تسجيل الدخولThalia’s POV
Pagkababa ko sa taxi sa tapat ng The Grand Aurelia Hotel, pilit kong inayos ang basing dulo ng jacket ko. Pumasok ako sa service entrance papunta sa holding room kung saan iniabot sa akin ng organizer ang isang itim na venezian mask at isang crew ID.
"Lahat ng staff at bisita kailangang naka-mask," mabilis na utang ng organizer habang ibinibigay sa akin ang floor plan ng grand ballroom. "Nasa ikalawang palapag ang VIP sound control booth. Isolated iyon at nakatutok sa buong hall. Ayaw ng pamilya Razon ng kahit anong aberya sa audio ngayong gabi. Kung pumalpak ka, hindi ka lang walang matatanggap na bayad, ako pa ang makakalaban mo."
Hindi na ako nakipagtalo. Tumango lang ako at agad na umakyat patungo sa sound booth.
Pagpasok ko sa loob ng maliit at medyo madilim na silid, naramdaman ko kahit papano ang bahagyang ginhawa. Nakahiwalay ang booth sa malaking ballroom kung saan nagsisimula nang magdatingan ang mga negosyante, politiko, at matataas na tao ng lipunan. Sa pamamagitan ng one-way glass wall sa harap ko, kitang-kita ang buong bulwagan—mga ilaw na naglalaro sa kisame, mga taong nakasuot ng mamahaling maskara at pormal na kasuotan, at ang mamahaling alak na umaagos sa bawat mesa.
Sandali akong napahawak sa aking dibdib. Sanay ako sa maingay na kapaligiran, pero ngayong gabi, ang totoong ingay ay nasa loob ng ulo ko. Ang mga salita ni Rodel, ang pagmumukha ni Marco na para bang wala lang sa kanya ang tatlong taong pinagsamahan namin—paulit-ulit 'yong naglalaro sa isip ko habang pilit kong itinutuon ang pansin sa audio board.
Isang gabi lang ito. Kailangan ko lang matapos ang anim na oras na trabaho, makuha ang bayad, at magsimulang muli bukas.
Habang maingat kong inaayos ang mga frequency slider sa digital console para sa nakatakdang talumpati ng mga host, napansin ko sa pamamagitan ng salamin ang isang lalaking pababa sa VIP staircase ng hall.
Kahit nakatakip ang kalahati ng kanyang mukha ng isang simpleng silver mask, kapansin-pansin ang kanyang kaanyuan. Matangkad, malapad ang balikat, at may suot na impeccably tailored charcoal suit. May kakaibang awra sa paligid niya—malamig, delikado, at tila hindi nagugustuhan ang matatayog na titig ng mga taong nakapaligid sa kanya.
"Si Kallisto Razon 'yan," narinig kong bulungan ng dalawang event coordinator na dumaan sa may pintuan ng hallway sa labas ng booth. "Ang tagapagmana ng Razon Holdings. Balitang may nagtatangkang magbagsak sa kanya mula sa sarili niyang board ngayong gabi."
Napatitig ako sa kanya mula sa likod ng salamin. Kallisto Razon. Narinig ko na ang pangalang iyon sa balita—isang kilalang business tycoon na kilala sa pagiging walang awa sa negosyo. Pero sa kabila ng tindig niya, nakikita ko ang galit at matinding pagod sa paraan ng paghawak niya sa kanyang mga kamay habang pilit niyang iniiwasan ang mga taong sumusubok makipag-usap sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas, nagsimula nang umingay ang hall habang naghahanda ang master of ceremonies. Hahawakan ko na sana ang master fader nang biglang may marinig akong kakaibang kaluskos sa circuit panel sa gilid ng sound booth.
Snap!
Bago pa ako makagalaw, biglang namatay ang lahat ng ilaw sa loob ng booth. Sumunod na nagdilim ang buong grand ballroom sa ibaba. Napasinghap ang daan-daang bisita at maririnig ang kaguluhan at mga sigawan mula sa ibaba.
"Anong nangyari?" pabulong kong mura sa sarili habang mabilis na kinakapa ang emergency flashlight sa bag ko. Emergency power failure? O nasira ang main circuit breaker?
Dahil sa soundproof casing ng VIP booth, naging napakatahimik ng silid ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang sarili kong mabilis na paghinga.
Bago ko pa man mahanap ang ilaw, marahas na bumukas ang pintuan ng sound booth.
Isang mabilis at mabigat na hakbang ang pumasok, kasunod ng mabilis na paglamutak at pagkabit ng lock ng p***o.
