تسجيل الدخولHumaharurot na ang sasakyan. Tumakbo si Anton patungo sa gilid ng kalsada, ngunit nakaliko na ang van at tuluyan nang nawala sa kanyang paningin.Agad siyang kinabahan.Hindi ito Santa Catalina. Nasa provincial capital sila. Kung nasa Santa Catalina lamang siya, madali niyang mahahanap si Alissa at mapapakuha rito ang mga CCTV footage sa highway upang matunton ang sasakyan. Pero dito, wala siyang kakilala.At kahit may mahanap siyang tutulong sa kanya, natatakot siyang baka huli na ang lahat kapag natagpuan niya si Abigaile—baka malubha na ang sinapit nito.Mabilis na bumalik si Anton sa puwesto ng mga pagkaing panggabi at dumiretso sa may-ari.“Sino talaga ang lalaking mahaba ang buhok kanina? Saan siya nakatira?”Mukhang nasa edad trenta na ang may-ari at halatang natatakot na mapasama sa usapan. Umiling siya. “Hindi ko alam. Hindi ko siya kilala.”“Sino siya?” Galit na umungol si Anton at buong lakas na hinampas ang isang mesa sa tabi.Bumigay ang mesa sa lakas ng kanyang hampas. N
Alas-onse na ng gabi nang tuluyang lumapag ang eroplano sa Venido.“Bakit ba palaging delayed ang mga flight?” inis na reklamo ni Abigaile habang bumababa ng eroplano.“Tatlumpung minuto lang naman ang delay. Hindi naman ganoon katagal,” sabi ni Andrea.“Gutom na gutom na ako!” Hinaplos ni Abigaile ang kanyang tiyan at kaawa-awang tumingin kay Anton.“Bayaw, bilisan mo naman! Dalhin mo kami sa may masarap na pang-midnight snack!”“Sige. Maghanap muna tayo ng makakainan. Dito na tayo magpalipas ng gabi sa provincial capital, tapos bukas na tayo sumakay ng bus pauwi sa Santa Catalina,” sabi ni Anton.Nakahanap ang apat ng isang maliit na puwesto ng mga pagkaing panggabi malapit sa paliparan at doon umupo. Matao ang lugar at halo-halo ang mga taong naroon.Pagkaupo pa lamang ng apat, agad na silang nakakuha ng maraming atensyon. Kapansin-pansin ang kagandahan ng tatlong babae. Kahit alin sa kanila ay kayang mapansin agad sa gitna ng dose-dosenang dalagang naroon.Malamig at elegante ang
(Bayagra po iyong nakita ni Anton sa ilalim ng unan, hindi menstrual pad)Hindi kailanman inakala ni Anton na mauuwi sa ganoon ang sitwasyon. Sandali siyang natigilan at hindi alam kung ano ang sasabihin.Yumuko si Amanda, kasinghiya ng isang dalagang nasa bente anyos, saka dali-daling pinulot ang bagay at itinago sa drawer.“Hindi ako ang bumili niyan... Si Arnold... Hindi ko alam kung saan niya nakuha. Hindi ko pa naman iyon nagagamit.”Sa ilalim ng unan pa talaga itinago. Sino ang nakakaalam kung gaano na niya katagal ginagamit, tapos sasabihin niyang hindi pa niya nagagamit?Talagang hindi mo basta-basta mapagkakatiwalaan ang sinasabi ng isang babae.“Si Arnold kasi... hindi siya ganoon kagaling sa bagay na iyon. Nakonsensya siguro siya, kaya niya binili ang bagay na iyan...” alanganing paliwanag ni Amanda.Sandali... impotente ba si Arnold?“Aalis na muna ako.”Habang unti-unti nang nawawala ang pagpipigil niya sa sarili, mabilis na tumakbo palabas si Anton.Ayos lang ang asaran,
