LOGINHindi nagtagal, nakatanggap na ng pormal na imbitasyon si Paloma para sa engrandeng engagement party. Inimbitahan din ni Elowen ang higit dalawampung malalaking pangalan at bilyonaryo sa industriya na nakilala niya sa nakaraang business banquet.Sa loob ng dressing room, nakatitig si Elowen sa salamin. Sobrang ganda niya sa mga oras na yun. Subalit dahil nagiging makulit na ang mga bata sa backstage at nakakaabala sa mga nag-aayos, inutusan ni Paloma si Manang Rosa na dalhin muna ang dalawang bata sa back garden ng hotel para makapaglaro.Gamit ang kanyang pagiging Kuya-kuyahan, nagyabang ang anak ni Paloma at hinila si Elara patungo sa side gate ng malawak na hardin.Ang side gate na iyon ay nakadugtong mismo sa open parking lot ng hotel, kung saan nagkukumahog ang mga valets at doormen sa pag-aasikaso sa mga dumarating na mamahaling sasakyan ng mga VIP guests.Sa isang madilim na sulok ng parking lot, nakaparada ang isang itim na kotse. Sa loob, tahimik na humihithit ng sigarilyo s
Hindi na hinintay ni Elowen ang sasabihin nito. Mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling naglakad pabalik sa ward habang hawak ang kanyang malamig na tubig.Pero laking gulat niya nang mapansin niyang sumunod si River sa loob! Pagpasok pa lang ng bilyonaryo, awtomatikong nawala ang tawanan. Ang matanda, si Inigo pati na si Loga ay sabay-sabay na natahimik at nawala ang ngiti.Pero parang walang pakialam si River. Tuloy-tuloy siyang naglakad, inilapag ang boquet at prutas sa bedside table at magalang na bumati sa matanda."Lolo, pinapunta po ako ni Lolo rito para bisitahin kayo. Nagpadala po siya ng prutas at yung bulaklak naman, napadaan po kasi ako sa flower shop kaya binilhan ko na kayo. Yung prutas po, masarap at matamis daw yan dahil galing pa iyan ng probinsya.”Maganda sana ang palusot. Kapani-paniwala para sa mga ordinaryong tao. Pero ibahin mo ang matandang Quinn na kilalang-kilala ang matandang Samaniego noon pa man. "Padadalhan ako ng prutas? Siya? HA!" Isang sarkastikong
Hindi maganda ang gising ni Elowen nitong mga nakaraang araw. Kung patuloy na magmamatigas si River at magpapakapal ng mukha, kaya niya itong sikmurain. Pero ang gawin nitong bala ang konsensya at pagpapaawa effect para piliting ibalik siya? Nakakasuka.Para maalis ang asar niya, tinawagan niya si Logan. Nag-set siya ng meeting sa paborito nilang artisan café sa QC."Plano ko nang ipa-announce 'yung kasal or at least... 'yung engagement natin. Tutal hindi naman seryosohan 'to," seryosong sabi ni Elowen habang nakasandal sa couch ng private booth nila habang nakahalukipkip. "Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang mapanatag ang loob ni Lolo. Basta makita niyang may kasama na ako at hindi na ako nagpapakatanga sa nakaraan ko, enough na 'yon. Tsaka na lang natin isipin kung paano aayusin ang sunod na mangyayari."Sa kabilang panig ng lamesa, hawak-hawak ni Logan ang isang mainit na baso ng mocha. Dahan-dahan siyang sumimsim, isang malambing na ngiti ang namumutawi sa kanyang mga labi.Na
“Ano?! Iiwan niyo 'ko rito?! Ang kapal ng mukha ng Boss ko, pagkatapos ng lahat ng pagdurusa ko sa pag-aasikaso ng piyansa niya, ipagpapalit lang pala ako sa libreng ride?!” bulong ni Mateo habang naiwan sa kalsada na nakatulala. Bago pa siya maka-reklamo, humarurot na ang SUV ni Elowen palayo, iniiwan si Mateo na parang inabandonang bata sa harap ng presinto. Inis na inis na dinukot ni Mateo ang phone niya at nag-dial ng numero.Sa kabilang banda, papunta na sana si Raymond sa presinto para sunduin ang Boss niyang si Elowen nang biglang mag-ring ang phone niya. Nang makita ang caller ID, kumunot ang noo ng binata."Bakit tumatawag na naman ang hudas na 'to?" bulong ni Raymond. Pero dahil assistant to assistant communication, sinagot niya rin ito."Hello?! Nasaan ka?! Sunduin mo nga ako rito ngayon din!" bungad agad ni Mateo mula sa kabilang linya.Nalaglag ang panga ni Raymond dahil sa inasta nito. "At bakit naman kita susunduin?! Sinuswerte ka ba?!""Makinig ka nga!" katwiran ni Ma
Sa gilid, ibinaba ni Mateo ang camera niya. "Recorded na ang buong confession. Boss, tapos na tayo rito. Dadalhin ko na 'to sa presinto."Nang marinig ang salitang presinto, pilit na inangat ni Beatrice ang duguang mukha. "Y-Yung one hundred million ko! Yung pangako niyo!"Tiningnan lang siya ni River na parang isang basurang nabubulok. Tumalikod ang bilyonaryo at naglakad palabas, ni hindi na lumingon pa sa kanya. Si Mateo naman ay napangisi na lang at kinwelyuhan pa ang dalaga patayo. "Wag kang mag-alala, ibibigay namin 'yung pera. Pagkalabas mo ng kulungan, kung buhay ka pa. Tara na sa impyerno!"Imbes na matakot, ngumiti si Beatrice na parang isang baliw. “Oh sige! Sige, at least may one hundred million pa rin ako! Mayaman pa rin ako!”—Sa loob ng tahimik at maaliwalas na opisina ng imbestigador, ramdam ang pamilyar na init at simoy ng hangin na nanggagaling sa labas. Tahimik na nakaupo si Elowen habang binabasa ang makapal na affidavit na naglalaman ng bawat salitang inamin ni
Nagsimulang magdilim ang paningin ni River. Nanginginig naman ang katawan ni River, hindi dahil sa takot na takot kung ‘di sa matinding galit sa dalaga. Gusto niyang patayin ang babaeng ito, gusto niyang pahirapan at durugin na parang isang paminta. Nang maramdaman ni Mateo na nawawala na sa sarili si River, mabilis siyang humakbang palapit. Mahigpit niyang hinawakan ang balikat ng amo tila ba pinipigilan itong sumugod."Boss, wag. Kumalma ka," madiin ngunit pabulong na banta ni Mateo. "Hayaan mo siyang isuka lahat ng kasalanan niya. Kapag pinatay mo siya ngayon, walang katapusang gulo 'to. Kailangan natin ng kumpletong ebidensya."Umigting ang panga ni River. Sapilitan niyang ibinaba ang nakakuyom niyang mga kamao, pero masama pa rin ang tingin kay Beatrice. Sa kabilang banda, tuluyan nang nawala sa katinuan ang dalaga. Ang takot sa kanyang mga mata ay napalitan ng isang baliw na kislap. Tila ba nilamon na siya ng sarili niyang mga kasinungalingan."Pero alam mo ba kung anong pinaka
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan
Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





