Share

Chapter 11

Nagising si Jillian dahil sa naramdamang matinding lamig. Nakabukas na nga ang mga mata niya pero puro kadiliman ang kanyang nakikita.

Mapait siyang napangiti nang maalala ang huling nangyari. Hinataw lang naman siya ng baril sa leeg. Ramdam pa niya ang kirot doon.

Pinakiramdaman ni Jillian ang paligid lalo na ang kanyang katawan. May naririnig siyang paisa-isang mga patak ng tubig. At base na rin sa tunog ng pagbagsak nito, natitiyak niyang nasa basement siya o di kaya ay sa bodega o kwarto na walang kalaman-laman. Pero mas maganda siguro na sabihin na nasa torture room siya.

Nakapiring ang mga mata niya. Mahigpit din na nakatali ang kanyang mga kamay at paa. Nakahandusay siya sa malamig na semento. Wala na ang mahaba niyang suot. Iniklian lang iyon at binawasan upang maramdaman niya ang lamig sa buong paligid.

Ngunit kahit sa gitna ng kaawa-awa niyang itsura ay umusal pa rin siya ng pasasalamat nang maramdamang walang kakaiba sa kanyang katawan lalo na sa pagitan ng kanyang mga hi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status