Share

CHAPTER 105: BABY YURI

Author: DIVINE
last update Last Updated: 2025-12-25 01:26:33

Napaiyak na lamang ako sa alaalang iyon.

Tahimik ang apartment, sobrang tahimik na parang wala nang mundo sa labas. May TV nga ako. May lingguhang supply ng pagkain, tubig, at mga pangunahing kailangan. Pero kahit anong dami ng gamit, walang kahit anong makakapuno sa pakiramdam na iniwan ako ng mundo.

Parang pinatay ang oras dito. Ang pinto, doble ang kandado.

Walang susi. Walang bintana sa labas. Walang kahit anong senyales na may makakarinig sa akin kung sisigaw man ako.

Walang paraan para makatakas. Kahit gusto ko.

Napatingin ako sa kama.

At doon ko siya nakita. Ang tatlong buwang gulang kong anak. Ang anak namin ni Leonard. Ang bunga ng pagmamahal ko sa aking asawa. Ang nagbibigay sa akin ng lakas dahil kung ako lang, mag-isa baka hindi ko kayanin..Lumaban ako ng malaman kong buntis ako. Napatingin ako kay Yuri sa aking anak. Mahimbing siyang natutulog, nakatagilid, maliit na maliit ang dibdib na dahan-dahang umaangat at bumababa. Mapula ang pisngi. Bahagyang nakabukas ang mga la
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Carmie Corage
cno Pala ang nagkulong sa kanya?palagay ko c Nina.
goodnovel comment avatar
Mary Paz Sadia
may anak na pala si Sam at Leonard grabe ang pahirap kay Sam kaylan ba matatapos yan kawawa naman...
goodnovel comment avatar
Victoria Suganob
ano ba yn grabeng pagsubok na yn sa pagmamahalan ni Leonard at Sam.sana mgkaroon na ng tuldok ang paghihirap nila,para happy ending na cla
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 114: THE NIGHT I FOUND MY FAMILY

    HINDI pa rin tumitigil ang iyak ng bata. Kahit pareho na kaming kinakabahan ni Kuya, wala kaming magawa kundi manatili sa pwesto namin at alamin kung ano ba talaga ang meron sa bahay na pinupuntahan ni Papa.“Kanino ba talaga itong bahay?” bulong ni Kuya Leonard, halatang iritado. “Sa kabit ba ng papa mo? At idadamay mo pa talaga ako sa gulo na ito? Alam mo naman na marami akong iniisip.”Hindi agad nakasagot si Ariana. “Hindi ko rin alam, Kuya. Basta… magmatyag muna tayo,” mahina niyang sabi. “Baka pag nag-umaga na, bumalik si Papa. Kapag nahuli tayo rito, siguradong lagot tayo.”Napatingin si Leonard sa paligid. Tahimik ang bahay dahil sa sobrang dilim. “Fine…Just stay alert,” sabi niya. “Kapag may narinig kang kahit ano, sabihin mo agad.”Tumango si Ariana. Sa gabing iyon, walang nagsalita sa kanila ng matagal—pareho silang nakikinig, nag-aabang, at umaasang walang mangyayaring mas masama pa.Malapit na kami sa isang extended na bahay na mukhang abandonado rin, pero may ilaw sa loo

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTEF 113: THE HOUSE THAT SHOULDN'T EXIST

    Nagtataka ako kung bakit bigla akong tinawagan ni Ariana.Hindi siya ’yung tipo na tatawag nang ganitong ka-late, lalo na na halata sa boses niya ang panic. May mali. Ramdam ko ’yon agad.Mabuti na lang hindi pa ako tulog.Nakatunganga lang ako sa sala, hawak ang baso ng alak, sinusubukang patayin ang ingay sa utak ko. Ilang bote na rin ang nabawasan pero malinaw pa rin ang isip ko. Kaya nang tumawag siya, parang may malamig na dumaloy sa katawan ko, isang instinct na nagsasabing kailangan niya ako.Hindi na ako nagpalit ng damit. Kinuha ko lang ang susi ng kotse, sinulyapan ang cellphone kung saan naka-pin ang address na sinend niya, at agad akong lumabas. Kinuha ko rin ang baril ko at sinukbit iyon in case na gulo pala ang pupuntahan ko. Habang umaandar ang sasakyan, paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang boses niya.“Urgent ito, kuya.”Hindi siya nagbibiro. Hindi rin siya basta-basta natataranta. Kaya habang papalapit ako sa lugar, mas lalo akong kinakabahan. Tahimik ang kalsada, ha

