Se connecterJane POVHindi pa rin siya nagpapigil at ipinagpatuloy ang paghalik sa leeg ko hanggang sa clavicle ko. Nang ibalik niya ang labi niya sa itaas, naisipan niya akong halikan sa labi, pero agad akong umiwas. Pinipigilan ko ang sarili na halikan siya, dahil pakiramdam ko, nasa labi pa rin niya ang bakas ng halik ni Scarlet.Ginamit niya ang malapad niyang palad para hawakan ang panga ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya.“B-Baby, kiss me... do you still hate me? Sorry na...” may pagmamakawa sa boses niya.Pinagtitigas ko ang panga ko, pilit na pinipigilan ang sarili kong sumuko. Pero hindi ko rin kayang lokohin ang sarili ko.I want him too.Mabilis kong inabot ang bote ng wine na nasa kalahati pa ang laman. Tinungga ko iyon, pero hindi ko nilunok ang alak.Hinawakan ko ang panga niya at pinabuka ang kanyang bibig. Hindi naman siya nag-alangan na ibuka iyon. Doon ko na siya hinalikan, saka ko ipinainom sa kanya ang wine na nasa bibig ko.At least, kahit paano, mabawasan ang lasa at baka
Binitawan ko siya at napagapang ako patungo sa babasaging mesa. Inabot ko ang bote at binasag ang puwétan nito. Pagkatapos, napatayo ako, mahigpit na hawak ang boteng may talim.“Ahhh!” Muli akong sumugod sa kanya.“Noo!!” hiyaw niya at napaharang na lamang ang mga kamay niya, handang saluhin ang pag-atake ko.“Ma'am Jane! Tama na po!” Agad na humarang sa akin sina Nicole at Tope. “Mapapatay niyo po siya!”Doon lang ako tuluyang bumalik sa aking sarili. Natigilan ako. Nanginginig ang mga kamay ko at naghahabol ako ng hininga habang nakataas pa rin ang kamay kong hawak ang boteng isasaksàk ko sana kay Scarlet.Malakas na umatungal si Scarlet. Napaiyak na lamang siya habang nakaupo sa lapag, nanginginig sa labis na takot ang buong katawan niya at mahigpit na yakap-yakap ang sarili.“Ma'am, bitawan niyo na po ang bote. Please...” mahinahong pakiusap sa akin ni Nicole.Marahan kong ibinaba ang kamay ko habang nakatitig pa rin kay Scarlet.Agad na tinanggal ni Tope sa kamay ko ang bote.Ma
Jane POVMuling napamulat ang mga mata ko at mabilis na napatingin sa digital clock na nakapatong sa side table.Lagpas alas-dose na ng madaling-araw, pero gising na gising pa rin ang diwa ko.Inis akong napasabunot sa sarili kong buhok. My God! Ako itong nagmamadaling mag-ayos ng gamit at nagmarunong na maghiwalay muna kami ng kwarto, pero ako rin pala itong hindi mapakali at hindi makatulog dahil wala siya sa tabi ko.‘Aviv naman eh...’Inis akong napaupo sa kama. May diin ang bawat pagsuklay ng mga daliri ko sa magulo kong buhok para kahit papaano ay maayos ito.Kahit mabigat ang ulo ko at masakit ang mga mata ko dahil sa kakapilit na matulog, nagdesisyon na akong bumangon. Kakainin ko na ang pride ko. Lalabas ako para puntahan siya sa master bedroom at makipag-ayos na sa kanya.Pero nabigla ako nang sa mismong pagbukas ko ng pìnto ay bumungad agad sa akin ang mukha ng kasambahay naming si Nicole.“Ma'am!” bungad niya sa akin, hingal na hingal at halatang nagmamadali.“Bakit parang
“'Yung bulaklak na dala ni Jane... kay Kian galing 'yon!” malakas na lintanya ni Scarlet. Napahinto ako sa kinatatayuan ko at nilingon siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang bitbit ang isang wine glass. “Akala siguro ni Kian ay hindi ko malalaman na pinapadalhan niya ng bulaklak ang asawa mo sa opisina,” patuloy niya sa isang mapanirang tono. “Ang mas malala pa, the same bouquet arrangement at parehong uri ng bulaklak ang pinapadala niya sa aming dalawa. Ang galing din, 'di ba? Para siguro hindi ako maghinala sa kaniya... o baka para matakpan niya ang secret affair nila ni Jane.” Napasingkit ang mga mata ko. “Secret affair?” “Yeah,” nakangiti niyang sagot habang bahagyang ikiniling ang ulo. Pagkatapos ay marahan niyang iniabot sa akin ang wine glass na hawak niya. Sandali kong tinitigan ang baso bago ko muling sinalubong ang kaniyang mga mata ng isang matalim at nagbabantang tingin. Unti-unting napawi ang ngiti sa kaniyang mga labi at napalitan iyon ng isang
Aviv POVIlang beses akong nagpalipat-lipat ng higa sa malawak at napakatahimik na kama, pero kahit anong pikit ko, ayaw talagang dumalaw ng antok.Ngayon lang nangyari ito. Ngayon lang ako itinaboy at tinanggihan ni Jane na makatabi sa kama. Hindi ako sanay, at alam kong hindi rin ako kailanman masasanay sa bigla niyang pagiging malamig at malayo sa akin.Inis akong napaupo at naibaling ang tingin sa bakanteng espasyo sa tabi ko. Malinaw pa rin sa isip ko ang amoy ng buhok niya tuwing nakasiksik siya sa dibdib ko habang natutulog‘Lintek.’Hindi talaga ako sanay na wala siya sa tabi ko. Pakiramdam ko, para akong lalagnatin at naninikip ang dibdib ko sa sobrang kawalan.Marahas akong napabuntong-hininga bago dahan-dahang tumayo. Lumabas ako ng kwarto at tahimik na lumapit sa kwartong tinutuluyan niya.Itinaas ko ang kamay ko para kumatok, pero bago pa man dumikit ang mga buko ng daliri ko sa kahoy ng pinto, nag-alangan ako. Makailang ulit kong sinubukang kumatok, pero sa bawat pagkaka
Jane POV“Okay. Wala naman pala,” walang emosyon kong saad bago ko siya tuluyang tinalikuran. “I am tired.”Agad naman siyang sumunod sa akin. Sinasabayan niya ang bawat hakbang ko habang tahimik kaming naglalakad sa hallway.Habang umaakyat kami sa hagdan, ramdam na ramdam ko ang panaka-naka niyang pagsulyap sa akin. Halatang hindi siya mapakali sa malamig kong pakikitungo at sa pananahimik ko.Nang makarating kami sa tapat ng aming kuwarto, siya na mismo ang nagkusang magbukas ng pinto. Bahagya siyang humarang sa gilid at ipinauna akong pumasok. Pero bago ako tuluyang lumagpas sa kaniya, huminto ako sa may pintuan at nilingon siya.“Pwede bang huwag muna tayong magtabi sa iisang kama?” malamig kong sabi.“W-What? No,” agad niyang tanggi. “Bakit naman ayaw mong katabi ako?”“Doon muna ako sa kabilang kuwarto matutulog. Gusto kong mapag-isa,” direkta kong sagot bago tuluyan pumasok sa loob.Nang lingunin ko siya, parang natuod siya sa kinatatayuan niya sa may pintuan.“Jane... ayaw ko
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk







