"YEAH, it's me," nakangiting sabi ni Leona, "nakipag meeting sila sa akin, and then, ayun, pumayag naman sila to invest," masayang sabi ni Leona sa kanya.All of a sudden, parang bumagsak ang pag asa niyang maging okay sila ni Hannah. Akala ni Caleb, tutulungan siya ng kanyang dating asawa na makakuha ng investors, pero sa huli, si Leona pa rin ang gumawa ng lahat.Umasa siya masyado sa pangako ni Hannah. Kaya ba ayaw na nitong makipagkita sa kanya?Kaya ba umiiwas si Hannah?Dahil hindi nito kayang matulungan siya?Ngunit.. nakausap pa niya ito noong nakaraan. Nakipagkita pa ito sa kanya.Tandang tanda niya ang malambing na pagsasalita ni Hannah.Akala niya, namamalikmata lang siya..."Try this..." inaro ni Hannah sa kanya ang steak na nasa tinidor. Napatingin si Caleb doon, "ayaw mo ba?""'Ah.. " ngumanga siya at isinubo iyon. Kita pa niya kung paano isinubo ni Hannah ang tinidor sa bibig nito ng walang laman."That's good?" tanong ng babae sa kanya na may malambing na tinig.Napat
"HANNAH!" tawag ni Renzelle sa kanya. Kumakaway ito mula sa malayo na tila ba tinatawag siya."Kanina ka pa?" yumakap siya sa kanyang kaibigan. Dalawang linggo din silang hindi nagkita."Oo," inilayo siya nito saka tinitigan, "okay ka lang ba?""Bakit?" nakangiti niyang tanong, "may sakit ako? paano mo naman nasabi yan?""Maputla ka.. kung hindi dahil sa lipstick at blush on mo, halatang halata na ang kaputlaan mo." nag aalala si Renzelle habang sinusuri siya."Ano ka ba? maayos lang ako," nakangiti niyang tugon dito. Ayaw niyang mag alala ang kanyang kaibigan tungkol sa kanyang kalagayan. Wala pa siyang napagsasabihan ng tungkol dito."Halika na nga.. may nakita akong kainan sa banda ron.." inakay siya ng kaibigan sa kabilang panig ng mall.Sa kanilang paglalakad, nakasabay nila sina Leona at Miraflor. Nakahawak si Miraflor sa braso ni Leona na parang napaka close nila.Napansin ng mga ito ang presensiya niya, subalit hindi niya binati o kahit tingnan ang matandang babae."Ganyan ka
Malamig na nakatingin kay Hannah si Caleb, na parang may nagawa siyang mali. Hindi niya mawari kung para saan ang tingin na iyon.Lumapit ito sa kanila at huminto sa mismong harapan nila."A-anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Renzelle, kay Josh nakatingin."Ikaw, anong ginagawa mo dito?" nakasimangot na tanong ni Josh sa kanya, "niyayaya kita kanina, pero sabi mo, may sakit ka. Sa mall na pala nagpupunta ang may mga sakit ngayon?""Ah-- inaya lang ako ni Hannah. Masama talaga ang pakiramdam ko.." nakangusong sagot ni Renzelle."Mag usap nga tayo saglit," hinawakan siya ni Josh saka dinala sa kabilang bahagi ng pasilyo.Naiwan sina Caleb at Hannah."Bakit ganyan mo ako tingnan?" tanong ni Hannah kay Caleb habang nakakunot ang kanyang noo, "parang sa malayo pa lang, isinusumpa mo na ko ah.""Bakit? kailangan ba akong maging mabuti sayo?" napangisi ang lalaki matapos siyang matalim na tingnan, "wala kang isang salita!""Paanong wala akong isang salita? adik ka ba? anong pinagsasasabi m
