Share

01- Who's This Man?

GRACEL'S POV.

"Gracel, let's go home. You're drunk." Lasing  na sambit ng kaibigan kong si Claire, I just shook my head "Let's go, look at you. Lasing na lasing ka na, maawa ka naman sa sarili mo oh." She said again pero hindi ako nakinig, ano bang mapapala ko kapag nakinig ako sa kanya?

"No! Hindi ako uuwi." Lasing kong sambit, I heard her sighed. Hinila nya ang kamay ko pero agad ko itong binawi, alam kong pipilitin nya lang akong umuwi "Ayaw ko pa ngang umuwi, hindi mo ba naiintindihan 'yon?" Inis kong tanong sa kanya kasunod ng aking pagtalikod.

Iniwan ko syang nag-iisa sa aming table, I saw a familiar face kaya agad akong lumapit sa taong 'yon. Medyo nahihilo na ako kaya hindi ko na masyadong nakikita ng deretso ang aking nilalakaran. Nagulat ako ng bigla akong mapatid, may sumalo sa'king lalaki pero hindi ko talaga makita o maaninag man lang ang taong na sa harap ko.

"Mag-iingat ka Miss, lasing ka pa naman." He said, his voice is so sexy.

"Thanks babe." Sambit ko rito, I lent him a kiss before walkin' away.

"Henecy!" Tawag ko sa pinsan ko, halos nagdidilim na ang paningin ko dahil sa labis na alak na aking nainom pero malinaw kong nakita ang mukha ng aking pinsan.

"Hey, you're here." Sinalubong niya ako at inalalayang maupo sa couch kung nasa'n sila "Join us." She said at saka ako binigyan ng alak.

"Ang sakit na ng ulo ko." Reklamo ko sa kanya, binawi nya ang alak at saka inilapag sa table "Ang sakit, sobrang sakit." Sambit ko, hindi ko napansing umiiyak na pala ako.

"It's okay, marami namang lalaki dya'n e." She said habang tinatapik ang aking balikat "Look, ayon oh. Gwapo, lapitan mo." She said but I refuse, tiningnan ko ang lalaki. Tinawag sya ni Henecy dahilan para sya'y lumapit rito.

"Hi babe." Bati ng lalaki then he kissed my cheek, sinampal ko ang lalaki  ng mapagtantong sya ang ex boyfriend ko "What the hell is your problem Gracel?" He asked me, muli na namang tumulo ang luha ko.

"My problem? I don't have, but you? You are the problem of this fucking world!" Sigaw ko sa kanya at muli syang sinampal, hindi ko na malaman ang gagawin ko kaya tumakbo ako papalayo sa kanila.

—FLASHBACK—

"Cel, where are you going?" Henecy asked when she saw me na naghahanda ng pagkain at nilalagay sa mga lalagyan "Anong mayroon? Sinong may birthday?" She asked again, I just shook my head while smiling.

"Walang may birthday pero....." I said, sinadya ko talagang putulin ang aking sasabihin para mas lalong humaba ang aming kuwentuhan, napakatagal nya ring nawala kaya dapat lang na malaman ko kung ano ang mga nangyari sa kanya in the fast few years.

"Pero ano?" She asked, itinigil ko ang aking ginagawa at sya'y hinarap "What? Sabihin mo na, I know you miss me pero kailangan mo nang umalis dahil mukhang importante ang lakad mo." She said, natawa na lamang ako at muling pinagpatuloy ang aking ginagawa.

"3rd anniversary namin ngayon ni Jacob." Masayang sambit ko, napalingon sya sa'kin.

"Naging kayo pala?" She asked, I just nodded habang patuloy na inaayos ang bawat container ng pagkain "Hindi ko sukat akalain na magtatagal kayo." She said, ramdam ko ang lungkot nya.

Ex boyfriend ni Henecy ang boyfriend kong si Jacob, hindi naman sila gaanong nagtagal dahil nga niloko sya ni Jacob at isa rin ako sa dahilan no'n. I like Jacob, matagal ng alam ni Henecy ang bagay na 'yon dahil ako naman talaga ang unang nagkagusto sa kanya. Nagalit pa ako kay Henecy noon nang malaman kong boyfriend na nya si Jacob kaya gumawa ako ng paraan para magkahiwalay sila, nilandi ko si Jacob hanggang sa maging mahulog sya sa'kin. Hindi nagtagal nalaman ito ni Henecy kaya agad syang nakipagbreak kay Jacob.

"Thank you." I said, lumapit ako sa kanya at sya'y niyakap "Dahil sa'yo nahanap ko 'yong pagmamahal na gusto ko, at napa-sa'kin ang lalaking gusto kong makasama habang buhay." I said again, kumalas ako  sa pagkakayakap sa kanya.

"Salamat din, kasi kung hindi dahil sa'yo hindi ko mahahanap ang sarili ko at hindi ko makikilala ang tunay na ako." She said with a smile, hindi ko na napigilang maging emosyonal dahil sa mga naging kasalanan ko sa kanya. Hindi ko sukat akalaing patatawarin nya pa ako "Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong hindi maganda?" She asked, I just shook my head.

Napabuntong hininga na lamang ako ng muli nya akong yakapin "Masaya lang ako dahil ang alam ko hindi mo na ako patatawarin, labis na sakit ang naidulot ng pagkakamaling 'yon sa'yo." I said while crying, hindi ko na napigilan.

"It's okay, katulad nga ng sinabi ko kanina.....alalahanin mo na lang dahil hindi ko na maalala." She said, natawa na lamang ako.

Ilang sandali pa nagpaalam na ako sa kanya, excited na akong makitang muli ang aking boyfriend. Ilang months rin kaming hindi nagkita dahil isinama ako ng aking Ina sa Thailand upang magbakasyon, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil may naghahalo sa dibdib ko. Ang labis na saya at ang kaba. 

Pagbaba ko ng kotse agad akong kinabahan, hindi ko maipaliwanag kung ano ito basta ang alam ko lang na'ndito na ako. Wala nang atrasan.

"Manang si Jacob po?" I asked the maid I saw.

Agad syang napalingon sa'kin na tila ba gulat na gulat dahil nakita nya ako, hindi aya umalis sa kinatatayuan nya maging ang magsalita ay hindi nya rin nagawa.

"Manang si Jacob po nasa'n?" Pag-uulit ko sa tanong ko, napalingon na lamang sya sa hagdan papuntang second floor.

Sinundan ko ang tingin ni Manang hanggang sa tumama ito sa pinto ng kwarto ni Jacob, bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nabitawan ko ang mga dala kong pagkain at patakbong nagtungo sa kwarto ni Jacob. Unang hakbang ko palang sa hagdan para na akong tumutulay patungo kay Kamatayan pero nagpatuloy pa rin ako, hindi ko inisip ang kabang nararamdaman ko.

Papalapit pa lamang ako sa pinto may mga kaluskus na akong naririnig, hindi ko na ito pinansin at agad nang binuksan ang pinto. Hindi ko inaasahan ang aking nakita pagbukas ko.

I saw my boyfriend kissing another woman, parehas silang walang saplot sa katawan. Biglang tumulo ang mga luha ko habang pinapanood ang kanilang ginagawa.

"Uhm, babe. I like it, Ugh." I heard the woman growl.

"How could you?" I asked habang patuloy na umaagos ang mga luha ko, tumigil sila sa kanilang ginagawa at tumingin sa kinatatayuan ko "H-how could you do this to me?" I asked again.

Hindi sya nagsalita o tumayo man lang ayon sa pagkakahiga, hindi nabago ang position nila. Para lamang silang nanonood ng pusang dumaan sa harapan nila ng makita ako. Hindi na ako nakapagpigil, sinugod ko silang dalawa at pinaghahampas.

"Gracel, stop it!" Sigaw sa'kin ni Jacob. Imbes na magsalita pa agad ko syang sinampal "What is your problem?" He asked na para bang wala siyang ginawang kasalanan.

"Problem? You are the problem!" I shouted at muli syang pinagsasampal.

"Wala akong problema! Kung may problema man rito ikaw 'yon!" He said while pointing on me "Idiot, I don't like you." He said again.

"Halata namang hindi ka magugustuhan ni Jacob, tingnan mo nga naman 'yang itsura mo!" The girl said, bigla nyang tinanggal ang salamin ko kaya umakto ako na walang nakikita "Mukha kang basura tanga!" She said again.

Nakita ko pang naghalikan silang dalawa, hindi ko alam pero para akong nauupos na kandila sa'king kinatatayuan. Hindi ako makagalaw.

"Gano'n pala no? Ang hirap magmahal, lagi na lang nasasaktan." I said habang patuloy na umiiyak.

"Sabi ko naman kasi sa'yo noon pa, lolokohin ka lang ni Jacob pero anong ginawa mo? Nagpakatanga ka dahil mahal mo sya." Henecy said while wiping my tears.

