FAZER LOGINSalamat po sa patuloy na pagbabasa!
“Sky, ingat sa pagtakbo, anak, baka madapa ka!” habol ni Cielo sa anak na excited na tinakbo ang open field ng parke ng isang mall sa Sta. Rosa. “Habol mo po ako, Mommy!” sigaw ni Sky na tuwang-tuwa.“Sige, maghabulan kayong mag-ina. Dito lang ako uupo,” natatawang sabi ni Criselda na nakahanap ng bakanteng bench.Napapikit si Cielo para makapagtimpi sa anak. Pumayag na nga siyang makipagkita sa kaibigan ng anak na tinatawag nitong Daddy, tapos paghahabulin pa siya nito dito sa park. Ano kayang amoy niya kapag humarap sa lalaki?Tumakbo pabalik sa kanya si Sky nang makitang nakapameywang na lang siya. “Mommy, bakit ayaw mo akong habulin?”“Ayaw kong mabasa ng pawis, anak,” katwiran niya.“Bakit po, Mommy?” tanong ulit ng bata.“Kasi ime-meet pa natin ang friend mo ng lunch, eh ‘di nakakahiya naman kung basa ako sa pawis,” paliwanag niya.“Mabango ka naman po kahit basa ng pawis, Mommy, kaya okay lang po iyon,” nakangiting pangangatwiran ni Sky.Napangiwi naman si Cielo sa sinabi ng a
Napilitang pumasok si Cielo sa JNQ Motors matapos siyang makatanggap kahapon ng text message mula kay Engr. Enzo, nagloloko raw ang transmission ng prototype at ayaw nilang pakialaman ang makina nang walang approval niya. Sinabihan niya ang lalaki na ngayong araw na lamang nila tingnan ang problema ng makina dahil darating siya.Dahil hindi pa tapos ang pagpipintura niya sa kanyang sasakyan, napilitan siyang mag-commute mula sa kanilang subdivision. Tatlong sakay iyon, pero ang pinaka-challenging ay ang paglalakad mula sa gate ng JNQ hanggang sa main building. Mabuti na lamang, nagmaong at rubber shoes siya noong araw na iyon. Naisip tuloy niyang kapag binigyan siya ulit ng karagdagang 10% sa kabuuang halaga ng proyekto, bibili siya ng bagong SUV para may pamalit sa kanyang sasakyan sa ibang araw.Pagpasok niya sa kanyang opisina, bumungad sa kanya ang amoy ng kape sa buong silid. Napatingin siya sa coffee nook area kung saan may isang brown bag at mainit na kape na binili sa isang si
Nagdesisyon si Cielo na hindi muna pumunta sa JNQ Motors noong sumunod na araw upang maiwasan ang CEO. Kailangan niyang matutunang huwag pansinin at huwag nang madala sa mga pakulo ng lalaki. Pinaalalahanan niyang muli ang sarili na partners na lamang sila sa project at wala nang dapat lumampas doon. “Mommy, hindi ka po magwo-work today?” nagtatakang tanong ni Sky sa ina habang binabantayan si Cielo sa loob ng workshop garage niya.Nakahiga sa ilalim ng sasakyan si Cielo at may sinisilip sa makina. Napilitan siyang mag-slide palabas para sagutin ang anak.“May sira kasi itong car natin, kaya aayusin ko muna,” paliwanag niya. "Ano pong sira?" curious na tanong nito, habang yumuyuko pa para makita ang ilalim."May kalampag eh," sagot naman ng ina. “Mamaya hindi ka na puwede rito kasi maalikabok na.”Humaba ang nguso ni Sky. “But I want to help you, Mommy!”“You can help me kapag makina ang inaayos ko by giving the tools that I need, pero mamaya baby, sisimulan ko na ang repainting ng
Nanigas ang katawan ni Cielo. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakabawi mula sa pagkakabigla. Buong lakas niyang itinulak ang lalaki, pero hindi man lamang natinag sa pagkakayakap sa kanya. “Mr. Quinn, let go of me, or I will file a harassment case against you,” buong tapang niyang babala.Napapikit si Nathan. Kinalma ang sarili. Pagkuwan, nanlulumo niyang binitawan si Cielo. “I’m very very sorry, Darling,” bulong niya.Bago pa makalayo si Cielo, tumayo na ang lalaki at lumabas ng opisina niya. Napabuntong-hininga ang babae, sinusubukang mawala ang mabigat na tila nakadagan sa dibdib niya.Napalingon siya sa pagkaing nakahain sa mesa at parang nag-replay sa kanya ang masasayang araw nilang magkasama ni Nathan. Ang mga pagkaing kanilang pinagsaluhan, marangya man o kahit cup noodles lang. Bumuhos ang luha mula sa kanyang mga mata at hindi na niya mapigil ang patuloy nitong pagbagsak. Pumasok siya sa banyo para maghilamos, pero patuloy pa rin ang pag-iyak ng kanyang mga mata. Nagb
