Share

CHAPTER 16

Para sa iba ay normal na lumilipas ang araw. Mabilis at tila ba hindi na namamalayan ang mabagal na takbo ng oras. Lalo na sa kaibigan kong si Ayesha na halos kakakasal lang kay Janrick. Sinong makapagsasabing sa simbahan din pala ang bagsak nilang dalawa, matapos ang napakaraming kontrobersyal sa pagitan nila at ng media?

Masaya, laging nakangiti at higit sa lahat, may dahilan ang araw-araw na paggising niya sa umaga. Ganoon ba talaga kapag nagmamahal at minamahal pabalik? Kabaliktaran naman ang nangyari sa pinsan kong si Zafira. Dahil bokya ang gaga sa pagsintang pururot niya! Ngunit sa kabila ng mga nangyayari, inaasam ko na sana ay maranasan ko rin 'yon...ang mahalin pabalik.

Humugot na muna ako ng malalim na buntong hininga bago ngumiti ng pagkatamis-tamis, saka kumatok. Matapos ang ilang buwan na paglalagi ko rito sa Pilipinas ay ngayon lang ulit kami magkikita ni Blue... kung narito man siya.

"Lenny?" Nanantiyang tanong ni Nay Hilda bago ako sinuri ng tingin mula ulo hanggan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status