi na talaga matiis ang sakit. We sleep in the same bed pero hindi man lang niya ako mahawakan o matignan ng diretso sa mga mata ko. Para kaming mga estranghero na nakatira sa iisang bubong.
May mga pagkakataon na gusto kong umuwi at makipagbati sa mga magulang ko ngunit lagi kong iniisip ang baby ko. Gusto ko siyang mabigyan ng kumpletong pamilya, ng daddy.
Pagkatapos kong ihanda ang pagkain para kay Liro, umakyat ako sa kwarto namin para magbasa ng libro para sa anak ko. Noon pa man, naisip ko na pag mabubuntis ako gusto ko siyang kantahan ng lullaby o basahan ng libro. I want her to feel those things kahit nasa loob pa siya ng tummy ko.
Hindi kasama ang study room ng idisenyo ang bahay. Liro is an architect kaya siya mismo ang nagdisenyo ng bahay na ito. Lumapit ako sa kaniya at sinabi na gusto ko ng study room, noong una nagalit siya dahil sa pagiging choosy ko. Gusto kong umiyak dahil doon pero mas pinili ko nalang ang manahimik kesa hayaan siyang mas magalit pa sa ‘kin.
Akala ko wala talagang study room kaya no’ng nalaman kong meron, I am so happy na muntik na akong maiyak. Sobrang sensitive ko sa parte na ‘to.
Maraming mga libro sa istante at pinipili ko si Cinderella na basahin this day. Mas maganda kung nasa tabi ko si Liro at samahan akong gawin ang bagay na ito para sa baby namin. Pero sa tingin ko, sobra na ‘yon. Hindi nga niya ako kayang tignan, ang samahan pa kaya.
I guess he's still trying to pursue my sister para magkabalikan sila kaya mas mabuting dito nalang ako kasama ang anak ko. Kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko na impossible ng mangyari ang mga pangarap kong masayang pamilya kasama niya.
Nang matapos akong magbasa, nagpasya akong bumaba para uminom ng gatas which is good para sa baby. Bukas ang check-up ko sa kaibigan kong Obi-gyn kaya kailangan ko ng matulog.
Hindi kinain ni Liro ang pagkaing inihanda ko na ikinalungkot ko. Nagtimpla nalang ako ng gatas kesa isipin ang ginawa niya. As much as I can, positive lang dapat lagi.
Ayokong ma-stress kung maaari dahil ayokong ilagay sa panganib ang kaligtasan ng anak ko.
Walang bakas ng Liro sa master's bedroom kaya siguro nasa minibar pa ng bahay ito. Malamang umiinom na naman siya. Gusto ko siyang pigilan pero hindi niya ako pinapakinggan. Magagalit lang siya at papaalisin ako. I just did my night routine before I go to bed.
Pag gising ko hating gabi na. Wala pa rin si Liro sa kwarto. Umiinom pa rin siya sa minibar yata. Nauuhaw ako kaya kailangan kong bumaba para kumuha ng isang basong tubig.
Pagkatapos ay pumunta ako sa minibar upang tingnan kung ano ang nangyari sa kaniya at nang makita ko siya, natutulog na siya sa island counter at lasing na lasing. Nagkalat ang mga lata ng beer sa sahig. He’s wasted kaya nilapitan ko siya.
"Liro, wake up," hinawakan ko ang balikat niya at niyugyog para magising siya pero umungol lang siya. Hindi man lang niya maiangat ang sarili niya para pumunta sa kwarto namin kaya wala akong choice kung ‘di tulungan siya papunta sa master's bedroom.
Ang bigat nga niya pero nailipat ko siya sa kwarto namin. As his wife in paper, responsibilidad ko pa rin siya kaya I need to do my duties bilang butihing asawa niya.
"Lianne," napatigil ako saglit nang marinig kong tinatawag niya ang pangalan ng kapatid kong si Lianne.
"Mahal mo talaga siya," bulong ko at mapait na ngumiti habang nakatingin sa kaniya. Napakaswerte ni Lianne dahil mahal na mahal siya ni Liro.
Pagkatapos kong magpalit ng damit, tumabi ako sa kaniya, tumalikod ako at napapikit habang tumutulo ang mga luha ko. Siya lang ang taong nagbibigay sa ‘kin ng stress na hindi ko maiiwasan. Umasa kasi ako na baka, na mabigyan niya ‘ko ng masayang pamilya.
Kinaumagahan, gumising ako ng maaga para ihanda ang pagkain para kay Liro at ihanda ang mga damit na isusuot niya ngayong araw. I need to secure his needs before I go to my check-up.
