Home / Mafia / OWNED (TAGALOG) / CHAPTER 2 (RULES OF OWNERSHIP)

Share

CHAPTER 2 (RULES OF OWNERSHIP)

last update Last Updated: 2025-09-27 02:01:20

Pagdilat ng mga mata ni Laura, agad siyang nabulaga sa liwanag na sumisilip mula sa malalaking bintana ng kwartong hindi niya kilala. Malamig ang hangin, amoy mamahaling pabango. Nanginginig siya, nakahiga sa malambot na kama na tila ginto ang halaga. Ngunit mas higit na nagpatindig ng kanyang balahibo ang katotohanang wala siyang suot na kahit ano—hubad, walang proteksiyon.

Agad niyang niyakap ang kumot, pinilit takpan ang sarili. Habang tumatakbo ang alaala ng nagdaang gabi, biglang sumakit ang ulo niya, para bang binibiyak. Naalala niya ang gamot na pinainom, ang mga kamay na dumampi, at ang malamig na tinig ng lalaking mula sa dilim.

“Ngayon… ikaw na ba ang kapalit ng isang milyon?”

Napalunok si Laura, muling bumalik sa isip niya ang mukha ng kanyang ama sa ospital—mahina, nakikipaglaban sa buhay. Sa bawat pintig ng kanyang puso, ramdam niya ang bigat ng ginawa niyang sakripisyo.

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matandang babae na nakasuot ng simpleng bestida, hawak ang tray ng pagkain. Mahigpit ang titig nito, pero hindi galit kundi malamig, parang wala siyang pakialam.

“Gising ka na pala,” malamig na sambit nito.

“Magbihis ka. Mamayang hapon ay makikipagkita ka sa amo ko.”

“A-amo?” nanginginig na tanong ni Laura, habang mas lalo pang kinuyom ang kumot.

Tumigil ang babae, tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Ang lalaking bumili sa’yo kagabi. Nasa hacienda ka niya ngayon. Simula ngayon, wala ka nang ibang mundo kundi ito.”

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. “Hindi… hindi puwede…” bulong niya, halos mawalan ng hininga.

Ngunit bago pa siya makapagsalita pa, iniwan na siya ng babae at muling isinara ang pinto. Nabalot ng katahimikan ang buong silid, maliban sa malakas na tibok ng kanyang dibdib.

Napatayo si Laura, humarap sa salamin. Nakita niya ang sariling itsura namumugto ang mga mata, magulo ang buhok, at bakas sa katawan ang matinding pagod. Hindi na siya ang dating si Laura na inosente at puno ng pangarap.

“Papa…” mahina niyang bulong, habang dumadaloy ang luha. “Nagawa ko na. Sana… sana gumaling ka.”

Ngunit sa ilalim ng mga salitang iyon, may boses na bumubulong: Kapalit ng buhay niya, sarili mo naman ang mawawala.

Lumipas ang ilang oras bago bumalik ang babae, dala na ngayon ay isang kahon ng magagarang damit. Mga damit na hindi niya kailanman isinuot mga kasuotan na halatang para sa isang babae na pag-aari, hindi para sa isang babae na malaya.

“Isuot mo ’to. Gusto ng amo ko na maganda ka kapag humarap ka sa kanya.”

Nanginginig ang mga kamay ni Laura habang hinahaplos ang tela ng damit. Hindi niya alam kung paano siya makakawala, o kung may pag-asa pa siyang makabalik sa dati niyang buhay. Pero isa lang ang malinaw simula sa gabing iyon, hindi na siya basta si Laura.

Isa na siyang bihag ng isang kasunduan na hindi niya lubos na naiintindihan.

At sa labas ng bintana ng hacienda, ang malalawak na lupain ay tila naging mga pader ng isang bilangguan.

Nanlalamig ang mga kamay ni Laura nang unti-unting lumapit ang lalaki. Sa unang tingin, parang artista sa teleserye matangkad, gwapo, at ang presensya’y nakakapuno ng buong silid. Pero habang mas tinitigan niya, mas naramdaman niyang hindi ito ordinaryo. May bigat ang bawat kilos, may lamig ang bawat tingin.

“Laura,” mahinang sambit nito, diretso ang tingin sa kanya. “From now on… you belong to me.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Laura. Napaatras siya, hawak ang laylayan ng kanyang damit. “A-ano pong ibig niyong sabihin.

Walang emosyon, walang alinlangan. “It means exactly that. You can’t run. You can’t hide. Every single part of you… is mine. Until your last breath.”

Napakagat-labi si Laura, nanlalabo ang paningin sa takot. “B-bakit ako? Wala naman akong halaga…”

Ngumisi ng bahagya ang lalaki, pero malamig at puno ng misteryo. “Value is not always seen, Laura. Sometimes, it is decided. And I decided… you will stay.”

Parang napako ang mga paa ni Laura. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang tumakbo, pero parang natuyot ang kanyang lakas. Sa isip niya, ang mukha ng kanyang ama ang bumabalik-balik. Ito ba ang kapalit? Ito ba ang halaga ng kanyang buhay?

Tumulo ang luha sa mga mata ni Laura. At sa unang pagkakataon, buong linaw niyang naramdaman simula ngayong araw, siya ay isang bilanggo, hindi ng rehas, kundi ng isang lalaking kasing-lamig ng bakal.

Umalis na ang lalaki, naiwan si Laura na nanginginig at hawak-hawak ang kanyang dibdib. Sa likod ng malamig na boses nito, ramdam niya ang kapangyarihang bumabalot sa buong hacienda. Para siyang nilulunod ng takot, pero sa gitna ng katahimikan, isang tanong ang paulit-ulit na sumisigaw sa kanyang isip: Kamusta na kaya si Papa? Buhay pa ba ito? Natuloy ba ang liver transplant?

Napahawak siya sa kanyang tiyan, para bang doon niya nararamdaman ang bigat ng kasunduan. “Sana… sana nakayanan ni Papa…” mahina niyang bulong. Inalala niya ang mga huling sandali bago siya kunin—ang mahinang kamay ng kanyang ama na humahawak sa kanya, ang mga luha nito na hindi bumabagsak pero ramdam sa bawat titig.

Muli siyang napatitig sa bintana. Ang malawak na lupaing tila paraiso ay para sa kanya’y naging kulungan. Ang bawat bulong ng hangin ay parang tanikala. Naramdaman niyang unti-unting lumalakas ang tibok ng kanyang puso, hindi lang dahil sa takot kundi dahil sa pag-asa. Kung naligtas ang kanyang ama, dapat may dahilan kung bakit siya nandito pa.

“Hindi ako puwedeng sumuko,” mahina niyang wika. “Para kay Papa… lalaban ako.”

Ngunit sa labas ng pinto, naroon pa rin ang mga matang nagbabantay—at ang lalaking bumibili ng kalayaan ng iba.

Mag-isa sa silid, mahigpit ang kapit ni Laura sa kumot na tila iyon na lamang ang kanyang kanlungan. Paulit-ulit sa kanyang isip ang tanong—kamusta na kaya si Papa? Natuloy na kaya ang operasyon? Buhay pa ba siya hanggang ngayon? Ang bawat segundo ng kawalan ng balita ay parang karayom na tumutusok sa kanyang dibdib.

Matapos ang ilang saglit ng pananahimik, nagpasya siyang lakasan ang loob. Hindi siya pwedeng mabuhay sa anino ng takot at panghuhula. Kung sino man ang lalaking iyon—ang amo, ang bumili sa kanya—siya lamang ang may kasagutan sa kalagayan ng kanyang ama. Pinilit niyang itayo ang sarili, isininuot ang manipis na tsinelas, at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang silid.

Tahimik ang pasilyo, maliban sa mahihinang ilaw na nakasabit sa mga dingding. Ramdam ni Laura ang kaba sa bawat hakbang, ang malamig na sahig na tila kumakalat ang lamig hanggang sa kanyang puso. Huminto siya sa harap ng isang malapad na pintong kahoy—ang silid ng lalaki.

Mahina niyang itinulak ito, at halos mapatigil ang kanyang paghinga sa eksenang bumungad. Nasa loob ang lalaki, nakaupo sa malapad na mesa. Sa ibabaw nito, nakapatong ang isang itim na baril na kasalukuyan niyang pinupunasan gamit ang isang tela. Ang liwanag ng lampshade ay nagbigay ng matalim na anino sa kanyang mukha, at lalo lamang nagpalamig sa aura nitong nakaupo na parang hari ng dilim.

Hindi lang iyon—may hawak siyang telepono, at malinaw ang bigat ng bawat salitang binibitawan.

“Siguraduhin mong walang makakahuli sa shipment,” malamig na wika ng lalaki. “Kung pumalpak ka… alam mo na ang mangyayari.”

Nanlaki ang mga mata ni Laura. Hindi niya lubos maunawaan, pero ang tono ng lalaki ay walang halong biro. Hindi iyon usapan ng isang negosyante o pangkaraniwang amo—iyon ay tila boses ng isang taong sangkot sa isang bagay na ilegal, marahas, at nakamamatay.

Napaatras siya, pilit pinipigil ang sariling huminga nang malakas. Ang bawat tibok ng kanyang puso ay parang kulog sa kanyang pandinig. Gusto niyang itanong ang tungkol sa kanyang ama, pero sa nakita at narinig niya, mas nanaig ang takot. Ano ba talaga ang pinasok niya? Ano ba talaga ang lalaking ito na nagmamay-ari na ng kanyang kalayaan?

Dahan-dahan siyang umatras, pinilit hindi lumikha ng ingay, at tuluyang bumalik sa kanyang silid. Pagkasara ng pinto, napasandal siya at halos manghina ang kanyang tuhod.

Diyos ko… ano itong napasukan ko? bulong niya sa isip. Hindi na lang siya basta bihag ng kasunduan, kundi bihag ng isang lalaking tila hari ng isang mundo ng karahasan at kasalanan.

Nabalot siya ng kaba at takot. Kung kaya nitong pumatay para sa negosyo, kaya rin ba nitong pumatay sa kanya kung sakaling siya’y magtanong? Kaya ba nitong saktan siya kung sakaling malaman nitong nakinig siya sa kanilang pag-uusap?

Ngunit higit sa lahat, isang tanong ang kumurot nang pinakamalakas sa kanyang puso: Kung ang kaligtasan ng kanyang ama ay nagmula sa perang galing sa ganitong gawain… tama ba ang kanyang naging desisyon?

Ilang minuto ang lumipas…

Hindi mapakali si Laura nang gabing iyon. At bigla niyang naalala ang kontrata ang dokumentong pumirmi sa kanyang kapalaran. Kung totoo ngang napunta na siya sa lalaking iyon bilang kapalit ng buhay ng kanyang ama, kailangan niyang makita, mabasa, at malaman ang nakasaad doon. Doon niya malalaman kung hanggang saan lang ang kaya nitong gawin sa kanya, at kung hanggang saan siya dapat magtiis.

Huminga siya nang malalim, pinahid ang luha, at nagpasya. Hindi siya pwedeng manatiling bulag. Kahit nanginginig ang tuhod, binuksan niya ang pinto at muling tinahak ang mahabang pasilyo. Ang bawat hakbang ay parang mabigat na bato na hinihila ang kanyang katawan.

Pagdating sa silid ng lalaki, kumatok siya nang mahina. Walang sagot. Nag-ipon siya ng lakas, saka dahan-dahang itinulak ang pinto.

Nandoon pa rin ito nakaupo sa malaking mesa, may hawak na baso ng alak, malamig ang tingin na nakatutok sa kanya.

“Laura.” Mababa, matalim ang boses nito. “What are you doing here?”

Nagkuyom siya ng kamao, pilit pinatatag ang sarili. “Gusto ko lang… gusto ko lang makita ang kontrata.”

Tahimik ang lalaki, halos hindi gumalaw. Ang tanging naririnig lamang ay ang tik-tak ng orasan at ang mabilis na tibok ng puso ni Laura.

“Kontrata?” mabagal na ulit nito, sabay inangat ang isang papel mula sa drawer. Pinunit niya iyon sa harap ni Laura, bawat piraso’y dahan-dahang bumagsak sa malamig na sahig.

“Wala na. That contract… is useless now.”

Nanlaki ang mata ni Laura, halos hindi makapaniwala. “A-anong ibig mong sabihin? Paano kung…paano kung lumabag ka sa kasunduan? Paano kung…

Bigla itong tumayo, lumapit sa kanya. Ang presensya nito ay parang bagyong humahampas sa kanyang dibdib. Napaatras siya, pero hinabol siya ng malamig na tingin nito.

“I don’t need paper to own you, Laura.” Nilapit nito ang mukha sa kanya, halos maramdaman niya ang init ng hininga nito. “The rules have changed.”

Nabingi siya sa katahimikan. “R-rules?” mahina niyang tanong.