"Huwag mong sabihing-- isinama mo ako dito, para makasama ang babaeng iyan?" nakasimangot na sabi ni Josh kay Caleb."Hindi ba, fiancee mo siya?" bulong ni Caleb sa kaibigan, "sasama daw siya sa amin, at ang sabi niya, surprise daw sayo ,kaya wag naming ipapaalam na kasama siya.""Hindi ko siya fiancee. At wala akong balak na pakasalan ang babaeng yan.." mariing wika ni Josj."Per-- matagal mong niligawan yan noong college pa lang tayo, hindi ba?" nakakunot ang noo ni Caleb."Oo nga, pero hindi maganda ang ugali niyan. Baliw yan!" walang emosyong sagot ni Josh.Sa kanilang paaralan noong koliheyo, sikat na sikat si Ellaine. Maraming nagsasabing mabait ang babae, bukod pa sa pagiging maganda.Maraming humahanga dito, ngunit ang laging sinasabi ng babae ay study first. Lalo siyang namangha sa kasagutang iyon.Ang kanyang best friend at barkada na si Moira, ay isa ding magandang babae.Madalas niya itong kasamang magreview.Maharot naman ito at masyadong mabiro.Isang araw, bigla na lang
ANG araw ng pakikipagkilala sa mga investors ay dumating na. Lahat ay excited, lalo na sina Caleb at Miraflor. Abala naman si Leona sa pinto para tanggapin ang mga ito.Naghanda pa sila ng convention hall para sa mga ito."Ang galing talaga ni Leona, hindi ba?" papuri ng kanyang ina sa babae, "kaya Caleb, tama lang na siya ang pakasalan mo.""Ma, wag na muna nating pag usapan yan dito," pigil niya sa ina."Sa bagay, mas marami pa namang pagkakataon. Hindi makakarating sina Laura nga yon, nasa ibang bansa sila," sabi pa ni Miraflor, "nag invest ba si Josh?""Hindi pa kami magkausap ng maayos, madami pa siyang inaasikaso," tugon niya, "abala iyon, dahil napakalaki na ng kanyang responsibilidad. Nnagako naman siya sa akin na tutulungan niya ako kapag talagang kailangan.""Kaibiganin mo din si Edward Ignacio. Siya ang kailangan nating tunay. Kung makukumbinsi natin siya, madami ang magtitiwala sa atin."Naiintindihan ko mommy.""Yan! alam mo, kung lagi kang makikinig sa mommy mo, magiging
Halos lahat ng naroroon ay napatingin sa bagong dating. Sa kabila ng matikas na postura at propesyonal na bihis, hindi maitatago ang pamilyar na mukha ng babaeng pumasok. Ang kanyang presensya ay naghatid ng katahimikan sa loob ng convention hall.Napalunok si Caleb, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Si Hannah. Ang babaeng kanyang iniwan—ang babaeng inakala niyang wala nang balak bumalik sa mundong ginagalawan niya.Samantala, si Miraflor ay hindi makapaniwala. Ang dating manugang na kanyang tinapakan, ngayon ay nasa harapan nila, matikas, may kumpiyansa, at halatang isang tagumpay."Hannah?" Hindi napigilan ni Leona ang sarili at tinawag ito.Ngumiti si Hannah at lumingon kay Leona, "Matagal na tayong hindi nagkikita, Leona, mga isang linggo na ba?" sagot niya na nakangisi. Matalas ang kanyang tingin, pero hindi nawawala ang pormalidad sa kanyang boses."Mukhang nagulat kayo," pagpapatuloy ni Hannah, lumingon siya kay Caleb na tila hindi pa rin makahanap ng sasabihin. Nakatingi
"KUMUSTA?" tanong ni Edward kay Hannah, matapos niyang makita ang babae na nakatinngin sa labas, tila natutulala."okay naman.." malalim ang hugot ng hininga ni Hannah na parang humuhukay ng balon. Hindi siya nito sinulyapan. Bagkus, tumingin ito sa labas na parang naghahanap ng kasagutan sa lahat ng katanungan sa puso nito."Mukhang malalim ang iniisip mo ah," malambing na tanong niya dito. Nilapitan niya ang babae, saka tinitigan, "anong iniisip mo?""Masaya ako.. iniisip kong malapit na akong magtagumpay," wika nito sabay tingin sa kanya, "hindi ko akalaing ganito kabilis ang lahat.""Nagmamadali ka ba?" nag aalala siya, "halos hindi ka na nagpapahinga, lagi kang nagpaplano, bakit?"Hindi makasagot si Hannah. Paano niya sasabihin sa lalakli na malapit na siyang mamatay? paano niya sasabihin dito na hanggang dito na lang ang buhay niya, wala ng isang taon?Mapait siyang ngumiti, bago sumagot."May mga bagay na hindi na dapat pinaghihintay ng matagal. Kung kaya namang gawin agad, bak
