Ang mga dingding ng opisina ay gawa sa salamin—hindi lang literal, kundi pati damdamin. Sa bawat tingin, sulyap, at bulungan, hindi mo na kailangan ng mikropono para marinig ang panghuhusga— ang mga eksenang masakit sa mata.
At ako, araw-araw, humaharap sa salamin ng panghuhusga.
“Bart, here’s the marketing proposal you asked for.”
Boses iyon ni Kyline. Kapapasok niya lang sa opisina ni Bart. Masigla. Punong-puno ng extra effort.
Mula sa labas ng opisina, kitang-kita ko ang bawat kilos niya. Iniangat pa talaga ang mini pencil skirt habang inilalapag ang folder sa mesa ni Bart. Kumindat pa at ngumiting may malisya.
Walang imik si Bart. Saglit lang siyang tiningnan, saka kinuha ang folder—tahimik. Walang emosyon. Ewan ko lang sa ilalim ng pantalon niya.
Um-effort pa si Kyline. Gumapang ang kamay, akmang hahawakan ang kamay ni Bart, pero inilayo niya. Hindi ko alam kung ayaw talaga niya sa ginagawa ni Kyline o nagkukunwari lang siyang walang pakialam—walang nararamdaman dahil alam niyang may nanonood sa labas—ako.
Pero si Kyline? Walang pakialam. Para siyang spring sa gitna ng taglamig. She bloomed—with intention.
“Bart, kung may gusto kang ipabago, I can personally walk you through it. Over coffee, maybe?”
Bahagya siyang yumuko, hawak ang gilid ng mesa. Sinadyang ipakita ang cleavage niya. Sinabayan pa ng ngiting punong-puno ng pang-aakit.
Napasinghap ako. Tumayo ang balahibo ko sa batok sa lantaran at walang filter niyang pang-aakit ni Kyline. Ganito na nga siya kumilos kahit may ibang tao, paano kung sila lang dalawa?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang pinilit kontrolin ang sarili ko. Sa isip ko, ang dami ko nang naipong mura para sa babaing ‘yon. At para kay Bart na nakukunwaring malamig, pero sa iba nag-iinit.
Hindi ko na napigil ang mapakagat sa ibabang labi. Nakakagigil na. Biglang tumunog ang intercom. Napaigtad ako. Agad ko iyong sinagot, clearing my throat.
“Miss Lacosta, na-send ko na po sa email mo ang updated schedule sa next week's interviews. Please pa-remind po si Sir Bart,” sabi sa kabilang linya.
Pagkababa ng tawag, tumayo ako. Diretso sa opisina. Hindi ako kumatok. Sinadya ko talagang bulabugin sila.
Hindi dahil nagseselos ako—pero sobra na sila. Ang sakit nila sa mata. Walang delikadesa!
Sabay silang lumingon ni Bart at Kyline. Pero kahit nabigla, hindi umalis si Kyline sa tabi ng asawa ko. Halos idikit na nito ang dibdib niya sa balikat ni Bart.
Kung hindi pa siguro ako pumasok, baka tuluyan na silang naanod sa init na sila lang ang nakakaramdam.
“Excuse me, sir. HR sent the updated schedules for next week’s interviews.”
Umangat ang isang kilay ni Kyline. Tumayo nang maayos, hinarap ako, at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Isang sulyap na parang sinampal ako, o sinusumpa ang buong pagkatao ko.
“Istorbo,” kibot ng kanyang labi. Walang tunog ‘yon. Pero malinaw kong nababasa.
“I’ll check it later,” malamig na sagot ni Bart.
Tumango ako. Aalis na sana, pero sinadya ni Kyline na humarang.
Humalukipkip siya, tinaasan ako ng kilay. “Next time, kumatok ka. Hindi mo 'to bahay na pwede kang pumasok kung kailan mo gusto,” bulong niya. Punong-puno ng gigil.
Kinuyom ko ang kamao ko sa likod ko. Tumingin ako kay Bart, pero wala siyang reaksyon. Tahimik lang siya. Cold as ever. Parang pipi’t bulag.
Mas lalong kumulo ang dugo ko. Pero tiniim ko lang ang labi ko.
Hindi ako makikipagtalo. Hindi dahil sa duwag o takot ako. Alam ko lang na hindi ko kailangang makipagbangayan sa babaing walang alam sa totoo. At wala na rin akong balak ipaglaban ang lalaking hindi naman ako ipinaglalaban.
At saka, isa nga lang akong lihim na asawa. Wala akong karapatang dumada. Hindi ko nakakalimutan ‘yon.
Ako ang babaing piniling magmahal nang tahimik—at ngayon, tahimik ding nilalamon ng sakit. Nagpapanggap na matibay, pero nadudurog pa rin sa loob.
“Noted po, Ma’am…” magalang kong sagot at agad nang lumabas.
Saktong lunch time nang lumabas ako kaya diretso kami ni Jenny sa canteen. Tahimik kaming pumipili ng pagkain. Pero ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin.
Nagkatinginan kami ni Jenny. Parehong nagtatanong sa isipan kung anong usapan na naman ang pinagpipiyestahan. Kung anong issue na naman ang kumakalat.
“Eto na si Miss secretary na gusto palang maging babae ng boss...” tawa ng mga babaing nasa likuran namin.
Napalingon kami. Si Jenny, halatang gigil na. Namaywang agad.
“Mga buwisit ‘tong mga ‘to,” sabi niya, galit na galit.
Hinawakan ko ang kamay niya. “Hayaan mo sila.”
“Anong hayaan?” Bulong niya. Pero gigil pa rin. “Hindi tama, Anessa. Hindi ka ganyan! Hindi ka nga nila kilala…”
“Jenny, huwag na mo lang patulan, please...”
“Paanong huwag? Hahayaan mo lang ang maling paratang nila sa’yon?” Muli siyang lumingin. Pero sinita ko agad siya.
“Anessa, ni halos ayaw mo ngang lumapit kay Sir Bart, pero ikaw pa ang iniintriga nila!”
“Kumalma ka na nga. Tumahimik na lang tayo. Please.”
“Anessa, naman ‘e...” seryoso ang tingin niya. “Sigurado ako, si Kyline ang nagpakalat ng tsismis.”
“Jenny, tama na nga sabi. Lalala lang ang sitwasyon...”
Nagtawan na naman ang nasa likuran. “Tsismis? Totoo naman!” sabi pa ng isa.
“Kung hindi pa sila tumigil. May puputok na nguso rito—”
Bumuga ako ng hangin. Tiningnan ko siya nang diretso.
Bumuga naman siya ng hangin. Nadidismaya. “Talagang hahayaan mo lang silang siraan ka?”
“Jen, ang isipin mo na lang, mas nakakaawa ang mga taong ‘di marunong tumahimik. At walang alam sa totoo, pero dada ng dada.”
“Hindi nga ako katulad mo, Anessa! Ipaglaban mo naman ang sarili mo.”
“Kung pumalag ako, lalo lang akong mapag-iinitan. At alam nating kay Kyline papanig si Bart. Silang lahat.” Saglit akong lumingon sa mga babae. “Ayoko ng gulo, Jen.”
Napairap siya. “Nakakainis! Siya naman ang tunay na malandi. Pormahan nga niya, daig pa mga stripper sa club. Pero ikaw na pormal manamit, ginagawan ng intriga.”
“Wala naman kasi sa damit ‘yon!” sagot naman ng isang babae.
Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko ang tray. Sumunod naman agad si Jenny. Umupo kami sa sulok ng canteen. Pero kahit sa sulok, hindi pa rin kami ligtas. Naririnig pa rin namin sila. Ramdam pa rin namin ang talim ng tingin nila.
"Suplada raw... malandi pala!" Tawang-tawa ang nagsasalita.
"Feeling close kay Boss. Pumasok ba naman sa opisina na walang katok-katok. Nando’n pa si Ma’am Kyline. Hindi na nahiya…"
Pinisil ko ang kutsarang hawak ko. Doon ko ibinuhos ang galit na hindi ko kayang isigaw.
