LOGINBradleyDalawang araw na ang lumipas mula nang maisagawa ang DNA testing.Sa loob ng dalawang araw na iyon, pilit kong ipinagpatuloy ang normal kong routine bilang Chairman ng Salazar Group. Tuloy ang mga board meetings, tuloy ang pagrepaso ko sa mga kontrata, at tuloy rin ang pakikipagpulong sa iba't ibang investors at business partners. Sa paningin ng lahat, wala namang nagbago. Ako pa rin ang dating Bradley Salazar na kalmado, seryoso, at bihirang magpakita ng emosyon.Ngunit sa likod ng malamig kong ekspresyon ay unti-unti nang nauubos ang pasensya ko.Sa bawat oras na lumilipas, pakiramdam ko ay lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng mundo.Hindi ako mapakali.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ng babaeng nakita namin sa video na kuha ni Matt sa loob ng Manrique Medical Hospital.Nakaupo lamang siya sa hospital bed.Payat.Maputla.Tahimik.Halos walang reaksyon sa paligid niya.Kung hindi dahil sa mga mata niya at sa ilang pamilyar na bahagi ng kanyang mukha, malamang ay
BradleyPakiramdam ko ay kaya kong ngumiti buong araw.Hindi ko alam kung ilang segundo akong napatitig lang kay Jenelyn matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin iyong umaalingawngaw sa isip ko."If you want to get married, then we can get married."Napakasimple ng pagkakasabi niya, pero para sa akin ay napakalalim ng ibig sabihin noon.Biglang gumaan ang pakiramdam ko na para bang may malaking batong matagal ko nang pasan ang kusang nawala sa dibdib ko.Sino ba naman ang hindi matutuwa sa narinig ko?Mahal ko siya.Mahal na mahal ko siya.Matagal ko nang gustong maging asawa si Jenelyn. Sa bawat araw na lumilipas ay lalo lang akong nagiging sigurado na siya na ang gusto kong makasama habambuhay. Kaya nang sabihin niyang handa na rin siyang maging Mrs. Salazar, halos hindi ako makapaniwala.Pero kasabay ng matinding saya ay may isang tanong ding agad na pumasok sa isip ko.Hindi ba masyado pang maaga?Tahimik akong napabuntong-hininga habang
JenelynKatatapos ko lang maligo nang dumiretso ako sa silid ni Bradley.Pagkabukas ko ng pinto ay agad ko siyang nakita.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama. Nakapagpalit na siya ng pambahay at bahagya pang basa ang buhok niya, senyales na kalalabas lang din niya mula sa banyo.Hindi siya gumagawa ng kahit ano.Tahimik lang siyang nakaupo, tila may malalim na iniisip.Kanina habang sabay kaming naghahapunan ay naikuwento na niya sa akin ang lahat ng nangyari sa mansyon.Hindi ko man nakita ang eksena mismo, ramdam ko ang bigat ng mga pinagdaanan niya.Ikinuwento niya kung paano muling ipinagtanggol ni Alfonso ang babaeng nagpapanggap na Mildred. Kung paano nito pinaniwalaan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng impostora.At higit sa lahat, kung gaano kahirap para kay Bradley ang manatiling tahimik.Sapat na sana ang mga ebidensyang hawak nila upang magalit siya.Pero hindi pa sapat ang mga iyon upang tuluyang ilantad ang katotohanan.Kailangan pa rin nilang hintayin ang resul
JenelynAlam kong hindi basta-basta nagpapatawag si Lolo Ruel ng kahit sino sa mansyon, lalo na kung si Bradley ang hinahanap niya. Sa ilang buwan ko nang nakikilala ang pamilya Salazar, alam ko na may sapat siyang dahilan sa tuwing gumagawa siya ng ganoong hakbang.Kaya nang sabihin sa akin ni Bradley na pinapunta siya ng kanyang lolo sa mansyon, hindi ko na siya tinanong pa kung bakit. Pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa nangyayari sa kanilang pamilya. Posibleng may bagong impormasyon, o baka naman muling nagkaroon ng pagtatalo dahil kay Tita Mildred.Habang iniisip ko iyon ay tumayo muna ako mula sa workstation ko. Ilang oras na rin akong nakatutok sa harap ng monitor at nagsusulat ng codes para sa Dr. Machine. Kailangan ko ring bigyan ng pahinga ang sarili ko kahit ilang minuto lang.Nagpunta ako sa kusina at nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso. Tahimik ang buong condo. Tanging mahinang ugong ng air conditioner at refrigerator ang maririnig. Habang umiinom ako ay hindi k