Pagkatapos kong gawin ang mga paghahanda, naligo muna ako at kumain bago ako umalis. Nang papaalis na, nakita ko si Liro na upper naked at magulo ang buhok na pababa ng hagdan. He's so gorgeous so I bet maganda ang anak namin dahil ang gwapo ng daddy niya at syempre maganda rin ang mommy niya. Napahagikgik ako sa naisip.
"Good morning Liro. Ready na ang breakfast. I also prepare your suits in our room." Sabi ko na may ngiti sa labi.
Hindi niya pa rin ako pinapansin gaya ng dati. Masakit man pero pinili kong wag na lang pansinin. Ni hindi niya alam na ngayon pala ang check-up ko sa Oby-gyne ko.
"If you need something Liro, just call me." Sabi ko saka ko narinig ang busina ng sasakyan sa harap ng bahay namin.
Malamang si Kevin ‘yon, best friend ko. Sa unang buwan ng check-up sa Oby-gyne ko, lagi kong kasama si Kevin. He drives me to the hospital back to our home and buy me the foods that I crave. Dahil alam ko namang walang paki alam si Liro sa mga kini-crave ko. Hindi nga niya alam ang tungkol sa gender ng anak namin, cravings ko pa kaya?
"Sino yan?" Tanong niya habang nakatingin sa pintuan.
"It’s Kevin, my friend. Ihahatid niya ako sa hospital."
"Para saan?"
"Check-up para sa baby."
"Bakit kailangan ka niyang ihatid?" Tanong niya ulit.
"Ayokong mag-commute for the safety sa baby natin. Kaya wala akong choice kung ‘di humingi ng pabor sa kaniya."
"Whatever! Umalis ka na," pagtataboy niya at nagpatuloy sa pagkain. Napangiti ako ng mapait at kinagat ang ibabang labi para hindi ako umiyak.
"Bye Liro,"
Agad akong pinagbuksan ni Kevin ng pinto sa kotse niya nang makita niya ‘ko na papalapit sa kaniya. Pero nang tumingin siya sa mukha ko, bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Hey what's wrong? Sinaktan ka ba niya?"
"No Kevs. Wala siyang ginawa. Can we go now?" Ngumiti ako sa kaniya para hindi na siya mag-alala pero hindi pa rin siya kumbinsido na okay lang ako.
"Cass, alam mo naman na nandito lang ako palagi diba? Sabihin mo lang kung sinasaktan ka niya at ilalayo kita sa gago na ‘yon." Sabi niya. Hindi ako sumagot, at narinig ko lang ang pagbuntong hininga nito. Binuksan niya ang makina ng sasakyan niya at pinaharurot ito paalis.
-----
"The baby is healthy mommy, Cassy. You don't need to worry about anything. Natatandaan mo pa naman hindi ba yung bilin ko sa ’yo?"
"Yes, Doc. Kabisado ko lahat," sabi ko at sabay kaming tumawa.
"Anyways, bakit kayo lagi magkasama ni Kevin? Are you into something? Break na ba kayo ng ama ng baby?" Tanong niya.
"No Tel. As you can see, Liro hated me so much so I need to ask Kevin to help me with this kind of stuff. You know, everyone hates me now. Kayo lang ni Kevin ang maaasahan ko and I don't have someone aside from the both of you to help me in my pregnancy. Even my parents hated me and accusing me na inagaw ko raw si Liro kay Lianne."
"You know what Cassy, I block all those sh*ts who judged you. Kilala kita noon pa man kaya wala silang karapatan na sumbatan ka dahil mabuti kang tao. Bakit ikaw lang ang sisisihin? At itong si Liro, he’s a d*ck. You are his responsibility now but where are his balls at? Lost?" Galit na sabi ng kaibigan ko na si Kristel.
"Thank you for the support Tel. I am not happy in the house. It feels haunted to me. I tried to be perfect and kind para tratuhin ako ng tama ni Liro pero alam mo, sa isang sulyap pa lang ng mukha ko, magagalit na siya for no reason. I wanted to leave Tel but I don't want to raise my baby without a complete family."
"Cass. You don't need him to give the little Cassy a complete family. Mas mabuting palakihin mo ang baby mo sa masayang kapaligiran kaysa palakihin mo siya sa impyerno."
"I know Tel but I'll give it a try. I know Liro will learn to love us." Sabi ko.
"Paano si Kevin?"
"Anong meron sa kaniya? Bestfriend ko siya." Anong meron man sa amin, hindi ko lalagyan ng meaning iyon.
