Partager

 REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)
REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)
Auteur: Maxellian Axton

CHAPTER 1

last update Date de publication: 2026-10-13 03:33:06

CHAPTER 1 - ANG PAGBABALIK

SERAPHINA'S POV

Napasinghap ako at biglang napabalikwas nang bangon mula sa aking pagkakahiga.

Mabilis na umaangat at bumababa ang aking dibdib habang pilit kong hinahabol ang aking paghinga. Basang-basa ng malamig na pawis ang aking likod, at nanginginig ang mga daliri kong nakakapit sa aking leeg.

Nararamdaman ko pa rin ang mga kamay ni Adrian na mahigpit na nakapulupot sa aking lalamunan. Ang malamig niyang mga daliri, ang unti-unting pagkawala ng aking paghinga, at ang mapanuyang tingin niya habang pinapanood akong unti-unting nawawalan ng lakas.

Iyon ang mga naalala ko bago ang huling sandali ng buhay ko. Pinatay ako ng sarili kong asawa para kamkamin ang natitirang kayamanang iniwan sa akin ng aking mga magulang.

Ngunit nang ibaba ko ang tingin sa aking mga kamay, wala akong nakitang dugo. Wala ring sugat o anumang bakas ng karahasan. Maging ang aking leeg ay makinis, walang pasa o marka ng mga daliring minsang dumurog sa aking huling pag-asa.

Ano ang nangyayari?

Dahan-dahan akong tumingin sa paligid. Hindi ito ang malamig at madilim na silid na kinasadlakan ko sa mga huling taon ng dati kong buhay. Pamilyar ang bawat sulok, mula sa malalaking bintanang natatakpan ng mamahaling kurtina hanggang sa tiles na maingat na pinili ng aking ina.

Kilala ko ang lugar na ito, nasa ancestral home ako ng pamilya.

Sa sofa sa gilid ng silid ay nakalatag ang isang puting belo, ang mamahaling lace wedding gown na ipinatahi ko pa sa Europa, at ang mga alahas na nakahanda para sa nalalapit kong kasal.

Teka, kasal?

Biglang nanlamig ang aking mga kamay…

Mabilis akong bumangon at halos matisod ako habang naglalakad patungo sa digital calendar na nakasabit sa dingding. Nang makita ko ang petsang nakailaw sa screen, nanlaki ang aking mga mata.

October 13, 2026.

Ang gabi bago ang kasal namin ni Adrian Ashford.

Ang lalaking minahal ko nang buong puso.

Ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng lahat.

Ang lalaking kalaunan ay naging sarili kong berdugo.

Isang mahinang tawa ang kumawala sa aking mga labi.

Nagsimula iyon bilang isang hindi makapaniwalang halakhak, hanggang sa unti-unti itong napalitan ng mapait na pagtawa.

Buhay ako.

Bumalik ako.

At sa pagkakataong ito, dala ko ang lahat ng alaala ng buhay na ninakaw nila sa akin.

Tumingin ako muli sa kalendaryo. Ngunit ngayon, wala na ang takot sa aking mga mata. Pinalitan iyon ng galit—isang galit na matagal na akong nilalamon, isang galit na hindi kayang pawiin kahit ang kamatayan.

Binigyan ako ng langit ng ikalawang pagkakataon.

I was reborn.

At hindi ko hahayaang masayang ang pagkakataong ito.

Sa dati kong buhay, ako ang naging kawawang tupa na kusang nag-alay ng sarili sa bibig ng lobo. Nagmahal ako nang bulag, nagtiwala nang walang pag-aalinlangan, at ibinigay ang lahat sa lalaking hindi naman kailanman karapat-dapat sa akin.

Ngunit tapos na ang lahat ng iyon.

Dahan-dahan akong ngumiti habang pinagmamasdan ang repleksiyon ko sa salamin.

Kung naging demonyo si Adrian sa nakaraang buhay ko noon, sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, makakatagpo siya ng isang nilalang na mas mapanganib kaysa sa kanya.

Isang demonyong hindi na niya kayang kontrolin.

Isang demonyong hindi na niya kayang lokohin.

At higit sa lahat—isang demonyong sisira sa kanya bago pa niya ako magawang patayin muli.

Pumunta ako sa aking aparador at binuksan ko iyon. Ilang sandali akong nagmasid sa mga damit na nakasabit doon bago tuluyang abutin ang isang pulang bestida.

Ito ang damit na hindi ko kailanman nagawang isuot sa dati kong buhay.

Hindi dahil hindi ko ito nagustuhan, kundi dahil kay Adrian. Masyado siyang seloso at mapagkontrol. Bawat damit na isinusuot ko, bawat taong kinakausap ko, at bawat lugar na pinupuntahan ko ay kailangang munang dumaan sa kanyang pahintulot. Unti-unti niyang inalis sa akin ang kalayaang dati kong tinatamasa hanggang sa hindi ko na namalayang hindi na pala ako malayang nakakapagdesisyon para sa sarili ko.

