Share

CHAPTER 95: A SECOND CHANCE

Author: DIVINE
last update Last Updated: 2025-12-02 00:13:21

Hinayaan ko na lang si Kuya Leonard na magpakalasing. Gusto kong mailabas niya ang lahat ng sakit at sama ng loob na matagal na niyang dinadala. Hindi ko siya hinusgahan; nakinig lang ako, buong puso. Nang hindi na niya makaya, humingi ako ng tulong sa waiter para dalhin siya sa sasakyan ko. Ako na mismo ang naghatid sa bahay niya, at iniwan ko na lang ang sasakyan niya sa bar.

Sunod-sunod kong pinindot ang doorbell. Pagdating ko sa bahay ni Kuya Leonard, may dalawang security guard na nakaabang, kaya’t nagpasya akong humingi ng tulong para sa pagbubuhat. Mag-aala una na ng madaling araw nang makapasok kami, pero nagulat ako nang makita si Sam na gising pa rin. Tama ang hinala ko—hinihintay niya ang asawa niya.

Kaagad na dinaluhan kami ni Sam at tinulungan. Hinawakan niya sa kanang kamay si Kuya Leonard habang ang isang guard naman ay nasa kabila. Ako naman ay nakaalalay at dala ang gamit ni Kuya Leonard. Habang naglalakad kami, napatingin sa akin si Sam, halatang nagtataka.

“Anong na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rosa Paz
finale na po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 101: WAITING FOR SAM

    Narinig ko ang tanong ni mama habang nagkakape ito sa kusina, nakakunot ang noo habang sinusundan ako ng tingin. Kanina lang, kalmado akong naglalakad pababa, pero ngayon para akong hindi mapaanak dahil hindi mapakali.“Ano bang nangyari sa kuya mo, Ariana? May problema ba? Nagising na ba siya sa katangahan niya?” diretsong tanong ni mama, sabay higop ng kape na parang normal lang ang lahat.Napailing ako, hindi dahil wala akong sasabihin, kundi dahil ayokong magsimula si mama ng sermon na parang teleserye. “Mama, please. Pwede ba tumigil ka muna? May problema si kuya. Kailangan niya tayo ngayon.”Itinaas ni mama ang kilay at napailing..“Iniwan siya ni Sam,” dugtong ko.Natigilan ang ina…“Iniwan? Why would that girl do that? Hindi ko ma-gets. Eh patay na patay ‘yon kay Leonard. She’s crazy over him.” Umirap si mama na parang insulto sa buong angkan namin ang ginawa ni Sam.Huminga ako nang malalim. “Nalaman kasi ni Sam na nakikipagkita pa rin si kuya kay Catherine.”Biglang tumigil a

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 100: THE SPACE BETWEEN US

    Hinawakan ni Sam ang kamay ko, marahan pero puno ng bigat. Kita ko agad ang panginginig ng kanyang daliri, at nang magsalita siya, parang dahan-dahang sinasaksak ang puso ko.“Mahal kita, Leonard…” mahina pero malinaw ang boses niya. “Pero kaya kitang palayain kung ibang tao ang laman ng puso mo.”Napakagat-labi siya habang pinupunasan ang luha na tuloy-tuloy na dumadaloy. “Ang space na binibigay ko sa’yo… it’s not to punish you,” bulong niya. “Binibigay ko ‘yon para mahanap mo sa puso mo kung sino ba talaga ang gusto mo. Mag-isip ka. At siguro… siguro ganun din ang gagawin ko. Mag-iisip ako kung tama ba na hawakan ko pa ang pagmamahal na ito… o kakalimutan ko na lang.”Napahawak siya sa dibdib niya, parang sinusubukang pigilan ang sariling pagbagsak.“Saan man ako magpunta, Leonard…” sabi niya, humihikbi na..“Alam mong minahal kita nang totoo. Walang halong kasinungalingan. I gave you everything I could. Sana… sana mahanap mo sa puso mo kung sino ba talaga ang mahal mo.”Muling bumag

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 99: THE CHOICE OF THE HEART

