Share

One Night With The Villacorta's Heir
One Night With The Villacorta's Heir
Author: dyesstheexplorer

PROLOGUE

"Where are you going?" My best friend asked, hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil ang alam ko lang wasak ang buong pagkatao ko "Hey! I'm asking you." Inis nyang sambit at saka ako hinampas dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Claire." I said habang patuloy na pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"Bakit? Ano bang nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong nya, napabuntong hininga na lamang ako at saka hindi na napigilang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigil "Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo para naman alam ko, hindi 'yang sinasarili mo lang ang problema mo." She said, lumapit ako sa kanya at sya'y niyakap.

"Sa tuwing pinapakialamanan ng magulang ko ang bawat desisyon ko sa buhay nadudurog ako, Claire." I said habang nakayakap sa kanya at patuloy ang pag-iyak, ano pa nga bang gagawin ko kung hindi ang umiyak hindi ba?

"Bakit? Sa pagkakaalam ko, nagpaalam ka kanina sa amin na uuwi ka dahil kailangan kang makausap ng parents mo and it's important. Tama ba?" She asked, I just nodded at saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Napalingon na lamang ako sa mga buildings na nakapaligid sa'min ngayon at saka bumuntong hininga "Gusto nila akong ipakasal sa isang lalaking hindi ko kilala, ano na lang ang magiging buhay ko kung hindi ako magiging masaya?" I asked her while wiping my tears.

"Ang ibig mong sabihin? May arrange marriage na magaganap?" She asked, napalingon ako sa kanya at saka tumango "Sigurado ka? Sa mga mayayaman lang nangyayari 'yan, gumising ka na baka nananaginip ka lang."  Inis nya sambit, napailing na lamang ako at hindi na nagsalita pa "What if umuwi ka, tapos sabihin mo sa mga magulang mo kung puwede mo bang makilala 'yong lalaki at kung tanggap nya ang mga anak mo. Pakasalan mo na." She said, biglang kumunot ang noo ko.

Anong gusto n'yang mangyari? Hayaan ko ang mga magulang ko na magdikta kung sino ang mamahalin ko? Hindi puwede, walang batas ang nagsasabing maaaring makialam ang kung sino ang mamahalin o pakakasalan ng isang tao. Kung mayroon mang maaaring magdikta ng lahat 'yon ay si Kupido.

"What do you mean? Hahayaan ko ang magulang ko?" Inis kong sa kanya, she shook her head.

"No, what I mean is..... kilalanin mo muna 'yong lalaki." 

"How?" I asked.

"Umuwi ka, tapos sabihin mo sa mga magulang mo kung puwede mo bang makita 'yong  SOON TO BE HUSBAND mo." She said, bigla ko syang hinampas nang pakadiinan ang sinabi "Ouch! Ano ba? Hindi naman kita inaano ah, bakit hampas ka ng hampas?" Inis nyang sabi habang pinupulot ang cellphone n'yang nahulog matapos ko syang hampasin.

"Excuse me? Hindi ko sya SOON TO BE HUSBAND!" Inis kong sambit at saka tumalikod, I decided na umuwi na dahil mukhang tama naman ang sinabi ni Claire. Kikilalanin ko muna ang lalaking 'yon.

"Gracel! Saan ka pupunta?" Rinig ko pang tanong ni Claire, hindi ko na sya pinansin at tuloy tuloy nang naglakad papalayo.

Hindi ko ba alam kung anong klaseng gayuma ang ginamit ng lalaking 'yon at napapayag ang mga magulang ko na ipakasal ako sa kanya.

My boyfriend and I, broke up pagkatapos nyang malaman na ipapakasal sya sa ibang babae. Sobra akong nasaktan dahil minahal ko sya ng lubusan, at hanggang ngayon sya pa rin ang tinitibok ng puso ko.

"Anak, narito ka na pala." Salubong sa'kin ng aking Ina, ngumiti na lamang ako sa kanya "Kanina ka pa hinihintay ng fiancee mo." She said.

My brows furrowed, kanina ko lang nalaman ang plano ng magulang ko tapos naandito na sya? Anong gagawin ko? Hindi pa ako handa para makita sya.

"Anak, na'ndito ka na pala." Sambit ng aking ama, papeke na lamang akong ngumiti sa kanya at akma na sana akong papasok sa loob ng bigla syang magsalita "Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Villacorta." He said, tumango na lamang ako bago tuluyang pumasok sa loob.

"Tristan?" I was shocked ng makita ko ang Tatay ng mga anak ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status