"Ang bibig ginagamit sa pagkain, hindi sa panghuhusga, hindi sa tsismis," bulong ni Jenny.
"Jen, kain na lang tayo nang makaalis na tayo rito."
Mabilis akong kumain. Pero kahit naubos ko ang pagkain, parang hindi ako nabusog. Sa talim ba naman kasi ng tingin sa akin ng lahat, parang nabutas ang tiyan ko… lumusot lahat ng kinain ko.
Tahimik kaming bumalik sa building ni Jenny. Sumakay kami ng elevator. Mabuti na lang at kami pa lang.
Pasara na ang pinto, pero may humabol.
Si Bart.
“Sir,” bati ni Jenny, sabay atras.
Sulyap lang ang isinukli niya. Hindi rin sumulyap sa akin.
Gano’n din ang ginawa ko. Hindi ko siya pinansin. Hindi rin tiningnan. Ayaw kong maramdaman pa ang lamig niya.
Ipinikit ko na lang ang mata ko. Isinandal ang ulo sa elevator wall. Pero ramdam kong dumarami ang sumasakay sa kada hinto. Pero nanatili ang katahimikan. Hanggang may sumagi sa noo ko—napadilat ako. Napalunok.
Halos ilang inches na lang ang layo ni Bart sa akin. Amoy ko na ang pabango niya. Pati init ng katawan niya ramdam ko na. Init na matagal ko nang gustong maramdaman... pero sa ganitong pagkakataon pa.
Napalingon ako kay Jenny. Kinakalabit niya ako. Tinuturo si Bart. Tinampal ko ng mahina ang kamay niya. Sa palitan namin ng tampal, nasagi ko ang likod ni Bart. Lumingon siya.
Saglit kaming nagkatinginan. Pero hindi ako nagsalita. Hindi rin ako nag-sorry.
Gano’n rin siya. Ako ang unang umiwas ng tingin. Pero nakita ko pang niluwagan niya ang necktie.
Si Jenny, halos hindi na gumagalaw. Pati yata hininga napigil.
Unti-unti nang lumuwag ang elevator. Hanggang kami na lang ang natira.
Pagbukas ng pinto, lumingon sa amin si Bart. Hininga ko naman ang napigil ko.
“Miss Lacosta. See me in my office.”
“Noted, sir.”
Hinawakan ni Jenny ang kamay ko. Bakas ang kaba.
Ngumiti lang ako. Tipid, pero sapat para sabihing okay lang ako. Hindi ako kakainin no’n ng buhay. Allergic ‘yon sa pangalang Anessa ‘e.
Pagpasok ko sa opisina, naka-upo na siya.
“Send a memo to the Finance Department. Bonuses will be delayed until next quarter.”
“Yes, sir,” sagot ko. Naghihintay pa ng ibang utos. Pero ilang minuto na akong naghihintay, hindi na siya muling nagsalita.
“Anything else, sir?”
Tiningnan niya ako sandali.
“Wala na. Lumabas ka na.”
Tumango ako. ‘Yun lang din ang hinihintay ko.
Lumabas ako. Diretso ang lakad.
Pagbalik sa desk, agad kong ginawa ang utos niya. Parang wala rin akong pakialam sa paligid. Parang si Bart. Pero pinupulbos pala ako sa loob.
Hanggang sa makarinig ako ng katok. Napatingala ako.
“Miss Anessa?”
Isang binatang maputi, may salamin, at may hawak na folder ang nasa harap ko. Bata pa, pero may aura na matalino, at ngiting magalang.
“Here’s the file from Sales Marketing. Sir Roldan asked me to deliver it.”
Tinanggap ko. Nagpasalamat. Tumayo na rin ako, pero nagsalita siya ulit.
“By the way, I’m Gabriel. Gabriel Nuevo. Intern po.”
Itinuro niya ang ID niya. Medyo nahihiya pa. Pero may dating.
“At your service,” sabay abot ng kamay. Ngiting-ngiti.
Napangiti rin ako. Hindi ko napigilang makipagkamay.
“Nice to meet you, Gabriel.”