"Are you for real Cass? Anyways, can you wait for me a little longer? Let's have a bonding session in my condo. Want to come with me?"
"Yes sure. Wait sasabihin ko kay Kevin na sunduin ako mamaya. Hinihintay niya ako sa labas."
'Poor Kevin' narinig kong bigkas niya but I choose not to mind it at umalis nalang sa opisina niya.
Hi. I'm planning to free the 10 chapters here na lock na. First 10 person na mag comment dito na e unlock ang chapter ay gagawin ko po. Looking forward to this. Update: Na unlock na, but ni lock ulit ng systm. Pasensya na po kayo.
"Kevs, you can come with us," aya ni Kristel kay Kevin na sumama sa amin. "Ayos lang Tel. Mag enjoy lang kayong dalawa. Mamaya ko na lang susunduin si Cassy pagkatapos." Sabi ni Kevin at hinalikan ako sa pisngi na normal na sa ’kin. "Please take care of Cassy, Tel," namula ako dahil sa sinabi niya. Ganyan na siya noon pa man at nagpapasalamat ako sa panginoon dahil binigyan niya ‘ko ng lalaking mabait at matulungin tulad niya. Sinuportahan niya ‘ko sa maraming bagay at tinutulungan sa mga problema ko. "No worry Kevs. Akong bahala kay Cassy." But lahat ng iyon ay hanggang doon lang talaga. Kevin nods at her and look at me. "Call me Cass if you need anything. Okay?" "Noted Kevs. Thank you," ngumiti siya at ginulo ang buhok ko gaya ng ginagawa niya bago siya umalis. "How sweet," sabi ni Kristel. "Don't jump into conclusion Tel. Mabait at sweet lang naman si Kevin. We're just friends and that's all." Sabi ko. "Okay, if you say so. Tayo na?" "Tara na," Pagdating namin sa condo n
Sa guest room ako natulog ng gabing iyon. Ayokong makita ang mukha niya dahil sa ginawa niya. Sobra na siya!It's been 2 days since that incident at hindi ako lumabas ng kwarto ko kung andun siya. I'll cook his breakfast and dinner then matutulog na ako after para makaiwas sa kaniya.Nagbabasa ako ng kwento sa loob ng kwarto nang magpakita si Liro. Hindi ako nag-abalang tingnan siya. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro na hindi pinapansin ang presensya niya."Bumalik ka na sa kwarto natin," sabi niya pero pinili kong hindi siya pinansin."I'm sorry but I mean it. Bawal kang makipagkita ulit sa lalaking yun." Sabi niya na ikinagalit ko."Umalis ka na. Nakaka-stress ka lang! Kung ayaw mo sa akin, maawa ka sa anak mo. Gusto kong maging okay siya kaya please umalis ka na!"Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Sa halip ay mas lumapit siya sa akin. Tumingin ak
Kinaumagahan, wala si Liro. Alam ko na kung nasaan siya at naiintindihan ko siya. Ganun lang niya kamahal amg kapatid ko at ako ang hadlang sa love story nila. In the first place, ako dapat ang mag-sorry sa kanila. Pinaghiwalay ko sila.Hinawakan ko ang tummy ko gaya ng ginagawa ko tuwing malungkot ako. Gusto kong malaman ng baby ko na okay lang si mommy kahit anong mangyari.Bumaba ako at nagtimpla ng tsaa. Maghapon na lang siguro akong maglilinis ng bahay at mag-explore para hindi ako mainip. Nakaka-inip yung ako lang mag-isa dito sa loob ng bahay.'Ano ang lulutuin ko for my breakfast?'Binuksan ko ang ref para maghanap ng makakain. Mayroong jam and bread, bacon, itlog at karne ng baboy, manok at isda. I don’t have the appetite today but I need to eat for my baby of course."Baby anong gusto mong kainin?" Medyo natatawa ako dahil tinanong ko ang anak ko na halatang hindi
Bago sa’kin ang tratuhin akong parang reyna. Hindi ako sanay sa totoo lang. Katulad ng nangyari ngayon, Liro I mean yung lalaking kamukha ng asawa ang siyang nagpapakain sa’kin na para bang disabled ako."Love, try this," napatingin ako sa pagkain na nasa kutsara. It's mushed potato na niluto niya para sa’kin. It's weird on my part kasi everytime I look at him, ang asawa ko ang nakikita ko at alam naman nating lahat na hindi sweet si Liro.“Say ahh..” Ganito ba talaga siya? Ini-spoil niya ako. Ano ba talaga ang intensyon niya sa pagpapanggap bilang Liro?“Hindi mo kailangang gawin ‘to. Kaya kong kumain mag-isa." Sabi ko at kinuha ang kutsarang hawak niya at tinulungan ang sarili kong kumain.Napawi ang ngiti niya at naging seryoso. Tahimik siyang kumakain habang ako ay nasa tabi niya. Sa tingin ko ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko kanina. H
