Geraldine's Point of View*Nakarating kami sa mansion namin dito sa america at agad kong hinanap ang asawa ko para itanong sa kanya kung may alam ba s'ya sa russian mafia na 'yun.Sigurado naman akong may alam s'ya sa taong 'yun dahil nga s'ya ang mafia emperor. Hindi na ako nagtataka sa bagay na 'yun. "Jane, phone ko nga."Inilahad ni Jane ang phone ko at naka-on na ito. Kaya agad kong dinial ang number ng asawa ko.At nakadalawang ring pa lang ay sinagot na agad n'ya ang tawag."Hello, hubby. I need your help."'Where are you now, wife?'"Nasa mansion na kami ngayon."'Okay, bababa na ako. Wait a second.'"Okay."Binaba ko na ang tawag at napaupo na kami ngayon sa sofa. Napatingin ako kay Aldren na nilalaro na ang susi sa kamay n'ya."Ano kaya ang laman ng vault na 'yun noh? Teka kung makakapasok tayo sa opisina ng dad mo ay alam mo ba kung saan nakatago ang vault?"Napatingin ako kay Jane nang tanungin n'ya si Aldren. Napatingin naman si Aldren sa kanya.Maski ako ay hindi ko rin
Geraldine's Point of View*Nakaalis na si Ethan at ako naman ay nakatulala lang habang nakatingin sa malayo at lumabas na sila sa pinagtataguan nila.It can't be…“Milady, kailangan na nating umalis dahil kanina pa dumating ang chief baka mahuli pa tayo dito,” mahinang ani ni Jane sa akin na kinatingin ko sa kanya at dahan-dahan naman akong napatango na parang wala sa sarili.“Are you okay, Astraea?”Napatingin ako kay Kim na nag-aalalang nakatingin sa akin.“Ah oo may naalala lang ako. Update mo na lang ako sa email ko sa planong gagawin kailangan muna naming umuwi para sa bagong plano. Mahirap na at nandidino na si Chief.”Um-agree naman ang lahat sa sinabi ko. Napatingin ako kay Aldren nang maramdaman ko na hinawakan n'ya ang laylayan ng damit ko. Alam ko ang ibig n'yang sabihin sa bagay ngayon. Gusto n'yang puntahan ang vault para matapos na ang lahat ng ito.“This is not the right time. Kailangan muna nating mag-back out. Ngayon ko lang na-realize na hindi lang si Chief ang kala
Geraldine's Point of View*"I'm---""May kasalanan din si Chief sa pamilya nila," agad na ani ko sa kanila. Hindi muna nila pwedeng malaman ang bagay na 'yun na s'ya ang anak ng totoong Marco.Baka may traidor din sa kwartong ito. Magiging delikado ang buhay ni Aldren sa bagay na 'yun lalo na ang mom n'ya. Lalo na't may nangyaring pag-atake na sa bahay nila noon pa man at kagagawan 'yun ng kalaban ng pamilya nila.Magsasalita sana ako nang mapansin ko na may papalapit at hindi 'yun napansin ng mga taong nandidito.Mahina akong kumatok sa lamesa na kinakuha ng atensyon nila sa akin at nag-sign ako na wag maingay."Anong nangyayari?" mahinang ani ni Aldren."May papalapit dito."Agad naman silang naniwala dahil alam nila na hindi pang-ordinaryo ang pandinig ko. Napatingin ako kay Jane at nag-sign na s'ya na ang bahala kay Aldren.Tumango naman ito at napatingin ako kay Kim at agad naman n'yang naintindihan ang assignment na gagawin n'ya at isang iglap ay nawala kami sa kinauupuan nami
3rd Person's Point of View*Napakunot ang noo ng ama ni Ethan nang marinig ang balita sa pagkawala nila Gerry. Ilang araw na din nitong tinitingnan sila Gerry lalo na sa island.At nung wala ng na-report ang espiya nito ay doon na nagtaka ang ama nito sa nangyayari.Kaya nagpadala pa s'ya ng isa pang espiya para magmanman pero iba ang nalaman n'ya."Boss, wala na po si Astraea at ang pamilya n'ya sa island.""What? Paano nangyari ang bagay na 'yun?"Napatingin ito sa isang kasamahan na spy na nakaluhod na dahil hindi nito binalita na wala na sila Astraea."I think nung nakaalis sila ay hindi agad napansin ng spy natin at hindi agad ni-report agad sa atin."Napatingin naman ang ama ni Ethan sa spy at agad n'yang nilapitan ito. At hinawakan n'ya ang buhok nito."Bakit hindi mo agad napansin ang pag-alis nila at hindi mo agad sinabi sa amin!""B-Boss, sinabi po ni Sire Ethan na siya na po ang bahala sa bagay na 'yun.""Si Ethan!" sigaw agad ng ama ni Ethan.Hindi nito inaasahan na gagawi
Geraldine's Point of View* Nakaupo na kami ngayon sa upuan at nakatingin ako sa kanila. Nakikita ko parin ang gulat sa mga mata nila habang nakatingin sa akin. Hindi pa rin sila makapaniwala habang nakatingin sa akin. Sino naman ang magugulat na ang akala nilang patay na na isang legendary Agent ay biglang nabuhay? Kanina pa ako naiilang sa mga titig nila sa totoo lang talaga. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila ngayon. "Stop starring at me. Parang ngayon n'yo lang ako nakita ha o baka akala n'yo na isa akong multo dito." Natigilan naman sila dahil sa sinabi ko at napaiwas naman sila ng tingin. "Akala namin na wala ka na, Astraea," ani ng isa habang nakatingin sa akin. Isa ito sa mga seniors na namamangha na sa akin noon pa man. "Hindi ako agad namamatay. Mahirap patayin ang masamang damo, right? Kaya yan ang tatandaan ninyo." Dahan-dahan naman silang napatango dahil sa sinabi ko. Alam naman talaga nila na mahirap akong pabagsakin kahit anong gagawin ng mga
Geraldine's Point of View*Nakarating na kami sa training area pero hindi kami huminto doon at nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang makarating na kami sa building kung nasaan ang opisina ni Chief."Sigurado ka ba sa gagawin mo, Kim?"Napatingin naman sa akin si Kim at dahan-dahan na napatango dahil sa sinabi ko. Alam ko naman na matalino itong kaibigan ko pero hindi ko alam na ganito ang ginawa n'ya."Yes."Pumagitna ako sa kinatatayuan n'ya na kinahinto nito at napatingin sa akin."Bakit?""Let's plan this. Wag kang mag---""Alam ko ang ginagawa ko at isa pa baka nakakalimutan mo na isa ako sa pinakamagaling na intel sa batch ko.""Kahit na. Alam mo naman na chief na ang kalaban natin ngayon.""I know that. Pero hindi pa tayo pupunta sa opisina ngayon. May pupuntahan pa tayo na lugar."Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya."What do you mean?""You will see."Dahan-dahan naman akong napatango dahil sa sinabi niya. Lumapit naman sa akin si Jane at mahina siyang bum