Share

Chapter 20

STESHA'S POV

Abala ako sa pagbabasa ng mga dokumentong ipinasa ng ka grupo ko sa misyong ito. Hindi parin tuluyang pumapasok sa utak ko ang mga nakalap kong impormasyon. This mission is getting complicated each day.

Bahagya akong napalingon sa pintuan ng bumukas ito, pumasok si Blue sa library dala ang isang basong juice at sandwich. Inilatag niya ito sa mesa sa harapan ko.

"Kain ka muna."

Kinuha ko ang sandwich at kinagatan iyon, kanina pa ako gutom ngunit hindi ko magawang umalis sa kinauupuan ko dahil kailangan ko pang tapusin ang binabasa ko.

"You've been working on that all day, aren't you tired?"

Sumimsim muna ako ng juice bago ko siya sinagot. "Kailangan kong matapos ang misyong ito sa lalong madaling panahon."

Seryoso akong nakatingin sa kanyang mga mata. Nais kong basahin ang mga ideyang naglalaro sa kanyang isipan. Blue, sino ka ba talaga? Should I trust you?

"Blue, mapapagkatiwalaan ba kita?"

Gusto kong batukan ang aking sarili ng lumabas mula sa aking bibig ang mga katagan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status