LOGINDinukot ko ang aking wallet mula sa bulsa ng aking pantalon at mabilis na kinuha ang aking calling card kasabay ng sampung libong piso. Lumapit ako sa lalaking kasalukuyan pa ring namimilipit sa sakit habang hinihimas ang namumula at nag-uumpisa nang mamagang mga daliri nito.Inabot ko sa kanya ang pera at ang card. "Pumunta ka agad sa ospital... magpa-check up ka at ipa-X-ray mo 'yang kamay mo," sabi ko sa isang seryoso ngunit humihingi ng paumanhing tono. "Huwag kang mag-alala sa gagastusin. Tawagan mo lang ang numerong nariyan sa card para sa lahat ng hospital bills mo dahil ako na ang personal na sasagot sa lahat ng iyon."Nakahinga nang maluwag ang lalaki nang makita ang halaga ng pera at ang aking pagiging responsable. "Salamat po, Sir Tyler. Pasensya na rin po kay Ma'am Sophia kung nagulat siya sa akin.""Pasensya na rin sa nangyari," dagdag ko bago marahang tinapik ang kanyang balikat.Tumango ang lalaki bago mabilis na sumunod sa kanyang mga kasama na kasalukuyan nang nag-aab
Nakangiting tiningala ko ang itaas ng kisame ng bagong bahay namin ni Tyler. Kumikinang nang napakaganda ang nakasabit na kristal na chandelier doon sa tuwing natatamaan ito ng sinag ng araw mula sa malalaking bintanang salamin. Hindi ito kasinglaki katulad ng nasa mansyon ng mga Santibañez, pero pagdating sa gara at kislap ay siguradong papantay ito sa karangyaan ng chandelier doon.Narito kaming lahat ngayon sa loob ng bagong lipat naming bahay upang mag-celebrate. Mula sa disenyo ng kusina ay pamilyar na amoy ng masasarap na putahe ang humahalimuyak, abalang-abala sina Manang Loring at ang ina ni Tyler sa pagluluto ng aming welcome dinner. Habang sa labas naman ay tanaw ko sina Axel at Tyler na nagbubuhat at nag-aayos ng mga lamesa at upuan doon sa poolside dahil mas pinili naming doon maghapunan sa ilalim ng mga bituin. Maya-maya pa nga raw ay darating na rin ang Lolo ni Tyler para sumabay sa amin. Susubukan din daw humabol ni Amesyl dito pagkatapos ng taping niya sa bago niyang m
"Sophia?" untag sa akin ni Dr. Castillo nang mapansin niyang lumipas ang ilang minutong pananahimik ko habang nakatitig sa salamin.Napaangat ako ng tingin at marahang napabuntong-hininga. Naalala ko ang mahigpit na bilin ni Anya bago ako pumasok dito, kailangan ko maging totoo sa mga sagot ko."Yes, Doc. He was my ex-fiancé," diretsong sagot ko.Seryosong sumandal si Dr. Castillo sa kanyang upuan at nag-cross arms. "You filed the annulment base on psychological incapacity, at isa sa mga pinakamabigat na paratang mo laban sa asawa mo ay ang kawalan niya ng moralidad... na ibinenta ka niya para sa isang bilyong pisong proyekto. Ngunit ang lalaking nakakuha sa'yo sa gabing yun... ang lalaking bumili sa'yo ay ang mismong ex-fiancé mo. Sophia, as a psychologist advising the court, I have to ask. Paano natin masisiguro na hindi ito isang planadong bitag? Paano mo mapatutunayan na hindi ito sabwatan ninyong dalawa ni Mr. Santibañez upang magkaroon ka ng matibay na dahilan na iwan ang asawa
Kumatok si Anya sa pintuan ng clinic. Ilang sandali pa ay bumukas ito at bumungad sa amin ang isang babaeng marahil ay nasa early 40s. Nakasuot siya ng salamin, nakapusod nang mabuti ang buhok, strikta, at malamig na aura na agad na nagpabigat sa hangin.Inilahad ni Anya ang kanyang kamay sa babae. "Hi, good afternoon. I'm Attorney Anya Leviste. And this is my client, Sophia Aragon," pakilala niya sa akin.Tinanggap ng doktor ang kamay ni Anya at marahang nakipagkamay, bago ibinaling ang kanyang matatalas na mata sa akin. "I'm Doctor Loren Castillo. I've received your email and was just preparing everything for the evaluation. Come inside."Napakagat-labi ako habang humahakbang pumasok. Alam kong mahigpit na ipinagbabawal ang kabahan dahil baka makaapekto iyon sa resulta, subalit hindi ko talaga mapigilan ang panginginig ng aking mga daliri. Sinundan namin si Dr. Castillo sa loob ng klinika na may pader na gawa sa malalaking salamin, isang one-way mirror kung saan malinaw na makikita
"Nagsisinungaling siya, Tyler! Niloloko niya tayo!" palahaw ko sa tindi ng frustrasyon bago inis at marahas na pumasok sa loob ng sasakyan.Padabog kong isinarado ang pinto ng kotse. Kaaalis lang nina Police General at ng ilang kasamahan niya. Pinalabas na kami ng pamunuan ng facility dahil nagugulo na raw namin ang ibang mga pasyente roon. Where in fact, Glory was the one who caused all of it. Bigla-bigla na lang kasi itong humagulhol nang maiyak, nagtatakbo patungo sa kanyang nurse, at umakto na parang isang literal na baliw habang marahas na sinasabunutan at hawak-hawak ang kanyang ulo. Ang galing niyang umarte. Makuha niya ang simpatya ng mga doktor sa isang kurap lang."Alam ko. Naniniwala ako sa'yo," malumanay na sagot ni Tyler pagkaupo niya sa driver's seat, bago malalim na nagbuntong-hininga at hinawakan ang aking nakakuyom na kamay at ibinuka iyon. "Pero paano naman natin papatunayan yun ngayon? Nakita mo naman, lahat ng mga nurses at staff roon ay iisa ang sinasabi, na hindi
MARIELTulala akong nakaupo sa likod ng bumibiyaheng taxi habang nakatingin sa kawalan. Ang gulo ng isip ko, pakiramdam ko ay tuluyan na akong mababaliw anumang oras.I killèd my own child... my child with Rowan. Ang kaisa-isa at natitira kong alas para makuha siyang muli, nawala na dahil sa sarili kong mga kamay.Akala ko kasi talaga noon ay hindi si Rowan ang ama ng dinadala ko. Buong-buo ang paniniwala ko na kay Hugo ang sanggol, dahil bukod kay Rowan ay ilang beses din akong nagpagamit sa lalaking iyon nang walang kahit anong proteksyon.Naalala ko noong nagising ako sa ospital matapos kong iuntog ang sariling ulo sa pader. Sinubukan ko pang magmakaawa, umiyak, at ipaglaban ang relasyon namin ni Rowan. Akala ko ay maaawa siya sa akin, akala ko ay babawiin niya ang desisyon niyang iwan ako dahil kakaawaan niya ako. Pero nagkamali ako. Desidido na talaga si Rowan na talikuran ako, bumalik sa dati niyang asawa, at ayusin ang kanilang nawasak na marriage.Hindi ko matanggap ang garapa
"Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling
"Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.
"Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang
EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin







