NAGULANTANG NA DOON ang lalaki. Hindi ba dapat tumakas na ito ngayon pa lang? Bakit kailangan nitong palabasin na natuloy ang kidnapping kung hindi naman? Hibang na ba ito? “Pero kung sasabihin namin iyon, hihingan niya kami ng proof—” “Then bigyan natin siya ng proof. Hindi niyo naman siguro ako tatarantaduhin lalo na ngayon na alam niyo na kung ano ang kakayahan kong gawin sa buhay niyong lahat. Di ba na-picture niyo naman ako kanina? Hindi pa ba enough na proof iyon para maniwala siya?” “Kailangan pa rin natin pumunta ng beach.” turan ng lalaki na medyo nagpakutob ng kakaiba kay Everly, ano siya hibang? “Gaya ng unang plano. Kailangan natin magtungo dito.” Plano ba nitong gulangan siya? The seaside was their destination, they must have an ambush. Paano niya malalaman na nagsasabi sila ng totoo? Malamang ay marami silang kasamahan.“No, hindi ako sasama sa inyo sa beach. Kayo ang humanap ng paraan kung paano gagawin ang hiling ko. Pwede kayong gumawa ng ibang scenario na agad na
PANIGURADONG ILANG ARAW siyang minanmanan ng grupo at noong nakakuha sila ng pagkakataon na mag-isa na lang siya at lutang, saka sila kumilos. Naniniwala siya na ang grupo ay under ni Lizzy. Tatlong oras ang kanilang bubunuin upang makarating sa tabi ng dagat kung saan man siya nila planong lunurin. Iyong beach na iyon ay paniguradong ang family beach nina Lizzy na nasa bandang Camarines Sur. Sa loob ng tatlong oras na iyon, kailangan niyang makaisip ng paraan. Iginalaw niya ang kamay na nasa likod, biglang naging alerto ang katabi niyang lalaki na tiningnan siya ng masama at nag-check ng tali niya sa kanyang kamay. Palihim niyang pinindot ang relo na kanyang suot upang mag-send lang ng location niya kay Monel.‘What do you think of me? Gaya niyo na mga bobo?’ Mabagal ang naging takbo ng van paalis ng Legazpi. Ibinaling ni Everly ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Narinig niya ang munting halik ng mga kasama niya na tiwalang hindi niya magagawang makatakas dahil lang babae siy
NAPAKURAP NA LANG ng kanyang mga mata si Everly na naiwan na naman doong mag-isa. Sinundan niya iyon ng malalim na buntong-hininga. Bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina sa hospital kung kaya naman bigla na naman siyang nawalan ng ganang kumain. Nagpasya siyang uubusin lang niya ang nasa plato niya at uuwi na rin. Gusto na niyang magpahinga. Isipin lang muli ang nangyari kanina na sagutan sa asawa ng pasyente at pagpunta nila ng police station ay napapagod na siya. Gusto na niyang ipahinga ang katawang lupa niya.“Sa sunod, makikinig na talaga ako kay Doctor Santibaniez.”Pagkalabas na pagkalabas ni Everly ng pintuan ng restaurant ay isang itim na van ang huminto sa kanyang harapan. Ang buong akala niya ay customer din sila doon, ngunit natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nahawakan na ng lumabas ditong dalawang lalaki. Sa bilis ng mga pangyayari ay late ng nakapag-react ang kanyang katawan upang makahingi pa sana ng tulong. “Behave yourself, kung ayaw mong masaktan!”
HINDI NA MAITAGO ang gulat sa mukha ni Everly na sa halip na sermon ang sumalubong sa kanya, inuutusan lang siya nitong bumalik sa iniwan niyang trabaho? Seryoso ba ang head nila? Kung sa kanyang Lola niya iyon ginawa, paniguradong nasampal na siya upang magtanda siya. Tahimik na humakbang si Everly palapit sa table ni Dorothy. Baka nagkamali lang siya ng dinig.“Doctor Santibaniez, I’m sorry…”“It doesn’t matter. Lahat naman tayo ay pinagdadaanan ang ganitong stage ng buhay.”Nakikita pa rin ni Dorothy si Everly sa kanyang sarili noong bagong salta siya sa industriya kung kaya naman hindi niya masisisi kung gumamit man ito ng dahas upang may ipagtanggol lang. Sa una magiging ganito talaga ito, pero alam niyang sa pagdaan ng m
GALAITING SINIPA ni Everly ang lalaki sa mukha nang walang anumang salita. She hooked the man’s neck, clamped it hard and forced him back to the pillar on the side. Everly raised his knee fiercely and slammed it directly into the man’s face. Paulit-ulit niya iyong ginawa. Gulantang na pinanood lang siya ni Roscoe na sunod-sunod ng napalunok ng sariling laway na para bang nanonood siya ng action movie ng live. Hindi makapaniwala na marunong itong makipaglaban? Itinapon ni Everly ang lalaki sa sahig with a fierce back throw. Bingi na siya sa sigawan ng mga taong pilit na siyang inaawat at natatakot na baka mapatay niya ang lalaking kanyang kalaban.“Hindi ba babae ang ina mo at ganyan ka trumato ng mga babae ha?!” Duguan na ang gilid ng labi ng lalaki na pumutok. Tulalang napatitig na ito sa kisame. Malamig ang tinging ipinukol sa kanya ni Everly. She lightly rubbed the corner of her mouth with her fingertips. Dinuro niya ang nakahiga pa ‘ring lalaki na iniinda ang sakit ng likod. Di m
PUNO NG KUMPIYANSANG sinalubong ni Everly ang matalim na mga tingin ng lalaki sa kanya. There were things she had never understood before, but now she understood them all after being hurt all over by Roscoe. Katangahan lang kung pipiliin niyang magpa-under sa isang lalaki lalo na kung nakikita naman niyang hindi rin naman siya nito pinapahalagahan. “Stop meddling in other people’s business here!” marahas na sigaw ng lalaki kay Everly kung saan ay nanlilisik ang kanyang mga matang nakaburo sa mukha ng babae, “Pwede ba ha?!”“Hindi naman ako nakikialam sa kung anong problema niyong mag-asawa. Sobrang nakakatamad kaya. Sumingit lang ako at nagsalita dahil masyado mong minamaliit ang mga babae.” kalmado ang boses na sagot ni Everly na humakbang papalapit sa lugmok na lalaki. “Hindi mo ba alam na sa panahon ngayon pantay na ang karapatan ng mga babae at lalaki? Huwag kang mangdikta sa kung ano ang gustong gawin ng asawa mo sa buhay niya. Karapatan niyang mamili kung susuko na siya o lalab