Share

Kabanata 15

Hindi ko sadyang mapahawak kay Opaw. Para akong nawalan ng lakas. Madami kaagad pumapasok sa utak ko. Mga posibleng mangyari ngayong kaharap ko na si Tonyo. Ngayon alam na niya kung nasaan ako.

Naisip ko pang magkunwari na hindi siya kilala o 'di kaya wala akong matandaan sa nakaraan ko. Pero imposeble 'yon, lalo't nandito si Opaw. Alam nga niya ang kwento tungkol sa buhay ko. Kung paano ako tinulungan ni Aling Taning.

Kitang-kita ko kung paanong bumagsak ang balikat ni Tonyo. Napako na rin siya sa kinatatayuan niya.

"Gwin?" walang kurap niyang bigkas sa pangalan ko. Bakas sa mga mata niya. Sa tingin niya ang pagkagulat nang makita ko.

"Ikaw 'yong nakabangga sa akin?" utal nitong tanong.

Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Napayuko ako at natiim ang mga mata. Ano ba itong nangyayari? Bakit ba 'to nangyayari?

"Gwin, intensyon mo'ng magtago at lumayo? Kaya ka nagmamadaling umalis, no'ng nabangga mo ako?" sunod-sunod nitong tanong na hindi ko pa rin magawang sagutin.

"Hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status