Nagkatinginan kami. Magaan. Hindi romantiko. Hindi rin awkward. Parang may preskong hangin na bumalot sa aming dalawa.
Pero agad ding naputol.
Dahil bumukas ang pinto ng opisina.
Napalunok ako. Nasa bungad nang pinto si Bart.
Nakatingin sa amin, pero hindi naman nagsasalita.
Agad kong binitiwan ang kamay ni Gabriel.
Tumikhim ako, at hinarap siya.
“Sir, do you need anything?”
Hindi siya sumagot. Tumitig lang.
At sa unang pagkakataon, may nakita akong emosyon sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung selos ‘yon... o galit.
Ang alam ko lang... ngayon lang niya ako nakita—na may kausap na ibang lalaki.
Diretso ang takbo ng kotse, halos hindi ko na naririnig ang ugong ng makina. Tanging hikbi lang ni Anessa ang pumupuno sa loob. Hanggang tumunog bigla ang phone niya, pero hindi niya iyon pinansin. Hindi sinagot. Parang wala siyang naririnig—tuloy-tuloy lang sa pag-iyak, walang humpay ang pagpatak ng luha.Inabot ko ang kamay niya, pinisil ko iyon nang mahigpit. At wala lang sa kanya. Hinayaan niya ako. Para bang nasa ibang mundo siya.Sa loob ng anim na buwan na hindi ko siya kasama, hindi ko siya pinababayaan. Kapag may oras, sinusundan ko siya. Tinatanaw mula sa malayo. Tinuruan ko ang sarili kong kumain ng mga simpleng pagkain sa karinderya, sa mga kainan na lagi niyang pinupuntahan. At kung busy naman ako, walang time na sundan siya, sinisiguro kong may ibang tao na magbabantay sa kanya. Bukod do’n, ako rin ang nag-recommend kay Anessa sa kumpanya ni Dionne. Ako ang humiling na siya ang gawing personal assistant nito. Syempre para may paraan ako na makalapit muli sa kanya. At par
Hahakbang na sana ako palapit—handa nang agawin si Anessa mula kay Jyrone—pero biglang napabulalas si Dionne.“Oh my God!” Napatakip pa siya sa bibig. Gulat na gulat na malamang si Jyrone ang date ni Anessa.Oo, alam niya ang tungkol sa amin ni Anessa, pero hindi niya alam na pumapasok si Jyrone sa eksena. Nilingon niya ako, sunod si Anessa, at huli si Jyrone. Tinitigan niya ito ng matagal. Parang ang tingin niya, humihingi ng paliwanag.Pero si Jyrone? Wala man lang pakialam. Ngumiti pa siya ng matamis kay Anessa, saka tinanong, “Do you want to transfer to another place?”Napailing si Dionne. Hindi hinayaang makasagot si Anessa. “Why would you leave? Nandito na tayo. Sama-sama na tayong kumain.”Aangal pa sana si Jyrone pero hinatak na niya si Anessa, ginabayan paupo.Nagkatinginan naman kami ni Jyrone—gigil, matalim. Parang tahimik na laban ang nagaganap sa pagitan namin. Si Dionne naman, walang pakialam sa amin. Kaya umupo na lang ako sa harap niya. Nauna na kasing umupo si Jyrone s
Pagkapreno ng kotse, agad akong bumaba. Pero napabuntong-hininga nang makita ang mataas na hagdan na gusto ko nang akyatin agad. Habang iniisip kong maaaring magkasama na sina Anessa at Jyrone, sumisikip ang dibdib ko, parang namanhid ang kamay ko na kanina pa nakakuyom.“Bart! Wait for me!” boses ni Dionne mula sa likod. Rinig ko ang tunog ng takong niyang dumadagundong sa sahig ng parking area.Napapikit ako at napabuntong-hininga ng malalim. Asar akong tumigil, humarap sa kaniya, at iniabot ang kamay ko.“This is why I told you not to wear those heels,” sermon ko habang inaakay siya. “Hindi ka na naman bago rito, alam mong mataas ang hagdan sa pupuntahan natin, pero nagsuot ka pa rin ng ganyan.”Inirapan lang niya ako. Walang sagot, pero ramdam ko ang higpit ng pagkakakapit niya sa braso ko, parang sinadyang ibaon ang mga kuko sa balat ko. Napailing na lang ako. Inip na sinabayan ang mabagal niyang hakbang. Hanggang sa makarating kami sa tuktok ng canopy grill.Pareho kaming kapos
