LOGINHi guys!
Isang buwan na naman ang lumipas pero nasabi ko pa rin sa sarili kong hindi pa ako okay. Bawat sulok kasi ng bahay ay naalala ko si mommy.Every day, napapatanong ako sa sarili ko, gigising ako para ano? Para masaktan?When that kind of routine keeps on repeating, nagdecide ako na parang gusto kong umalis muna. Mangibang bansa at baka sakaling maka-move on ako. Pero hindi ko alam kung papayag si dad. Kung papayag ba siyang hayaan akong umalis at kung sasama ba siya sakin.Kahit na feeling ko ay hindi kasi alam kong ngayon pa siya babawi kay Vida.Kinagabihan, habang kumakain kami, panay ako silip sa kaniya. Naghahanap ng pagkakataon na humingi ng permiso.Pero every time ibubuka ko ang bibig ko, napipigilan ako ng pangamba. Kaya tatahimik nalang ulit ako at titingin sa plato.“May sasabihin ka ba, anak?” Nagulat ako nang magtanong si dad. Siguro napansin niya ang panaka-nakang tingin ko sa kaniya.Nakagat ko ang labi ko. Heto na, sasabihin ko na…“Dad, may balak ka pa bang tatakbo nex
Hindi ko alam paano namin sinimulan ni dad ang panibagong buhay na wala na si mommy. A week after I confronted Marky, dad and I tried to live our lives as meaningful as possible but I still ended up seeing him crying alone in his room.And the house that was once so lively felt so dull.Vida was no longer living with us. After ng libing ni mommy, umuwi na siya sa kanila. Dad told her that our house is her home too, that any time she can come back but hindi yun nangyari dahil may asawa na siya.Kaya kung nasaan si Aris, dapat nandoon rin siya at may bahay sila.At ngayon nga ay aalis kami ni dad dahil dadalawin namin si tita Liya na nasa bahay ni Aris. Uuwi na kasi si tita sa probinsya.Habang nasa byahe kami, pasimple kong tinitignan si dad. Nawala na talaga ang kinang sa mga mata niya. Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan siyang magmaneho.Pagdating namin ng bahay ni Aris, sinalubong kami ng mga maid. They welcome us at si Cheng ang unang lumapit samin na excited makita kami.“Lolo
Toneth’s POV“Nasa tabi mo lang ako.” Ang sabi ni Vida sakin habang pinapapasok kami ng awtoridad para makausap si Marky.Kahapon ang libing ni mommy at nangako ako sa sarili ko na pagkatapos ng libing niya, dadalawin ko si Marky dahil gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung masaya ba siya sa ginawa niya.Gusto kong malaman lahat ng saloobin niya kung hindi ba siya nakonsensya sa ginawa niya.Nanatili si Vida sa labas habang ako naman ang tumuloy sa meeting room kung saan pwede kong makausap si Marky at nakita ko siyang nakaupo at nakatitig sakin hanggang sa bumaba ang paningin niya sa bandang tiyan ko.Nakita ko ang panlalaki ng mata niya nang matanto na wala na ang bata… ang anak naming dalawa.Umupo ako sa harapan niya…“Tinupad ko ang sinabi ko, bibigyan kita ng pera… Kinuha mo pa ang alahas na bigay sakin ng lola ko. Pero bakit mo pa rin ako binalikan?”“Namatay si mama dahil sayo. Nasira ang buhay namin dahil sayo. Yung perang binigay mo, para yun sa gamot ni mama at lo
[3 days after]Mama stayed with us. Pero siya ang nag-aasikaso kay Toneth. Siya ang nagpapakain dito at mas madalas niya itong kasama kesa samin ni Aileen. Hindi niya iniwan si Toneth hanggang sa pwede na siyang i-discharge sa hospital.Sila ni papa, nakikita kong maayos ang pag-uusap nila. Na para bang walang hidwaan ang naganap sa pagitan nila.Mas lalo akong humanga kay mama na kaya niyang ipagpaliban ang anumang galit niya kay papa para sa kapakanan namin ni Toneth.Si papa naman ang nag-aasikaso kay tita Carla. Kampante siyang iwan si Toneth kasi alam niyang naalagaan ito ng tama.Ngayon, uuwi na kami sa bahay ni papa.Nang bumukas ang pinto, ngumiti si Toneth sakin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.Nakita ko rin ang pagngiti ni mama sa aming dalawa.Mas nararamdaman ko ngayon ang pagiging magkapatid namin. Kinalimutan ko na ang nakaraan namin, ang mahalaga sakin ngayon ay maging okay siya.“Tara, umuwi na tayo.” Sabi ko sa kaniya at tumango siya ngunit may lungkot sa mga ma
Pumasok kami sa loob ng kwarto. Si Toneth, gising na pala at mukhang narinig niya ang nangyari sa labas.Nang makita niya si mama, napatitig siya dito.Lumapit si mama sa kaniya at kinuha ang kamay niya.Mahinang hinihilot ni mama ang kamay niya at pagkatapos ay dumiretso ang kamay niya sa buhok nito saka marahang hinahaplos.“Tita…”“Hmm…”“Bakit kayo nandito?”“Dahil kailangan mo ko.” Sabi ni mama kaya napatingin ako sa kaniya.Wala ngang pasabi si mama na pupunta siya dito. Nagulat nalang ako na sinugod niya si papa kanina.Dumiretso si mama sa mesa at may pagkain doon na binigay siguro ng nurse. Kinuha niya ito at lumapit ulit kay Toneth.Ako e nakatunganga lang sa kanilang dalawa.“No’ng umalis si Vida sa puder ko, ang mommy mo ang tumayong bilang pangalawang ina niya. Kahit na alam na pala ng mommy mo kung sino si Vida sa buhay ng daddy mo, hindi siya nagalit bagkos ay mas lalo pa niyang kinopkop si Vida at minahal na parang totoo niyang anak.”Nakagat ko ang labi ko. Sa mga ling
Vida’s POVPauwi na kami ni Escalante sa bahay pero mabigat pa rin ang puso ko. Kasi nakita ko kanina si Toneth, kung paano siya umiyak nang malamang wala na ang baby niya.Ramdam ko ang takot niya na kahit na pauwi na kami ni Escalante e parang nanginginig pa rin ako.Naramdaman kong hinawakan ni Escalante ang isang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.“Everything is will be fine.”Aniya na para bang gusto niyang gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit kahit na sabihin ng utak ko na magiging maayos rin ang lahat, na pagsubok lang to, hindi ko pa rin maiwasang malungkot.“Pero hindi ko alam kung hanggang kailan.” Sabi ko sa kaniya. “Ngayon pa lang, umiiyak na siya how much more kung paggising niya at nalaman niyang wala na rin si tita Carla? Masiyadoi tong mahirap para kay Toneth. Baka… baka di niya kayanin.”Nag-aalala akong tinignan ni Escalante.Kanina pa ako umiiyak nang sabihin ng doctor that tita has passed away. Si papa, halos hindi na niya alam anong gagawin niya.Sumigaw siya kani