Ngunit tapos na ang mga araw na iyon.

Hinubad ko ang aking pantulog at isinuot ang pulang bestida. Hapit na hapit iyon sa aking katawan, sinusundan ang mga kurba ng aking baywang at balakang bago bumaba hanggang sa aking mga binti. Lalong namukod-tangi ang matingkad na kulay nito laban sa aking maputing balat. Ang malalim na tabas ng neckline ay nagbigay sa aking anyo ng mapangahas na dating—isang anyong hinding-hindi kailanman pinahintulutan ni Adrian noon.

Hindi na ako nagsuot ng bra kaya mababakat sa bistida ang dalawa kong u***g. Maging panty sa ilalim ng bistida na ito ay hindi ko na rin ginawang isuot. Nararamdaman ko ang malamig na pakiramdam na dumudulas sa manipis na tela ng bistida.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, hindi ko na nakikita ang babaeng laging natatakot na magkamali. Hindi ako matutulog ngayong gabi.

May isang lalaki akong kailangang puntahan—ang nag-iisang taong may kapangyarihang durugin ang ego na ipinagmamalaki ni Adrian at agawin sa kanya ang apelyidong Ashford na para bang isang pitik lamang ng daliri ang kailangan.

Si Don Damian Ashford. Ang bunsong kapatid ng ama ni Adrian.

Sa edad na tatlumpu't lima, siya ang isa sa pinakamakapangyarihang tao sa buong angkan ng Ashford. Bata pa kung ihahambing sa iba pang mga nakatatanda sa pamilya, ngunit walang sinuman ang naglalakas-loob na maliitin siya. Matalas ang isip, malamig magpasya, at kilala sa pagiging mahigpit pagdating sa negosyo at disiplina.

Hindi siya iyong tipong kailangang magtaas ng boses upang mapasunod ang lahat. Sapat na ang isang tingin niya upang manahimik ang isang silid.

Malapad ang kanyang mga balikat, matipuno ang kanyang pangangatawan, at halatang bunga ng regular na pagsasanay sa gym at iba't ibang sports ang kanyang pisikal na lakas. Hindi siya mukhang isang lalaking nasa kalagitnaan na ng kanyang mga taon. Sa halip, taglay niya ang isang mapanganib na karismang mahirap balewalain.

Sa dati kong buhay, ilang beses ko siyang nakasama sa mga hapunan ng pamilya. Madalang siyang magsalita, ngunit palagi kong napapansin ang kanyang mga mata.

Ang mga matang tila ba masyadong matagal na nananatili sa akin.

Noon, pilit kong ipinagwalang-bahala ang mga iyon. Siya ang tiyuhin ng lalaking pinakasalan ko, at ang paggalang niya sa pamilya ang tila tanging hadlang sa pagitan namin.

Ngunit ngayon, iba na ang lahat.

Wala na akong balak magkunwaring walang napapansin. Wala na akong balak manatiling sunud-sunuran sa mga tuntuning ginawa lamang upang ikulong ako.

Kung kailangan kong lumapit sa isang mapanganib na lalaki upang wasakin ang lalaking pumatay sa akin, gagawin ko.

At kung ang presensiya ko ang magiging mitsa ng pagkawasak ng pamilyang Ashford, wala akong balak umatras.

Muli kong inayos ang aking buhok at kinuha ang aking bag.

Ngayong gabi, bibisitahin ko si Don Damian Ashford.

Hindi bilang magiging asawa ng kanyang pamangkin.

Kundi bilang babaeng maaaring magbigay sa kanya ng isang alok na hindi niya basta-bastang matatanggihan.

At sa pagkakataong ito, ako ang magtatakda ng mga patakaran.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   Chapter 5

    CHAPTER 5 - Ang Iskandalo sa AltarSERAPHINA’S POVIlang oras na ang nakalipas mula nang pumirma ako sa kontrata ng kasal na inihanda ni Damian. Ngayon, nakatayo na ako sa harap ng simbahan kung saan gaganapin ang kasal namin ni Adrian. Suot ko pa rin ang wedding gown na pinili ko para sa kasal na ito.Nakakatawa, ‘di ba? Dati, halos hindi ako makatulog sa sobrang pananabik sa araw na ito. Ilang buwan kong pinaghandaan ang kasal na akala ko’y simula ng masayang buhay naming dalawa. Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ako mismo ang mag-iisip ng paraan para hindi na ito matuloy.Bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga bisita. Sa magkabilang gilid ng aisle, nakahanay ang mga kilalang personalidad, mga kaibigan ng pamilya, at mga reporter na inimbitahan upang masaksihan ang kasal ng dalawang pamilyang kilala sa buong siyudad.Nagsimulang tumugtog ang wedding march. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa altar. Sa dulo ng aisle, naroon si Adria

