Biglang may dahan-dahang lumabas mula sa mga anino. Natulala si Zuko at nautal pagkatapos ng mahabang sandali, “Ah… Tito Nicholas?”Nasa likuran ni Nicholas ang mga kamay niya nang naglakad siya papunta sa kanila habang nakatitig ang mga mata niya kay Zuko. Nakayakap pa rin ang mga binti ni Lina sa baywang ni Zuko, ang mga braso niya sa leeg niya, at nakakapit sa kanya. Malinaw na naramdaman ni Zuko… ang intensyong pumatay mula sa mga mata ni Tito Nicholas! Napatalon siya at mabilis na binaba si Lina habang ngumiwi sa harapan ng matandang lalaki. “Um… Magandang gabi, Tito Nicholas. Gising ka pa pala? Inihatid ko si Lina pauwi… Heh…”Mukhang strikto si Nicholas at tumusok sa kanya ang masamang titig niya. Kahit na alam niyang ang anak niya at ang binatang ito ay ipinangako sa isa't-isa simula pagkabata—na itinadhanang magsama balang-araw—at magandang malapit sila sa isa't-isa, ang malamang nasa isang romantikong relasyon ang anak niya at ang makita ito sa sariling niyang mga m
Tumingin si Linda sa anak niya, pinigilan ang paghinga niya sa kaba, at halos bumulong, “Anong… Anong tinawag mo sa'min?”“Sinusubukan niyo ko, ha?” Pinigilan ni Lina ang mga luha niya dahil gusto niyang pagaanin ang nakakaiyak na ere. Ngumiti siya at nagsabing, “Syempre, mama at papa! Mama, di naman siguro isang taon pa rin ang tingin mo sa'kin, di ba?”Natulala si Linda bago biglang tumulo ang mga luha sa mukha niya. “P-Pwede mo ba kong tawagin niyan nang isa pang beses?”Humikbi si Lina nang tinawag niya siya, “Mama.”“Gusto ko ulit marinig…”“Mama!”Iniunat ni Linda ang mga braso niya at niyakap nang mahigpit ang anak niya habang humahagulgol ng iyak. Naiiyak din si Nicholas, pinigilan ang mga luha niya, at lumapit para yakapin ang asawa at anak niya. “Sige, wag ka nang umiyak.” Ngumiti siya kahit na naluluha. “Isa tong masayang sandali! Tatawagin na tayong mama at papa ni Lina mula ngayon… Maririnig natin to araw-araw!”Luhaang nagtanong si Linda, “Nicholas, masyadong
Naghanda si Cordelia ng rose jelly dessert para mismo kay Zephyr. Paanong magagawa ni Zephyr na ibahagi ito?Kumuha rin si Zuko ng isang mangkok ng dessert para sa nakababata niyang kapatid. Inilapag ni Toph ang phone niya, kinuha ang pagkain, at kinain ito kasama ng kuya niya nang may kuntentong mukha. Nagsalita si Cordelia habang nakatingin kay Zuko, “Gabing-gabi ka na nakauwi. Inihatid mo ba si Lina pauwi?”“Oo,” sagot ni Zuko, sabay huminto para pag-isipan ang ekspresyon ni Nicholas. Ginawa niya itong biro at ikinuwento sa mga magulang niya. Ngumiti si Cordelia at tumingin kay Zephyr. Biglang naalala ni Zephyr kung paano siya tignan ni Rowan noon. Para bang lahat ng father-in-law ay pareho ng pakiramdam…Mabuti na lang at wala siyang anak na babae. Kung mayroon, tiyak na magdurusa ang son-in-law niya. Mula sa pananaw ng anak niya, nagkaideya si Zephyr….Ngumisi si Zephyr, umupo sa tabi ni Zuko, at marahang hinawakan ang balikat niya. Bumulong siya, “Medyo maramot si Nic
“Talaga?” Ngumiti si Cordelia na sobrang natuwa. Umupo ulit ang pamilya sa sofa. Habang naglalaro ng video game, nagsalita si Toph, “Napakaepektibo talaga ng gamot ni Tita Dennis. Mas maganda na ang kondisyon ng nanay ni Renee ngayon kumpara noon. Basta't magpapatuloy siyang uminom ng gamot at magpahinga, hindi magiging problemang panatilihin ang kasalukuyang sitwasyon.”“Narinig kong isa nang positibong pagbabago sa kondisyon niya ang panatilihin ang kasalukuyang sitwasyon.” Tumawa si Zephyr. “Pwede na ba siyang lumabas sa ospital ngayon?”“Oo, pwede na!” Tinaas ni Toph ang isang kilay niya. “Naghanda ako ng lugar na tutuluyan niya at kumuha ng taong mag-aalaga sa kanya. Lilipat na si Renee Mila sa mga Thompson at titira kasama ng nanay niya. Pero ang bagong bahay ay malapit sa mga Thompson kaya magiging madali para sa kanyang bisitahin sina Tito Nicholas at Tita Linda.”“Mabuting bata si Renee.” Tumingin si Cordelia sa anak niya. “Dapat tratuhin mo siya nang mabuti. Napakarami
