"Mama! Mama!"Pabiling-biling ang ulo. Nakapikit ngunit ang mga mata ay parang bukas habang inaalala ang nakaraan. Ang pawis sa kanyang noo ay tagaktak at halos basa na ang kanyang buhok dahil doon. Ang mga kamao niya ay nakakuyom habang tila bumabalik siya limang taon na ang nakalilipas. Ang nakaraan.Nakaraang nagdulot sa kanya ng trauma dahil sa takot. Pilit man niyang kinakalimutan ay muling bumabalik sa kanya. Siguro nga, panahon na para muli niyang harapin iyon. Muling balikan."Anong nakikita mo Basti..." malumanay na tinig iyon. Parang anghel na bumubulong. Kinakausap siya."You can stop if it's hard for you to remember..."Muling bumiling ang kanyang ulo. Gusto niyang magmulat. Gusto niyang tumigil at magising sa panaginip na iyon. Pero...Nagpatuloy siya. Tila nakikita niya ang batang siya. Naglalakad sa mahabang pasilyo habang umuulan ng malakas. Ang kulog at kidlat ay dahilan upang takpan niya ang kanyang teynga habang inaapuhap ang daan patungo sa taong magbibigay sa kany
"Boss..." Nagmamakaawang hinawakan ni Leo ang paa ni Vincent. Nanginginig at natatakot para sa sariling buhay. Nakahilata na siya sa sahig at duguan. Suntok at sipa ang natamo niya pagkatapos nilang bumalik sa kuwarto kung nasaan si Vincent na walang maibalita kung nasaan si Miranda. Halos hindi na makilala ang buong kuwarto dahil talagang wasak maging ang mga gamit na naroon. Ang malaking TV ay wasak sa gitna. Ang maliit na refrigerator ay natumba na at natapon ang mga laman. Ang mga kama na naroon ay wala na sa puwesto. Nakasalubong nila kanina ang manager ng hotel na takot na takot ang itsura at walang magawa. Takot tumawag ng pulis dahil sa banta ni Vincent."Kasalanan ninyo! Kasalanan ninyo mga inutil!" Muling pinagsisipa sila ni Vincent. May hawak itong baril na biglang itinutok kay Leo. "Boss...""Alam mo ba kung anong ginagawa sa taong inutil na gaya mo, ha!" Nagulat si Leo nang biglang ipasubo ni Vincent sa kanya ang dulo ng baril. "Pinapasabog ang ulo!" Bumaba ito at bumul
"Where are they?" tanong ni Vincent sa tauhan na nagmamatiyag kila Lucas. Pinamanmanan niya bawat kilos ng mga ito. Hindi niya gusto na muling magkaharap sila ni Miranda. Hanggang maaari ay hindi na dapat muling magkita ang dalawa."Lumabas si Lucas Belleza, boss." Bigla siyang nakaramdam ng galit sa sistema. Is Lucas taking his move already?"Where is he?""Mistique Bar and Casino, boss..." ika ng kausap. Pasimple nitong itinutok ang camera kay Lucas at sa kausap nito. Si Scott Schutz.Nakahinga siya ng maluwag. Buti naman at hindi gumagalaw ngayon si Lucas. Magiging huli na ang lahat kapag dumating ang umaga. Because he will make sure that Miranda will never leave the island ever again. And never leaves his life. Hindi niya hahayaang mangyari ang katulad noon."Nagawa kong pigilan ka, Miranda. Magagawa ko pa rin kahit ngayon,"aniya. Kung kinakailangan ay ikulong niya ito roon ay gagawin niya. Maging kanya lang habang buhay ang babae. "No one will have you. Ako lang. You are mine, M
"Lucas, look at this..."Pumunta si Robert sa mesa ni Lucas. May tinitingnan siyang larawan at may biglang nakakuha ng kanyang kuryosidad. Itinuro niya iyon sa hawak na litrato. "This is Tatiana Vistro, right?" aniya. Itinuro ang isang babae na nasa gitna sa litratong iyon. Bata pa ito tingnan sa litratong iyon. Early twenties sa tantiya nila. May kasama itong mga bata sa litrato. Mula sa pagkakatayo at pananamit nito ay halatang galing ito sa prominenteng pamilya.Napakunot noo si Lucas nang mapagmasdan na mabuti ang nasa larawan."This is from the convent, right? Si Sister Felomina ito..." aniyang itinuro ang isang babaeng nakatayo sa gilid. Medyo bata rin ito sa litratong iyon. At sa likuran ng mga ito. Ang background sa picture ay ang kumbentong tila bago pa.Napatitig nang mabuti si Robert doon. "Oo nga, Lucas..." aniya. "They know each other?" Hindi makapaniwalang napatanong ito.Nilipat nila ang litrato. Naroon pa rin ang dalawa. Pero sa sumunod na mga litrato ay may hawak n
Lumapit nang mabilis si Vincent sa kanila. "Miranda?" tila nagtatakang tanong ni Doctor Luigi. Sa boses ay naroon ang alinlangan sa nakikita."Doctor Luigi, meet my wife, Miranda Venaventura. Mira, this is Doctor Luigi, my mom's private doctor..." pakilala agad ni Vincent kay Miranda.Ngumiti si Miranda. Inilahad ang kamay sa ipinakilalang doctor."Nice to meet you, Doctor Luigi..."Alanganing kuhanin ni Luigi ang kamay na nakalahad. But then, there's this curiosity inside him. Nang mahawakan niya ang kamay ng babae ay tila napaso siyang napabitiw dito."Miranda, I told you to stay in the living room. Mama will be fine now. Narito ang Doctor niya kaya magiging okay siya," narinig niyang sabi ni Vincent sa babaeng nasa harapan. Naguguluhan si Luigi. Inakala niya talaga kanina ay ito ang kakilalang babae. Ang dahilan kung bakit siya umalis sa hospital. He couldn't save her. Nawaglit lang siya saglit ay nawala na ito.Muli siyang napatitig sa babae. Nagkakamali ba siya ng nakikita? Bak
DNA test result:Lucille and Basti. They have almost twelve percent of being blood related. Ibig sabihin, malapit na kamag-anak ni Michelle si Miranda. Or maybe, a sister. Nangangati tuloy ang mga palad ni Lucas mas malaman pa ang katotohanan."Hope you are being with me, Michelle. Hindi man bilang anino sa buhay na ito. Please, protect our Lucille. Be our angel. I know, fate made me meet Miranda so I can protect and free her. This is what you want, right?"Nanginginig na napatitig siya sa kanyang kamay. Ang kamay na pumahid sa luha ni Miranda kanina. Hindi niya nagustuhan ang biglang kabog ng kanyang puso nang gawin iyon. "I'll just help her..." pilit na kumbinsi niya sa sarili. Pero alam niya, may kakaiba na siyang nararamdaman para dito. He wants to ignore those feelings. Dahil hindi dapat. Hindi dahil kamukha ni Michelle si Miranda ay kailangan na rin niyang makaramdam dito ng kakaiba. Samantala, tahimik na bumabiyahe sila Vincent at Miranda. Panaka-nakang sumusulyap si Vincent