Share

CHAPTER 12

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-07-13 16:43:35

CHAPTER 12

3RD POV

“Bakit hindi na naman maipinta ‘yang mukha mo?” Tanong sa kanya ng pinsan niyang Daisy. Hindi niya kasi mapigilan na makaramdam ng inis sa mga tauhan na inutusan niya para hanapin si Ezra at ang pamilya nito. Ilang buwan na niya itong pinahanap pero wala pa rin siyang balita sa lalaki.

“Magpahinga ka kaya, hindi kaba napapagod? Lalo na at malaki na ‘yang t’yan mo.” Wikang muli ni Daisy, kaya napahaplos siya sa kanyang t’yan. Sinadya niya noon na magpanggap na may amnesia, para makuha ang loob ni Ezra, at hindi nga siya nabigo, dahil madali niya itong napaniwala pati ang mga taong nakapaligid sa kanila. Ang hindi lang niya matanggap ay niloko siya ng lalaki. Ang akala niya ay totoo ang kasal nila pero hindi pala.

“Natupad na rin ang hiling mo, ang magkaroon ng anak kahit walang ama.” Malungkot siyang na-patingin kay Daisy, dahil sa sinabi nito.

“Pero sa tingin ko, magiging malungkot siya.” Sagot niya habang napahinga ng malalim si Daisy.

“Tama ka, maghahanap ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Vhens
next chapter npo Ang Ganda nang kwento nang pag ibig ni apple nakakakilig
goodnovel comment avatar
Ermelyn Surigao
thank you sa update ma'am God bless you always
goodnovel comment avatar
Lilibeth Aguinaldo Mercado
slamat po sa update godbless po at sana Isa pa po update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 12

    CHAPTER 12 3RD POV “Bakit hindi na naman maipinta ‘yang mukha mo?” Tanong sa kanya ng pinsan niyang Daisy. Hindi niya kasi mapigilan na makaramdam ng inis sa mga tauhan na inutusan niya para hanapin si Ezra at ang pamilya nito. Ilang buwan na niya itong pinahanap pero wala pa rin siyang balita sa lalaki. “Magpahinga ka kaya, hindi kaba napapagod? Lalo na at malaki na ‘yang t’yan mo.” Wikang muli ni Daisy, kaya napahaplos siya sa kanyang t’yan. Sinadya niya noon na magpanggap na may amnesia, para makuha ang loob ni Ezra, at hindi nga siya nabigo, dahil madali niya itong napaniwala pati ang mga taong nakapaligid sa kanila. Ang hindi lang niya matanggap ay niloko siya ng lalaki. Ang akala niya ay totoo ang kasal nila pero hindi pala. “Natupad na rin ang hiling mo, ang magkaroon ng anak kahit walang ama.” Malungkot siyang na-patingin kay Daisy, dahil sa sinabi nito. “Pero sa tingin ko, magiging malungkot siya.” Sagot niya habang napahinga ng malalim si Daisy. “Tama ka, maghahanap ka

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 11

    CHAPTER 113RD POV “Umalis kana kung ayaw mong masaktan.” Madiin na wika niya kay Ruth. “Ayoko!” Sigaw nito sa kanya. “Anong ayaw mo?” “Ayokong umalis sa bahay na ‘to! Dahil bahay ko rin naman ‘to!” “Paano mo ‘to naging bahay? Bahay namin ‘to ng asawa ko?” Napalingon si Ezra, kay Apple, dahil sa sinabi nito kay Ruth. “Asawa?” Natatawa na wika nito, kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Apple. “Mas mabuti pang pumasok ka muna sa silid natin.”“Hindi mo siya pwedeng ilayo sa akin Ezra!”“Mas mabuti kung malaman na niya ang totoo!” Galit niyang tiningnan ang babae, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Totoo? Anong totoo?” “Sinabi kung tama na!” Muling wika niya at agad itong nilapitan. Pero nanlaban ito sa kanya kaya nakawala ito sa pagkakahawak niya. “Sabihin mo sa akin kung ano ang totoo!” Galit na tanong ni Apple. “Gusto mo talagang malaman?”“Tama na Ruth..”“Ang totoo, hindi mo siya asawa, dahil ako ang totoong fiancée ni Ezra! At hindi totoo ang kasal ninyo, dahil binaya

