LOGINNaloloka ako sa comments niyo! Hahaha! Thank you sa pagsuporta, asahan niyong lalo pa kayong pasasayahin nila Caroline at Tobias sa mga susunod na araw<3
Caroline’s POVBumuntong-hininga si Melissa at hinawakan ang balikat ko. "Oh siya, sige. Tahimik lang kami. Maupo ka na muna rito at uminom. Tensed ka masyado eh."Diretso kong tinungga ang isang buong baso ng malamig na beer. Hiningal pa ako nang bahagya pagkalapag ko ng baso sa mesa.Natawa nang mahina si Mel habang nakatitig sa akin, umiling-iling pa bago kumuha ng pulutan."Dahan-dahan lang, te! Baka malasing ka agad nyan, 'di ka pa nga nakakakanta," natatawang hirit ni Mel, saka seryosong inilapit ang mukha sa akin. "Seryoso, ano bang nangyari? Mukhang stressed na stressed ka na naman sa asawa mo ah?"Napayuko ako at pinaglaruan ang baso kong yelo na lang ang laman. Si Jeff naman ay pinatay muna ang mic para makinig sa amin, hinihintay ang kasunod kong sasabihin.Inilapag ko ang baso sa mesa bago ako tuluyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar," panimula ko, ramdam ang panginginig ng boses ko sa matinding galit at pagod. "Gus
Caroline’s POVTumingin siya ulit sa akin. May sumisilip na luha sa gilid ng kaniyang mga mata na pilit niyang pinipigilang pumatak."Nasa 'yo na ang lahat ng bagay na pinangarap ko, eh," dagdag pa niya, nanginginig ang boses. "May pamilya ka na mahal na mahal ka, may career ka na tinitingala ng lahat, mahal ka ng mga tao sa paligid mo... kaya nung pumasok ka pa sa buhay namin ni Raegan, naisip ko na... bakit pati siya? Bakit kailangan pati 'yung nag-iisang taong gusto ko at meron ako, aagawin mo pa sa akin?"Parang naputol ang hininga ko habang pumapasok sa utak ko ang bawat salitang binitiwan niya. Sa mga oras na iyon, sa kabila ng inis at galit na nararamdaman ko sa kanya ay bigla ko siyang naintindihan. Bigla kong napagtagpi-tagpi ang mga rason kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon. Ni minsan ay hindi ko akalaing darating ang araw na maiintindihan ko siya. Dahil kung ako ang nasa kalagayan niya, gagawin ko rin ang lahat para protektahan kung ano ang akin.“I may have done
Caroline’s POV"You should eat," ani Rhea sabay lapag ng pagkain sa desk ko."I'm not hungry," malamig kong tanggi. Pero mabilis siyang napangisi nang marinig niya ang pagkulo ng tiyan ko. "Doesn't sound like it."Tiningnan ko ang dala noyang rice meal. Dahil nanginginig na rin ang katawan ko, pikit mata kong tinanggap ang dala niya. Tahimik ko na lang na kinuha ang kutsara saka iyon binuksan at nagpasimulang kumain. Nakatayo pa rin siya roon sa gilid ko. Akala ko aalis na siya, pero bigla siyang nagsalita."Are you still thinking about what happened last night?"Napatigil ako sa pag-nguya. Mabilis na nangunot ang noo ko at tiningnan nang masama. "Rhea, seriously? Don't ask me about personal stuff while we're at work. Know your place," pagsusungit ko.Bahagyang siyang nagtaas ng kilay at sumulyap sa wristwatch niya."There are still eighteen minutes left for lunch break, Caroline," seryoso pero may bahagyang hamon sa boses niya. "So technically, you're not my boss right now."Ini
Caroline’s POV Bago pumasok sa opisina, naglagay ako ng makapal na concealer at foundation para itago ang pamamaga ng mga mata ko. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa sa opisina. Ayaw kong magpatalo sa kanya. Pagpasok ko pa lang sa lobby ay sinalubong agad ako ni Jeff. "Good morning, Carol. Coffee?" Tipid ko siyang nginitian at saka ako tumango. Dumiretso kami sa pantry. Napatitig ako sa pagpatak ng ulan sa labas, iniisip kung paano ko siya haharapin mamaya. Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bawal ang office relationship. Paano kami magtatrabaho ng magkasama ngayon? Isa pa iyang Rhea na iyan, nakakastress. Ibinaba ni Jeff ang mainit na kape sa tapat ko. "Nag-almusal ka na ba?" tanong niya saka naupo sa katapat kong stool. Dahan-dahan akong umiling. "Hindi pa eh." "Sakto pala eh. Gusto mo ng cupcake? Nagpadala si Mama, bagong bake galing sa shop niya," nakangiti niyang alok sabay labas ng isang maliit na pastry box mula sa bag niya. “Sure, namiss
Caroline’s POVNakatitig lang ako sa labas ng bintana habang bumabiyahe kami pabalik ng mansyon. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay ko. Ilang beses tinangkang abutin ni Tobias ang kamay ko habang nagmamaneho siya, pero sa tuwing hahawakan niya ako, kusa kong inilalayo. Nakakairita. Nakakainis!Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto, hinubad ko agad ang heels ko at pabalang kong inihagis ang bag ko sa sofa.Naramdaman ko ang paglapit niya mula sa likod ko. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko tapos sinimulang halik-halikan ang balikat ko papunta sa leeg, gaya ng lagi niyang ginagawa. Pero hindi iyon ang kailangan ko ngayon.I feel uncomfortable with his presence. Especially because of what he did.Pagalit kong siniko ang braso niya at mabilis akong humakbang palayo."Don't touch me, Tobias," malamig at walang kagana-gana kong sabi, nang hindi man lang siya nililingon."Come on, Caroline... What's wrong with you?" tanong niya, halatang naiirita na rin. "Siguro malapit
Caroline’s POVDahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong kubyertos, inayos ang pagkaka-upo, at seryoso ko siyang tinitigan."Well, that is not final yet, Ate Sheena," madiin kong sabi. Lahat sila ay napalingon sa akin.Tumingin ako nang diretso kay Rhea na nakayuko pa rin."Hanggat hindi siya pumapasa sa standards ko, hindi ako aalis," patuloy ko. "At kapag natapos ang tatlong buwan at hindi niya pa rin natututunan ang mga dapat niyang matutunan, I'll stay with the company. I won't just hand over my position to someone who isn't fully capable."Nag-angat siya ng tingin sa akin at nung magsalubong ang mga mata namin ay inirapan ko siya.‘S*ck it, b*tch!’"What do you mean by that, Caroline?" salubong ang mga kilay na tanong ni Mama Shiela. "Dapat nga pagkakasal niyo pa lang ni Tobias, tumigil ka na sa pagtatrabaho. Wala ka nang ibang responsibilidad ngayon kundi ang magpaka-asawa at magpaka-ina sa bubuuin niyong pamilya."Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya."With all due respect