“They live happily ever after,” huling mga salitang sinabi niya bago isara ang libro. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang buhok ko na para bang isa akong mamahaling bagay na iniingatan niya. Eto na naman siya, ang sweet na naman niya.“Ah- goodnight,” medyo kinabahan ako at gusto ko na lang matulog agad pero napasigaw ako nang hatakin niya ako palapit sa kaniya ng walang pasabi."What are you doing?" tanong niya. Malamig ang mga mata habang walang emosyon ang mukha.“I’m g-going to sleep... l-love,” nauutal kong sabi.“Oo pero bakit mo ako iniiwasan? Akala mo ba hindi ko napapansin yun?” Napabuntong hininga ako. Hinawakan niya ako ng mahigpit. Malamang mag-iiwan ito ng pasa bukas.“Masakit,” pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay nanlaki ang mata niya. Sa wakas binitawan na niya ang kamay ko. Takot na takot ako sa kaniya ngayon sa totoo lang.“I’m sorry love
Buong araw akong nakakulong sa kwarto. Literal na ikinukulong niya ako dito. Nakiusap ako sa kaniya na palabasin ako kanina nang ihatid niya ang pananghalian ko dito pero hindi siya nakinig.I just spent my time reading some books para hindi ako mainip. Galit ako sa kaniya pero hindi naman totally because he’s taking care of me and it’s too ironic. He’s a psycho for sure.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras. Gabi na siguro ngayon. Kakaligo ko lang at ngayon ay nagsusuklay na. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok siya.May dala siyang gitara at nakangiti siya sa’kin. A genuine one. Sa tuwing titingnan ko siya, hindi ko nararamdaman na masama siyang tao. Aside from the fact that he's pretending as Liro, wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Sa totoo lang, ini-spoil pa nga niya ako.Am I wrong to judge him?"Anong gusto mo?" I asked trying to emphasize na hindi ako natatakot sa kaniya."Anong gusto mo?" I
Talagang pinagdadamot niya ko kay Kevin. Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kaniya. Tumingala ako sa kaniya habang masama siyang nakatitig sa kaibigan ko."Cas," napatingin ako kay Kevin. Nakikita kong maraming tanong ang bumabagabag sa kaniya. Nakikita ko ito sa mga mata niya. Sinubukan kong lapitan siya pero pinigilan ako ni Hiro."Ano ang pakay mo sa asawa ko?" he’s emphasizing the last word na asawa niya. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na mag-hi kay Kevin o ano. Ang mga hawak niya sa balat ko ang nagsasabi sa akin na huwag kumilos at huwag siyang galitin.“Pwede ko bang… Maaari ko bang makausap si Cassandra, ng kami lang?” Tanong ni Kevin at gusto ko rin siyang kausapin mag-isa pero hinawakan ako ng mahigpit ni Hiro kaya hindi man lang ako makagalaw.“You can talk to her with me,” I bit my lip when I see the hand of my friend form into a fist.“L-Love,&rdq
Napansin niya siguro ang pagbabago ng reaksyon ng mukha ko. Ngumiti lang siya dahil alam niyang nag-aalangan ako. Hindi ako makasagot sa kaniya ng oo at hindi."Don't worry love. Marami pa namang oras para kumbinsihin ka. Come, let’s go inside." Aniya, tumango ako at sumunod sa kaniya. Pagpasok namin sa bahay, maraming maids ang nakahilera sa loob.Bahagyang yumuko ang mga ulo nila bilang bigay galang kay Hiro."Welcome home master," narinig kong sabay nilang sabi kaya nabigla ako at hindi makapaniwalang tumingin kay Hiro. I have this feeling na mayaman siya but I didn’t expect that he is that super rich. This house already speaks who rich he is at idagdag mo pa kung paano siya pakitunguhan ng mga tao dito sa bahay niya."They address you as their master. Ganiyan ka ba kayaman?" Ignorante kong tanong sa kaniya. Natawa siya sa sinabi ko at hinalikan ako sa noo. Yung totoo? Kahit yung mga basahan nila dito ay pang mayaman ang datingan e.