Kaya naman, sa elevator ay mumunting dalangin ang lumalabas sa bibig ni Warren. Kinakabahan siya, hindi niya alam kung paano haharapin si Magnus.
Walang nagtatagal na sekretaryo kay Magnus dahil napakametikuluso nito at hindi nito tinotolerate ang kahit na kaunting pagkakamali. Parang robot ang kanilang boss, magaling sa maraming bagay, ngunit kulang sa simpatya at pang-unawa sa ibang tao. Muli ay napatingin siya sa dokumento. Hindi niya naisip na darating sa punto na maghihiwalay ang Madam at si Mr. Esquivel. Napakahaba ng pasensya ni Yamila. Bukod tangi ito sa lahat. Mahal na mahal nito si Magnus at saksi siya kung gaano nagtiis ang babae sa pambabaliwala at malamig na pakikitungo ni Magnus. Nagsawa na ba si Yamila? O napagod na? Sayang. Maganda pa naman ito at mabait. Bulong ng isip ni Warren. Ang kagaya ni Yamila ay hindi dapat na hinahayaang mawala. Ngunit ano'ng silbi ng kaniyang opinyon? Magkaiba sila ni Magnus. May dahilan ito para ayawan si Yamila... ngunit hindi niya matukoy kung ano ang dahilan. Sa opisina naman ay tahimik na nagbabasa si Magnus ng mga dokumento sa kanyang mesa pagkatapos ng kanilang meeting. Ang liwanag ng araw na tumatagos mula sa malalaking bintana ay dumadampi sa kaniyang matikas na anyo, tila mas pinapatingkad ang mala-diyos niyang mukha. Ngunit kahit anong ganda ng liwanag, wala siyang mabasa. Ang isip niya ay puno pa rin ng larawan ni Yamila kagabi– ’yong kalmadong tingin, ’yong malamig na boses, ’yong pakawalang loob na pag-alis. Parang unti-unting kinakalawang ang kaniyang puso. Naghintay siya kagabi, naisip niyang babalik pa si Yamila sa kanilang bahay. Ngunit nag-umaga na lamang ay hindi na ito bumalik. Hindi na niya nakita ang babae, at wala siyang alam kung saan ito nagpunta. Dalawang katok mula sa pinto ang gumulat sa kaniya. Agad niyang naibaling ang tingin doon at nakitang dahan-dahang pumasok si Warren, hawak ang ilang papel na tila mabigat sa kamay. Saktong nagtama ang mga mata nilang dalawa nang mag-angat ito ng tingin. “Anong kailangan mo?” Malamig na tanong ni Magnus, ang boses niya ay parang yelo na agad pumapatay ng init sa paligid. Mariing lumunok si Warren bago iniabot ang dokumento. “Mr. Esquivel… ito po ang iniwan ng Madam Yamila.” Inilapag ni Warren ang papel sa ibabaw ng mesa nang hindi iyon tanggapin ni Magnus. Bahagyang kumunot ang noo ni Magnus. Nang marinig ang pangalan ni Yamila lalong tumalim ang tingin niya. “Si Yamila ang nagpadala?” Tumango si Warren, pilit pinapakalma ang sarili. Dinampot ni Magnus ang papel. Sa unang titig pa lang sa pirma ni Yamila sa dulo, kumulo na ang dugo niya. Divorce Agreement. Mariin niyang itinikom ang kaniyang bibig at ang mga mata ay nagdilim. “Yamila… napakagaling mo talaga.” Mapait niyang bulong. Bawat linya ng kasunduan, bawat hati ng ari-arian lahat ay nagmistulang patalim na humihiwa sa kaniyang pride. Napalalim ang kaniyang hininga bago ngumisi ng malamig. “President…” alanganing boses ni Warren. Kahit nanlalamig, pilit niyang pinagpatuloy. “Sabi rin ni Yamila kung maaari ay pirmahan niyo na raw po kung may oras na kayo.” Mabigat ang katahimikan. Dahan-dahang iniangat ni Magnus ang tingin— sobrang lamig na para bang mula sa ilalim ng isang bangin. Halos mapaatras si Warren, at agad nang nagpaalam. Halos tumakbo itong palabas, mabilis pang isinara ang pinto. “Divorce?” ulit ni Magnus habang nakatitig sa papel. Sinabi niyang babalik na si Irina, iniutos niyang umalis na ito sa kanilang bahay, pero hindi niya sinabing maghihiwalay na sila sa legal na proseso. Ito na mismo ang nagkusang alukin siya ng dibursyo. Ibigsabihin lamang, matagal nang nakahanda si Yamila sa kanilang paghihiwalay. Baka pa nga ay pinagplanuhan na nito ang dibursyo bago siya nito pinakasalan. “Yamila bakit ba palaging ikaw ang masusunod sa ating dalawa?” Pinisil niya ang dokumento hanggang sa magusot, bago basta na lamang itinapon sa drawer. Para sa kaniya, isa lang itong bagong laro ni Yamila— at wala siyang balak lumahok sa mga patibong nito. Ngunit ang hindi niya alam, desidido na itong hiwalayan siya at tapusin ang lahat sa kanilang dalawa pagkatapos nang ginawa niya. Buo na ang loob ni Yamila na baguhin ang kapalaran nito. Nagtiim-bagang si Magnus. Mas lalong tumindi ang kaniyang galit. Sa oras na magkita sila ay baka makagawa na naman siya ng kasalanan kay Yamila. Maghapon siyang galit, nakakunot ang noo, agresibo sa lahat ng bagay, at napapansin ang lahat ng pagkakamali ng kaniyang mga empleyado. Kaya ang mga empleyado ay takot na takot at umiiwas sa kanilang boss. Kahit si Warren ay ayaw nang bumalik sa opisina nito. Nang matapos ang trabaho ay diretsong umuwi si Magnus. Madilim pa rin ang kaniyang mukha at handa nang ilabas ang kaniyang galit sa kalapastanganan ni Yamila na alukin siya ng dibursyo. Ngunit pag-uwi niya'y tahimik ang buong kabahayan. Wala siyang naabutang Yamila. Hindi na naman ito umuwi. Magdamag siyang naghintay, ngunit ni anino nito ay hindi na muling nagpakita. Hindi na siya binalikan ng babae. . . . Isang buwan ang lumipas. Nakatitig si Yamila sa test report mula sa obstetrics and gynecology. Nanginginig ang kamay niyang may hawak na papel. Malinaw ang nakasulat. Positive. Pregnant. Isang buwan mula noong gabing iyon– ang tanging gabing pinagsaluhan nila ni Magnus– at ngayon nagdadalang tao na siya. “Misis..” seryosong wika ng doktor. “Maganda ang pagdevelop ng bata. Pero masyadong mabigat ang trabaho mo sa ospital. Mas makakabuti kung mag-leave ka muna ngayong first trimester.” Nanlamig ang buong katawan ni Yamila. Habang nakatitig sa papel, iisa lang ang bumabalik sa isip niya– paano kung malaman ito ni Magnus? Hindi na alam ni Yamila kung paano siya nakalabas mula sa departamento ng obstetrics at gynecology. Parang wala siya sa sarili habang naglalakad, at ang bawat hakbang ay mabigat na para bang may nakapasan siyang hindi nakikita. Ang mga kamay niya ay kusa na lang napadako sa kaniyang tiyan–patag, wala pang pagbabago, walang bakas ng anumang kakaiba. Ngunit sa ilalim ng katahimikan ng anyong iyon, may maliit na buhay na pala roon. Isang bagay na hindi niya inaasahang darating, at higit sa lahat, hindi niya akalaing darating ngayon. Sa panahong tuluyan na niyang isinuko ang kasal kay Magnus. Maraming gabi na niyang pinangarap ang sandaling ito. Na balang araw, mabubuntis siya sa anak ni Magnus at mararamdaman niya ang munting pintig na mag-uugnay sa kanilang dalawa habambuhay. Ngunit ang kapalaran ay tila mapait na biro. Dumating ito matapos niyang lagdaan ang kasulatan ng kanilang diborsyo. Matapos niyang lisanin ang kanilang tahanan para tuluyang maglaho sa buhay ni Magnus. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan, nakatitig sa malayong sahig na para bang may sagot itong kayang ibigay. Sa huli, nanginginig niyang kinuha ang cellphone at dali-daling tumawag sa isang numero. Sa kabilang linya, bahagya pang paos ang boses niya. "Yamila?" Ang nangungulilang boses ng matanda ang tumawag sa pangalan niya. Sumikip ang kaniyang dibdib. Bigla'y nakonsesya siya. Hindi niya gustong magdala ng problema, pero kailangan niya ng tulong. ”Lo...” mahina niyang sambit. “Lolo, I want you to do me a favor.” Hindi agad sumagot ang matanda sa kabilang linya. Napatingin siya sa screen ng kaniyang cellphone, naroon pa rin naman ito pero hindi nagsasalita. "Lo..." Huminga ng malalim ang kausap. “You know that I can't say no to you, apo. Kahit ano... kahit ano, Yamila.”Hindi inaasahan ni Magnus na masasaksihan niya ang ganitong eksena ng mag-ama. Hindi niya inakalang Si Irina ay anak din pala ni Yael. Namangha siya sa katapangan ni Yamila. Muling nagsalita si Yael. Nagngingitngit na ito sa galit. “Kung hindi mo ko tinuring bilang ama mo, kaya kitang patalsikin sa pamilyang ito!” Isang ngiti lang ang gumuhit sa labi ni Yamila “Talaga?” Lalong namula sa galit si Yael. Ni hindi niya man lang nakitaan ng takot si Yamila sa kaniyang babala. “Baka nakakalimutan mo, hindi ka dapat masyadong kumpiyansa sa sarili mo. Mali ang akala mo sa kakayahan mo.” dagdag ni Yamila. “You–” Napasinghap si Yael. Kahit anong pilit niyang itago halata ang kanyang kaba. Kahit sa harapan ni Magnus, wala siyang mukhang mailalaban. “Yamila!“ nanginginig ang tinig niya. “Magkadugo kayo ni Irina sa ayaw mo o hindi!” Natawa ng mapait si Yamila. “Magkadugo? Kung pagiging anak sa labas lang naman ang ambag niya para matawag kong kapatid, walang saysay sa ak
Nang magtama ang tingin nila ni Magnus, puno ng panlilibak at galit ang mga mata ni Yamila. Para bang isang mapurol na sibat ang biglang tumusok sa dibdib ni Magnus nang makita niya ang naglalarong emosyon sa mga mata ng babae. Hindi siya sanay. Tatlong taon niya itong pinabayaan, trinato na parang wala. At kahit minsan, hindi siya nakakita ng ganitong klaseng galit sa mga mata nito. Pero ngayong gabi… ibang-iba. May halong poot. May halong pagkamuhi. Tahimik lang si Magnus. Malamig ang kaniyang titig na walang imik. Ngunit sa ilalim ng kaniyang tahimik na anyo, ramdam niya ang malamig na pakiramdam na unti-unting bumabalot sa kaniya. “Magnus, halika. umupo ka. Kilala mo na pala si Celeste?” Masigla at halos sobra ang pagiging magiliw ng tono ni Yael. Ngunit halata ang kaniyang intensyon. Habang nagsasalita siya, panaka-naka ang sulyap niya kay Yamila. Tila ba sinasadya niyang iparamdam ang insulto sa anak. “Mmm. Well, Irina saved my… sister.” Kaswal lang ang tono ni Ma
Hawak-hawak ni Yael Marasigan ang kamay ng dalagang nasa tabi niya, bahagyang nahihiya ang ekspresyon sa mukha nito bago tumingin kay Yamila. “Inyayahan kitang pumunta ngayon dahil gusto kong ipakilala sa’yo ang kapatid mo, si Celeste Irina De Vera. She's your sister, Yamila. Dalawang buwan lang ang pagitan ninyo kaya alam kong magiging komportable ka sa kaniya.” Kapatid? Sa wakas nabasag ang malamig na ekspresyon ni Yamila, ngunit nanatiling mariin ang pagkakatikom ng kaniyang mga labi. Matagal na niyang alam na may ibang babae si Yael, kung sino-sino na rin ang nali-link sa kaniyang ama. Ngunit ni minsan hindi ito nagdinala ng babae o ng anak nito sa labas sa kanilang bahay para pormal na ipakilala sa kanila. At ngayon… Anong ibig sabihin nito? “Mr. Marasigan, nagkakamali ka yata,” malamig ngunit matalim na sambit ni Yamila. “Hindi ko matandaang nagluwal pa ng ibang anak ang mommy ko bukod sa akin. Saan mo naman nakuha ang basurang ‘yan? Kakauwi ko lang at ito agad ang