“Yes. Rules of ownership.” Tumalikod ito, kinuha ang baso ng alak, saka naglakad pabalik sa mesa. “Rule number one: You do not question me. Rule number two: You do not disobey me. Rule number three…” Saglit itong tumingin sa kanya, malamig at walang bakas ng awa. “…Your body, your time, your life they belong to me. Until I decide otherwise.”

“And rule number four…” tumitig siya nang diretso kay Laura, boses mababa at malamig.

“…You are not allowed to fall in love with me. No feelings involved. Ever. This is only ownership, Laura.

Hinila ni nikolas ang kamay niya papalapit, halos madikit sa kanyang dibdib. “Break any of these rules… and you’ll regret it.”

Binitiwan niya si Laura at naglakad palayo, iniwan itong nakatayo sa gitna ng silid, luhaan at nanginginig.

Sa kanyang isip, paulit-ulit na umuukit ang apat na salita:

No questions. No disobedience. No freedom. No love.

At sa gabing iyon, malinaw na sa kanya: wala na siyang hawak na kahit anong karapatan. Siya ay pag-aari na lamang, hindi ng papel, kundi ng isang lalaking mas mabangis pa kaysa sa anino ng kamatayan.

Kinabukasan, nagising si Laura sa matalim na sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana. Nanatili siyang nakahiga, pinakikiramdaman ang bigat ng bawat hininga. Wala nang kontrata. Wala nang dokumentong puwede niyang panghawakan. Ang natitira na lang ay ang mga salita ng lalaking iyon at iyon ang mas nakakatakot.

Maya-maya, bumukas ang pinto. Ang matandang babaeng tagasilbi ang pumasok, dala ang isang kahon ng damit.

Magbihis ka. Ihahatid kita sa hapag. Huwag mong subukan na tumanggi,” malamig nitong sabi.

Nag-aalangan si Laura, pero wala siyang nagawa kundi sundin. Isinuot niya ang simpleng bestida mula sa kahon at sinundan ang babae palabas ng silid.

The Hacienda

Habang naglalakad sa mahabang pasilyo, napatigil si Laura nang mapansin ang mga armadong lalaki sa paligid may mga baril, matitigas ang mga mukha, at nakabantay sa bawat sulok. Ang hacienda ay parang palasyo, pero para sa kanya, isa itong kulungan.

“Bakit… bakit may mga gwardya?” mahinang tanong niya sa babae.

“Hindi mo kailangang malaman. Sundin mo lang ang sinasabi,” malamig ang sagot.

Bago makarating sa hapag, nadinig niya ang mabibigat na tinig mula sa kabilang silid. Napahinto siya, at bahagyang sumilip.

Nandoon si Nikolas, nakaupo sa isang leather chair, habang may lalaking nakaluhod sa harapan niya, duguan at nanginginig.

“Binigyan kita ng pagkakataon,” malamig na wika ni nikolas , pinaglalaruan ang baso ng alak. “Pero hindi ka tumupad.”

“P-patawarin niyo ako, boss! Hindi na mauulit”.

Isang kumpas lang ng kamay ni nikolas, at agad na sinunggaban ng dalawang gwardya ang lalaki. Dinala ito palabas, habang ang sigaw nito’y kumakabog sa pandinig ni Laura.

Halos hindi siya makahinga. Ang malamig na ekspresyon ni nikolas ang paraan nitong mag-utos ng walang alinlangan iyon ang unang sulyap niya sa totoong mundong pinasok niya.

Agad siyang hinila ng matandang babae. “Huwag kang tumingin. Hindi ka dapat makialam.”

Sa mahabang hapag, nakaupo si nikolas nakaputing long sleeves, ang mga butones bukas sa leeg. Tahimik itong umiinom habang nakatingin kay Laura na para bang binabasa ang kanyang kaluluwa.

“Sit,” maikling utos.

Umupo si Laura, nanginginig pa rin. Tinignan niya ang mga pagkaing nakahain steak, pasta, alak. Mamahalin, pero hindi niya magawang kumain.

“T-tungkol sa Papa ko…” mahina niyang bungad. “Gusto ko lang malaman… kumusta na siya?”

Sandaling katahimikan. Nagtagal ang tingin ni nikolas sa kanya, bago siya ngumisi nang malamig.

“You ask too many questions.”

Napakagat-labi si Laura. “Please… kailangan kong malaman.”

Bigla itong tumayo, nilapit ang sarili, at hinawakan ang kanyang baba para ipaling ang mukha niya sa kanya. Ang mga mata nitong malamig, pero may apoy na nagkukubli.

“Rule number one, Laura,” bulong nito. “You do not question me.”

Nalaglag ang tinidor mula sa kamay niya. Tumulo ang luha, pero hindi siya makakilos.

Nang hindi pa rin kumakain si Laura, muling nagsalita si nikolas.

“Eat.”

Umiling siya, halos hindi makalunok. “Hindi ko kaya”

Sa isang iglap, dinampot ni nikolas ang plato at itinulak iyon sa harap niya, ang tingin matalim.

“Rule number two,” aniya, malamig ang boses. “You do not disobey me.”

Nanginginig ang kamay ni Laura habang kinuha ang tinidor at sumubo, kahit na pakiramdam niya’y mababaliw siya sa bigat ng sitwasyon. Nakamasid lang si nikolas, parang pinapanood ang isang alagang hayop na sinusubukan niyang sanayin.

Matapos ang hapunan, iniwan siya nitong mag-isa sa silid. Nakasandal si Laura, hawak ang dibdib na parang mabibiyak.

“Papa…” bulong niya. “Gaano pa katagal? Gaano pa katagal kong kakayanin ’to?”

Lumapit siya sa bintana, tumingin sa malawak na lupain na puno ng bantay at mga pader. Walang daan palabas.

At sa kabilang dulo ng hacienda, si nikolas ay nakatayo sa balkonahe, nakamasid sa kanya mula sa dilim. Ang mga mata nito’y malamig pero sa ilalim ng lamig na iyon, may kuryosidad na hindi niya maipaliwanag.

“Let’s see,” bulong nito sa sarili. “Kung hanggang saan ka tatagal, Laura.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 11 (A PRISON WITHOUT CHAINS)

    Laura POV Umalis na si Nikolas papunta sa kompanya niya. Ramdam ko sa dibdib ko ang bigat ng katahimikan ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, kahit wala siya rito, naroroon pa rin ang presensya niya sa paligid. Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan ang pinto. Huminga ako nang malalim, iniwasang gumawa ng kahit anong ingay. Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang hallway. Wala ni isang tunog—maliban sa mahinang dagundong ng mga paa ko sa sahig. Bumaba ako ng hagdan. Marahan, kontrolado ang bawat galaw, parang bawat hakbang ay kailangang walang bakas. Diretso akong lumapit sa bintana sa sala. Pinisil ko ang kurtina, sumilip sa labas. At nandoon sila. Marami pa rin ang nakabantay sa gate—mga lalaking naka-itim, tahimik at alerto. Nakatayo, nakatingin sa paligid, parang mga anino. Dalawang lalaki sa gilid, isang lalaki sa gitna, at isa pang naka-position sa likod. Hindi sila nag-uusap, hindi nagmamadali, pero halata sa kilos at tindig na sanay sila sa pagbabanta

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 10 (BLOODLINE OF SECRETS NIKOLAS POV)

    Ako si Nikolas Valente, ang nag-iisang anak ni Alfredo Valente. Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang pinakamahalaga sa ama ko—hindi pamilya, hindi ako, kundi ang imperyong itinayo niya: La Valente Company. Doon umiikot ang mundo niya. Doon umiikot ang lahat. Mula pagkabata, tinuruan na ako kung paano mag-isip gaya niya—malamig, kalkulado, walang espasyo para sa damdamin. Habang ang ibang bata ay naglalaro, ako’y binababad sa mga librong may kinalaman sa negosyo, ekonomiya, at kapangyarihan. Wala akong pagpipilian. Planado na ang buhay ko bago pa ako matutong mangarap para sa sarili ko. Ako ang magiging tagapagmana ng lahat—ng kumpanya, ng pangalan, ng bigat ng salitang Valente. Ngunit may isang bagay na hindi kailanman naiplano ng ama ko—ang gabing nawala ang aking ina. Isang car accident, sabi nila. Mabilis ang pangyayari, at parang bula siyang naglaho. Walang imbestigasyon. Walang hustisya. Walang kahit anong paliwanag. At alam kong may mali. Simula noon, nagbago ang

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 9 (KNOWING HIM)