"NINONG---" hindi malaman ni Hannah, kung pipigilan ang lalaki, o hahayaan ito sa ginagawa nito.Ang kanyang kwarto ay malaki, ang bintanang bubog na pinapanooran nila kanina ng mga halaman, ay nagmomoist na sa lamig.Nananatili ang kamay niya sa likuran ng lalaki, at nagmamadali niya iyong inalis. Lalayo sana siya sa lalaki, ngunit hindi siya nito pinayagan.Bahagyang yumugyog ang balikat ni Edward, habang nakasubsob ito sa kanyang leeg. Ang bahagyang pagtawa nito ay nagbibigay sa kanya ng kiliti, dahil sa mainit na hininga na ibinubuga ng lalaki."Hannah.. hindi ko na kayang pigilin pa.." sabi nito habang hinahalikan ang kanyang tainga.Ang kilabot na hatid noon ay parang tumatagos sa kanyang buto. Ang kiliting nararamdaman niya, ay tila ba, nais ng lumabas.Si Caleb, ang nag iisang lalaking nakaangkin sa kanya ng maraming beses, pangalawa ang kanyang ninong.Ang hindi niya maintindihan, ay hindi niya alam ang pakiramdam, ng inangkin siya ng lalaking kasama niya, dahil sa labis na k
Nagtagpo ang kanilang mga mata—puno ng mga alaala, ng mga “sana,” ng mga tanong na hindi kailanman nasagot. Si Caleb ay parang batang naligaw sa sariling landas, samantalang si Hannah, sa kabila ng marupok niyang anyo, ay may itinatagong layunin.“Kung gusto mo talaga ng kasagutan…” mahina ngunit matalim ang tinig ni Hannah, “kailangan mong harapin ang buong katotohanan. Hindi puwedeng kalahati lang ang alam mo, Caleb. Kasi kung pipilitin mong makuha ako muli, dapat alam mo rin kung sino na ako ngayon.”Napakunot ang noo ng lalaki. “Anong ibig mong sabihin?”"May taong handang sumalo sa kalagayan ko, at parang nais ko na siyang tanggapin. Napapagod na rin naman ako.." maiksi niyang sagot."Ha?" medyo may galit sa mga mata ni Caleb, "akin ang batang yan tapos iba ang gusto mong maging tatay? hindi ako makakapayag!""Ayoko ng gulo, Caleb, hayaan mo na lang kaming mabuhay ng mapayapa. Sinabi ko lang sayo ang kalagayan ko, para hindi ka magulat sakaling makita akong muli na malaki ang tiy
Ngunit si Caleb, hindi mapakali sa sagot na iyon. Hindi siya sanay na magkunwaring wala lang, lalo na kung ang posibilidad na siya ang ama ng dinadala ni Hannah ay hindi pa malinaw. Ramdam niya sa bawat tibok ng puso niya ang tensyon—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pag-aalala. At, oo—pag-asa rin. May bahagi pa rin ng damdamin niya para kay Hannah, kahit pa pilit na niyang inilibing iyon sa piling ni Leona.“Hindi mo ba naiisip, Hannah, na karapatan kong malaman kung anak ko ‘yan?” mahina pero matatag na tanong niya.Napabuntong-hininga si Hannah. “Iniisip ko. Araw-araw. Pero tuwing iisipin kong sabihin sa’yo, tinatanong ko ang sarili ko kung para saan pa. Para guluhin lang muli ang buhay natin? Para wasakin ang kung anong meron ka na kay Leona? Caleb, hindi ito simpleng bagay. Hindi ito pelikula. Hindi ito love story. Masaya ka na sa buhay mo, at ako naman sa buhay ko. Hindi siguro tayo itinadhana, talagang pinagtagpo lang tayo.” mas pinalungkot pa ni Hannah ang kanyang anyo at t
