Leonora’s POV
“Alex, Ezra, mag-ingat kayo baka madapa!” saway ko sa mga anak kong tumatakbo sa labas ng bahay namin. Simple lang naman ang bahay na ito—sakto lang para sa isang pamilya. Kasama rin namin dito sina Inang at ang mga kapatid ko, na tumutulong sa pag-aalaga sa mga anak ko. “Ate, hinahanap ka ni Inay,” tawag sa akin ni Ana, kaya lumabas ako at tinawag ang dalawa para isama. “Alex, Ezra, dito muna kayo kay Tita Ana,” sabi ko. Tumango naman ang dalawa kaya pumasok na ako at pinuntahan si Inay. “Nay, ano po iyon?” tanong ko. “Punta ka kay Aling Marites, bumili ka ng pang-ulam natin mamaya,” utos niya, kaya pumunta na ako. Habang naglalakad, naririnig ko na naman ang mga bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Noong araw na umuwi ako mula Maynila, galit na galit si Inay nang malaman niyang buntis ako. Hindi ko na sinabi kung sino ang ama, dahil alam kong hindi niya matatanggap ang mga bata. “Aling Marites, pabili po ng isang gulay na sariwa, ha,” sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin habang nakangiti. “Oo nga pala, Leonora, kailan ang graduation mo?” tanong niya sa akin. Napangiti naman ako sa tanong niya. “Sa susunod na araw na po,” sagot ko. Nakakatuwa lang dahil sa dami ng problemang dumating sa buhay namin, hindi ko inakalang makakapagtapos ako. Nang makauwi na ako, narinig ko umiiyak ang isa sa kambal kaya dali-dali akong pumonta sa likod. “Ate, nadapa si Alex,” sabi ni Ana sakin, kaya lumapit ako kay Alex para tignan kung malaki ba ang sugat. “M-mommy, ouchy,” sabi sa akin ni Alex, samantalang si Ezra naman ay umiiyak lang na nakatingin sa kambal niya. “Ana, kunin mo nga yong first-aid sa kwarto ko,” sabi ko kay Ana, kaya umalis na siya at pumunta sa kwarto ko. “What happened?” malumanay kong sabi sa anak ko, tumingin naman sa akin si Ezra. “We we’re just running mama, then Alex hit he’s foot sa stone,” sabi niya sa akin, nang makarating si Ana agad kong nilinisan ang tuhod ni Alex para hindi ma-infection. Matapos gamutin ang sugat ni Alex, binuhat ko siya at niyakap nang mahigpit. “Huwag ka nang tatakbo nang mabilis, anak. I don't wan't you to get hurt always,” sabi ko habang pinupunasan ang luha niya. Tumango naman siya, at si Ezra, na tahimik na nakatayo sa tabi namin, ay humawak sa laylayan ng suot kong damit, mukhang nag-aalala rin para sa kakambal niya. Pagkatapos, lumapit si Inay mula sa pintuan. “Leonora, halika sa loob, may kailangan tayong pag-usapan,” sabi niya. Iniwan ko muna ang kambal kay Ana at sumunod sa kanya. Sa loob ng bahay, naupo kami sa maliit na mesa. Huminga nang malalim si Inay bago nagsalita. “Leonora, alam kong mahirap ang lahat para sa’yo, pero natutuwa akong hindi mo isinuko ang mga pangarap mo. Ngayon, tapos ka na sa pag-aaral, ano’ng plano mo?” Hawak ko ang kamay ni Inay at ngumiti. “Nay, pagkatapos ng graduation, gusto kong bumalik sa Maynila. Gusto kong magbagong buhay, maghanap ng mas magandang trabaho para makapag-aaral na sina Alex at Ezra. Isasama ko rin si Ana para may katuwang ako sa pag-aalaga sa kambal.” Tahimik na tumango si Inay, halatang nag-iisip. “Siguraduhin mong magiging maayos kayo roon. Ayoko nang marinig na nahihirapan ka. Alam kong matapang ka, anak, pero huwag mong kalimutang magdasal palagi.” “Opo, Nay,” sagot ko habang niyayakap siya. Ilang linggo ang lumipas matapos ang graduation, natanggap ako sa isang kumpanya sa Maynila. Kabado ako noong unang araw ng trabaho, pero alam kong kailangang magsimula muli para sa mga anak ko. Habang naghihintay ako sa orientation, napansin ko ang pangalan ng kumpanya sa badge na binigay sa akin ‘Asher Corp. Inc.’ Parang may kung anong gumuhit na kaba sa dibdib ko. May halong takot at pagtataka ang naramdaman ko, pero pinilit kong balewalain ito. Siguro naman hindi ito konektado sa kanya… hindi ba? Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagtapak ng pamilyar na sapatos. Napalingon ako, at halos tumigil ang mundo ko nang marinig ang boses na iyon—isang boses na ilang taon kong iniwasan. “Good morning, everyone. I’m Drack Mozen Asher, the CEO of this company.” Hindi ko alam kung paano ako napako sa kinauupuan ko. Nang makita ko ang mukha niya, tila bumalik lahat ng alaala—ang masasayang araw, ang kirot ng paghihiwalay, at ang lihim na matagal ko nang kinikimkim. Hindi ako makapaniwala. Siya nga—si Drack, ang ama ng kambal ko, at ang lalaking iniwan ko noon nang walang paliwanag. Ngayon, narito siya sa harapan ko, walang kaalam-alam na may dalawang anak kami. Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang totoo? O dapat ko siyang iwasan para protektahan ang mga anak ko? Ang bigat ng desisyon na iyon ay tila bumalot sa akin habang nakatingin ako sa kanya, naghahanap ng sagot sa mga mata niyang minsang naging tahanan ko. Habang patuloy siyang nagsasalita sa harapan, halos hindi ko na naririnig ang mga sinasabi niya. Ang utak ko ay naguguluhan sa dami ng tanong. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo? Paano kung malaman niya ang tungkol sa kambal? Anong mangyayari sa amin? Nang matapos ang orientation, nagmadali akong lumabas ng kwarto, umiiwas na mapansin niya. Ayoko pa siyang makausap—hindi pa ako handa. Pero hindi ko akalain na sa pagmamadali ko ay magtatama ang mga mata namin. “Leonora?” tanong niya, halatang gulat. Tumigil ako sa paglalakad. Pakiramdam ko’y nabuhay muli ang mga multo ng nakaraan sa simpleng pagtawag niya ng pangalan ko. “Sir, ah, hello po,” sagot ko nang mahina, pilit na pinapanatili ang mahinahong mukha kahit na bumibilis ang tibok ng puso ko. Lumapit siya, kitang-kita ko ang hindi maipintang ekspresyon sa mukha niya. “Ikaw nga… Hindi ko akalain na dito tayo muling magkikita.” Ang boses niya’y puno ng pagtataka sa akin. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. “Yes, Sir, swerte po pala. Ikaw pala ang may-ari ng kumpanya.” Tahimik siya sandali, at naramdaman ko ang bigat ng tingin niya. “You look good, Leonora, kamusta ang pamilya mo?” tanong niya sa akin. Bago pa ako makasagot, biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Ana ang tumatawag. Nagpaalam ako nang mabilis kay Drack, hindi na hinintay pa ang sagot niya, at dali-daling umalis. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ng kambal. “Mommy, look! We made drawings!” sabi ni Ezra habang masaya niyang pinapakita ang mga guhit nila ni Asher. Pinilit kong ngumiti, pilit na tinatanggal ang bigat sa dibdib ko. Lumuhod ako at niyakap silang dalawa. “Ang gaganda ng drawings nyo, mga anak. Proud ako sa inyo,” sabi ko habang hinahalikan ang mga noo nila. Pero sa likod ng mga ngiti, hindi ko maiwasang mag-alala. Paano kung malaman nila ang tungkol sa ama nila? Paano kung makilala sila ni Drack? Alam kong darating ang araw na kakailanganin kong harapin ang katotohanan, pero ngayon, gusto ko munang sulitin ang tahimik na buhay naming mag-iina. Kahit gaano kahirap, kailangan kong protektahan sila—kahit pa ang kapalit nito ay muling ilayo ang sarili ko kay Drack.Leonora’s POV“Leonora, I’m so sorry, hindi ako nakapunta kaagad,” biglang sabi ni Xiana nang makapasok siya sa bahay.“Xiana, it’s okay. Maayos naman na kami ng kuya mo, kaya it’s okay. Sino pala kasama mo?” sabi ko sa kanya.Umiling lang siya bago tumingin sa likuran niya. There, I saw the guy na naka-fix marriage niya—it's no other than Gunter, ang kaibigan ng asawa ko.“Thank God naman, I was so worried upon hearing what happened,” she said.Ilang oras lang kaming nag-usap ni Xiana, at sabi niya pagod na raw siya, kaya hinatid ko muna siya sa bakanteng kwarto.