Ang media, na palaging gustong makakuha ng pagkakataon, ay natural na di pakakawalan ang headline na ito at kaagad na ilalagay sina Zuko at Abigail sa spotlight. Ang hindi alam ang mga media outlets ay hindi naman sa hotel na iyon tumuloy si Zuko! Naroon siya noong araw na iyon dahil dumalo si Jacob sa isangegak forum sa Southeast Aciatic, at nakipagkita si Zuko sa kanya roon para magbigay ng utos sa hotel staff tungkol sa pagsisilbi kay Jacob. Sinong mag-aakalang gagawin itong isang kwento ng kapusukan sa pagitan nina Zuko at Abigail sa hotel na ito!?Gayunpaman, tumagal lang nang ilang minuto ang trending topics bago sapilitan itong pinigilan ng PR team ng mga Hamerton at sinampahan ng kaso ang mga journalists. Matagal nang ayaw ni Zuko na magpakita sa publiko kaya nanatili siyang tahimik tungkol sa bagay na ito. Si Abigail naman? Hindi man lang siya nagbigay ng paliwanag at simpleng naglaho!Sa nagdaang dalawang taon, unti-unting naglaho ang insidente sa alaala ng masama. Ga
Nakaupo si Abigail sa magara at malawak na dressing room. Umilaw ang natural na maputing balat niya sa ilalim ng mainit na puting ilaw ng dressing table. Napakahamis ng mukha niya kahit walang makeup. May bakas ng kawalan ng pakialam sa mga mata niya habang pinaglaruan niya ang isang eyebrow pencil. Nagpakita siya ng karisma at katamaran. Nilapag ng manager niya ang printed schedule sa mesa. “May kinakausap kaming ilang script, mga malalaking production kasama ng kilalang mga direktor. Nababagay sa'yo ang artistic style na script ni Ms. Trinity Lulham. Oras na para lumipat ka at maganda rin ang artistic route.“Bago ma-finalize ang mga script, kailangan mong paramihin ang exposure mo. Heto ang ilang variety shows na pwede mong pagpilian…“Oh, at saka….” Sumigla ang mga mata ng manager niya. “Nagsimula na ang film studio project ng Thompson Group, at maraming artista ang gustong makuha ang posisyon ng spokesperson. Kailangan mong makuha ang pagkakataong ito, naiintindihan mo?”“H
Nautal ang assistant sa kabilang linya, “Abigail… Uh… Nasa Centrolis nga siya.”Natuwa si Abigail, ngunit nanlumo siya sa susunod na sinabi ng assistant niya. “Pero… mukhang may girlfriend siya.”“Ano!?”“Ang babaeng iyon ay isang intern sa Thompson Group na nagtatrabaho sa film studio project team.”...Aligaga si Lina buong umaga at sa wakas ay nakakuha siya ng sandali para makahinga at uminom ng tubig. Nang makakahinga na siya nang maluwag, isang katrabaho niya ang sumugod para may ipaalam sa kanya, “Lina, nasa baba ang nanay mo at nakikipagtalo!”“Ano!?” Muntik masamid si Lina sa iniinom niyang tubig. Mabilis na lumapit si Renee at tinapik siya sa likod, sabay mahinang nagsabi, “Insan, bumaba ka roon. Mananatili ako rito at magbabantay para sa'yo.”“Sige!”“Mukhang hindi yun si Tita Linda,” pinagaan ni Renee ang loob niya. “Malamang si Tita Melissa yun. Minsan mayabang ang mga tao sa front desk. Kumalma ka lang hanggang sa makakaya mo. Aayusin natin to pagkatapos!”Ngumi
Kinagat ni Lina ang labi niya. Nakaramdam siya ng magkahalong galit at pagtataka para kay Melissa. Naintindihan niya ang init ng ulo ng nanay niya. Ang ganitong pagpapahiya ay mas masakit kaysa masaktan nang pisikal. “Ma…” sinusuportahan ni Lina si Melissa at napansin niya ang maputlang mukha niya. Halatang nahihirapan siya. “Wag kang magalit. Hindi mo kailangang bumaba sa lebel nila.”“Anong ibig mong sabihin?” Sumingit si Erin. “May responsibilidad kaming tiyakin ang pagkatao ng mga hindi kilalang indibidwal!”“Pero… Lina, nag-iba talaga ang tingin namin dahil sa nanay mo!”“Tama! Nang nakipagtalo siya sa'min kanina, napakainit ng ulo niya!”“Oo! Sabi pa nga ng ilan nating katrabaho baka mayaman ang pamilya ng intern.” Ngumisi nang masama si Amelia. “Hah! Mukhang tama ako! Kung mayaman ang pamilya niya, maghuhukay ako ng uling!”“Tapos ka na bang magsalita?” Tumindi ang galit ni Melissa at tinitigan niya sila nang masama. “Napakasama ng ugali niyong mga bata kayo. Magpakita