"Sino 'yan?" nanginginig kong tanong habang iniaangat ang flashlight na hindi ko pa rin mai-switch on sa taranta.
Isang malakas at malamig na kamay ang biglang humawak sa aking pulso, habang ang isa pa nitong kamay ay mabilis na tumakip sa aking bibig. Isinandal niya ako sa gilid ng sound console. Naramdaman ko ang matinding init ng kanyang katawan at ang mabigat niyang amoy—isang timpla ng cedarwood, mamahaling pabango, at pait ng alak.
"Huwag kang mag-iingay kung ayaw mong madamay," pabulong niyang sabi malapit sa tainga ko. Kakaiba ang boses niya—mababa, paos, at puno ng matinding tensyon at matinding pagtitimpi.
Sa kabila ng kadiliman, nakilala ko agad ang tindig at boses na iyon. Si Kallisto Razon.
"M-magsasalita lang ako..." pilit kong pabulong na sagot nang bahagya niyang luwagan ang hawak sa bibig ko. "Sound tech ako rito. Anong ginagawa mo rito?"
Narinig ko ang mabilis na mga hakbang sa labas ng hallway ng booth. May mga lalaking nag-uusap sa labas, galit at tila may hinahanap.
"Nasaan siya? Tiyaking hindi siya makakabalik sa board meeting bukas," sabi ng isang boses mula sa labas bago lumayo ang mga hakbang.
Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ng lalaking nakasandal sa akin. Hindi lang siya nagtatago; nagpapasensya siya sa gitna ng matinding panganib at pagkabalisa.
"Umalis na sila," mahina kong sabi habang sinusubukang lumayo nang kaunti. Pero hindi niya ako binitiwan. Nakahawak pa rin ang kanyang kamay sa baywang ko, at ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga daliri.
"Manatili ka lang muna sa tabi ko," malamig niyang pakiusap, pero may bahid ng emosyong tila matagal na niyang itinatago. "Kailangan ko lang ng ilang minutong katahimikan."
Tumingin ako sa dilim kung saan naroon ang kanyang mukha. Pareho kaming nagtatago sa ilalim ng aming mga maskara. Pareho kaming galing sa isang gabi kung saan ipinagkanulo kami ng mga taong nakapaligid sa amin.
Sa gitna ng malamig at madilim na silid na iyon, ang init ng kanyang katawan ang tanging bagay na totoong naramdaman ko sa buong araw na ito.
Inabot niya ang aking mukha sa kadiliman, habang ang mga daliri niya ay maingat na humawak sa gilid ng aking panga. Sa halip na lumayo o sumigaw, nanatili ako sa kinaroroonan ko.
"Sino ka?" mahina niyang tanong sa gitna ng kadiliman.
"Walang sinuman," sagot ko habang nakatitig sa anino ng kanyang mga mata. "Isang taong gustong maglaho ngayong gabi."
Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang labi sa gilid ng aking leeg bago niya dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Thalia’s POVTahimik ang mga sumunod na linggo sa maliit na dalampasigan ng La Union. Mula nang umalis ako sa Maynila, ginawa ko ang lahat para hindi na muling makipag-ugnayan sa sinuman mula sa dati kong buhay. Kumuha ako ng maliliit na freelance gigs sa bayan—mga maliliit na acoustic gig sa resort, audio restoration sa mga lumang recordings ng lokal na radyo—lahat ng pwedeng pagkitaan nang hindi kailangang mag-iwan ng malalaking bakas.Pero habang tahimik ang buhay ko rito, hindi ko maikakaila na may isang bagay na patuloy na naglalaro sa isip ko gabi-gabi.Ang gabi sa sound booth. Ang lalaking 'yon.Bago ako lumayo nang tuluyan noon, narinig ko sa mga balita habang nakatambay sa terminal na nagkagulo pala sa The Grand Aurelia kinabukasan ng umaga. Nagising si Kallisto Razon sa VIP sound booth na wala na ang babaeng kasama niya. Galit na galit daw nitong ipinahabol sa kanyang security team ang paghahanap sa pagkakakilanlan ng misteryosong babae. At ang tanging hawak niyang ebidensya