Leonora’s POVPagbalik ko sa loob ng bahay, tahimik ang paligid. Wala na ang tawa ng kambal. Wala na ang mga kalat nila sa sala. Wala na ang gulo pero ramdam ko ang lalim ng katahimikan.Pumasok si Drack sa kwarto bitbit ang phone niya. Kita sa mukha niya ang bigat ng balita.“Leonora… nagsimula na sila.”Napatingin ako sa kanya. “Saan?”“Sa may silangan. Dalawang tauhan natin ang nawawala. Nagpalit na sila ng ruta. Hindi na sila umaatake sa harapan—tinatarget nila ang mga isolated na spot.”Napalunok ako. Ito na nga. Totoo na. Labanan na talaga ito.“Anong plano natin?” tanong ko, kahit may takot, sinubukan kong patatag ang boses ko.“We lock down the house. Hindi na lalabas ang kahit sino sa atin. Tonight, we strike first.”Gabi na. Mula sa bintana ng kwarto ko, tanaw ko ang kadiliman ng bakuran. Tahimik, pero ramdam mong may mga matang nakatingin. Mga matang hindi mo kita, pero alam mong andiyan lang. Naghihi
Leonora’s POVSimula nang dumating ang liham ni Aria, para akong palaging nakaamba. Kahit ang mga tahimik na gabi, may tunog ng panganib para sa akin. Pero ngayong gabi, may kakaiba sa paligid — parang may pahinga, kahit panandalian.“Ate, gusto mo bang lumabas tayo?” tanong ni Ana habang abala ako sa pagche-check ng isang report. “Hindi kasama ang mga bata, hindi rin kasama sina Kuya o Dodong. Just us… and John, and maybe Drack?”Napatingin ako sa kanya. Hindi niya alam, pero bawat galaw niya sa paligid ng planong binubuo ko ay may bigat. Hindi niya alam na ang mga ngiti sa paligid ay galing sa mga taong marunong pumatay.Ngumiti ako. “You mean… double date?”“Yup! Please? I know we’re adults, but we never really did that normal-sister thing.”Normal. A word I had long buried.“Sige,” sagot ko sa wakas. “Basta somewhere tahimik. I know just the place.”Tahimik ang paligid ng rest house sa tabi ng lawa. Sa labas, may maliit na mesa, simpleng ilaw, at kaunting pagkain. Sina Drack at J
Leonora’s POVIsang maagang umaga, tila tahimik ang paligid. Ang mga bata ay mahimbing pa ring natutulog. Si Inang ay abala sa kusina, si Papa naman ay nagwawalis sa harapan. Si Drack, gaya ng dati, nakaalerto habang nasa balkonahe, nakatanaw sa kalsada.Nasa sala ako, kape sa kamay, nang biglang tumigil ang isang itim na sasakyan sa harap ng bahay. Walang plaka. Maitim ang salamin.Agad akong napatayo. Si Drack ay biglang lumapit sa tabi ko, malalim ang titig.“Stay behind me,” sabi niya.Pero hindi ako sumunod.Lumabas kami ng sabay. Bumukas ang pinto ng sasakyan at isang lalaki ang lumabas. Naka-itim, may suot na leather gloves, at tila tahimik pero may dalang matinding presensya. Nakatayo lang siya, hawak ang isang maliit na brown envelope.“Para kay Leonora Asher,” sabi niya, malamig ang boses.Hindi siya umalis. Hindi rin siya lumapit. Basta inabot lang niya ang envelope, saka muling sumakay. Ilang segundo lang, tuluyan na siyang umalis-iniwan ang alikabok at tensyon.Binuksan k
Leonora’s POVAkala ko tapos na ang lahat ng pagsubok sa relasyon namin ni Drack. Akala ko, sa wakas ay may katahimikan na rin kaming mararamdaman. Pero hindi pala. Because just when everything felt almost perfect, she came back.Ang ex-girlfriend.Nasa opisina ako noon, reviewing some contracts, nang biglang pumasok si Drack. May dala siyang lunch, at gaya ng dati, parang wala na siyang ibang gusto kundi mapaligaya lang ako. His presence always had that calming effect on me. Kaya kahit pagod ako, napangiti ako agad.“Let’s eat,” he said habang inaayos ang food sa coffee table sa harap ng couch ko. “You’ve been skipping lunch again, haven’t you?”“Medyo,” sagot ko, sabay upo sa tabi niya. “Thanks, love.”Everything was peaceful—until may kumatok sa glass door ng office ko.Paglingon ko, isang babae. Maganda, eleganteng nakasuot ng beige blazer at fitted skirt. Mukhang successful. Pero may halong yabang ang ngiti niya. Napakunot ang noo ko.“Drack,” she said, her voice smooth but firm.
Leonora’s POVTahimik ang buong bahay. Sa wakas, isang gabing walang tawag mula sa opisina, walang abala mula sa mundo ni Drack. Sa tabi ko, mahimbing siyang natutulog-ang mukha niya tahimik, malayo sa karaniwang seryoso at mabangis na ekspresyon niya bilang El Lobo.Gabi ng katahimikan. O akala ko lang.BOOOOOM!Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong bahay.Napakadilim. Nanginig ang bintana. Nagsisigawan ang mga alarms. Mabilis akong bumangon.“Ezra! Alex!” halos sigaw ko habang tinatakbo ko ang hallway papunta sa kwarto ng kambal.Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang pag-ikot ng tiyan ko sa takot. Please, please, please… let them be safe.Pagbukas ko ng pinto, nakita ko silang parehong nakaupo sa kama, takot na takot. Si Alex hawak ang laruan niya habang si Ezra ay umiiyak na.“Mommy!” sigaw nila nang makita ako.Mabilis ko silang niyakap, hinalikan sa noo. “I’m here. I’m here, mga anak. Everything’s going to be okay.”Kasunod ko si Drack, naka-itim na damit, may baril sa kama