Pagkatapos ng duty, gusto na lang sana ni Yamila umuwi at makalimutan ang lahat. Pero paglabas niya ng ospital, bumungad si Warren sa pintuan, nakangiti at nakatayo parang body guard. “Mrs. Esquivel,” bati nito. Napakunot lang ng noo si Yamila at halatang hindi natutuwa sa biglang pagsulpot ng sekretaryo ni Magnus. “Warren, what suddenly brought you here? And please, wala na kami ni Magnus. Huwag mo na akong tawaging ganiyan." “Okay, madam, I’ll remember it.” Ngumiti si Warren pero halata sa tono niyang hindi siya seryoso. “Madam, please this way. Mr. Esquivel is waiting for you in the car.” Napabuntong hininga na lang si Yamila. Wala na siyang enerhiya para makipagtalo. Imbes na sumama, dumiretso siya sa sariling parking space, ni hindi man lang nilingon ang itim na BMW na nakahimpil sa gilid. “Madam…” humabol si Warren, pero sinalubong siya ng matalim na tingin ni Yamila kaya napatigil ito, hindi na alam kung susundan pa ba siya o hindi. Pagpasok niya sa sariling
Muling bumulusok ang bigat sa dibdib ni Magnus. Mariin ang pagkakakuyom ng kaniyang kamay sa hawakan ng pinto. Nagtaka si Yamila nang mapansing hindi gumagalaw ang tao sa may pinto. Kaya tumingala siya. Halos manlumo siya sa kinauupuan nang makaharap niya ang tao mula sa pintuan. Nang nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas, iniisip niyang posibleng magkita sila ni Magnus. Pero hindi niya akalaing ganito kaaga. At sa ganitong sitwasyon na hindi siya handa. Nakatitig siya sa gwapong mukhang naka-ukit na sa alaala niya. Ang kamay niyang nakatago sa ilalim ng mesa, kusa nalang napakuyom. Pinilit niyang itago ang kaba at nagkunwaring kalmado. Naalala niya bigla si Mia. Ito ang niligtas niya kanina. At bilang kapatid nito, hindi nakakapagtaka na narito si Magnus. “Mr. Esquivel.” Pilit niyang pinapormal ang kaniyang tono. Ngunit nanatiling malamig ang tinig niya, at sapat iyon para kumunot ang noo ni Magnus. Apat na taon. Apat na taon na mula nang huli niya itong nakita.
Apat na taon ang mabilis na lumipas. Abala ang pasilyo ng ospital, paroo't parito ang mga empleyado, nars, at mga doktor. Simula pa kahapon ay abala palagi ang emergency room at hindi sila pinagpapahinga sa sunod-sunod na pagdating ng mga pasyente. “Dra. Marasigan, ’yong pasyente sa Emergency Room No. 3 critical na po. Pinapatawag kayo ni Dr. Lorenzo." Anunsyo ng intern nurse nang nasa opisina siya. “Okay.” Sanay na si Yamila na halos wala na siyang pahinga. Kapag nasa ospital siya, saka lamang siya nakakapagpahinga kapag kakain siya o kaya'y uupo sa harap ng kaniyang computer para tingnan ang kaniyang record. Pagdating ni Yamila sa pintuan ng emergency room, muntik siyang matigilan. Ang nakahiga sa stretcher na halos mawalan ng malay, ay ang babaeng hinding-hindi niya inakalang makikita agad sa pagbabalik niya. “Mia?” Mahina niyang bulong. Si Mia ay kapatid ni Magnus. Ang hipag niyang matagal nang kaaway. Hindi sila magkasundo ni Mia. Malaki ang galit nito sa kaniya sa