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 10

    CHAPTER 10 3RD POV “Kapatid ko ba talaga ‘yon?” Tanong sa kanya ni Apple, kaya hindi niya na-iwasan na mapangiti. Alam niya kung paano nito tratuhin ang mga kapatid nito, kaya ganun nalang ang tuwa ni Greeg, nang malaman nito ang nangyari sa kanya. “Oo naman, hindi mo ba nakikita na magkamukha kayo?” Sagot niya habang sumimangot ito. “Dapat hindi siya ganun, dapat mahal niya ako katulad mo.” Natigilan siya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Nakakainis kaya siya, dahil pinapahirapan niya ako. Alam mo, tinanong niya ako kung sasama ba ako sa amin.” Muli siyang nakaramdam ng kaba, dahil sa sinabi nitong muli. “A-anong sabi mo?” “Hindi ako pumayag. Ayaw kung umuwi. Lalo na at pinakita niya sa akin na hindi nila ako mahal.” Lihim na nakaramdam ng tuwa si Ezra, dahil sa sinabi sa kanya ni Apple. “Ito ang tandaan mo, ako lang ang nagmamahal sa ‘yo, kaya dapat lang na dito ka lang sa tabi ko.” Wika niya at niyakap ito ng mahigpit. “Hindi naman ako mawawala sa ‘yo.” Ngiting sagot nito h

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 9

    CHAPTER 9 3RD POV “Ezra!!” Tuwang sigaw sa kanya ni Apple, kaya malawak siyang napangiti rito. “Ayos ka lang ba rito?” Tanong niya, dahil ito ang unang araw nito sa department na pinapasukan nito. Ayaw niya sana na magtrabaho ito, kahit sa kumpanya niya pa. Pero sadyang matigas ang ulo ni Apple. “Ayos lang ako, mababait naman sila.” Ngiting wika nito habang niyakap siya. Wala rin itong pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga taong nasa paligid nila. “Mabuti kung ganun, tara sa opisina ko.” Wika niya, kaya na-pakunot ang noo nito na tumingin sa kanya. “Ano naman ang gagawin natin do’n? Mukhang nakalimutan mong may trabaho ako at ikaw ang boss ko?” Malawak siyang napangiti, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ayos lang, asawa naman kita.” Bulong niya, na nagpangiti nito. “Ikaw talaga puro ka kalokohan..” Ngiting wika nito sa kanya. “Ezra!” Napalingon siya at nakita si Ruth. “Mauna na muna ako, puntahan nalang kita, kapag lunch break na.” Paalam nito sa kanya, kaya agad siyang tu

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 3RD POV “Nasa’n si Apple?” Kabado na tanong niya sa kanyang security guard. “Umalis po sila Sir.” Sagot nito, kaya mas lalo siyang nakaramdam nang kaba. Iniisip niya nab aka bumalik na ang alaala nito. “S-saan siya pumunta?” Utal na tanong niya rito. “Sa narinig ko po kay Ma’am Sofie Sir, pupunta sila ng hospital, dahil patingnan niya raw si Ma’am Apple.” “Fvck!” Malakas siyang napamura, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ihanda niyo ang kotse!!” Utos niya sa kanyang mga tauhan, dahil kailangan niyang ma-abutan si Sofie at Apple. Hindi niya hahayaan na makarating ito sa hospital, dahil natatakot siyang gumaling si Apple. Habang nasa loob ng kotse ay tinatawagan niya ang numero ng kapatid niya. ‘Kainis, ano bang pumasok sa isip niya? Bakit niya ba ito ginawa?’“Kuya?” Sagot nito sa tawag niya. “Nasa’n kayo?” Tanong niya rito. “Nasa Mall, wala pa kasi ‘yong dokto-.”“Bakit mo dinala si Apple r’yan?” Galit na wika niya rito. “K-kasi sinabi mo na hindi siya okay Kuya.”

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 3RD POV “Bakit hindi ako pwedeng sumama?” Tanong sa kanya ni Apple. “May meeting ako. Isa pa, kasama mo naman ang mga katulong sa bahay. ‘Wag ka rin mag-alala. Babalik agad ako.” Wika niya habang hinalikan ang noo ni Apple. “Bakit kasi kailangan mo pang pumunta ng meeting?” Parang bata na tanong nito, kaya hindi niya napigilan na mapangiti.“Kailangan, para sa future din natin ‘yon.” Sagot niya. “Ano bang gusto mong pasalubong pagbalik ko?” Tanong niya, habang umiling ito. “Ikaw lang ang gusto ko.” Sagot nito, kaya lalong nakaramdam ng saya si Ezra. Hindi niya inakala, na ganito ka lambing si Apple sa kanya. “Kumusta na ang Anak ko?” Tanong sa kanya ng ama nitong si Rey Johnson. Hindi niya naman maiwasan na makaramdam ng kaba, dahil hindi niya sinasabi rito ang nangyari kay Apple. Wala rin siyang balak na sabihin nito ang nangyari kay Apple, dahil iniisip niya na baka kunin nila si Apple sa kanya. Ayaw niya na mangyari ito, dahil gusto niya lang na nasa tabi niya si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status