    Maaga akong nagising. Hindi ko alam kung anong oras, pero ang unang naramdaman ko ay ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Tahimik pa rin ang paligid, pero may kakaibang ingay—mga mahinang tunog ng paggalaw, ng tela, ng sinturon na mahina niyang inaayos. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At doon ko siya nakita. Si Nikolas—nakatalikod, suot ang puting long sleeves na bahagyang nakabukas sa leeg. May hawak siyang itim na necktie, abala sa pagtatali nito sa harap ng salamin. Ang bawat galaw niya ay kalmado, eksakto, at may disiplina. Parang walang kahit anong puwedeng magkamali. Tahimik akong napaupo sa kama, pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kumurot sa dibdib ko habang tinitingnan ko siya. Siguro dahil ngayon ko lang siya nakita sa ganitong liwanag—liwanag ng umaga, hindi ng gabi. Mas totoo, pero hindi mas mabait. “Let me,” mahina kong sabi. Napalingon siya sa’kin. Ilang segundo lang ‘yong titig na ‘yon pero pakiramdam

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 8 (THE ROOM SHE MUST NOT ENTER)

    Tahimik ang buong silid. Tanging mahinang tunog lang ng ulan sa labas at ang mabagal na paghinga ni Nikolas ang naririnig ko. Nakahiga siya sa tabi ko, bahagyang nakasandal ang isang braso sa ulo, habang ang isa ay nakapatong sa gilid ng kama—relaxed, pero nakakatakot pa rin. Mula rito, kita ko ang malalim na anino sa ilalim ng mga mata niya. Parang kahit sa pagtulog, hindi siya kailanman ganap na nagpapahinga. Huminga ako nang dahan-dahan, pinipilit kong panatilihing steady ang paghinga ko—kailangang magmukhang tulog din ako. Isang maling galaw lang, at magigising siya. Ilang minuto akong nanatiling nakapikit, hanggang sa tuluyang tumahimik ang lahat. Walang galaw. Walang boses. Walang tunog kundi ang ulan. Doon ako marahang gumalaw. Unti-unti kong inalis ang kumot na nakatakip sa amin, maingat na parang inaangat ang sarili mula sa bangungot. Ramdam ko ang lamig ng sahig sa talampakan ko, pero hindi ko pinansin. Kailangan kong gumalaw ngayon—habang tulog siya.

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 7 (A DANGEROUS PLAN)

    Mainit at mabango ang hangin sa loob ng kusina. Una kong narinig ang mahinang tunog ng kumukulong sabaw, kasunod ang amoy ng bawang at luya na parang saglit na nagpatigil sa lahat ng bigat sa dibdib ko. Matagal na rin mula nang huli akong nakahawak ng sandok—ngayon lang ulit ako nakaramdam ng gano’ng katahimikan. “Marunong ka rin palang magluto, hija,” sabi ng matandang kasambahay na kasama ko, habang nakangiti at marahang hinihiwa ang mga gulay sa kahoy na chopping board. “Sa probinsya kasi, ‘yan lang ang alam naming libangan,” sagot ko, may bahagyang tawa. “Kapag walang ginagawa, laging nasa kusina si papa. Ako naman, taga-abot lang ng kutsilyo noon.” “Ah, kaya pala ang gaan mo kumilos,” sabi ng matanda , sabay abot ng mangkok na puno ng hiniwang sibuyas. “Iba talaga ang lumaki sa simpleng buhay. Walang halong yabang.” Napangiti ako. Sa unang pagkakataon mula nang makarating ako rito, parang nakahinga ako nang maluwag. Habang nagluluto, nagkwentuhan kami tungkol sa mga s

  • OWNED (TAGALOG)   CHAPTER 6 (CAGED THOUGHTS)

    Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at malambot na tunog ng ulan sa labas ang bumabasag sa katahimikan naming dalawa. Sa tabi ko, si Nikolas—nakasandal, kalmadong-kalmado, habang ang tingin ay nakatuon sa basang kalsada sa labas ng tinted na bintana. Ako? Parang hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Sa kamay ko, nakapatong ang paper bag ng mamahaling boutique. Ilang oras lang ang nakalipas, ako ‘yong babaeng halos kainin ng hiya sa harap ng mga tindera—at siya, ang lalaking nagbayad ng lahat na para bang binibili rin pati dangal ko. Nilunok ko na lang ang lahat. Ang tingin ng mga tao. Ang bulungan. Ang bigat ng pagmamataas ni Nikolas habang inaabot sa cashier ang black card niya. At ngayon, parang wala lang lahat ‘yon sa kanya. Muling umihip ang malamig na hangin sa loob ng kotse. Tumingin siya sa akin—’yong mga mata niyang parang walang nakikita kundi laruan. “If there’s anything else you want,” sabi niya, malamig, halos may bahid n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status