Beranda / Romance / My Billionaire Ex And our secret twins / Chapter 6 Muling pag kikita:

Share

Chapter 6 Muling pag kikita:

Penulis: Ms. E Shadow
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-24 22:17:29

Tangkang lalapitan ni Carl si Liam nang biglang dumating si Sharon, na agad namang humawak sa braso niya.

“H! Honey, akalain mong maabutan pa kita dito sa lobby. I have good news for you regarding to Mr. Villamore,” masiglang sabi ni Sharon.

Nawala sandali ang atensyon ni Carl kay Liam at tumingin ito kay Sharon.

“What is that, Sharon?” tanong niya.

“He wants to invite you for dinner para naman daw mapag-usapan ninyo ang tungkol sa proposal mo. And I think siguradong ikatutuwa ito ng Papa mo.”

“Kailan naman niya gustong magkita kami?” tanong muli ni Carl.

“Tomorrow! Magse-send na lang daw ang kanyang secretary ng appointment, maybe later,” maarteng sagot ni Sharon. “So, kailangan nating mag-prepare, honey.”

“Kahit huwag ka nang sumama, Sharon,” malamig na sabi ni Carl sabay talikod at umalis sa kinatatayuan.

Nang malapit na siya sa elevator, bigla niyang naalala ang batang lalaki.

“Oh, shit…”

Muling tumingin si Carl sa lobby upang hanapin si Liam, pero bigo siyang makita ito dahil wala na ang bata.

“What the...?! Nasaan na ang bata?” mabilis siyang lumapit sa guard at nagtanong,

“Guard, nakita mo ba yung batang lalaki dito kanina? Sa tingin ko mga limang taong gulang.”

“Naku, sir! Umalis na po siya kasama ng matandang babae. Sa tingin ko po, lola niya iyon,” sagot ng guard.

“Ah, sige, guard. Thank you,” sagot ni Carl bago siya tuluyang tumalikod.

Samantala, sa kabilang banda, nagngingitngit sa inis si Sharon dahil sa ginawa ni Carl na pag-iwan sa kanya sa lobby.

“Bwisit ka talaga, Carl! Akala mo ba hahayaan kong lapitan mo ang batang iyon? Akala mo ba papayag akong makasama at mabuo kayo ng babae na ‘yon kasama ng mga anak niyo? Ang tanga mo talaga, Carl…” pabulong niyang sabi sa sarili.

Samantala, sa coffee room, nanginginig at namumutla si Elly. Alam niyang nakita ni Carl si Liam, kaya agad niya itong hinila at itinago nang lumapit si Sharon kay Carl. Masuwerte na lamang at dumating rin agad ang ina nito para kunin ang kambal.

“Diyos ko… muntik na! Alam kong naghihinala na si Carl. Mabuti na lang at noong una naming pagkikita, hindi niya napansin at natitigan si Liam. Pero kanina, sigurado akong natitigan niya ito,” balisang bulong ni Elly sa sarili habang kabadong naglalakad paikot-ikot sa coffee room.

“What if… magpanggap na lang kaya akong may sakit? O baka tama na, mag-resign na lang ako. Kasi baka kapag nalaman ni Carl na anak niya ang kambal, bigla niya kunin ang kambal sa akin. Wala naman akong pera para labanan siya. Diyos ko, anong gagawin ko…”

Biglang may tumawag kay Elly, dahilan para siya ay magulat.

“Elly! Ano pa bang ginagawa mo diyan? Ngayon na ang presentation natin kay Sir Carl!” wika ni Emma, isa sa mga kasamahan niya sa trabaho at siyang humahalili kapag naka-rest day siya.

“Sige, Ms. Emma, papunta na po ako,” sagot niya.

Kinakabahan man, wala siyang choice kundi pumunta sa conference room para mag-present.

Pagpasok niya sa loob ng conference room, naroon na ang lahat pati si Carl.

Umaasa ang buong Marketing Department na may maririnig silang negatibong komento mula kay Carl dahil sanay na ang mga ito na sa tuwing may meeting at mag ppresent si Elly lagi itong may komento at nagagalit pag hindi ka agad nakasagot si Elly o ang Team. Subalit nagulat ang lahat dahil ni isang salita ay wala silang narinig mula sa kanya. Mula simula hanggang matapos ng presentation, nakatitig lamang ito sa nagsasalitang si Elly.

Samantala, si Elly naman ay halatang kinakabahan sa bawat bukas ng kanyang bibig. Ramdam ng lahat ang panginginig ng kanyang boses at ang pagpipigil niya ng emosyon hanggang sa matapos ang presentation.

Pagkatapos ng huling slide, tila tumigil ang oras sa conference room. Tahimik. Walang umimik ni isa. Lahat ay naghihintay ng reaksyon mula kay Carl  ngunit nanatili itong tahimik.

Dahan-dahang tumayo si Carl, tinapik ang mesa, at tumingin kay Elly.

“Good presentation,” malamig niyang sabi, pero nanatiling nakatitig ang mga mata niya kay Elly  tila may gustong basahin sa mukha nito.