Bago pa tumulo ang kanyang laway sa nakikita, inilipat niya ang kanyang paningin sa hilera ng pagkain sa counter ng canteen. Nagkunwari siyang hindi naapektuhan sa patuloy na pagsasayaw ng grupo sa kanyang likuran kahit pa parang nanatili na sa kanyang isipan ang paggiling ni Nathan na walang pang-itaas na damit.Napalunok siya. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya dapat magpaapekto sa muling pagku-krus ng landas nila ng lalaki dahil purely business na lamang iyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo at pinaalalahanan ang sarili. Kahit hindi lumilingon sa mga nagsasayaw, sa tingin niya ay tuloy pa rin ang mga iyon, kaya nag-take out na lamang siya ng lomi para hindi na mapanood ang mga lalaki, lalo na si Nathan na hindi niya alam kung bakit nakikigaya sa kalokohan ng ibang engineer sa planta.Nagkunwari siyang busy sa binabasa sa cellphone upang hindi makita ang mga lalaking nagkakatuwaan pa rin sa pagsasayaw.Palabas na siya ng pinto nang tawagin ni Felix ang kanyang pangalan.“San
Nang kumalma na ang nararamdaman ni Cielo, nagdesisyon siyang bumaba sa production site para i-check ang status ng mga parte ng binubuong sasakyan. Lahat kasi iyon ay gagawin sa autofactory ng JNQ at napagkasunduang walang iaangkat mula sa ibang bansa.Unang binisita ni Cielo ang Stamping Area. Dito binubuo ang pinto, hood at bubong ng bawat sasakyan. Mula sa hindi kalayuan, natanaw na siya ni Engr. Felix, ang naagawan niya ng parking slot noong unang araw niya sa JNQ. Nilapitan siya ng lalaki. “Engineer! Itong ongoing na stamping ay para sa driver’s door. Isang machine lang muna ang ginagamit para sa bagong project natin, at yung iba para sa existing units na ng JNQ,” propesyonal na paliwanag ng lalaki.Tumango si Cielo. “May natapos na ba tayong pinto?”Umiling ang lalaki. “Ngayon pa lang tayo nagsimula ng pinto kasi may tinapos kaming 100 electric cars para sa distribution sa 10 car dealers natin nationwide.”“Sige. I-check ko na lang ang ibang parts,” pagpapaalam ni Cielo sa lal
Pakiramdam ni Cielo ay nasagasaan ng truck ang kanyang katawan at halos hindi siya makagalaw. Marahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Tanging ilaw mula sa pinlight sa bawat sulok ng silid ang nagsisilbing ilaw. Kumunot ang kanyang noo at saka naalala ang pina
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ground floor na sila. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator, mabilis na lumabas si Cielo. Hindi na niya nilingon ang lalaki. “Cielo, okay ka lang ba girl? Bakit ang putla mo?” nag-aalalang tanong ni Queenie ng nakasalubong niya. Isang tipid na ngiti
Paglabas ni Cielo sa silid, tinawag ng nakababatang lalaki si Queenie at saka inabutan ng ilang libo bago inutusang tawagin ang waiter para sa kanila. Nang sila na lamang ang nasa VIP Room, napasipol ang nakababatang lalaki. “Nagkamali ka? First time iyan, Kuya Nathan!”“Mukha talaga siyang 16,” s
Nakatayo si Cielo sa gilid ng bar counter. Pinagdaop niya ang kanyang mga palad bago umusal ng panalangin. “Kahit isang bote lang, Lord.”“Huy!”







