/ Romance / My Deepest, Darkest Secret! / Chapter 67 - Ako na ang Mag-popropose sa Iyo!

공유

Chapter 67 - Ako na ang Mag-popropose sa Iyo!

작가: Megan Lee
last update 최신 업데이트: 2025-05-11 08:17:59

Chapter 67 – Ako na ang mag-popropose sa iyo!

Sabado ng gabi, may natanggap akong email mula sa personal account ni James. Nagpasalamat ako sa Diyos at hindi na ako mahihirapang kontakin pa si James. Alam ko kasi ang email add at cellphone number ni James pero office email iyon at iba na ang cp number nito kaysa dati. Kapag doon ako tumawag o magpadala ng email ay magtataka naman yun, mabubuking ako.

“Hi, wifey! Long time no hear. I've been trying to contact you several times through your email add and CP number. I want a divorce, ASAP!” sabi ni James sa kanyang email.

“Hmmmm....matagal na pala niya akong kinokontak.” sabi ko sa sarili. “Well, sa kanya na nanggaling ang tungkol sa divorce so sasakyan ko na lang ang gusto niya.”

Sinagot ko agad ang email ni James. “If you want a divorce, you will have to shoulder all of the cost in getting a divorce including the divorce lawyer's fee. Since you are in the Philippines and I am here in LA, I will try to get the services of a lawyer a
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 127 Batmbatng Sugar Baby

    Chapter 127- Batambatang sugar baby!Sumang-ayon ang Daddy at Mommy ni James gayun din si Atty. Ramirez sa suggestion ni Kuya Phillip na mas simple at mas mabilis ang resulta sa pagkuha ng DNA sample mula kay Michelle kapag may kasapakat mismo sila sa ospital. Tinawagan agad ni Kuya Phillip ang aming private investigator at pinaliwanag ang napag-usapan namin. “Boss, madali lang yan! Kilala ko yung midwife na tumitingin sa babae. Basta ang resulta ng DNA Test ay contained lang sa grupo natin. Malalaman mo bukas kung magkano ang hihingiin noong nasa ospital.” sagot ng PI na naririnig namin dahil naka-speaker phone si kuya. “Isa, pa, kabuwanan na nung babae kaya weekly na ang konsultasyon niya.”“O narinig ninyo, okay na!” paniniguro ni Kuya Phillip.“Pero gusto ko pa ring gawing legal ang lahat. Atty. Ramirez, ihanda mo na lang ang kasong puwede nating i-file sa babae kung sakaling magprotesta ito at ipilit ang kanyang gusto.” sabi ng Daddy ni James. “I will do that Mr. Vergara.

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 126 - Ang Tanga ni James.

    Chapter 126 – Ang Tanga ni James!Alas nuwebe ng umaga na kami nakarating sa bahay ng Mommy ni James sa Corinthian Gardens. Nandoon na si Kuya Phillip at Atty. Ramirez, ang lawyer na kaibigan ng Daddy ni James. Nasa dining table at nag-aalmusal ang Mommy at Daddy ni James kasama sina Kuya Phillip at Atty Ramirez ng dumating kami ni James.“Halika na kayong dalawa. Join us for breakfast.” aya ng Daddy ni James.“James! Ano ang nangyari sa iyo?!?! Ang payat mo at nangangalumata pa yang mga mata mo!” gulat na sabi ng Mommy ni James. “Ninang Rose, kung nakita mo siya kahapon lalo mo siyang hindi makikilala. Para siyang taong grasa! Mahaba ang buhok, bigote at balbas! At ang baho-baho!” sabi ko.Lumapit naman si James sa Mommy niya at hinalikan ito sa pisngi. “Bakit nandito sina Atty. Ramirez at Phillip?” tanong ni James sa kanyang Daddy. “May problema ba?”“Ikaw ang problema, James! Pinapabayaan mo ang iyong sarili. Pati negosyo natin, pinabayan mo na rin!” sagot ng Daddy ni James.

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 125 - Isa pa?

