LOGINChapter 33Evie's POVPagkatapos ihatid ni Lynel si Mitch aka “Lucy Johnson” palabas ng opisina, halos hindi na ito makahinga kakatawa pagbalik sa loob.“Madam!” tili niya habang hawak ang tiyan niya. “Winner ka talaga! Grabe ka! Para akong nanonood ng eksena sa pelikula!”Napataas lang ako ng kilay habang kunwari nag-aayos ng mga dokuments sa mesa ko.“Ano na naman bang drama iniisip mo?”Lumapit siya sa akin habang kunwari may hawak na mikropono.“‘The Legal Wife and The Mistress!’” arte niyang sabi. “‘Huwag mong tikman ang asawa ko!’ Ganern!” sabay tawang-tawa siya sa harapan ko.Napailing na lang ako pero hindi ko rin napigilang matawa.Sa totoo lang, kanina pa nanginginig ang tuhod ko.Hindi ko lang ipinahalata kay Mitch.Hindi ko rin akalaing kakayanin niyang puntahan ako mismo sa opisina para kumprontahin. Siguro iniisip niya na kapag nagsalita siya nang maayos at nag-drama nang kaunti, kusa ko na lang ibibigay sa kanya si Carlo.Ano siya, sinuswerte?Pero isang bagay ang napat
Chapter 32Evie's POV“Madam, di ka pa ba uuwi?” tanong sa akin ni Lynel habang di pa rin ako matapos-tapos sa mga layout na isa-isang nire-rebisa dahil sa sandamakmak na request ng kliyente.Halos manikip na ang batok ko sa kakatingin sa monitor. Ang buong opisina tahimik na. Pati ang aircon parang pagod na rin sa overtime namin.“Bakit? Uwing-uwi ka na ba?” malamig kong sagot habang hindi man lang siya tinitingnan.“Yes and No,” natatawang sagot niya.Doon lang ako huminto sa pagta-type at tinaasan siya ng kilay.“Yes po kasi magkikita kami ng bago kong Papa… at No kasi siyempre hindi kita iiwan kahit sa anong laban mo.” mataas pa ang boses niya kaya napiyok siya sa huling parte.Napailing ako.“Teka… bagong Papa? Hoy! Anong nangyari? Kakabili mo lang ng motor doon, ah.”Napabuntong-hininga siya, sabay dramatikong sandal sa pinto.“Yun na nga Madam. Nahuli ko kasi na kung sinu-sinong haliparot na amoy imburnal ang isinasakay niya doon sa motor namin.”“Motor ninyo?” natatawa kong ta
Chapter 31Evie's POVMatagumpay ang meeting namin with the investors. Halos lahat ng proposal namin ay inaprubahan nila at kitang-kita ko ang satisfaction sa mukha ng bawat isa habang tinatalakay namin ang future collaboration.“Congratulations, Ms. Evie. We’re looking forward to working with your company,” nakangiting sabi ng isa sa investors habang kinakamayan ako.“Thank you. We assure you that this partnership will be worth it,” propesyonal kong sagot kahit halos mangalay na ang pisngi ko sa kakangiti.Pagkatapos ng ilang oras na discussion ay sa wakas natapos din ang meeting. Kasama ko sina Andrew Bernaldez at Aika habang palabas kami ng restaurant kung saan ginanap ang dinner meeting. Magaan ang pakiramdam ko kanina dahil naging successful ang lahat.Pero isang iglap lang… nagbago ang lahat.Habang naglalakad kami palabas, may isang lalaking nakatalikod sa direksyon namin. Kahit simpleng likod lamang ang nakikita ko, agad na kumabog nang malakas ang dibdib ko.Hindi ako maaarin
Chapter 30Evie’s POV“Nay, babalik na po kami ni Carlo sa Maynila,” mahinahon kong sabi habang tinutulungan si Nanay na magligpit ng pinagkainan.Agad siyang napalingon sa akin. Kita ko agad ang lungkot sa mga mata niya.“Hindi ba puwedeng magtagal pa kayo kahit ilang araw?” malumanay niyang tanong. “Minsan lang kayo umuwi rito.”Napabuntong-hininga ako.“Pasensya na po talaga, Nay,” sagot ko habang hinahaplos ko ang kamay niya. “May mga naiwan pa po kasi kaming commitments sa opisina. Hindi rin po puwedeng iasa sa iba lahat.”Tahimik na napatingin si Nanay kay Carlo na noon ay nagbubuhat ng ilang gamit namin palabas ng bahay.Parang gusto pa niya akong pigilan.Alam kong nami-miss niya ako.Ilang buwan din kasi bago ako nakauwi rito sa probinsya.Lumapit si Carlo at ngumiti kay Nanay.“Babalik po kami ulit, Nay,” magalang niyang sabi. “Pasensya na po talaga.”sabi niyaNapangiti ako nang bahagya.Isa iyon sa mga dahilan kung bakit sobra akong nagpapasalamat kay Carlo.Palagi niya akon
Chapter 28Carlo’s POVInilibot ako ni Evie sa buong farm, gamit ang isang kuliglig na ginagamit sa bukid. Mga tatlong hektarya na lang ang natira sa kanila; naibenta na kasi ang iba para makasurvive kahit papaano ang mga farmer at pamilyang nasasakupan ng Casa Gutierrez. Gaya niya, may mga anak ang mga farmer na nag-aral din sa Maynila. Ang iba ay nakakakuha ng scholarship mula sa pamilyang Jhocson sa National University. Alumni sila dito , magmula sa kanyang ama, maliban lang sa kanyang ina na nag-aral naman sa Pamantasan ng Maynila. Parang pamilya na sila, kaya tuwing umuuwi ang mga anak na nakapag-abroad, hindi mawawalan ng pasalubong ang kanilang mga magulang. Maliit na lupa lang ang namana ng ama niya, pero lumaki nang lumaki hanggang 30 hektarya. Pero gaya ng nararanasan ng lahat, may mga kabiguan din na dumarating.“Balik na tayo?” malambing na sinabi ni Evie sa akinSumampa na ito sa kuluglig, kaya di ko maiwasang mapangiti . Napakasimple lang ni Evie pero kahanga-ha
Chapter 28Evie's POVNagising ako na nasa dibdib ako ni Carlo. Ang sarap sa isip-isip ko. Pero dahan-dahan akong umalis sa bisig niya. Umaga na kasi, mga pasadong alas 8am Naghanda na rin ako para sa pagbiyahe naming muli.Mula sa isang upuan, pinagmamasdan ko si Carlo. Napakahimbing ng tulog niya. Napagod talaga siya at hindi na nakayanan ang antok. Napansin kong may veranda pala ang napiling suite ni Carlo, kaya lumabas ako nang dahan-dahan para hindi magambala ang tulog niya.Pagkakita ko sa labas, napangiti ako dahil sa ganda ng scenery: isang farm ng mga gulay, pero nasa ayos ang lahat. Ninamnam ko ang hangin, napakalinis, ang simoy ng mga damo mula sa lupa at ang sinag ng araw na nakaka-refresh. Nakatayo lamang ako habang minumuni-muni ang mga araw na lumipas. Babalik ako ngayon sa aming bahay na minsan ko ring tinakasan. Nagbalik tanaw ako sa naging buhay ko na lagi na lamang may hinahabol at gustong patunayanInalala ko ang masakit na mga sugat na natamo ko sa trah







