Share

My Husband's Son
My Husband's Son
Author: inka

Prologue

Malakas na palakpakan ang naririnig ko hindi pa man ako iniluluwa ng pintuang ito.

They're all waiting.

Tumulo ang luha ko hindi dahil sa saya kung hindi dahil sa pagdadalamhati sa kinahantungan ng buhay ko.

Bumukas ang pintuan at sinalubong ako ng malakas na palakpakan ng lahat pati na rin ng mga matang halata namang walang kasiyahang laman. Sino bang matutuwa na ikakasal ako? Bukod sa wala akong kakilala rito ay napakabata ko pa. I'm only 24 yet I married a 48-year-old man. He's almost double my age! Hindi lang iyon. Isa siyang makapangyarihang tao na kayang bilhin kahit ang kaluluwa mo kagaya ng ginawa niya sa akin. BINILI NIYA AKO.

Pinilit kong ngumiti sa kanila kahit lantad na lantad ang mga luha kong bumabasa sa mukha ko. Marahil ay iniisip nilang masaya ako kaya ako umiiyak pero nagdadalamhati ako.

"Here comes the bride! Everyone, let's congratulate Mr. And Mrs. El Fuente on their wedding!" Masiglang sigaw ng emcee na naging dahilan ng malakas pang palakpakan ng lahat na pumuno sa buong reception hall. Mas lalong tumulo ang luha ko. Hindi na ako pwedeng tumakbo. Kasi kasal na ako sa lalaking ito.

Sinalubong niya ako ng nakangiti at pinunasan ang luha kong tumutulo na din sa may dibdib ko. Ngiting tagumpay iyon at hindi ngiting masaya. Nakuha niya lang naman ng walang kahirap-hirap ang dati niyang secretarya na walang iba kung hindi ako.

Emely Argote.

Nagtrabaho ako sa kaniya bilang secretarya anim na buwan na ang nakakaraan dahil hindi ko na kayang tustusan ang pag aaral ko. Tumigil ako sa pagaaral para magipon at tustusan din ang gamutan ng ama kong may sakit. Pero sa lahat ng atensyong makukuha ko ay hindi ko kailanmang ginustong magmula iyon sa taong pinagtatrabahuhan ko. Ang asawa ko ngayon. Si Rico El Fuente. Pagmamay-ari niya ang El Feunte Co. Isang sikat na kompanya sa Food industry.

"Enjoy the moment. Hindi mo na kailangang magtrabaho ngayon dahil ibibigay ko sa iyo ang lahat. Higit pa sa mga inaakala mo," bulong niya sa tainga ko nang makalapit kami sa upuan kung saan kami dapat umupo.

Hindi ako umimik o kumibo. Tumungo na lang ako at iniwasan ang lahat ng mga pares ng mata mula sa mga bisita.

"Let me offer a toast for the new Mrs El Fuente!" Malakas niyang saad habang nakatayo at may hawak na alak.

Naghiyawan ang lahat at sinenyasan niya akong tumayo. Iniabot niya sa akin ang alak at ngumiti. Tumingin ako sa lahat at saka pilit na ngumiti.

Hindi sinasadyang dumako ang mga mata ko sa pares ng mga matang hindi ko kailanman gugustuhing makita sa mga oras na ito. Madilim ang mga matang iyon na mariing nakatitig sa akin. Hindi ako makagalaw at mas lalong kumirot ang puso ko. Nakaupo siya kasama ang ilang kaibigan sa may bandang likurang mesa. Sarkastiko siyang ngumiti sa akin saka itinaas ang basong hawak niya na may galit na ekspresyon.

"Cheers!" Napabalik ang tingin ko kay Rico at wala sa sariling itinaas ang baso saka ininom ang lahat ng laman noon saka biglang umupo. Nakuha ko ang atensyon ng lahat kaya pasimple akong ngumiti ng pilit.

"You're feet must be aching because of your shoes," Pasimpleng biro ni Rico na ikinatawa ng mga bisita.

Ngumiti lang akong muli ng pilit. Nagbabadya na naman ang mga luha ko. Lakas loob kong ibinalik ang tingin sa lalaking iyon na nakita kong nakatingin pa din sa akin. Marahas siyang tumayo at tumingin sa amin ni Rico bago siya tumalikod at umalis.

Parang biniak ang puso ko sa nakita kong iyon. Kung mayroon mang isang taong tututol dito, siya iyon. Ang nag iisang anak ni Rico na mas matanda sa akin ng isang taon. Si Drake El Fuente. Ang lalaking mahal ko.

Tumulo ang sunod-sunod na luha ko kasabay ng biglaan kong pagtayo.

"Excuse me. Kailangan ko lang gumamit ng restroom," Saad ko ng hindi tumitingin kay Rico saka nagdere-deretsong umalis.

Wala akong pakealam sa mga bisita at kung anong iisipin nila. Tutal mukhang pera na rin naman ang tingin nila sa akin ngayon.

Wala nang bago.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miesha
I just read the blurb. This is one heavy novel so I'm waiting for more chapters first while preparing myself for what's to come. ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status