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 112: I CAN'T FACE ALONE

    Nasa loob na si Ariana ng kotse. Mula sa malayo, nakita kong umandar ang sasakyan ni Papa palabas ng gate. Hindi siya nagdalawang-isip. Diretso lang, parang alam na alam kung saan pupunta. That alone scared me. Sa ganitong oras saan siya pupunta? Hindi mapigilang hindi magtaka ni Ariana. Kinakabahan siya. Pag-alis ko sa driveway, pinanatili ko ang distansya. Hindi masyadong malapit at hindi rin masyadong malayo para hindi mahalata na nakasunod ako…Enough para hindi niya mahalata, pero sapat para hindi siya mawala sa paningin ko.. Tahimik ang kalsada, halos walang ilaw. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko at ang mahinang ugong ng makina. Every turn he makes, sinusundan ko. Left. Right. Isang mahabang diretso palabas ng main road. Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko nang huminto ang kotse ni Papa sa tapat ng isang bahay na halos walang kapitbahay. Tahimik ang paligid, sobrang tahimik na parang may masamang balak ang gabi. Mula sa malayo, agad akong bumaba, daha

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 111: MY DOUBT

    Napaangat ang kilay ni Simon nang makita niya akong nakaupo sa sofa, halatang problemado.“Ako na mismo ang naaawa kay Leonard,” mahina kong sambit, napabuntong-hininga. “Mukhang mahal niya talaga si Sam. You can see it in his eyes, hindi siya nagpapanggap.”Bahagya siyang ngumiti, pero may halong panunukso. “Pero gusto mo naman ang nangyayari, hindi ba?” tanong niya, diretso ang tingin sa akin. “Deep inside, you like the fact na sa’yo lang ang anak mo.”Napatingin ako sa kanya, hindi agad sumagot. Kasi kahit ayokong aminin, may parte sa akin na totoo ang sinabi niya. At iyon ang mas lalong gumugulo sa isip ko.Hindi ganun kasimple,” mahina kong sabi. “Yes, I want my child with me. Pero hindi ibig sabihin nun na wala na akong konsensya. Hindi naman siguro ikaw ang dahilan kung bakit nawawala si Sam,” dagdag niya. Biglang tumayo si Simon, halatang nainsulto. “What? At bakit ako?” mariin niyang tanong. “Why would I even take Sam? Bakit ko naman gagawin ‘yon?” mariin niyang tanggi.“Hin

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 110: THE PRICE OF SILENCE

    Mabilis akong umalis ng bahay, halos hindi ko na naisara ng maayos ang pinto. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagmamaneho, at paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ng tatay ko at ang pangalang ayaw na ayaw ko nang marinig.Sam.Parang kutsilyong paulit-ulit na isinusuksok sa dibdib ko. Pagdating ko sa dati naming tagpuan ang lumang bahay na matagal nang walang nakatira ay agad akong sinalubong ng katahimikan. Sa bahay na ito kung saan maraming lihim.Nandoon na si Simon. Nakatayo sa may pintuan, halatang kanina pa naghihintay at naiinip na sa akin.. Pagkakita pa lang niya sa akin, alam kong nabasa niya agad ang emosyon ko, ang galit, ang inggit na matagal ko nang kinikimkim.“Hey,” mahinahon niyang sabi. “What happened?”Hindi ako sumagot. Diretso akong pumasok at inihagis ang bag ko sa mesa.“Huwag mo muna akong tanungin,” malamig kong sabi. “Baka sumabog lang ako.”Tahimik niya akong sinundan. “Si Sam na naman?” maingat niyang tanong. “Napanood ko an

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 109: WHAT ABOUT ME?

    Pagkaalis ni Sonya, nanatili akong nakatayo sa gitna ng sala. Tahimik ang paligid pero sa loob ng ulo ko, parang may sumisigaw. Paulit-ulit. Walang tigil. Ang pagkukulang ko kay Sam. At higit sa lahat, ang pagkukulang ko sa ina ng batang pinalayas ko, na ginawa ko rin sa ina niya. I failed her.Hindi ko siya naprotektahan. Hindi ko siya pinili. Hinayaan kong lamunin ako ng bago kong pamilya. Ang totoo ay hindi naman ako naging masaya sa piling ni Sonya. Ngayon ko lang narealize na masyadong kontrolado ang buhay ko. At nang mawala si Sam, doon ko lang tuluyang naunawaan kung gaano kalaki ang kasalanan ko, ang pagkukulang ko. Oo, nagduda ako kung anak ko ba bata si Sam pero nagpa- DNA ako ng hindi alam ni Sonya at nalaman ko na biological kong anak si Sam. Walang duda yun kaya pala kahit na anong pilit ko sa sarili ko na hindi ko ito anak ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing na involved ito sa mga away.One year, bulong ng isip ko. Isang taon na akong naghahanap. Isang taon na akong nagba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status