"HANNAH?" nakita ni Caleb si Hannah na naglalakad sa gilid ng kalsada hawak ang kanyang mga pinamili.Agad narinig ni Hannah ang tinig niya. Tumigil ito at nilingon siya, "Caleb..""Saan ka pupunta?" bumaba siya at nilapitan ang babae, "tutulungan na kita."Hindi ito tumanggi, sa halip ay ibinigay nito sa kanya ang mga pinamili nito upang siya ang magdala.Iginiya siya ni Hannah sa isang restaurant."Gutom na kasi ako, kumain ka na ba?" tanong ng babae sa kanya.Napamulagat siya. Iba na talagang makitungo si Hannah sa kanya, matapos niyang maghiwalay tatlong buwan na ang nakakaraan. Naka move on na kaya ito?"Sige, hindi pa ako kumakain," nakangiti niyang sagot sa babae.Pagpasok nila sa restaurant, agad silang inasikaso ng isang waiter. Pinili ni Hannah ang upuang malapit sa bintana, kung saan tanaw ang abalang kalsada. Tahimik silang naupo. Si Caleb, habang iniaabot ang mga pinamili sa ilalim ng mesa, ay lihim na nagmamasid sa babae—tila ba sinusubukang alalahanin kung ganito rin ba
"--Pe-- pero .." hindi siya makapaniwala sa hinihiling nito. Paano siya makakapaghiganti, kung alam ng mga kaaway niya na may malaking taong sumusuporta sa kanya?Paano niya mapagmumukhang tanga ang mga ito? Hindi pa siya handa.. ayaw muna niya ngayon..Subalit tila ba pursigido si Edward na kumbinsihin siya. Binuhat siya nito saka marahang inihiga sa kama, "Mas madali mo silang mapapabagsak, kapag alam nilang nasa likod mo ako.." tumabi ito sa kanya, at hinila ang kumot patakip sa kanilang mga katawan."Pero ninong.. paano kung--" hindi na niya makuhang mangatwiran dahil palaging may sagot si Edward."Ssssh.. hindi naman kita minamadali.. pag isipan mo munang mabuti ang lahat. Handa naman akong maghintay kung kailan ka papayag.."Subalit sa isipan ni Edward, nais na niyang makuha ang kumpanyang hinahangad niya.Marami siyang plano para dito. Hindi niya iyon magagawa, kung hindi siya lalantad bilang asawa ni Hannah.Isa pa.. hindi naman niya gagawing kaawa awa si Hannah, sa katunayan
Nakatalikod si Hannah sa pinto, at bahagya lang ipinilig ang ulo, matapos maramdaman ang kanyang presensiya. Bukas ang shower, na naghahatid ng kakaibang init sa lugar na iyon.Hinubad ni Edward ang kanyang sapatos, saka sumama kay Hannah sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa na kaunti na lang ay abot na ng ulo niya.Hinawakan niya ang mga balikat ng babae, saka ito hinalikan sa leeg. Mainit ang dampi ng kanyang mga labi sa mala niyebeng kulay ng kutis nito."Hmmm.." ungol ni Hannah habang nakahawak sa pader ng banyo na parang ninanamnam ang bawat lapat ng mainit na hiningang iyon sa kanyang makinis na balat.Iniyakap naman ni Edward ang kanyang mga braso sa baywang ng nakatalikod na babae, habang patuloy ang pagdampi ng kanyang dila sa balat nito. Unti unting nagkakaroon ng pulang marka ang balat ni Hannah.Dahan dahan siyang iniharap ni Edward. Sa basang mukha, nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinawakan at hinaplos ni Edward ang makinis na mukha niya, saka dahan dahang ibinaba a
"Hannah.." tawag ni Edward ng makita ang asawa na nakatingin sa labas ng bintana at tila ba malalim ang iniisip."Bakit ninong?" hindi man lang niya nilingon ang lalaki at nanatiling nakatitig sa mga sumasayaw na bulaklak sa labas."Bakit hindi mo ako isinasama sa mga check up mo?" tanong nito sa kanya, "maaari naman kitang alalayan? nakakahiya na kay Renzelle kung siya lagi ang hinihila mo..""Ninong.." doon pa lang niya naisipang tingnan ang lalaki,l "pakiramdam ko, may nagmamanman sa akin.. ayokong masira ang plano natin at ayokong madamay ka.. nais kong lutasin ito ng unti unti ng hindi nasisira o nababatikan ang iyong pangalan," bahagya pa siyang ngumiti sa lalaki.Bigla naman ang daloy ng sinabi ni Hannah sa isipan ni Edward. 'Ganoon ba niya pinapahalagahan ang pangalan ko at ayaw niyang madamay ako sa mga ginagawa niya?'"Pero-- baka nahihirapan kayo," nag aalalang tanong niya s ababae. Ganito na lang, pasasamahan kita sa dalawang bodyguard, at kapag may napansing kahina hinala
