Share

CHAPTER 26

"PAGKATAPOS mong mag-enroll ay umuwi ka kaagad, ha?" Ani Tiya Liza nang magpaalam akong pupunta ng eskwelahan para mag-enroll. "Hindi na kita sasamahan, ipahahatid na lang kita sa driver at may gagawin kami ni Tifanny. Ito ang enrollment fee mo, ingatan mo ha?"

Nakangiti kong tinanggap ang inabot ni Tiya. "Salamat po, Tiya. Ingat po kayo ni Miss Tifanny."

Tanging tango lang ang isinagot niya.

Nakakakaba pero kakayanin ko 'to. Malaki na ako kaya dapat ay kaya ko na ang mga bagay-bagay. Sinasabi ko iyon sa aking sarili pero ang totoo ay naiiyak na ako.

"Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" Tanong ni ng family driver nilang si Manong Dante.

"Opo, ayos lang ako. Medyo kinakabahan po kasi ako." Pagsasabi ko ng totoo. "First time ko po kasing pumunta ng eskwelahan mag-isa," napalabi pa ako at bahagyang nag-init ang mukha.

Tumawa si Manong Dante.

"Naku, ayos lang iyan! Iyong isa ko ngang anak noong unang araw niya sa kolehiyo ay umiyak kasi gusto niya kami kasama ng Mama niya at natatakot nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status