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   Chapter 4

    CHAPTER 4 - ADULTERYSERAPHINA'S POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang sinag ng umaga sa aking mukha. Ang unang bumungad sa akin ay ang bisig na mahigpit na nakapulupot sa aking baywang. Bahagya akong lumingon at natagpuan ang mukha ni Damian, mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sa ilalim ng malambot na liwanag ng umaga, higit na litaw ang kaniyang malalapad na balikat at ang matikas na hubog ng kaniyang katawan. May mga bakas pa sa kaniyang likod na nagpapaalala sa naganap sa pagitan namin kagabi. Kahit natutulog, hindi pa rin nawawala sa kaniyang mukha ang likas na awtoridad at lamig na kinatatakutan ng marami. Para bang kahit sa panaginip ay walang sinumang maaaring sumuway sa kaniya. Si Damian Ashford, ang tatlumpu't limang taong gulang na tiyuhin ng lalaking balak sirain ang buhay ko. Ang tiyo niya ay tuluyan ko nang nakuha. At tulad nga ng inaasahan ko, mula sa nakaraang buhay ko, madali ko siyang maaakit. Bago pa man ako makagalaw, marahan nang

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   Chapter 3

    Chapter 3 - ANG PAG-AKIN SA AKIN NI TITOSERAPHINA'S POVAng hangin sa loob ng penthouse ay tuluyan nang napuno ng nag-iinit na tensyon at mabibigat na paghinga. Walang patid ang marahas na paghalik ni Damian sa akin, para siyang uhaw na uhaw sa bawat paghalik sa akin, mga labi na ayaw na nitong tigilan. Binuhat niya ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Ang malalaki nitong kamay ay nanatiling nakakapit sa aking puwet sa ilalim ng pulang bistida. Habang ang aking mga binti ay nakapulupot pa rin sa matitigas nitong balakang. Habang naglalakad si Damian patungo sa malawak niyang master bedroom, hindi tumitigil ang marahas pero nakakabaliw niyang pag-angkin sa aking mga labi.Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama, pero hindi lumalayo sa akin. Bagkus, umibabaw pa siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay nanatiling madilim, nanunuri at nag-aalab na puno ng pagnanasa na parang matagal na niyang ikinikimkim. "You have no idea how long I've watched you from the shadows," bulong ni Damian, gumagara

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   Chapter 2

    CHAPTER 2 - ANG NAGAALAB NA APOYSERAPHINA'S POVMabilis akong nakarating sa penthouse ni Damian Ashford. Ginamit ko ang password na minsang nabanggit ni Adrian noong nalasing siya. Marahan kong binuksan ang pinto ng pribadong penthouse, saka maingat na pumasok sa loob. Madilim ang malawak na silid, tanging ang maputlang liwanag ng buwan at mga kumikislap na ilaw ng siyudad sa likod ng malalaking glass window ang nagbibigay-liwanag. At doon ko siya nakita. Nakaupo ang Don sa isang mamahaling leather sofa, may hawak na kristal na baso ng whiskey. Bahagyang nakasandal ang matikas niyang katawan, tila walang pakialam sa mundong ginagalawan niya.Tatlong butones ng itim niyang polo ang nakabukas, sapat upang masilip ang matipuno niyang dibdib na bahagyang natatakpan ng maitim na balahibo. Bawat mabagal niyang paghinga ay tila lalo pang nagbibigay-diin sa lapad ng kaniyang mga balikat at sa lakas na nakatago sa ilalim ng mamahaling tela. Hindi ko maiwasang mapalunok. 'Ilang abs kaya an

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   CHAPTER 1

    CHAPTER 1 - ANG PAGBABALIK SERAPHINA'S POV Napasinghap ako at biglang napabalikwas nang bangon mula sa aking pagkakahiga.Mabilis na umaangat at bumababa ang aking dibdib habang pilit kong hinahabol ang aking paghinga. Basang-basa ng malamig na pawis ang aking likod, at nanginginig ang mga daliri kong nakakapit sa aking leeg.Nararamdaman ko pa rin ang mga kamay ni Adrian na mahigpit na nakapulupot sa aking lalamunan. Ang malamig niyang mga daliri, ang unti-unting pagkawala ng aking paghinga, at ang mapanuyang tingin niya habang pinapanood akong unti-unting nawawalan ng lakas.Iyon ang mga naalala ko bago ang huling sandali ng buhay ko. Pinatay ako ng sarili kong asawa para kamkamin ang natitirang kayamanang iniwan sa akin ng aking mga magulang. Ngunit nang ibaba ko ang tingin sa aking mga kamay, wala akong nakitang dugo. Wala ring sugat o anumang bakas ng karahasan. Maging ang aking leeg ay makinis, walang pasa o marka ng mga daliring minsang dumurog sa aking huling pag-asa. Ano

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status