Napalunok si Elly, pilit na ngumiti, ngunit ramdam niya ang matalim na titig ni Carl na para bang binabalatan siya ng tingin.

Paglabas niya ng meeting room, halos manghina ang tuhod niya.

“Nakakatakot ‘yung tingin ni Sir,” bulong ni Emma, pero hindi nakasagot si Elly. Alam niyang hindi basta propesyonal ang titig na iyon may halong pagkakakilala.

Hindi pa man nakauupo si Elly sa kanyang mesa, biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Carl. Lumabas ito, seryoso ang mukha, at diretso siyang tinawag.

“Elly, come to my office.”

Parang nanigas si Elly sa kinatatayuan. Sandaling tumigil ang mundo niya; tanging malakas na kabog ng kanyang dibdib ang naririnig niya.

“Elly, bingi ka ba? Ang sabi ko, come to my office. Right now.”

Doon lamang siya natauhan. Agad niyang inayos ang hawak na folder at sumagot nang may kaba.

 “Y-yes, Sir…”

Dali-dali siyang sumunod kay Carl papasok sa opisina nito, habang pilit niyang pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.

Pagpasok ni Elly sa opisina, hindi niya inaasahang nasa may pinto lang din si Carl. Dahil sa gulat, napasubsob siya sa dibdib ng lalaki.

Sandaling natigilan si Elly. Ramdam niya ang init ng katawan ni Carl at ang presensiya nitong tila humihigop ng lakas sa kanya. Naamoy niya ang pamilyar na pabango nito,  amoy na minsan na ring nagpabilis ng tibok ng puso niya noon.

Ilang segundo rin silang nanatili sa ganoong ayos bago siya tumingala upang humingi ng paumanhin. Ngunit pag-angat ng kanyang mukha, halos magkalapit na ang kanilang mga labi. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata, tahimik, at puno ng hindi maipaliwanag na damdamin.

“Elly…” mahina ngunit matalim ang boses ni Carl, tila naglalaman ng tanong at pagpipigil sa sarili.

Napalunok si Elly at agad umatras, pilit na pinapakalma ang kanyang paghinga.

“S-sorry, Sir. Hindi ko sinasadya…”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Billionaire Ex And our secret twins   Chapter 12:

    “Where have you been, son?” tanong ni Mrs. Montesantos sa anak niyang kakarating lang.“Wala kang pakialam kung saan ako galing.”“Aba! Bastos ka talagang bata ka!”Imbes na sumagot pa, diretsong naglakad si Carl papunta sa kwarto niya, iniwan ang inang nagmamaktol dahil sa hindi maganda niyang ugali.Pagbukas niya ng pinto, napaatras siya sa gulat nang makita roon si Sharon.“Hi, honey. Saan ka ba galing? Dumaan ako sa office mo, pero wala ka. Wala ka rin daw meeting na naka-set sabi ng secretary mo,” ani Sharon habang papalapit.“What the hell are you doing in my room? Get out!”“Ano ka ba naman, Carl? Pag kinasal tayo, magiging room ko rin ‘to.”“At sino’ng nagsabing ikakasal tayo?”“Carl naman… we’re engaged, and you can’t do anything about it.”“Talaga? Walang magagawa? Grabe, ang kapal naman ng loob mo.”“At sino ba tingin mo dapat mong pakasalan? Yung ex mo na mukhang pera?”“Lumabas ka sa kwarto ko bago pa kita kaladkarin palabas ng pinto. Get lost.”Padabog na lumabas si Shar

  • My Billionaire Ex And our secret twins   Chapter 11: “Lihim na pilit itinatago.”

    “Carl…” mahina ngunit nanginginig na sambit ni Elly habang nanlalaki ang mga mata.Mabagal na tumingin si Carl sa kanya, at sa isang iglap, tila huminto ang oras sa pagitan nilang dalawa. Nakaangat ang sulok ng labi ni Carl, ngunit hindi iyon ngiti ng kaligayahan— kundi ngiti ng isang taong nasaktan at may tinatagong galit.“Mommy!” sigaw ni Lea habang masayang tumatakbo papunta sa kanya. “Ang bait po ni Kuya Carl! nakipag laro po siya blocks '' sa aming dalawa ni Liam. weka ni lea habang nakangiti.Halos mabitawan ni Elly ang cellphone sa pagkagulat. Kuya Carl?Napalingon siya kay Carl, na ngayo’y dahan-dahan nang tumatayo.Kaagad namang nanumbalik ang ulirat ni Elly at sabay hinimas ang ulo ng anak.“Liam, Lea,” mahina niyang sabi, “can you go to your Lola first? I need to talk to your Kuya Carl.”Tumaas bahagya ang kilay ni Carl. “Kuya Carl,” mahinang sambit nito.Kaagad namang sumunod ang kambal sa kanilang ina.“Sir Carl, ano pong ginagawa ninyo dito sa bahay namin? May ipag-uuto

  • My Billionaire Ex And our secret twins   Chapter 10: DAPAT NG KALIMUTAN

    "Hmm... bakit ang sakit ng katawan ko? Ang tigas naman nito," mahinang sambit ni Elly habang marahang hinahaplos ang dibdib ng lalaki. Ilang sandali pa, bigla niyang iminulat ang mga mata at napabalikwas nang makita ang napakagwapong mukha ni Carl."Shit... what happened, Elly? Bakit mo hinayaang mangyari 'to?" mahina niyang bulong sa sarili.Mabilis siyang tumayo, kinuha ang kanyang mga damit, at nagmamadaling isinuot ang mga ito.Bago tuluyang lumabas ng silid, lumingon siya at muling binalot ng hiya."Shit, Elly... ano bang nagawa mo?" muli niyang sabi sa sarili habang pilit pinapakalma ang kaba.Mabilis niyang inayos ang sarili bago tuluyang umalis.Samantala, bahagyang gumalaw si Carl at kinapa ang tabi niya. Nang maramdaman niyang wala na si Elly, agad niyang iminulat ang mga mata."Again... Elly Panganiban," mahina niyang sambit. "Muli mo na naman akong iniwan pagkatapos ng lahat."Mahigpit niyang kinuyom ang kamao habang muling bumabalik ang poot at sakit sa kanyang puso.Pagd

  • My Billionaire Ex And our secret twins   Chapter 9: Maiinit na sandali

    Pilit na kumakawala si Elly sa pagkakailalim ni Carl sa kanya. Pero hindi na napigilan ni carl ang sarili binigyan nya ng mapupusok na halik si Elly sa labi na sya naman ikagulat ni Elly, ngunit sa halip na pigilan nito si Carl ay ginantihan nya ren ito sa di malamang dahilan. Tumagal ng halos dalawang minuto ang halikan ng dalawa ng maramdaman ni Elly ang mga kamay ni Carl ay nag uumpisa ng gumapang sa malulusog nitong d*bd*b na sya lalong nagparamdam ng kakaibang init kay elly, sumabalit tuloy paren ang pag angking ni carl sa mga labi nito.dahan dahang nilaro ni Carl ng kanyang mga kamay ang d*bd*b ni Elly at ng maramdaman niya ang pag iinit ng babae ay hinalikan na nya ito sa le*g na sya lalong nag patindi sa pag iinit nito, hangang ang halik na yun ay napunta sa mga d*d* ni Elly,Shit, Elly, ano bang ginagawa mo, hindi na to pwede, sambit nito sa kanyang isipan. Subalit hindi naman niya mapigilan ang sarili dahil alam niyang sarap na sarap siya sa ginagawa ng lalaki. Hanga

  • My Billionaire Ex And our secret twins   Chapter 8 – Sa Gitna ng Gabi

    Mabilis na nagbihis si Elly, kahit mabigat pa rin ang kanyang mga talukap sa antok.Habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin, napailing siya.“Ano bang ginagawa ko?” mahina niyang usal.Pero kahit gusto niyang balewalain, hindi siya mapakali.Makalipas ang isang oras, dumating siya sa bar na ibinigay ng manager.Tahimik na ang paligid patay ang karamihan sa mga ilaw, maliban sa kislap ng karatulang “OPEN” sa labas, na tila pilit pa ring nagmamatigas sa hatinggabi.Pagpasok niya, sinalubong siya ng isang babae.“Ma’am Elly? Ako po ‘yung tumawag kanina. Nandito po si Sir Carl, sa may sulok.”Tumango lang si Elly at tahimik na sumunod.Paglapit niya, natanaw niya si Carl nakasandal sa sofa, nakayuko, at halatang lasing na lasing.May ilang bote ng alak sa mesa, at amoy na amoy ang halimuyak ng alak sa hangin.“Carl,” tawag ni Elly, may halong inis at pagod sa boses. “Ano bang pinaggagawa mo?”Dahan-dahang itinaas ni Carl ang ulo. Namumungay ang kanyang mga mata, at bahagyang ngumiti

  • My Billionaire Ex And our secret twins   Chapter 7 Kasinungalingan:

    “Elly, siguro ako na alam mo na kung bakit kita pinatawag dito,” mariing sabi ni Carl, habang nakatitig nang diretso sa kanya.“Bakit po, sir? Tungkol po ba ito sa presentation ko kanina?” maang-maangang tugon ni Elly, pilit na pinapanatili ang kalmado niyang tinig.“Sino ang batang lalaki sa lobby?” tanong ni Carl, mahinahon ngunit matalim ang tono.“Bata, sir? Sino pong bata?” pautal na sagot ni Elly, halatang nabigla.“Wag ka nang mag-maang-maangan pa, Elly. Ang batang lalaki na kasama mo sa lobby kanina — alam kong nakita mong nakatingin ako sa inyo.”Pagkarinig ni Elly sa mga salitang iyon, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay habang pinipilit niyang itago ang kaba. Nanuyo ang kanyang lalamunan, at biglang sumikip ang kanyang dibdib Hindi niya malaman kung saan ibabaling ang tingin ,sa sahig, sa mesa, o kay Carl na patuloy pa ring nakatitig sa kanya. Sa loob-loob niya, naghalo ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status