    “I will give you space, Leonard…” bulong ni Sam, kaya napahinto ako habang nakayakap pa rin sa katawan niya.Nanlamig ang buong dibdib ko. Dahan-dahan siyang kumawala sa yakap ko at tumingin sa akin, puno ng sakit ang mga mata niya, para bang sinasabi na tapos na kami.. “Sam… please, just listen,” sabi ko, pilit na inaabot ang kamay niya.Umiling siya, pinipigilang tumulo ang luha.“No, Leonard. I trusted you.”“Pinaniwalaan kita sa lahat. Sayo na nga umiikot ang buhay ko, pagkatapos ay ganito lang pala ang mangyayari..Ganito lang pala ang malalaman ko. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Kung gaano kasakit maniwala na mahal ka ng asawa mo? Na mahal ka ng taong natutunan mong mahalin? Sinubukan kong pigilan ang sarili ko na huwag kang mahalin dahil sabi ko kasunduan lamang ang lahat at wala kang nararamdaman sa akin pero pinilit mong maging tayo Leonard…Pinilit mong mahalin kita pero ikaw iba ang ginawa mo?? Pinilit mong mahalin ako para makalimutan mo siya pero ang totoo hindi mo

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 98: A NIGHT OF TEARS AND CONFESSIONS

    Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang pangalan ni Catherine mula kay Sam.Huminga ako nang malalim, pilit inaayos ang sarili bago magsalita. “Sam… bakit mo biglang nasabi si Catherine?” tanong ko, mababa ang boses, halos pakiusap. “Bakit mo siya pinapasok sa usapan natin?”Hindi agad sumagot si Sam. Pinunasan niya ang luha sa pisngi pero hindi na niya itinago ang alinman sa sakit na nararamdaman niya. Tumingin siya sa akin, hindi galit, pero pagod. Pagod na pilit nagtatapang tapangan. “Because I heard you last night,” sagot niya, diretso, walang paliguy-ligoy.“I heard everything.”Napaangat ang ulo ko. “Heard… what?”Huminga siya ng malalim, mabagal, parang nanginginig pa ang dibdib niya.“Lasing ka kagabi, Leonard,” simula niyang napapalunok..“Sobrang lasing ka at habang pinupunasan kita kagabi, paulit-ulit mong binabanggit ang pangalan niya.”Tumigil ang mundo ko sa narinig. “Her name,” dagdag niya, “Catherine. Paulit-ulit mong sinasabi. Hindi ko alam kung panaginip ba, ala

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 97: THE SECRET I NEVER TOLD

    Masakit ang ulo ni Leonard nang magising ako kinaumagahan, yung tipong kumikirot mula sentido hanggang batok, para akong binagsakan ng mabigat na bato. Napapikit pa ako ng sandali at hinilot ang sentido ko bago dahan-dahang dumilat. Nakapantulog na rin ako. Bahagya pa akong nagulat dahil nasa kwarto na ako. Nasa kama naming mag-asawa.. Nakabalik na sa bahay namin ng hindi ko nalalaman. Samantalang ang huling malinaw na alaala ko kagabi ay ang maingay na tugtog sa bar, ang pag-inom namin ng kapatid ni Ariana, ang pagpapakalunod niya sa alak at ang paglalakad palabas para huminga ng hangin. Pagkatapos noon, blangko na ang lahat. Umupo ako nang dahan-dahan at tumingin sa paligid. Maayos ang kwarto. May nakatiklop pang tuwalya sa kama, sa bandang gilid ko, pati isang basang bimpo na natuyo na na nakapatong naman sa upuan. Napansin ko ang kama, parang wala akonf katabing matulog dahil malinis ang kama at maayos ang bandang pwesto ni Sam. May kung anong biglang kirot sa dibdib ko, isang

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 96: THE WOMAN IN HIS MEMORY

    Tinanggalan ko ng sapatos si Leonard habang nakahilata siya sa kama, lasing na lasing at halos hindi na kumikilos. Ramdam ko pa ang bigat ng katawan niya ng buhat-buhatin ko ang isang paa para maalis ang sapatos. Pagkatapos, kumuha ako ng maligamgam na tubig at isang maliit na tuwalya para punasan ang mukha niya. Gusto ko lang siyang maging komportable, kahit pa wala man lang siyang masabi kanina kundi puro reklamo at pag-inom.Habang marahan kong pinupunasan ang pisngi niya, bigla siyang umungol. Napakunot ang noo ko at lalo kong inilapit ang sarili ko para marinig kung ano ang sinasabi niya—baka kailangan niya ng tubig, baka nahihilo, baka may masakit.Pero hindi ko inaasahan ang lumabas sa bibig niya.“Catherine…” bulong niya, paos, malalim, parang galing sa kung anong sugat sa dibdib niya.Parang may sumabog na malamig na hangin sa loob ng kwarto. Natigilan ang kamay ko, hawak-hawak pa ang basang tuwalya. Ilang segundo akong napako sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw, hindi makapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status