    Chapter 125 - Isa pa?Sa condo ni James ako matutulog ngayon gabi. At least kahit isang gabi ay mabantayan, mapakain at mapatulog ko siya. Balak ko kasing patirahin siya sa Mommy niya kahit isang buwan lang. Pinalitan ko ng fresh beddings ang kama niya para malinis at mabango ito. Maaga kaming kumain ng hapunan kaya alas sais pa lang ng hapon ay pinag-hot shower ko ulit si James para masarap ang kanyang tulog. Tunay nga, wala pang 15 minutes ay parang baby na himbing na himbing sa pagtulog si James. Naligo na rin ako habang nakasalang sa automatic washing machine ang mga damit ko at ni James. Pagkatapos maligo ay yung spare na roba ni James ang ginamit ko. Tinawagan ko ang Mommy ni James gamit ang cellphone niya. “Hello, Ninang Rose, si George po ito! Nandito ako sa condo ni James ngayon. Gusto ko pong magrequest sa inyo. Puwede po bang sa inyo muna tumira si James para may kasama siya at para mabantayan kung kumakain siya?” pakiusap ko sa kanya.“George, ihatid mo siya dito bu

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 124 - Double Standard

    Chapter 124 - Double standard?Paglabas naming ng kuwarto ay inumpisahan naman ni Paul ang pagligpit ng mga kalat sa sala at kusina. Naghanda ako ng simple at mabilisang pagkain kaya pinagsaluhan naming tatlo ang niluto kong noodle soup, egg sandwich at kape. Sa hapag kainan, tinanong ni Paul si James, “Pare, ano ba ang nangyari sa iyo? Pinabayaan mo na ang sarili mo pati ba naman negosyo ninyo pinabayaan mo na rin?”“Kasalanan ko lahat ang nangyari! Pabayaan na ninyo ako!” lulugu-lugong sabi ni James.“James, ayaw mo na bang mabuhay?” tanong ko sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. “Paano ako? I need you, James. I love you!” “Mahal mo pa rin ako sa kabila ng pagtataksil ko sa iyo?” nagtatakang tanong ni James. “Dapat sa iyo gawan ng monumento sa Luneta sa pagiging isang martir!”“Martir na kung martir! Basta ikaw ang magpapagawa ng rebulto ko. Yung maganda ha?” pabiro kong sabi kay James.“Alam nyo? Bagay nga kayo sa isa't isa. Seryoso na ang usapan, nakakapagbiro pa kayo!

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 123 - Nagbabaya

    Chapter 123 – Nagpabaya.Kulang dalawang buwan magmula ng madiskubre kong may babae nga si James at buntis pa! Nalungkot ako sa mga nabalitaan kong pagpapabaya ni James sa kanyang sarili at negosyo kaya nanaig ang awa at pagmamahal ko sa kanya. Bagama't pinagtaksilan niya ako, tutulungan ko pa rin siyang makabangon.Nang gabing iyon, kumatok sa kuwarto ko si Kuya Phillip. “George, malungkot ka na naman! Dumating na ang resulta ng imbestigasyon ng private detective ng ating kumpanya. Ayon sa kanya, si Michelle ay dating empleyado ni James sa kanyang kumpanya. Baguhan pa lang ito pero pagkaraan ng dalawang buwan ay bigla itong nagresign. Ayon sa Philippine Statistics Office, tatlong taon ng may-asawa ang babae at nakatira ito sa Pasay kasama ang kanyang asawa, magulang at dalawang kapatid na lalaki. Walang trabaho ang kanyang asawa at mga kapatid kaya malamang kaysa hindi, kay James sila umaasa at kumukuha ng pangastos. Buntis ang babae at ayon sa PI, malapit na raw itong manganak.”

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 122 - Wasted

    Chapter 122 – Wasted!Nagising na lang ako kinabukasan na masakit ang ulo ko. Medyo nahihilo pa nga ako. Madilim sa kuwarto. May nakadagan na braso sa aking beywang at wala akong saplot! “God! Ano na naman ang kinasangkutan ko? Wala akong maalala?” sabi ko sa sarili.Tinangka kong bumangon kaya nagising ang katabi ko. “George? Are you okay?” tinig ng lalaki na parang malayo sa aking pandinig.“James???” sabi ko. Yun lang at nahilo na naman ako.Pagmulat ko ng aking mga mata at nakatanghod sa akin si James. “James? Nasaan ako?” tanong ko sa kanya. “Masakit ang ulo ko!”“Nandito ka sa condo ko. Tinawagan ako ni Ana kagabi dahil lasing na lasing ka. Hindi niya alam kung saan ka nakatira kaya hindi ka niya maihatid. Ako ang naisip niyang tawagan. Bakit ka ba naglasing?” sagot ni James. “Apparently, hindi ka kumain ng lunch, tapos uminom ka pa ng beer, kaya mabilis kang nalasing. Inumin mo ito para mawala yang hangover at sakit ng ulo mo.”“Bakit nakahubad ako?” nagtataka kong tanong

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status