Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko nang bumalik ako sa kwartong iyon—ang kwartong naging saksi sa kung paanong nagbago ang buong buhay ko sa isang gabi lang. Tahimik ang paligid, pero ang katahimikang iyon… mas nakakabingi pa kaysa sa sigawan ng konsensya ko.
Ang lamig ng hangin ay parang mga daliring dahan-dahang gumagapang sa balat ko, paalala ng lugar na hindi ko alam kung kailan ko malalabasan. Sa bawat kisap ng mata ko, naroon pa rin ‘yong imahe ng lalaking may malamig na titig—si Nikolas Valente. Ang lalaking sinasabi ng lahat na walang puso.
Napaupo ako sa gilid ng kama, at sa wakas… bumigay na rin ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Isa, dalawa, hanggang sa tuluyan na akong napahagulgol.
“Anong… anong pinasok ko?” mahina kong bulong sa dilim, halos hindi ko na marinig ang sarili kong tinig. “Bakit dito pa… sa lalaking ‘yon? Sa taong walang puso… sa halimaw…”
Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinipigilan ang sakit na parang unti-unting sumasakal sa akin.
Gusto kong magsisi. Gusto kong bawiin lahat.
Pero paano ko gagawin ‘yon kung ang kapalit ng kasalanan ko ay ang buhay ng tatay ko?
“Kung hindi ko pipirmahan, mawawala siya.”
‘Yon ang laging bumabalik sa isip ko. Paulit-ulit, parang sumpa.
Napatingala ako sa kisame habang pinupunasan ang mga luha.
Hindi ko alam kung ilang araw o linggo pa akong magtatagal dito, pero isa lang ang sigurado ko—
nagsimula na ang impiyerno ko sa kamay ng lalaking ‘yon.
Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas mula nang marinig ko ang pag-bukas ng pinto.
Pero bawat hakbang niya, naririnig ko — mabagal, mabigat, parang sadyang dinadama ang bawat paglapit para maramdaman ko kung gaano ako kaliit sa harap niya.
Napakapit ako sa bedsheet, pilit pinatatag ang sarili.
Pero nang magsalita siya, gumuho lahat.
“You shouldn’t cry in this house,” sabi niya, malamig ang tono, pero bawat salita niya parang hinahaplos ng matalim na kutsilyo ang balat ko.
“Someone might mistake your tears… for weakness.”
“Anong gusto mong gawin ko?”
Hindi ko napigilan ang sarili kong sumagot, kahit alam kong hindi ko dapat.
“Ngumiti? Magpasalamat dahil dinala mo ako dito? Para saan—para makulong?”
Tumaas ang tingin ko, pilit hinaharap ang mga matang parang walang emosyon.
Pero doon ko nakita ang kakaibang bagay — hindi galit, hindi tuwa.
Kundi panganib na kalmado.
He stepped closer, halos magdikit na ang mga anino namin sa sahig.
“Careful, Laura.”
Ang boses niya ay mababa, halos pabulong, pero ang bawat letra ay may bigat ng babala.
“You don’t know who you’re talking to.”
“Alam ko kung sino ka,” mariin kong sabi. “Isa kang walang awa sa katulad ko.”
Sandaling natahimik ang kwarto.
Tumingin siya diretso sa’kin, saka marahang natawa—hindi dahil tuwa, kundi parang naintriga.
“Oh really?”
Lumapit pa siya, hanggang sa maramdaman ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko.
“Tell me, what does a monster look like to you?”
Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang magbuka ng bibig.
Itinaas niya ang kamay niya, dahan-dahang hinawakan ang baba ko, pinipilit akong tumingin sa kanya.
His fingers were cold, steady, deliberate.
“This?”
His voice was dangerously soft.
“This is what you signed up for, sweetheart. You don’t get to change your mind now.”
Napasinghap ako nang bigla niyang hinila ng kaunti ang panyo sa gilid ng kama at pinunasan ang luha sa pisngi ko—hindi marahas, pero may kontrol.
Parang gusto niyang ipaalala na kahit ang luha ko… pag-aari niya.
“Stop crying,” sabi niya, halos pabulong.
“You’re wasting energy. You’ll need it—trust me.”
Kumirot ang dibdib ko sa takot, pero may kung anong parte sa’kin na ayaw magpatalo.
“Hindi ako laruan, Nikolas,” mahina kong sabi, nanginginig ang boses.
“Hindi mo ako pag-aari.”
Bahagya siyang ngumiti, ‘yong tipid na ngiti na may halong pananakot.
“Oh, Laura,” bulong niya.
“I own everything that walks inside my house.”
At sa sandaling iyon, hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang mga salitang binitawan niya, o ang katotohanang alam kong totoo ang bawat isa.
Dahan-dahan siyang tumalikod, naglakad patungo sa pinto.
