로그인Mahinang tunog ng mga machine ang siyang narinig ni Nicolo nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata subalit muli din siyang napapikit nang malabo ang nakikita niya. Ilang sandali pa'y naramdaman niyang parang may nagkakagulo sa paligid niya.Nang magmulat siyang muli ay mga malabong anaag ng mga taong naglalakad paroon at parito kaya naman pumikit siya sa ikalawang pagkakataon at muling hinila ng kadiliman.Nang magising siya, medyo malinaw na ang kanyang paningin. Bumungad sa kanyang mga mata ang puting ilaw sa kisame. Pinakiramdaman niya ang sarili niya. May bagay na nakalagay sa kanyang ilong at nang iniangat niya ang kanyang kanang braso, may swerong nakakabit doon.Maya-maya pa'y nangunot ang kanyang noo nang mapagtantong nangayayat siya. Pumikit siya at pilit na inalala ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatili sa ganung posisyon subalit nang magmulat siya ng mga mata, napasinghap siya sa gulat.
Tumango siya sa sinabi ng Lieutenant General at tahimik na naupo sa isang bakanteng silya nang magsimula ng magsalita ang presidente."Alam kong alam mo na ang tungkol sa experiment. Your Commander had discovered the dead bodies of the test subjects before the wipe out so we made sure they wouldn't make it out alive," nakangiting wika ni Diego.Hindi naman sumagot si Dante at nanatili lang na tahimik sa kabila ng pagyukom ng kanyang kamao. That discovery that caused the lives of many."And because they are your men, I know you cherished them kaya naman, ibibigay ko sa iyo ang isang napakagandang posisyon. You will become the Director of National Intelligence as a compensation to shut your mouth," pagpapatuloy pa ng lalaki.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa presidente. Buong akala niya noon ay may mabuting puso ang lalaki noong nanalo ito dahil napag-alaman na ang kalaban nito sa posisyon noon na dating senator ay isang mafia boss. Subalit hindi niya lubos akalain na pareho lan
Sa loob ng ilang segundo habang nasa ere, tila huminto ang mundo para kay Nicolo. Ang tanging naririnig niya ay ang mabilis na tibok ng kanyang puso at ang pagpihit niya sa kanyang katawan para siguruhing siya ang sasalo sa lahat ng bigat. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at habang bumubulusok sila pababa, ang nakangiting mukha ni Autumn ang tanging nasa isipan niya.BLAG!Ang tunog ng pagtama ng likod ni Nicolo sa semento ay hinaluan ng pagputok ng isa pang tangke sa loob ng laboratoryo. Ang impact ay sapat na para magdilim ang paningin ni Nicolo. Ramdam niya ang bawat buto sa kanyang likuran na tila nadurog, pero ang kanyang mga braso ay nanatiling nakakulong sa katawan ng babaeng hawak niya, hindi hinayaang tumama kahit ang dulo ng buhok nito sa matigas na sahig.Sa nanlalabo niyang mga mata, natanaw niya ang tuluyang pagkatupok ng buong laboratory. Pumailanlang sa buong paligid patungo sa himpapawid ang makapal na usok. Naramdaman niya ang paggalaw ng babae na iniligtas niya. T
Bumagsak ang katawan ni Nicolo sa unang palapag kasabay ng mga debris at bakal. Nakaramdam siya ng matinding kirot hindi lang sa kanyang balikat, kundi sa buong katawan. Ang huling nakita niya sa itaas ay ang liwanag ng apoy na unti-unting lumalamon sa laboratoryo.Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata. Malabo ang lahat. Ang tanging naririnig niya ay ang matinis na ugong sa kanyang tenga at mga iyak at sigawan hindi kalayuan sa kanya.Ilang segundo siyang nanatili sa ganung posisyon bago dahan-dahan na bumangon. Ipinilig niya ang kanyang ulo para kahit papaano ay bumalik siya sa kanyang huwisyo. Maya-maya pa'y dumako ang kanyang mga mata sa isang babae na nakasalampak sa sahig. Umiiyak ito kasama ang isang doktor na pamilyar sa kanya. At kung hindi siya nagkakamali, that was Doctor Ares, ang head researcher ng naturang project.Dahan-dahan siyang gumapang patungo sa kinaroroonan ng dalawa. Subalit nang tingnan niya ang injury ng doktor, hindi bala o pagsabog ang dahilan ng pagka
Natigil sa paglalakad si Nicolo sa loob ng laboratory nang makarinig siya ng malakas na pagsabog. Agad niyang hinawakan ang dala niyang radyo para kausapin ang kanyang mga juniors. Bago siya pumasok sa loob kanina para hanapin si Benedict, mahigpit niyang bilin sa mga kasamahan niya na bantayan ang mga bangkày sa labas."Santos... Do you hear me? Report the situation in your perimeter," aniya subalit tanging static sound lang ang naririnig niya sa kabilang linya."Santos... Answer me... Anong nangyayari diyan sa labas?"Pero ang tanging naririnig niya sa radyo ay ang mahinang tunog ng hangin at ang malayong alingawngaw ng mga putok ng baril mula sa labas."Corporal Reyes... Alpha Three... nasaan kayo?" muli niyang sinubukan, ang kanyang kamay ay nanginginig habang pinipindot ang button. "Bumalik kayo sa poste. I-secure ang perimeter. Huwag ninyong hayaang makatakas si Cervantes! Report!"Subalit wala talagang sumagot kahit isa manlang sa mga ito. Napagtanto niya kung gaano kaseryoso a
Tumayo na siya at kumuha ng tissue para linisin ang kanyang mga kamay na may bahid ng dugo. Even his face has some bloodstain because of how he slit Ares' neck. Damn it! Did he waver because he used to be his friend?Nang lumabas siya ng opisina ay agad siyang sinalubong ni Axel. Napasulyap ito sa loob kung saan nakita nito ang nakahandusay na katawan ni Ares. Agad na rumehistro ang takot sa mga mata nito dahilan para umangat ang sulok ng kanyang mga labi."Got any problem, Axel?" Malamig niyang tanong.Sunod-sunod ang naging pang-iling ni Axel. He nodded and put the chips inside his pocket. "Call the elimination team to perform a wiped out. Walang ititira na kahit isa sa mga researchers at test subjects. Everyone must be killed including the guards and the soldiers outside," maawtoridad at walang emosyon niyang utos.Literal na nanlaki ang mga mata ni Axel at hindi makapaniwalang napatitig sa kanyang boss. "Ipapawipe out niyo po ang buong research team?""Yes. Why? May plano ka bang
Bago paman makapagsalita si Adela, nagmartsa na si Autumn paakyat sa kanyang silid subalit bago paman siya tuluyang makapasok, nakita niya ang paglabas ng kanyang Daddy mula sa opisina nito. Hindi siya sigurado kung narinig nito ang pagtatalo nila ng kanyang ina pero wala siyang pakialam. Ang nais
"Aalis ka na ba, Benedict?" Tanong ni Adela nang makita niya ang lalaki na lumabas mula sa opisina ng kanyang asawa."Ah, opo. May gagawin pa po kasi ako sa opisina eh," sagot ni Benedict at masuyong ngumiti sa ginang."Ganun ba? Sayang naman. Nais pa naman sana kitang makakwentuhan," nakanguso nit
"Bakit kasama mo ang anak at apo ko?" May diin na bigkas ni Rodolfo nang silang dalawa nalang ni Benedict ang magkaharap. Subalit sa kabila ng galit biya, nanatiling kalmado ang ekspresyon ng huli. "Why? May problema ba kung kasama ko sila?" "You still have the nerve to ask me that question?!" Nan
Pagkatapos ng kanilang tanghalian, nagpresinta pa si Benedict na ihatid sila pauwi. At dahil wala pa naman ang driver nila at inaantok na si Neo, wala na siyang nagawa pa kundi ang paunlakan ang ang alok nito."Maraming salamat sa paghahatid mo sa amin, Benedict," ani Autumn nang makarating na sila