BART Pagkapasok ko sa hotel room, dumiretso agad ako sa sofa. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Masaya akong muling makita si Anessa—sa malapitan. Ang gaan sa pakiramdam na makausap siya, kahit magaspang ang trato niya sa akin, okay lang. Napahawak ako sa dibdib ko, hinaplos-haplos ko ito, pinakikiramdaman ang kabog ng puso ko. Kaya lang… napabangon ako. ‘Yong masayang kabog ng dibdib ko kanina, napalitan ng inis. Bigla kong naalala ang tawag sa kanya kanina. Hindi man niya sinabi kung sino iyon, pero sigurado akong si Jyrone ‘yon. Napabuntong-hininga ako, saka pabagsak na humiga ulit sa sofa. Pumikit ako nang mariin. Paulit-ulit kong pinilig ang ulo. Magkikita sila ngayong gabi. Sila lang dalawa. Anessa… at si Jyrone. Ang isipin pa lang ‘yon ay parang may humahapit sa dibdib ko. Nakakagalit. Nakakapanghina. Paano ko sila mapipigilan? Muli akong bumangon, nagpalakad-lakad, at saka napaupo ulit. Tinampal-tampal ang noo ko. “Anessa…” Paulit-ulit kong sinambit ang pangalan niya. Sana m
Tumunog ang phone ko sa gitna ng nakaka-ilang na titigan namin ni Bart. Para akong natauhan. Agad ko itong sinagot, hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag.“Hello?”“Anessa, it’s me.” Si Jyrone. Nag-init ang tainga ko. Napatingin ulit sa name ng caller, saka muling nilapat sa tainga ko.“Napatawag ka?” Iniiwasan kong mapatingin kay Bart.“I’ll be flying back to Manila tomorrow. Can we meet tonight before I leave?”Tumango-tango ako na para bang nakikita niya ako. “Yes. Mamaya, let’s meet.”“Good. I’ll message you the time and place.” Malumanay ang tono niya, pero bakas ang tuwa. “Take care, Anessa.”Pagkababa ng tawag, hindi sadyang mapatingin ako kay Bart. Parang nakakaubos ng hangin sa baga tingin niya. Tahimik nga siya, kilay niya salubong naman. Mata nanliliit na parang nagseselos sa kausap ko. Nilagay ko ulit sa bag ko ang phone. Tinuro naman niya ang plate ko, “finish your meal.” Umawang ang labi ko. Sasabihin sanang busog na ako pero umasim ang ekspresyon niya. Paran
Inis akong kumilos. Papasok na sana ako sa backseat nang tumikhim si Bart. Napalingon ako.“Are you making me your driver?”Napapikit ako sandali, pigil ang hininga, saka dahan-dahang isinara ang pinto at lumipat sa harap. Naninigas ang panga ko sa inis. Pinigil ko ang sarili kong ‘wag sumabog sa galit. Pagpasok ko, agad niyang pinaandar ang makina.“Where to?” tanong niya na parang walang nangyari.Grabe. Parang sinusubok niya ang pasensya ko.“Ako na lang sana ang nag-drive, Sir Bart—hindi ka sana tanong ng tanong,” sagot ko, pilit pinapakalma ang tono ko.Tiningnan niya ako nang matalim. Para akong natusta sa tingin na ’yon, kaya wala akong nagawa kundi ituro ang daan.“Straight lang.”Ngumisi pa siya bago pinaandar ang sasakyan. Ako naman, mahigpit ang hawak sa seatbelt, pilit iniiwas ang tingin habang siya naman ay sumisipol-sipol lang. Nakuyom ko na naman ang kamay; naninigas na ang mga daliri ko. Parang mauubos na rin ang hangin sa baga ko dahil sa pagpipigil.“Saan na tayo pu