Nag-iisa siyang nakaupo sa harap ng salamin. Wala na ang make-up na lagi niyang ipinagmamalaki. Ang buhok niyang laging maayos, ngayon ay magulo at nakalugay. Halos hindi na siya ang Leona na banidosa, maalaga sa sarili at maganda.Bumukas ang pintuan. Pumasok si Caleb. Tahimik. Wala pa ring katiyakan ang kanyang damdamin, pero may dala siyang pagkain at gamot. Kahit naman papaano, ayaw naman niyang may mangyaring hindi maganda kay Leona.“Leona… kumain ka muna.” alok niya sa babae, na sa tingin niya ay isa ng bruha sa hitsura nito.“Huwag mo akong alukin ng pagkain,” matalim ang tingin ni Leona. “Pagkatapos mong sabihin sa’king si Hannah pa rin ang mahal mo, aakto ka ngayon na parang nagmamalasakit ka? Ganyan ka ba kasama, Caleb?”“Leona…” buntong-hininga ni Caleb. “Hindi kita kayang saktan pa. Pero hindi ko rin kayang ipilit ang sarili ko sa relasyon na hindi totoo. Marami na ang nangyari, hindi ko na kayang ipaliwanag pa.”“Hindi totoo?! Lahat ng taon natin? Hindi totoo?!” Pumatak
Natigilan si Leona sa narinig. Para siyang sinampal ng isang mapait na katotohanan. Ang lalaking akala niya'y pag-aari na niya, ang lalaking pinaglaban niya sa lahat—ay may iniibig pa ring iba. Hindi lang basta ibang babae, kundi si Hannah. Ang dating asawa, ang "mahinhing babae" na minamaliit nila noon."Caleb..." anas ni Leona. Nanginginig ang kanyang labi habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. "Ginamit mo lang ba ako?"Hindi sumagot si Caleb. Nakayuko lang siya, pinipigilan ang sariling magalit, malito, at maluha sa iisang pagkakataon. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Hindi niya sinasadyang saktan si Leona, pero maliwanag sa kanyang puso: si Hannah pa rin ang kanyang mahal."Sumagot ka, Caleb!" sigaw ni Leona. "Anong akala mo sa akin? Basahan? Rebound?!"Tumitig siya sa babae, at bagama’t galit ang kanyang mga mata, may bakas ng pagod at pagsisisi sa kanyang mukha. “Alam mong may iniwan akong sugat sa nakaraan. Pero pinilit kong lumigaya, pinilit kong paniwalaan na
"Wala akong sinabi," tumalikod si Leona, subalit nakangisi."Ulitin mo ang sinabi mo!" hinila ni Caleb ang kanyang braso."Nasasaktan ako, Caleb!" inis na sagot ni Leona. Inalis niya ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi."Buntis ba siya?" ulit niya sa kanyang katanungan. Kung buntis si Hannah.. mas pabor iyon para sa kanya..Ang kanyang isipan ay umiikot sa dati niyang asawa nitong nakaraang araw. Halos nahihirapan siyang matulog, at naiimagine ang mga nakakas*x niya na si Hannah.Parang nakikita niya ang mukha nito kay Leona, at kahit pa nga kay Cheska. Talagang hindi niya tinitingnan ang mga ito bilang sila, kundi bilang si Hannah.Hindi niya malaman sa kanyang sarili subalit para siyang naghahallucinate. Kinokonsensiya na ba siya sa kanyang nagawang kasalanan? o mahal niya lang talaga ang knayang dating asawa?Kung iisipin niya ang bawat pagkakataon at araw na lumilipas, walang nakakapantay dito sa paglalabas ng init sa kanyang katawan. Kinkailangan pa niyang maligo matapos ni