Pero bago siya lumabas, huminto siya sandali at lumingon, malamig ang tingin.
“Don’t try to run. This place has eyes… and I don’t need to sleep to find you.”
At doon ko lang naramdaman ang lagitik ng pinto.
Tahimik.
Matagal bago ako muling nakahinga.
Ang kamay ko nanginginig, ang katawan ko nanghihina, at ang isip ko… gustong sumabog.
At kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili ko na hindi ako natatakot—
sa sandaling iyon, alam kong totoo ang sinabi niya.
Hindi ko kailangang tumakbo.
Dahil kahit hindi siya humahabol…
alam kong hindi na ako makakatakas.
Pagkasara ng pinto, parang biglang lumuwag ang dibdib ko.
Pero hindi pa rin ako makahinga nang maayos.
Ang hangin sa kwarto ay parang may sariling buhay—malamig, mabigat, at parang umaaligid sa bawat sulok na para bang may mga matang nakamasid.
Humigpit ang kapit ko sa kumot.
Tahimik. Walang kahit anong tunog kundi ang mahina kong paghinga at ang tik-tak ng orasan sa pader.
Pero sa bawat segundo, mas lumalakas ang kaba sa dibdib ko.
“This place has eyes.”
Paulit-ulit ‘yong sinabi niya sa isip ko, parang sumpang ayaw umalis.
Napatingin ako sa bintana. Sarado ito, pero naririnig ko ang mahinang kaluskos sa labas, parang may gumagalaw sa pagitan ng mga puno.
Sinubukan kong huwag mag-isip. Siguro hangin lang iyon.
Pero nang marinig ko ang mahinang yabag sa pasilyo—‘yong mabagal, matalim, at halos sinasadya ang bawat hakbang—nanigas ako sa kinatatayuan ko.
“...Nikolas?”
Mahina kong tawag, halos pabulong.
Walang sumagot.
Muli kong narinig ang mga yabag.
Isa. Dalawa.
Tapos tumigil.
Parang may nakatayo sa kabila ng pinto.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sigaw.
Ang mga daliri ko nanginginig habang dahan-dahan kong inaabot ang lampshade sa gilid ng kama.
Isang iglap pa, at narinig ko ang mahinang kaluskos—parang may gumagalaw sa hawakan ng pinto.
“W-wait…” bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko.
“Please, don’t…”
Tapos bigla itong tumigil.
Tahimik ulit.
Nakakunot ang noo ko, hinihintay kung may kasunod.
Pero wala.
Hanggang sa mapansin kong bukas na pala nang kaunti ang pinto.
Mabagal kong itinulak iyon, at sa pagitan ng liwanag ng lampshade, may nakita akong papel na nakadulas sa sahig, parang sinadyang ipasok sa ilalim ng pinto.
Lumapit ako, nanginginig pa rin ang kamay.
Sa ibabaw ng papel, may tatlong salita lang na nakasulat sa itim na tinta—
“This place has eyes, better behave yourself”
Napasinghap ako, napaatras, at muntik ko nang mabitawan ang papel.
Hindi ko alam kung guni-guni lang, pero parang amoy ko pa rin ang pabango ni Nikolas sa hangin—yong amoy ng sigarilyo at mamahaling cologne na dumidikit sa balat.
Sinilip ko ang pasilyo. Walang tao. Tahimik.
Pero habang tinititigan ko ang liham, ramdam kong nakamasid siya kahit saan ako lumingon.
Parang ‘yong mga mata ng bahay na sinasabi niya… ay buhay talaga.
Dahan-dahan kong tinupi ang papel, nilagay sa ilalim ng unan—pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali.
Sa dilim ng silid, naririnig ko pa rin ang boses niya sa isip ko:
“Better behave yourself.”
At doon ko lang napagtanto…
hindi niya kailangang pumasok para matakot ako.
Kasi kahit wala siya rito, ramdam ko pa rin siya—
ang presensya niyang parang anino na hindi ako kayang pakawalan.
Mainit ang araw, pero hindi nakaka-irita.
Nasa hardin kami ni Papa, nakaupo sa lumang bangkong gawa sa kahoy habang pinapanood kong maglaro ang mga paru-paro sa paligid. Bata pa ako noon, mga pito o walo siguro. May hawak akong laruan, gawa lang sa kahoy na ginupit ni Papa gamit ang maliit na kutsilyo.
“’Pag laki mo, anong gusto mong maging, anak?” tanong niya habang pinupunasan ang pawis sa noo ko.
Ngumiti ako, walang pag-aalinlangan. “Gusto kong maging doktor, Papa. Para mapagaling kita ‘pag nagkasakit ka.”
Tumawa siya, ‘yung tawang palaging nakakahawa. “Doktor agad? Hindi ba puwedeng prinsesa muna?”
Umiling ako. “Mas gusto ko ‘yung may silbi, Papa.”
Hinaplos niya ang buhok ko, at kahit ngayon, ramdam ko pa rin ‘yung init ng palad niya, ‘yung bigat ng pagmamahal na lagi kong inaasahan.
“’Wag mong kalilimutan ‘yan, ha? Anuman ang mangyari, tatapusin mo ang pag-aaral mo. ‘Wag mong sayangin ang buhay mo sa kakaiyak.”
“Promise, Papa. Promise po.”
At doon, sa ilalim ng araw at sa pagitan ng halakhakan namin, pinangako kong babawiin ko lahat ng sakripisyo niya.
Na kahit anong mangyari, hindi ako susuko.
Pero ngayon, habang lumulutang ako sa panaginip na iyon, alam kong nilabag ko na ang lahat ng pangako ko.
Kasi nagising akong bihag.
Sa kamay ng lalaking hindi ko alam kung tao pa ba, o mismong diyablo.
Isang malakas na katok ang gumising sa akin.
Napabalikwas ako, humahabol pa rin ng hininga, at ramdam kong basa ng luha ang pisngi ko. Ilang segundo akong tulala, pilit inaalala kung nasaan ako.
Hindi ito ang bahay namin. Hindi ito ang amoy ng kumot ni Papa.
“Miss Laura?”
Isang boses ng babae—mahina, magalang.
“Pasensya na po, pero pinapatawag daw kayo ni Sir.”
Akala ko si Nikolas ang nasa labas, kaya muntik na akong mapasigaw. Pero nang buksan ko ang pinto, isang matandang babae ang nakatayo roon. Nakayuko ito, may bitbit na itim na damit sa kamay.
“Pinadala po ni Sir. Pakiusap daw po, isuot ninyo ito. Naghihintay po siya sa silid niya.”
Nalaglag halos ang puso ko sa kaba.
“Ngayon?”
“Ngayon po.”
Gabi na pala. Ang dilim sa labas, at tanging ilaw ng corridor ang nagbibigay liwanag. Ramdam ko ang lamig, pero mas malamig pa rin ang takot na unti-unting gumagapang sa loob ko.
Pagkatapos kong maligo, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng simpleng itim na damit, manipis ang tela, at hindi ko alam kung bakit ganito ang pinasuot niya.
Tiningnan ko ang sarili kong parang ibang tao—isang babaeng ipinagbili, ginawang utang ang katawan kapalit ng buhay ng ama.
“Laura, kalma lang…” bulong ko sa sarili ko, pilit nilalakas ang loob. “Kailangan mong kayanin ‘to. Para kay Papa.”
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto ni Nikolas.
Habang papalapit ako, pakiramdam ko lumiliit ang mundo.
Ang mga anino sa pader, parang gumagalaw.
At nang humawak ako sa doorknob, ramdam ko ang lamig na parang dumadaloy sa balat ko.
Pinilit kong buksan ang pinto.
Unti-unti.
At doon ko siya nakita.
Nakahiga siya sa kama, nakasandal ang isang braso sa ulo, habang hawak ang isang basong alak sa kabilang kamay.
Nakabukas ang puting polo, kita ang kalahati ng dibdib, at sa ilalim ng dim light, para siyang demonyong marunong ngumiti.
“Come in,” malamig niyang sabi, hindi man lang tumingin.
Ang boses niya, malalim, mabagal, parang utos na hindi mo puwedeng suwayin.
Huminga ako nang malalim, pero halos walang lumabas na tunog sa labi ko.
“B-bakit mo ako pinapatawag?”
Tumingin siya, diretso sa mga mata ko.
“Sit.”
“Ha?”
“Sit. Beside me.”
Napatigil ako. Ang katawan ko ayaw gumalaw, pero parang may pwersang humihila sa akin papalapit.
Habang naglalakad ako, naririnig ko ang mahinang tunog ng alak sa baso, at ‘yung bawat tik-tak ng orasan sa dingding, parang sinasakal ako.
Pag-upo ko sa gilid ng kama, dahan-dahan siyang lumingon.
Ang mga mata niya—madilim, parang walang kaluluwa.
Nasa pagitan kami ng katahimikan at kaba.
“Relax,” bulong niya, halos pabulong sa tenga ko.
“You look like you’ve seen a ghost.”
“Hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari,” sabi ko, halos pabulong din, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses.
Ngumisi siya. “I don’t want anything yet. Just… stay still.”
Mabagal siyang tumayo, lumapit sa harap ko.
Ang amoy ng alak, ng sigarilyo, ng lalaking masyadong mapanganib—lahat sabay-sabay.
Dinukot niya ang papel na iniwan niya kanina sa ilalim ng pinto.
“This place has eyes,” sabi niya, habang nilalapit ‘yon sa mukha ko. “And those eyes… are mine.”
Bago pa ako makasagot, biglang tumayo si Nikolas mula sa kama.
Walang ingay.
Walang kahit anong babala.
Sa isang iglap, nasa harap ko na siya.
Ang pagitan naming dalawa ay parang nilamon ng hangin.
“Anong gagawin mo?” halos hindi ko na marinig ang sarili ko.
Pero hindi siya sumagot.
Tumigil lang siya sa harap ko—malapit, sobrang lapit na halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa balat ko.
Tiningnan niya ako, diretso sa mga mata.
‘Yung titig na parang nakikita niya ang lahat ng lihim ko, pati ‘yung mga takot na ayokong aminin.
Mabagal niyang hinawakan ang baba ko, gamit ang dalawang daliri.
Ang lamig ng kamay niya, parang yelo.
Hindi ko alam kung dahil sa takot o sa kakaibang pakiramdam na dumaloy sa loob ko, pero hindi ako makagalaw.
“Do you always tremble like that when a man looks at you?” mahina niyang tanong.
“Bitawan mo ko…” bulong ko, pero parang wala nang lakas ang boses ko.
Ngumisi siya, that cruel little smirk.
“I told you to behave.”
Hinila niya ng kaunti ang baba ko, pinapatingala ako sa kaniya.
Ang mukha niya, ilang pulgada lang ang layo.
Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko—mabilis, magulo, halos sabog. At sa bawat paghinga nito ay ramdam ko malapit sa ang aking labi na ang akala ay hahalikan ako nito kaya agad akong napa pikit ngunit sa mabuting palad ay hindi niya ginawa.
Tumigil siya ro’n—isang pulgada bago ang labi ko—at nagbulong, mababa at malalim:
“Fear looks good on you, Laura.”
Binawi niya ang kamay niya, at parang doon lang ako nakahinga.
Tumalikod siya, kinuha ang baso ng alak sa bedside table, at uminom na para bang walang nangyari.
“You should get used to this place,” sabi niya habang nakatalikod. “You belong here now. Whether you like it or not.”
Tumingin ako sa kaniya, nanginginig pa rin ang mga kamay ko.
Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—‘yung mga salitang binitiwan niya, o ‘yung paraan ng pagkakasabi niya.
Kalma. Walang emosyon.
Parang normal lang sa kaniya ang manakot, manupil, at gawing laro ang takot ng iba.
“Pero hindi naman ako laruan,” mahinang sabi ko, pero alam kong narinig niya.
Ngumisi siya nang bahagya. “No, you’re not,” sabi niya, sabay lingon sa akin—‘yung mga mata niyang parang apoy sa ilalim ng yelo.
“You’re my responsibility. Don’t make me regret saving you.”
At bago pa ako makagalaw, ibinaba niya ang baso, lumapit ulit, at bumulong sa tenga ko—
I’m gonna make you lose your mind tonight, Laura. And you’ll be begging for more.”
Mainit ang bawat salitang lumabas sa labi ni Nikolas—at bago pa ako makasagot, ramdam ko na ang pagdampi ng kaniyang labi sa akin. Mabilis. Mabigat. Para bang sinisindihan niya muli ang apoy na matagal ko nang pilit pinapatay.
Sinubukan kong kumawala, pero mas lalong humigpit ang yakap niya. Ang mga palad niya, parang may sariling isip, nililibot ang bawat bahagi ng katawan ko na tila kabisado na niya. Napahawak ako nang mariin sa matigas niyang braso—at doon ko naramdaman ang parehong init na minsang nagpabago sa akin noong gabing ibinigay ko ang lahat sa lalaking ito.
“Ughh… N-Nikolas…” halos pabulong kong ungol, pilit kong pinipigilan ngunit nadulas pa rin sa pagitan ng aking mga labi. At nang magtagpo ang aming mga mata, nakita ko ang pamilyar na ngiti—mapanganib, mapang-akit, at puno ng tagumpay.
“Keep looking at me like that, and I’ll lose control,” bulong niya, paos, halos isang pahiwatig ng babala.
At nang maramdaman ko ang init ng kaniyang haplos, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahawak ako sa kaniyang buhok, hinila siya palapit, halos marinig ko ang mabilis naming paghinga na naghalo sa gitna ng katahimikan ng gabi.
“I know you like it, Laura,” aniya, habang nakatitig sa akin ng may halong pagnanasa at pag-angkin.
Sa halip na umatras, ako naman ang umibabaw sa kaniya. Ramdam ko ang biglang pagbabago sa kaniyang ekspresyon—mula sa kontrol, tungo sa pagkagulat.
Hinawi ko ang mahaba kong buhok na humaharang sa mukha ko, at sa sandaling iyon, ang mga daliri niya ay dumapo sa aking dibdib—mahigpit, mariin, at puno ng pag-aangkin na para bang ako ay kanya, at kanya lang.