"Sino nga ba namang lalaki ang seseryoso sa'kin? Tingnan mo nga ang itsura ko, mukha akong inasinang suman." Reklamo ko dahil sa aking itsura.

Makapal ang kilay, puro scars ang mukha. I always use my eyeglass, buhaghag ang buhok. Kaya sino?

"Alam mo? Wala naman sa itsura ang pagmamahal e, na sa tao 'yon. Kung mahal ka talaga nya hindi ka nya lolokohin." She said, kinuha ko mula sa kanya ang tissue at saka pinunasan ang aking luha.

"Tama, ngayon ipakakita ko sa kanya kung anong dyamante ang sinayang nya." I said confidently.

—END OF FLASHBACK—

"Nasusuka na ako, nasa'n na ba si Claire?" Tanong ko sa'king sarili habang hinahanap ang comfort room.

"Hi Miss, where are you going?" Someone asked, napalingon ako sa likuran ko ng biglang may yumakap sa'kin "Let's go?" He said at saka ako hinila palabas ng Bar.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko pero imbes na sumagot lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya pero hindi nya pa rin ako binibitawan, hanggang sa sumigaw na ako ng sumigaw para humingi ng tulong.

"Dude, kung ayaw sumama sa'yo h'wag mong pilitin." Someone said with a sexy voice.

"Wala kang pakialam! Girlfriend ko 'to!" Sigaw nya biglang sinuntok ang lalaking na sa harap namin.

"Fuck you! That's my girlfriend!" The man with a sexy voice said.

"I'm sorry Dude, nagkamali lang." Sambit ng lalaking nagpupumilit na isama ako kanina at saka umalis.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil bigla na lamang nagdilim ang aking paningin.

"Miss? Are you okay?" The man asked, I just shook my head.

"Nahihilo ako." I said, nagulat ako ng bigla na lamang nya akong binuhat "Hey, ano ba? Hindi ka ba nangdidiri sa'kin?" I asked habang kumakawag.

"No, how can I?" Pabalik nyang tanong sa'kin, napailing na lamang ako at hindi na nagsalita pa "Let's go, I'll take you home." He said, napalingon ako sa kanya. I raised my brows "Lasing ka na." He said again bago ako tuluyang hilahin paalis ng Bar.

"Bitawan mo nga ako." Inis na sabi ko sa kanya pero hindi sya nakinig bagkus pinagpatuloy nya lang ang ginagawa nya "Kapag hindi mo ako binitawan, sisigaw ako rito." Pagbabanta ko sa kanya, bigla nyang binitawan ang kamay ko at ako'y hinarap.

"Ano bang gusto mo ha? Ihahatid na nga kita sa inyo tapos ayaw mo pa." He said then rolled his eyes, muli nyang hinawakan ang kamay ko at sa pagkakataon na ito nasukahan ko sya "W-what the hell? Ano bang ginagawa mo? Nakakadiri ka." He said, bigla na lamang akong nahilo at bumagsak. 

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong mainit sa'king katawan, napabalikwas ako ng mapagtantong may nakayakap sa'kin. Unti unti kong iniangat ang kumot at tiningnan kung sino ito, nagulat ako ng makita ko ang isang lalaki na katulad ko ay wala rin saplot.

"Ah!" Sigaw ko at saka hinila ang kumot mula sa kanya, nagulat ako ng makita ang ari nya "S-sino ka? Nakakadiri ka!" Sigaw ko sa kanya, he just laughed at saka tinakpan ng unan ang ari nyang kanina pa nakatayo "Doon ka nga tumingin." Inis na sabi ko sabay turo sa veranda "Sinabi ng doon ka tumingin e." Galit na sambit ko ng hindi aya sumunod.

"Why?" He asked, biglang kumunot ang noo ko "Hindi mo na 'yan kailangang itago, nakita ko na 'yan buong buo." He said then smirked. 

Napahawak na lamang ako sa dibdib ko at mas lalong hinigpitan ang kumot na nakasaplot sa katawan ko dahil sa sobrang hiya, hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi dahil ang naaalala ko lang pumunta ako sa Bar para makalimutan ang nangyari kahapon.

"Ano pang tinatayo tayo mo dya'n? Maligo ka na tapos magluto ka, nagugutom ako." He said,  muling kumunot ang noo ko. Hindi ko nagustuhan ang asta.

"Ayaw ko nga, at wala akong pakialam kung nagugutom ka man." Inis kong sambit at saka pumasok sa bathroom.

"Talaga? I'll eat you then."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status