Thalia’s POVMatinding kaba ang pumalit sa init na naramdaman ko kanina habang tinatahak ko ang tahimik na hallway ng hotel. Malamig ang pawis na lumalabas sa aking noo habang nakayuko kong nilalagpasan ang ilang security personnel sa gilid ng corridor. Hawak-hawak ko ang dalawang strap ng bag ko, binibilisan ang lakad papunta sa service elevator.Diyos ko, ano bang pumasok sa utak ko? Panandalian lang ang pagtakas na iyon, pero ang mga problemang naghihintay sa akin sa labas ay napakatotoo.Pagkababa ko sa ground floor, mabilis kong hinarap ang event organizer sa maliit na office ng agency para makuha ang bayad ko. Gulat man siya dahil hindi pa opisyal na natatapos ang buong shift, binayaran pa rin ako ng cash pagkatapos kong sabihing may matinding emergency sa pamilya ko.Paglabas ko ng hotel, napakalamig ng hangin bago ang pagsikat ng araw. Dilim pa rin ang buong kalsada. Pumara agad ako ng taxi at sumakay papunta sa sakayan ng bus pautak sa probinsya.Habang umaandar ang sasakyan,
Thalia’s POV"Isang taong gustong maglaho..." Inulit niya ang mga huling salitang binitawan ko. Mababa at paos ang boses niya, tila nagiging kulog sa tahimik at saradong sound booth.Bago pa man ako makahuma, dahan-dahang lumapat ang mainit niyang labi sa akin.Hindi iyon mabilis o marahas. Isa itong marahan pero matinding halik na puno ng matagal nang kinokontrol na galit, pagod, at pagnanasa. Sa bawat paggalaw ng kanyang labi, naramdaman ko ang kakaibang kuryenteng lumabas mula sa kaibuturan ng tiyan ko patungo sa buo kong katawan. Biglang nawala ang ginaw mula sa nabasa kong damit kanina sa ulan.Napahawak ako sa malapad niyang balikat. Ang telang gawa sa mamahaling suit ay marahang nadarama ng nanginginig kong mga daliri. Alam kong delikado ito. Hindi ko alam kung sino talaga siya sa kabila ng pangalang narinig ko, at hindi niya alam kung sino ako. Pero ngayong gabi, pagkatapos kong madurog sa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan ko, kailangan ko ring makaramdam na buhay pa ako.Nai
Thalia’s POVPagkababa ko sa taxi sa tapat ng The Grand Aurelia Hotel, pilit kong inayos ang basing dulo ng jacket ko. Pumasok ako sa service entrance papunta sa holding room kung saan iniabot sa akin ng organizer ang isang itim na venezian mask at isang crew ID."Lahat ng staff at bisita kailangang naka-mask," mabilis na utang ng organizer habang ibinibigay sa akin ang floor plan ng grand ballroom. "Nasa ikalawang palapag ang VIP sound control booth. Isolated iyon at nakatutok sa buong hall. Ayaw ng pamilya Razon ng kahit anong aberya sa audio ngayong gabi. Kung pumalpak ka, hindi ka lang walang matatanggap na bayad, ako pa ang makakalaban mo."Hindi na ako nakipagtalo. Tumango lang ako at agad na umakyat patungo sa sound booth.Pagpasok ko sa loob ng maliit at medyo madilim na silid, naramdaman ko kahit papano ang bahagyang ginhawa. Nakahiwalay ang booth sa malaking ballroom kung saan nagsisimula nang magdatingan ang mga negosyante, politiko, at matataas na tao ng lipunan. Sa pamama
Thalia’s POVBumili pa ako ng tsokolate at maliit na cake bago umuwi. Twenty-six na ako ngayong araw, at kahit medyo puyat sa sunod-sunod na live events na hinaluan ko ng sound setup ngayong linggo, sobrang saya ng puso ko. Limang taon ko ring itinaguyod ang EchoAura Studios, ang sarili kong audio engineering shop. Hindi iyon kalakihan, pero sapat na para maipagmalaki ko sa sarili ko na may narating ako mula sa sarili kong pawis at pangarap.Higit sa lahat, ngayon din ang ikatlong anibersaryo namin ni Marco.Habang umaakyat ako sa hagdan patungo sa maliit na opisina ng studio ko, hawak ko sa isang kamay ang cake habang pilit kong inaayos ang sling bag ko. Plano kong sorpresahin si Marco. May susi naman ako ng opisina kaya dahan-dahan kong pinalagutok ang doorknob para hindi gawa ng ingay.Pero bago ko pa man maitulak nang tuluyan ang pinto, narinig ko ang tawanan sa loob."Sigurado ka ba rito, Tito Rod? Baka magwala si Thalia kapag nalaman niyang ibinenta mo na ang lisensya at ari-ari