Third Person“I am your father.”Mababa ngunit matigas ang tinig ni Alfonso. Hindi man siya sumisigaw, sapat na ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya upang maramdaman ng lahat ang kanyang hinanakit.“Paano mo nagawa na pagsalitaan ako nang ganyan, Bradley?”Diretso ang tingin niya sa panganay na anak. Hindi niya maitago ang sakit na nararamdaman dahil sa unang pagkakataon ay tila kinukuwestiyon ng sariling anak ang kanyang desisyon bilang ama.“Isa pa,” dugtong pa niya, “sarili mong ina ang pinaparatangan ng lolo mo. Kung hindi ako ang magtatanggol sa kanya, sino pa ang gagawa no'n? Bilang asawa niya, responsibilidad kong protektahan siya. Hindi ko hahayaang may basta na lang magbibintang sa kanya nang walang sapat na dahilan.”Tahimik na nakinig si Bradley.Marami siyang gustong sabihin.Marami siyang gustong ilabas.Sa bawat salitang ipinagtatanggol ng ama ang babaeng nasa tabi nito ay tila mas lalo lamang kumukulo ang dugo niya. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, pilit niyang p
Third Person“Kung hindi mo talaga magagawang tanggapin ang asawa ko, mabuti pang umalis na lang kami rito sa mansyon.”Mabigat ang tinig ni Alfonso nang bitawan niya ang mga katagang iyon. Hindi iyon simpleng pagbabanta o bugso ng damdamin. Ramdam ng lahat na handa siyang panindigan ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Mildred, para bang gusto niyang iparamdam dito na anumang mangyari ay hindi niya ito bibitawan.Nagulat ang lahat ng naroon.“Dad!” halos sabay-sabay na bulalas nina Nathan, Calvin, at Matthew. Hindi nila inaasahang darating sa puntong handang talikuran ng kanilang ama ang tahanang kinalakihan niya para lamang ipagtanggol ang babaeng mahal niya.Nanlaki rin ang mga mata ni Lolo Ruel. Hindi niya inakalang magiging ganoon kabigat ang magiging reaksyon ng anak. Akala niya ay kahit paano ay maglalaan ito ng panahon upang makinig sa kanila, ngunit tila tuluyan na itong nabulag ng pagmamahal kay Mildred.Samantala, bahagyang yumuko
Bradley“Ano, busy ka ba?”Hindi ko agad inangat ang tingin mula sa hawak kong folder nang marinig ko ang boses ni Jenelyn. May kakaiba sa paraan ng pagsasalita niya—magaan, halos kaswal, pero may halong kumpiyansa na parang wala siyang pakialam kung abala ba ako o hindi.Kahit hindi ko pa siya tini
Jenelyn“Jen, wala pa rin tayong balita tungkol kay EmNagui.”Napatingin ako kay Charles nang marinig ko iyon. Hindi niya man direktang sinasabi, kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. Yung tipong hindi na niya maitago kahit pilitin pa niya.Bahagyang nakakunot ang noo niya habang hawak ang baso
JenelynBalik eskwelahan na ako. Mahigit isang linggo na ng bumalik kami ng bansa galing South Korea at syempre, mission failed na makita at makusap si EmNagui.Ang galing talaga ni Charles dahil natuklasan niya ang hotel room ko at nakita si Scarlet doon. Hindi na niya kailangan magsinungaling sina
JenelynPutik yan, mabuti na lang at agad ko siyang nakita. Kung hindi ay baka nabuking na ako.Anong ginagawa niya dito?Bakit siya nandito?Sa pagkakaalam ko ay nasa Grand Hyatt Seoul sila, bakit sila naggala dito?Nakabalik na ako galing meeting at pasakay na ako ng elevator ng maisipan kong magk