Maya-maya, nagmamadaling bumalik si Amanda kasama ang tatlong babae, na bawat isa ay may dalang malaking supot ng mga pinamili.May baka, tupa, manok, baboy—halos lahat ng klase ng karne, maliban na lang sa laman ng tao. May mga isda, hipon, alimango, at iba't ibang uri ng shellfish. Mayroon pa ngang apat o limang klase ng gulay.Ano ba ito? Ginawang palengke ang bahay?Napangiwi si Anton nang makita ang dami ng kanilang dala. “Ang dami naman nito. Mauubos ba natin lahat?”Ngumiti si Amanda. “Iba-iba ang panlasa ng bawat isa. Pumili lang tayo ng dalawa o tatlong putahe bawat isa. Hindi naman puwedeng may mapabayaan sa atin, di ba?”“Bayaw, ikaw na ang bahala rito. Andrea, tara, bumalik tayo sa kuwarto at manood ng TV. May ilang episodes pa tayong hindi natapos kagabi.”Hinila ni Abigaile si Andrea at umakyat sa kuwarto.“Alam mo namang hindi ako ganoon kagaling sa kusina. Baka lalo ko lang guluhin ang pagluluto,” walang magawa na sabi ni Marionne. “Ang init pa naman. Pinagpapawisan n
“Paano mo nalaman na narito ako?” curious na tanong ni Anton. "Lumipad ka pa galing Pinas."“Hindi naman mahirap alamin kung nasaan ka,” natatawang sagot ni Uno.“Nagtataka ako kung bakit mo ako pinapunta rito, Chief.”“Gusto kong tanungin kung pag-iisipan mong bumalik sa Dragon Group para sa espesyal na operasyon.”Napakunot-noo si Anton sa narinig.“Bagama’t hindi na ako bahagi ng Dragon Group, naririnig ko pa rin ang mga nangyayari roon. Napakaseryoso na ng sitwasyon ng buong Dragon Group. Kailangan nila ng isang taong kayang humarap at mamuno sa operasyon. Kinontak ka rin ni Dos, hindi ba?”Tumango si Anton.“Gusto ka rin niyang maging commander-in-chief, tama?”“Nakipagpustahan siya sa akin, pero natalo siya. At hindi rin ako pumayag,” sagot ni Anton.Hindi nagulat si Uno, na para bang alam na niya ang lahat. “May iba pa bang sinabi sa iyo si Dos?”Tinitigan siya ni Anton.Paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ni Dos:Huwag basta magtiwala kaninuman.Dating pinu
Hindi alam ni Anton kung paano ilalarawan si Falcon.Sa kabuuan, mahusay itong tao—matalino, malakas, at may kakayahan. Ngunit isa rin itong tuso at mailap na tao. Bihira itong magsalita, at walang sinuman ang nakaaalam kung ano talaga ang nasa isip nito."Iwan muna natin ang ugali ni Falcon. Kung usapang pamumuno ng squad, hindi siya kwalipikado," sabi ni Dos. "Masyado siyang mayabang. Hindi niya kayang makisalamuha sa mga tauhan niya, kaya wala ring tunay na gumagalang sa kanya. Ikaw naman, sa lahat ng aspeto, ikaw ang pinakaangkop na maging commander-in-chief.""Isa akong tauhan ni Uno noon. Hindi ka ba nag-aalala?" tanong ni Anton."Nagtitiwala ako sa sarili kong paghuhusga. Ikaw ay si Anton. Hindi ka pag-aari ninuman." Mariing tumingin si Dos sa kanya.Matapos ang ilang sandaling katahimikan, nagsalita si Anton. "Sayang. Malaya na ako ngayon. Sabihin mo na ang pangalawa mong pakay, pagkatapos ay uuwi na ako sa asawa ko.""Ang ikalawang dahilan, gusto kong imbestigahan mo ang isan
Paglabas ni Anton mula sa coffee shop, muling bumigat ang kanyang pakiramdam. Isa-isang bumalik sa kanyang isip ang mga alaala. Hindi niya inakalang matapos ang mahigit isang taon ay ganoon pa rin kalinaw ang lahat. Akala niya ay nakalimutan na niya ang mga iyon, ngunit napagtanto niyang itinago la
Samantala, ay nagsisimula na ang pinakaemosyonal na parte ng kasal.“Mr. Daniel Corpuz, tinatanggap mo ba si Marionne Villamor, bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?" tanong ng pari habang hawak ang bibliya.“Opo,” walang pag-aalinlang
Samantala, sa loob ng isang pribadong kwarto.Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain sa hapag. May fresh tuna, malalaking lobsters, at kung ano-ano pa.“Sigurado akong hindi mo pa natitikman ang mga ito. Bukod sa mahal na ay de kalidad pa ang mga sangkap na ginamit!” Mabilis na sumandok ng pagkai
Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito







