Everisha POVNakatayo ako sa malaking sala ng mansiyon namin habang hinihintay ang pagdating ni Papa. Kanina pa ako kinakabahan mula nang sabihin ni Edric na gusto niyang makilala ang mga magulang ko. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat.Nang marinig ko ang tunog ng kotse sa driveway, tila tumigil ang mundo ko. Bumukas ang pinto, at pumasok si Papa, kasunod si Mama na sumundo sa kaniya sa airport. Pareho silang elegante sa suot nilang mga damit, pero kita sa mga mata nila ang pagod mula sa biyahe.“Everisha, we're here,” sabi ni Papa na binibigyan ako ng ngiti, pero alam kong gusto niyang malaman agad kung bakit ko siya pinatawag.“Papa, Mama, may gusto po akong ipakilala sa inyo,” sabi ko habang pilit nilalabanan ang kaba. Nilingon ko si Edric na tahimik na nakaupo sa isang sofa sa gilid. Tumayo siya nang makita ang mga magulang ko at maayos na tumango bilang pagbati.“This is Edric,” sabi ko habang itinuro siya. “Kapatid po siya ni Czedric.”Nanlaki ang
Czedric POVSa kalagitnaan ng gabi, halos mapuno ng tawa ni Marco ang lumang kubo sa gitna ng farm. Nakabukas ang isang bote ng alak sa lamesa, kasama ng ilang baso na puno pa. Ako naman, tahimik lang na nakaupo habang hawak ang baso ko, nakatitig sa malayo. Pero habang tumatagal, hindi ko na rin napigilan ang damdamin ko.“Marco,” sabi ko, sabay lagok ng alak, “kailan ko ba ulit makikita si Everisha? Kailan ko ulit makakasama ang nag-iisang babaeng mahal ko?”Tumawa siya nang malakas na halos mabitiwan ang baso niya. “Czedric, you’re hopeless!” biro niya. “Parang bata na nawalay sa nanay! Ang drama mo, bro!”Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Hindi ko na nga iniintindi kung anong sasabihin niya. Ang totoo, parang may bumabagabag sa puso ko. “I miss her, Marco,” sabi ko na halos hindi makatingin sa kanya. “I miss her so much it hurts.”“Alam mo, pre,” sabi ni Marco habang nilalagok ang natitirang alak sa baso niya, “kung ganyan ka nang ganyan, hindi mo maibabalik si Everisha. Stop cryin
Everisha POVNakatanaw ako sa malawak na tanawin ng South Korea mula sa isang maliit na burol. Ang hangin ay malamig at malinis tulad ng dati, puno ng sariwang amoy ng mga puno at damo. Kasama ko si Edric, ang kapatid ni Czedric, na ngayo’y tumuturo sa maliliit na kabahayan sa paanan ng burol.“This place,” sabi niya habang nakangiti, “was one of my favorite spots when I first moved here. Quiet, hidden, and away from the crowd.”Napangiti ako. “I can see why you love it here. It's beautiful and peaceful.”“South Korea has so many hidden gems,” sagot niya. “Places like this remind me of home, in a way. Simple, but meaningful.”Habang binabaybay namin ang maliliit na daanan sa likod ng burol, nakarating kami sa isang maliit na nayon na halos wala ni isang turista. Ang mga bahay ay tradisyunal, gawa sa kahoy at may mga palamuti sa harap ng bawat pinto.“Everisha, this is one of the places tourists never visit,” sabi ni Edric. “They’re too busy with the big cities and popular spots. But
Czedric POVTahimik ang gabi nang magsimula kaming magplano ni Marco. Galit na galit pa rin ako sa paninira ni Raegan sa Pamilyang Tani kaya lalo akong gagawa ng ingay para matakot na siya.Ang liwanag ng buwan ay bahagyang naglalagos sa makapal na ulap, tila isang paalala na kahit gaano kadilim ang paligid, may pag-asa pa rin. Nasa harapan namin ang isang mapa ng Batangas, nilalatagan ng mga marka ni Marco gamit ang pulang tinta.“This is the hacienda,” sabi niya habang tinuturo ang isang lugar sa mapa. “Raegan’s men are training here. Most of them are ex-convicts. He paid their way out of prison.”Napakuyom ako ng kamao. Ang galit ko kay Raegan ay mas lalong lumalim kasi naghahakot pa talaga siya ng mga kapwa niya criminal. “We need to stop them. They’re a danger to everyone.”“Exactly,” sagot ni Marco habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. “We’ll hit them hard and fast. No one gets out.”Tumingin ako sa kanya. “Sigurado ka bang handa ka para dito?”Ngumiti siya ng bahagya. “Czedric
Everisha POVPaglapag ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, ramdam ko agad ang tensyon sa paligid. Kahit nasa loob pa lang kami ng airport, alam kong bawat galaw namin ay kailangang maingat. Masyadong mataas ang panganib na makita kami ng mga tauhan ni Raegan o ng mga koneksyon niya. Hindi sa naduduwag kami, ayaw lang namin na magkaroon ng gulo sa airport.“Stay close,” bulong ni papa Everett, habang inayos niya ang kanyang sumbrero. Naka-disguise kami lahat—sumbrero, sunglasses, at mask ang suot naming apat. Si mama Misha ay nakasuot ng plain na hoodie at naka-cap, habang si Edric naman ay halos hindi na makilala sa balbas at faux glasses na suot niya.Tiningnan ko si Edric. Halata sa kanya ang pagod pero nananatili siyang alerto. Excited na talaga siyang makita ang kapatid niya. Pati tuloy ako ay nae-excite na kung anong magiging reaction kapag nagkita na sila.Paglabas namin ng airport, huminga ako nang malalim kahit natatakpan ng mask ang mukha ko.“Saan na po tayo pu
Czedric POVPagmulat ko ng mata, ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid. Ang tunog ng mga ibon sa labas ng bintana ang nagsilbing alarm clock ko, at ang malamig na hangin ng umaga ang bumati sa akin. Nasa farm pa rin ako, at tulad ng dati, tila ang kalikasan ang nagbibigay ng sigla sa akin tuwing umaga.Agad akong bumangon mula sa simpleng banig na inilatag ko kagabi. Sa pagtingin ko sa paligid, napansin kong wala na si Marco. May iniwan siyang sulat sa lamesa na agad kong binuksan.Czedric,Maaga akong umalis. Pinatawag kami ni Raegan. Kailangan kong pumunta para mangalap ng impormasyon. Bantayan mo ang sarili mo habang wala ako. Balik ako agad kapag may nakuha akong balita.—MarcoNapabuntong-hininga ako matapos basahin ang sulat. “That guy never rests,” bulong ko sa sarili ko.Bagama’t sanay na akong mag-isa, iba pa rin ang pakiramdam na wala si Marco sa paligid. Isa siya sa mga pinakakatiwalaan kong tao, at alam kong malaki ang ginagampanan niyang papel sa laban namin.Dahil w
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d