Masuk"Anong gusto mong gawin ko? Maging…"Bahagyang lumayo si Clara sa pinto nang marinig iyong sinabi ni Victoria. Unang araw niya sa trabaho, ayaw niyang mapagbintangan na nakikinig ng usapan.Kailangan niyang mag-ingat upang magtagal sa trabaho kaya nanatili siya sa may railings. Hanggang sa mapansin niya ang mga naka-display na picture frame at paintings.Hindi na bago sa kanya ang ganoong decorations dahil sa tahanan ng biyenan ay ganoon din. Hanggang sa mapukaw ng atensyon niya ng malaking family portrait sa mismong sentro pa ng hagdan.Anim na tao ang nasa portrait, kabilang si Victoria at sa dulong bahagi ang sa tingin niya ay asawa nito. Napagigitnaan ang dalawang batang lalake habang sa likod naman ang dalawa pang tao."Mukha silang mag-asawa," anas niya saka muling binalik ang tingin sa larawan ni Victoria. "Mukha pa siyang bata rito. Ga'no na kaya katagal ang portrait na 'to?" Muli siyang napatingin sa dalawang bata… tila pamilyar sa kanya ang "Anong ginagawa mo rito, Nurse Cl
NAPAPAILING na lamang si Clara sa pinagsasabi ng kaibigan. "'Di ba, interesado ka sa kanya? Ba't parang nirereto mo ata sa'kin?""Anong magagawa ko kung ikaw ang gusto? Siyempre maggi-give up ako.""Tingin mo ba, may time ako para mag-entertain ng iba? Ang dami kong problema na kailangan isipin. Saka, kaibigan lang ang tingin ko kay Alaric.""Pero siya ba, 'yun ang tingin?"Hindi siya makasagot at pinili na lamang maglakad papasok sa apartment. Sinundan naman siya ni Janice, naroon ang nakakalokong ngiti sa labi."Uy, umiiwas. Kilala kita, tahimik ka lang 'pag interesado—"Iniwan na ito ni Clara, hindi na niya kinakaya ang sinasabi ng kaibigan. Dumiretso siya sa kwarto at ni-lock ang pinto saka tiningnan nang masama na para bang nakatingin sa kaaway. "Nakaka-intimidate lang siya kaya gano'n," aniya, na para bang maririnig ni Janice ang paliwanag niya.Pagkatapos ay napaisip… bakit nga ba? Mukha naman itong mabait at magalang pero bakit iba ang pakiramdam niya pagdating kay Alaric?Nak
PAGPASOK ni Alaric sa bar ay agad niyang hinanap sa paligid si Clara, pero hindi niya ito makita sa dami ng customer. Nang tatawagan na niya ang tauhan ay nakita na niya ito sa wakas, natatakpan ng isang matangkad na lalake.Humigpit ang hawak niya sa phone at agad na naglakad palapit. Hinawi niya ang lalakeng nakikipag-usap kay Janice.Nainis ang lalake sabay tingin sa kanya nang masama. "Anong problema mo?!""Sorry, may tumulak sa'kin," palusot niya sabay tingin kay Clara. Nanlaki ang mata nito nang magtagpo ang tingin nila.Tumingin ang lalake sa likod ni Alaric pero nang makitang wala naman katao-tao at maluwag ang espasyo ay lalong nagalit. "Pinagloloko mo ba 'ko?! Wala naman—""Excuse me," awat ni Janice. "Ang ingay mo, so, please. Umalis ka na lang.""What?!" react ng lalake, akmang susugod nang humarang si Alaric at may pagbabanta sa mga mata.Kinabahan ang lalake, ngunit bago pa lalong lumala ang tensyon ay sinundo na ito ng mga kasamahan. "Tama na 'yan, sa iba na lang tayo."
MULA sa kwarto ay bumaba sa unang palapag si Janice, nakita niyang nakatitig pa rin ang kaibigan sa document kaya nilapitan niya ito. "Baka naman malusaw 'yan or may mabago sa nakasulat," biro niya.Napangiti si Clara saka niligpit ang document, binalik sa envelop. "Sobrang saya ko lang na sa wakas, mababalikan ko na ang propesyon ko." Pagkatapos ay pumanhik siya sa taas para itago ang document sa drawer kasama ang ibang mahahalagang papeles na meron siya.Sumunod si Janice ngunit nanatili lang siya sa hamba ng pinto habang pinapanood ang kaibigan. "Babalik ka pa ba sa school?"Napasinghap si Clara, nalimutan niyang may trabaho pa siya. "Hala, kailangan ko nang bumalik. Maraming huhugasan at liligpitin sa canteen." Saka siya nagmamadali at nilagpasan ito."Ingat sa pagmamaneho!" pahabol ni Janice."Okay!" ani Clara na kumakaway-kaway habang tumatakbo pababa ng hagdan hanggang sa tuluyan nang nakalabas ng apartment.Si Janice naman ay bumalik sa kwarto, nagpasiyang matulog at binabalak
BUKAS ang bibig at hindi makapaniwala si Janice sa narinig na kuwento. Tulala siya ng ilang segundo nang biglang kilabutan at hinimas-himas ang sariling braso."Nakakatakot.""Talaga, kaya secret lang natin 'to. 'Wag na 'wag mong babanggitin kay Ethan dahil ayokong malaman niyang may alam ako. Mas safe rin para sa'tin dalawa na kunwari ay wala tayong alam," ani Clara.Mabagal ang pagtango ni Janice, hindi pa gaanong nagsi-sink in sa utak lahat. "Masamang-tao pala talaga 'yang ex mo… kaya dapat ka talagang umiwas.""Iyon na nga ang isa sa problema dahil makulit siya."Pagkatapos ay sabay silang napabuntong-hininga. "Kung mayaman lang sana ako, matutulungan kita," ani Janice.Napangiti si Clara sabay yakap sa kaibigan. "Maghanap ka na kasi ng sugar-daddy para magpapa-ampon na lang ako sa'yo," biro niya para gumaan naman ang usapan."'Di bale, bukas pupunta ako sa club. Baka makabingwit ako ng mayaman," pagsakay pa ni Janice sa biro.Ngumiti si Clara kahit hindi naman talaga siya masaya.
NANG manumbalik sa normal ang pakiramdam ni Clara ay saka niya binuksan ang pinto ng banyo sabay silip sa labas. Wala na sa kwarto si Ethan, tuluyan na itong nakaalis kaya sinamantala niya ang pagkakataon at nagmadaling bumalik sa silid ni Ysabelle.Ni-lock niya ang pinto at pagkatapos ay sumampa sa kama. Binalot niya ang sarili sa kumot habang iniisip ang narinig kanina. Biglang sumagi sa isip niya ang nangyaring insidente sa kulungan kung saan ay namatay ang mga tao na bumugbog dito."Don't tell me... may kinalaman siya ro'n? P-Pinapatay niya ba ang mga ito at sinadyang pagmukhaing aksidente lang ang nangyari?" Natatakot siya at kinikilabutan sa naiisip. Hinala niya lang iyon ngunit paano kung totoo nga?Mas higit niyang dapat layuan si Ethan, mapanganib itong tao.Gumalaw bigla ang doorknob, napatingin siya roon ng may takot. Hanggang sa may kumakatok na kaya nagsalita na siya, "S-Sino 'yan?""It's me," boses ni Ysabelle kaya dali-dali niyang binuksan ang pinto."Ba't ka nag-lock?
MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong t
NGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae.""Pero gusto ko pa rin malaman—""Mommy!"Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taon
ALAS-NUEBE na ng mga sandaling iyon. Nasa kama na si Clara ng sandaling iyon, may hawak na libro kunwari ay nagbabasa kahit ang totoo ay hinihintay lang niyang tumabi ang asawa.Kanina pa ito sa harap ng laptop, nagtatrabaho. Nang saglit itong tumigil para hilutin ang noo matapos alisin ang eyeglas
HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato







