Gianna's POV "Rachelle! Rachelle na saan ka?!" sigaw ko pagpasok ng bahay nila kahit na pinipigilan na ako ng guard ay wala akong pakialam. Hayop sya! Saan nya dinala ang anak ko. "Ma'am lumabas na po kayo wala po dito si Madam," sabi nito habang pinipigilan ako. "Hindi pwede! 'Yong anak ko kuya...k-kinuha nya sa akin." Napaluhod na ako dahil sa pag-iyak. Pakiramdam ko mababaliw ako kung hindi ko malalaman kung na saan na ang anak ko. Ano ng kalagayan nya. Kung nasa maayos ba sya ngayon."Rachelle! Lumabas ka ryan! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Nakikiusap ako sa'yo 'yong anak ko." Nawawalan na ako ng hininga pero hindi pa rin tumitigil ang luha na lumalabas sa mga mata ko. "Ma'am, pasensya na po talaga pero umalis na po kayo," pakiusap ng guard sa akin. May narinig akong sasakyan na paparating kaya lumingon ako. Si Rachelle! Nabuhayan ako at ka agad na tumayo at mabilis na tumakbo sa sasakyan nyang umaandar pa. "Rachelle! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Rachelle!" Ilang beses kong k
Gianna's POV "Teacher! Teacher Gianna!"Napalingon ako dahil tinawag ako ng isa sa mga estudyante ko. "Oh bakit?" tanong ko at lumapit sa kanila. "Teacher, si Jacob po kinagat ng aso," Balita nila. "Ha? Nasaan sya?" Dali-dali akong umalis para tingnan ang kalagayan ni Jacob. Naabutan ko itong nakaupo sa bakal na upuan sa may swing."Jacob?" Tawag ko dito. Umiiyak na ito nang lumapit ako. Bumaba ang tingin ko sa tuhod nito at may sugat doon na bumabakat pa ang kinagatan ng aso. Binuhat ko ito papunta sa clinic para mabigyan ng paunang lunas."Paano ka nakagat ng aso?" Mahinahon kong tanong nang matapos na itong linisan ng sugat nya. "Si Willy po kasi pinapasok nya 'yong aso tapos nakipaglaro kami tapos po kinagat nya ako," kwento nito na medyo huminahon na rin ang pag-iyak. "Teacher Gianna, kailangan natin syang isugod sa hospital wala na tayong anti-rabies dito para ma in-ject-kan na sya ka agad," Balita sa akin ng Nurse kaya dali-dali kong sinabihan ang mga estudyante ko na huwag l
Rachelle's POVPagbaba ko ng sasakyan namin ay ka agad akong pumasok ng kwarto at hinanap ang cellphone. Tatawag ako ng police. Kukunin nya sa akin ang anak ko at hindil ako papayag. Anak ko si Meila at wala syang karapatang kunin sya sa akin."Binigyan kita ng choice pero binigo mo ako, Rachelle."Napalingon ako dahil biglang narinig ko ang boses ni Francis sa tapat ng pintuan. Seryuso ang tingin nito saakin. "Hon, si Meila. Ang anak natin! Kukunin nya!" Naiiyak kong ani at lumapit sa kanya. "Tumigil kana!" Nabigla ako dahil ito ang unang beses na sinigawan nya ako ng malakas. "H-hon, w-what's wrong?" Akmang lalapit ako dito pero natigilan dahil bigla itong tumayo at naglakad ng isang hakbang. Anong ibig sabihin nito?"Na...nakakalakad ka?" Gulat kong tanong. "Hindi naman talaga ako na injured. Nagpanggap lang ako," sabi nito. "W-what? W-why?" tanong ko dahil namumuo na ang kaba sa dibdib ko. "To know everything about me and my past. Hindi ka pa rin talaga nagbabago...you're sick."
Tumayo ako at binuksan ang pintuan kung saan bumungad sa akin si Rachelle na binunggo pa ako at mabilis na pumasok sa bahay ko."Where is my daughter?!" Galit na sigaw nito sa akin at mabilis na nilapitan si Meila pero lumayo sa kanya ang bata. "Anong ginagawa mo dito?" Seryuso kong tanong. Paano nya nalaman ang address ko? "Iuuwi ko na ang anak ko," sabi nya at lalapitan ulit sana si Meila pero nagtago ito sa likuran ko at nang lingunin ko ito ay para na itong naiiyak. Ka agad ko namang naintindihan ang nangyayari. Baka nga tama si Gael na sinasaktan ni Rachelle si Meila kaya mabilis ko itong hinarangan sa likuran ko."Anong ginagawa mo ditong bruha ka?" Inis na tanong ni Gael at kinarga si Kalix. "Iuuwi ko na si Meila. Come here, Darling. Hinihintay kana ni Daddy sa bahay," sabi pa nito pero umiyak lang si Meila kaya ka agad ko itong kinarga na halatang hindi nagustohan ni Rachelle."Ibigay mo sa akin ang anak ko, Gianna," sabi nito at nanlilisik na ang nga mata sa akin. "Anong gin
Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya. Nilamon na ako ng galit ko lalo pa at nakikita ko sa mga mata nya si Gianna. "Kasalanan mo'to! Kasalanan mo!" sigaw ko kahit nanlalabo na ang mga mata. "M-mommy, nasasaktan po ako." Narinig kong sabi nya pero hindi ko alam kong bakit pati boses nya ay ikinagagalit ko na rin. Pinilit ko itong iharap sa akin kahit nagpupumiglas na sya. "Bakit?! Bakit kailangang ako lagi ang hihingi ng atensyon at pagmamahal galing sa Daddy mo? Ginawa ko lahat! Lahat-lahat! Pero bakit bumabalik pa rin sya do'n sa babaeng 'yon?" sigaw ko."Mommy, p-please...bitawan nyo po ako.""Bakit kapa kasi nabuhay?! Bakit pa kayo nabuhay?! Bakit bumalik 'yong babaeng 'yon?! Bakit kailangan nyong sirain ulit ang lahat ng pinaghirapan ko?! Bakit?!""M-mommy..." Ilang beses kong narinig ang pagmamakaawa ni Meila pero nabulag ako ng galit at alak na tumama na sa utak ko. Mabuti na lang at narinig kami ni Yaya at mabilis nyang inilayo sa akin si Meila na namamaga na ang kamay sa hi
Rachelle's POVNakuyom ko ang kamao nang makita ang picture nina Francis at Gianna sa isang restaurant sa Mall. Si-nend ito ng taong inutusan kong sundan si Francis sa lahat ng ginagawa nya. At ngayon para akong magbubuga ng apoy sa galit dahil ang sweet nilang tingnan. Ano ba talaga gusto ng babaeng 'yon? Kinakalaban nya ba talaga ako? Alam nya kung paano ako magalit at paniguradong alam nya rin kung ano ang mga kaya kong gawin. Inutosan ko ang nagbabantay sa kanila na sundan at ipaalam sa akin lahat ng ginagawa nila lalo pa at andyan si Gianna at ang anak nila. Hindi pwede 'to! Marami pang mga picture na si-nend sa akin at hindi ko na naawat ang sarili kong tawagan na si Francis. Pero nakailang tawag ako pero hindi nya pa rin ako sinasagot. Mas lalong uminit ang nag-aalab na dugo ko dahil sa ginagawa nya. Bwesit! "Oh? Pumunta naba sa totoong asawa?" Biro pa ng best friend kong si Jezrel na may hawak ng kape sa kamay nya at tumabi sa akin. "Pwede ba, Jez!" Inis kong singhal dito